Pagkatapos mabali nang sunod-sunod ang apat na daliri ni Hudson, halos himatayin na siya sa sakit na naramdaman niya.Gayunpaman, natuwa siya nang sobra nang makita niya na hahampasin na ng machete ng mga tauhan niya si Charlie!Nangahas siyang baliin ang mga daliri niya! Sasabihin niya sa mga kasama niya na putulin ang lahat ng daliri ni Charlie kung gano’n!Walang pakialam si Charlie sa mga sigang ito.Nang hihiwain na nila si Charlie, isang galit na boses ang narinig sa pinto. “P*ta! Tigilan niyo ang kung ano man ang gagawin niyo ngayon din! Kung may mangangahas na hawakan si Mr. Wade, tatagain ko kayo agad dito hanggang sa mamatay kayo!”Tumingala ang isang dosenang siga at natakot sila nang sobra sa punto na muntik na nilang maