Mayroong bakas ng kawalan ng katiyakan at pagdududa sa mukha ni Christopher. Malapit na siyang makumbinsi na tumakas ang asawa niya kasama ang pera!Walang mas magandang paliwanag bukod dito!Paano biglang maglalaho ang apat na matanda nang gano’n lang?Kahit na naglaho sila, siguradong may mga bakas na maiiwan, tama?Sa tuwing inisiip niya ito, mas lalo siyang nagiging tiyak na marahil ay pinagtaksilan siya ni Hannah! Totoo nga, sobrang yaman niya na ngayon dahil may labing-limang milyon na pera na siya.Huminga siya nang malalim at kinagat ang mga labi niya sa sakit, at sinabi, “Hindi, hindi lang ako pwedeng maghintay dito. Gusto kong puntahan si Elaine at tanungin siya sa personal!”Hinampas si Christopher ng naiinis na si Lady Wilson gamit ang kanyang tungkod at sinumpa, “Dapat kang kumuha ng sagot sa kanya at hanapin mo si Hannah! Kahit na hindi mo siya mahahnap, ibalik mo ang labing-limang milyong para sa akin! Hindi mo na kailangang bumalik kung hindi mo makukuha ang pera,
Kailanman ay hindi inaasahan ni Lady Wilson na magiging matapang at kumpiyansa sa harap niya ang duwag na si Jacob!Hindi niya mapigilang magalit at mainis!Sa mga nakaraang dekada, pinupuna niya palagi si Jacob gamit ang kanyang lakas at awtoridad, at kailanman ay hindi nakalaban o nakasagot si Jacob sa kanyang utos.Hindi man lang siya nangahas na tumutol nang pinaalis siya sa bahay ng pamilya Wilson.Pero ngayon, nangahas siyang sabihin ang mga ito sa kanya!Naging matapang at bastos na siya, hindi ba?!Hindi niya gusto ng ganitong ina?! Gaano kangahas siyang sabihin ang suwail na pangungusap na ito!Pambihira ito!Nang magagalit na siya nang sobra at maghahamon ng away sa kanila para patibayin ang dignidad niya, si Christopher, sa kabilang dako, ay tumayo nang mapagpakumbaba at sinabi, “Charlie, hindi kami pumunta dito para maghanap ng gulo ngayong araw, may kailangan kaming itanong kay Elaine, kaya pwede mo bang palabasin siya nang mabilis?”Alam ni Charlie na nandito si
Kahit na siya pa rin ang dating Christopher, hindi pa rin siya makakalaban kay Charlie.Hindi siya sigurado kung kailan at paano naging magaling at kamangha-mangha si Charlie sa martial arts na kaya niyang talunin ang mga malalaking bodyguard ng pamilya Wilson. Siguradong hindi niya kakayanin ang pambubugbog ni Charlie!Nanamlay siya at pinigilan ni Christopher ang kanyang galit at sinabi sa mahinang boses, “Jacob, nagkamali ako dahil naging bastos ako kanina. Pasensya na, pero pwede mo bang hilingin kay Elaine na pumunta dito? May importanteng bagay ako na kailangan tanungin sa kanya.”Sobrang saya ni Jacob sa ngayon. Gusto niyang yakapin at halikan ang kanyang mahal na manugang!Nainis siya nang sobra sa panghahamon ni Christopher, nang bigla siyang sinampal ni Charlie! Sobrang preskong eksena talaga nito!Nakangiti siya sa loob, pero naglabas ng walang emosyon na mukha si Jacob at sinabi, “Kuya, gusto niyo bang bumili ni Hannah ng villa, dalawang araw na ang nakalipas?”“Paano
Nanginginig sa galit si Christopher sa pasadyang panunuya ni Jacob!Totoo nga, minsan ay nakikita niya ang mga ganitong balita sa Internet. Sa totoo lang, inaamin niya na naisip niya ang ganitong eksena dati. Naisip niya na balang araw, kapag may naging sobrang yaman na niya at nakasalubong ang isang magandang dalaga na sasabihin sa kanya na ayaw na niyang magtrabaho, papadalhan lang niya siya ng address at hahayaan siyang lumapit sa kanya...Syempre, isa lang itong imahinasyon. Kailanman ay hindi siya nagkaroon ng tapang o abilidad na gawing totoo ito.Pero, nang sinabihan ng ganito ni Jacob ang asawa niya, sa ilang kadahilanan, isang malinaw at makatotohanang litrato ang lumitaw sa kanyang isipan!Sa imahinasyon na litrato, mayroong isang binata na nakasandal sa yakap ng kanyang asawa at matamis na tinatawag ang pangalan ni Hannah...Nabalisa nang sobra si Christopher, iniisip niya kung gaano karaming beses nagloko ang asawa niya. Pumadya siya nang gait at sinabi, “Jacob, huwag
Sa sandaling ito, sinabi ng masayang si Jacob, “Ah oo, mahal, bigyan mo ako ng dalawampung libo. Gusto kong magkaroon ng salu-salo bukas.”“Salu-salo?” Tinanong nang kabado ni Elaine, “Bakit mo kailangan ng dalawampung libo para sa isang salu-salo?! Inimbita mo ba ang presidente?”“Sumali ako sa Aurous Calligraphy and Painting Association, sinabi ko na sa’yo ito, tanda mo ba? Ngayon, may bakanteng executive director sa association at gusto ko itong makuha! Kaya, gusto kong imbitahin ang chairman at ang ibang direktor na maghanpunan para patibayin ang relasyon namin.”Pagkatapos, dinagdag niya na may hambog na hitsura, “Kung mahihirang ako bilang isa sa mga executive director, magiging sikat ako sa antique social group sa siyudad!”Sumigaw nang galit si Elaine, “Baliw ka ba? Bakit kailangan mo ng sampung libo para sa isang hapunan? Sa tingin mo ba talaga ay may printer tayo ng pera sa bahay? Hindi, hindi kita pinapayagan!”Sinabi nang nagmamadali ni Jacob, “Ah, mahal, gusto ko lang
Habang naghahanda si Charlie ng hapunan, si Donald at ang kanyang anak, si Sean, ay umalis na rin sa mansyon ng pamilya Moore at nagmaneho papunta sa Heaven Springs.Inimbita ni Donald ang ilang sa mga makapangyarihan at prestihiyosong tao sa Aurous Hill na dumalo sa handaang hapunan na idinaos niya sa Heaven Springs ngayong gabi. Ang una niyang layunin ay humanap ng bakas na may kinalaman sa kanyang bunsong anak, sa biglaang sakit ni Kian, at ang pangalawa niyang layunin ay gusto niyang gumawa ng kaunting pundasyon para sa pamilya Webb sa Aurous Hill.Kahit na ang pamilya Webb ang pinakamalakas na pamilya sa South Region, hindi ibig sabihin ay may sapat na kontrol at kapangyarihan sila sa buong South Region.Ang pangunahing kampo ng pamilya Webb ay nasa Sudbury, ang ibig sabihin ay may pambihirang kontrol at kapangyarihan sila sa lugar ng Sudbury. Pero, dahil sa Aurous Hill ang pangunahing kampo ng pamilya Moore, ang ibig sabihin ay mas malala sa pamilya Moore ang impluwensya at ka
Bukod dito, kahit na hinahangaan siya o interesado ang mga babae sa kanya, marahil ay hindi siya tanggapin sa pamilya ng mga babae.Nagbuntong hininga si Donald at sinabi, “Nakatanggap ako ng balita sa bahay na hindi maganda ang kondisyon ng nakababatang kapatid mo ngayon.”“Anong mali?” Tinanong nang nagmamadali ni Sean. “Mas lumala ba ang sakit niya?”“Hindi, hindi nangyari iyon.” Nagpatuloy si Donlad, “Gano’n pa rin ang sakit niya. Kailangan niya pa ring kumain ng tae kada oras. Pero, mukhang sobrang sama na ng emosyonal at mental na kondisyon ng kapatid mo. Dati, gusto niyang magpakamatay kung hindi siya makakakain ng tae kada oras. Pero ngayon, sa tuwang natatapos siyang kumain ng tae at bumabalik sa diwa niya, nararamdaman niya na gusto na niyang magpakamatay. Sinabi niya na sobrang sakit nito at wala nang saysay na patuloy siyang mabuhay nang ganito.”Nagbuntong hininga na lang si Donald pagkatapos niyang magsalita. Hindi niya talaga alam kung sino ang kinalaban ni Kian at k
“Jusko!”Hindi mapigilang sabihin ni Sean nang marinig niya ito. “Talagang gumamit si Don Albert ng kutsilyo para ukitin ang ‘mahinang ul*l’ sa noo ng anak ni Cain?! Hindi ka nagmamalabis kung sinasabi mong may malalim na poot sa pagitan nila!”“Oo.” Bahagyang ngumiti si Donald at sinabi, “Sa tingin ko ay hanggang sa panaginip na lang ni Cain at ng anak niya na mapatay nila si Don Albert!”Nang marinig niya ang sinabi ng kanyang ama, hindi maiwasang itanong ni Sean, “Pa, dahil alam mong may poot sa pagitan nina Cain at Don Albert, bakit inimbita mo pa rin si Cain sa handaan ngayong gabi?”Ngumiti ulit si Donald at sinabi, “Hindi ba’t pagkakataon ito para magamit natin si Cain? Isa lang siyang ligaw na aso na gustong kumagat pero hindi nangahas na buksan ang kanyang bibig. Ang kulang niya lang sa ngayon ay isang tao na nasa likod niya at susuportahan siya para mabuksan niya ang bibig niya nang kumpiyansa sa hinaharap.”Sa sandaling ito, sumagot si Sean, “Pa, kung gusto mong pagsama
Sinabi ni Janus, "Hindi pa. Nagmamadali kasi ako ngayon kaya hindi ko siya nasabihan. Baka kasi hindi rin ako makahanap ng oras para makadalaw sa kanya, kaya hindi ko na sinabi."Ngumiti si Charlie at sinabi, "Kung ganoon, huwag mo na siyang tawagan. Puntahan na lang natin siya para sorpresahin.""Okay!" Agad pumayag si Janus, kitang-kita ang pananabik sa mukha niya. Hindi niya napigilang sabihin kay Charlie, "Young Master, sa totoo lang, itinuring ko nang parang tunay na anak si Angus. Matagal na rin mula nang huli ko siyang makita, kaya miss na miss ko na talaga siya."Lubos na naunawaan iyon ni Charlie.Mahirap ang naging buhay ni Janus sa United States noon. Sa mga unang taon, kahit papaano ay medyo magaan ito dahil sa pag-alalay ni Jenna na naging kaagapay niya sa mga pagsubok. Pero matapos umalis si Jenna, naiwan siyang mag-isa, pinatatakbo ang roasted goose stall habang illegal immigrant pa ang katayuan niya. Talagang naging mabigat at walang pag-asa ang buhay na iyon para s
Gabi na sa Qi Temple.Sa isang liblib na meditation room na sarado para sa publiko, nakaupo ang isang magandang babae sa isang upuang gawa sa rattan habang nakatingala sa mabituing kalangitan ng taglagas. Lumapit ang isang matandang kalbong babae at inilagay ang kumot sa mga binti ng babae, sabay sinabi nang may paggalang, “Madam, nakalipad na po ang eroplano ni Young Master.”“Umalis na siya?” tanong ng magandang babae habang lumilingon sa direksyon ng airport nang marinig iyon.Nang makita niya ang ilang kumikislap na ilaw sa malayo sa kalangitan, napabuntong-hininga siya at sinabi, “Alin kaya sa mga kumikislap na ilaw na iyon ang eroplano na sinasakyan ng anak ko?”Tinanong niya ang matandang babae, “Kasama ba ni Charlie si Janus?”Ang magandang babaeng ito ay si Ashley, ang ina ni Charlie. Ang matandang babae sa tabi niya ay si Jade Sun, ang nagkunwaring madre. Matagal nang nagsisilbi si Jade kay Ashley bilang isang tagapamahala ng bahay.Sinabi ni Jade kay Ashley, “Madam, ma
Hindi naging komportable si Jacob nang makita niyang umakyat si Charlie, at mas lalo siyang nawalan ng gana mabuhay nang makita ang ngiting panalo ni Elaine.Habang umaakyat si Charlie, hindi niya maiwasan na bumuntong hininga at isipin kung kailan matatalo ng biyenan niyang lalaki ang pag-aalinlangan at kahinaan at mabuhay talaga sa gusto niyang buhay.-Pagkatapos iimpake ang lahat, umalis si Charlie nang mag-isa sa gabi balak magmaneho papunta sa airport. Nang makababa siya sa elevator sa unang palapag, nakita niya si Jacob na may hawak na sigarilyo na tumayo sa sofa at ngumiti, sinasabi, “Mahal kong manugang, aalis ka na ba ngayon?”Tumango nang bahagya si Charlie at sinabi, “Oo, Pa. Pupunta na ako sa airport ngayon.”Pinagkuskos ni Jacob ang kanyang mga kamay at magsasalita na sana nang biglang bumaba si Elaine na pilay ang lakad at malakas na sinabi, “Oh, mahal kong manugang, hayaan mong ihatid kita!”Pareho sina Elaine, na nakatanggap ng isang milyong dolyar, at si Jacob,
Biglang namula si Jacob sa sinabi ni Elaine, at nahihirapan magsalita habanag sinusubukan niyang ipagtanggol ang sarili niya, “Sino ang nagsabing humihingi ako ng pera sa mahal kong manugang? Sinabi ko ba iyon?! May iba akong dahilan kung bakit kinausap ko siya. Huwag mo akong akusahan nang walang basehan!”Sa halip na makipagtalo kay Jacob, tumingin si Elaine kay Charlie at sinabi, “Mahal kong manugang, narinig mo ang sinabi niya. Kahit ano pa ang plano niya, huwag mo siyang bigyan ng kahit isang sentimo!”Agad nagalit si Jacob at sinabi nang galit, “Elaine, bakit ka ganyan? Bakit puro pera lang ang bukambibig mo?”Mapaglarong umiling si Elaine at ngumisi habang sinabi, “Anong problema? Hindi ka naman humihingi ng pera sa mahal kong manugang, bakit ka naabala kung sinabihan ko siyang huwag kang bigyan?”Napahinto sa pagsasalita si Jacob. Sa lakas ng depensa ni Elaine, napigilan ang plano niya. Dahil sa mga sinabi ni Elaine, hindi na siya makahingi ng pera kay Charlie. Paano siya h
Nakaramdam si Jacob ng inggit at selos nang marinig niya na bibigyan ni Charlie si Elaine ng isang milyong dolyar. May kita siya sa Calligraphy and Painting Association, pero hindi iyon sapat para sa mga gastusin niya.Bilang Vice President ng association, madalas siyang mag-aliw ng mga bisita, at malaking gastos ang madalas niyang byahe gamit ang mamahaling kotse. Hindi siya kasing-walang hiya ni Elaine, at pakiramdam niya na may utang na loob siya kay Charlie dahil sa mga tagumpay at sa pagkakataon na magmaneho ng luxury car at manirahan sa Thompson First. Kaya hindi siya komportable na humingi ng pera kay Charlie.Pero nang makita niyang makakatanggap lang si Elaine ng isang milyong dolyar dahil lang sa paghingi, nainis siya. Naisip pa niyang humingi ng tulong kay Charlie, pero nang maalala niya kung paano niya ininsulto si Elaine kanina, nahiya siyang manghingi ng pera kay Charlie.Samantala, hindi nag-aksaya ng oras si Charlie at agad niyang ipinadala ang isang milyong dolyar s
Pagkalabas niya sa Champs Elys hot spring villa, agad na nagmadali si Charlie pabalik sa Thompson First. Plano niyang madalian niyang ilagay sa maleta ang kanyang mga gamit at ipagbigay-alam kina Jacob, ang biyenang lalaki niya, at kay Elaine, ang biyenang babae niya, na aalis siya ngayong gabi papunta sa ibang lungsod para suriin ang Feng Shui ng isa pang kliyente.Sanay na ang mag-asawa sa palagiang paglalakbay ni Charlie, kaya hindi sila nagulat nang marinig ang balita.Ang talagang nagpaulat kay Charlie ay biglang nagpakita si Elaine ng pag-aalala sa kanya. Sinabi niya nang may nag-aalalang ekspresyon, “Mahal kong manugang, palagi kang nasa biyahe buong araw nang walang pahinga. Paano kung mapagod ka?”Nakaramdam si Charlie ng bihirang pakiramdam ng bait dahil sa hindi inaasahang pag-aalala ng kanyang biyenang babae. Ngumiti siya at sinabi, “Ma, hindi mo kailangang mag-alala. Kahit abala ako araw-araw sa labas, hindi naman talaga ako napapagod.”Tumayo sa gilid si Jacob at ngum
Gumaan ang puso ni Charlie nang marinig ito. Sinabi niya kay Isaac, "Mr. Cameron, pansamantalang aalis si Mr. Thompson sa mga Wade. Sa panahong ito, mawawalan ng chief butler ang mga Wade. Gusto kong pansamantalang kunin mo ang posisyon ni Mr. Thompson. Umaasa akong babalik siya, at kung sakali, maibabalik mo sa kanya ang pwesto bilang kanyang deputy. Kung hindi siya babalik, ikaw na ang magpapatuloy sa posisyon."Nagulat si Isaac at agad na nagsabi, "Young Master, ang trabaho ko ay palaging limitado lang sa probinsyang ito, at kakasimula ko pa lang maintindihan ang mga gawain ko. Ngayon, pinapalit mo ako kay Mr. Thompson. Paano... Paano ako magiging karapat-dapat doon?!"Tinanong ni Charlie, "Hindi ba't unti-unting umangat si Mr. Thompson?"Hirap na sinabi ni Isaac, "Ah, inabot ng sampu hanggang dalawampung taon bago umabot sa posisyong iyon si Mr. Thompson. Mas mahina ang kakayahan ko kaysa sa kanya, at baka hindi ko makumbinsi ang iba sa aking mga kwalipikasyon."Iwinasiwas ni C
Sa hapon, si Keith, kasama ang panganay niyang anak na si Christian, at pangalawang anak na si Kaeden, ay palihim na pumunta sa Eastcliff kasama si Emmett.Sa halip na agad na umuwi sa kanyang tahanan sa Thompson First, pumunta muna si Charlie sa katabing villa, tinawag si Caden na nagtuturo ng martial arts doon, at sinabihan siya na ipaalam kina Isaac at Albert na makipagkita sa kanya.Noong una, medyo nag-alala pa si Charlie na baka bigla na lang mawala si Isaac nang walang dahilan. Bilang tagapagsalita ng Wades sa Aurous Hill at direktang tauhan ni Stephen, posible na may naglagay talaga kay Isaac sa posisyong ito.Buti na lang nandoon pa rin si Isaac sa Champs Elys Resort.Nang makita ni Charlie si Isaac, medyo gumaan ang kanyang pakiramdam. Sa totoo lang, nakakalungkot para sa kanya na may iba palang pinaglilingkuran si Stephen. Sa isang banda, si Stephen ang pinakatapat na tauhan ng kanyang ama, at kahit hindi niya maasahan ang lubos na katapatan ni Stephen sa mga Wade, nakak
Napabuntong-hininga si Charlie at sinabi, “Wala akong nakitang kongkretong bakas, at napilitan akong bumalik nang nasa kalahati na ako ng daan.”Nagulat na nagtanong si Keith, “Napilitan? Sino ang pumilit sayo na bumalik?”Sumagot si Charlie, “Lolo, mahaba ang kwento. Pumasok muna tayo at dahan-dahan natin itong pag-usapan.”Agad na pumayag si Keith. “Sige, pumasok na tayo at mag-usap.”Pumasok sina Charlie at ang mga miyembro ng pamilya Acker sa villa at nagkumpulan sa dining room. Dahil walang ibang tao, tapat na isinalaysay ni Charlie ang kanyang paglalakbay sa Mount Tason at ibinunyag ang kalagayan ni Stephen.Nang marinig na pinabalik si Charlie ng isang pekeng madre mula sa Quiant Monastery, lubos na nagulat ang lahat. Hindi sila makpaniwala na may taong may alam ng kanyang mga hakbang at naghintay sa kanya habang paakyat siya sa Mount Tason. Lalo silang nabigla nang malamang si Stephen, ang tahimik na nagbantay kay Charlie sa halos dalawampung taon, ay may iba palang pinagl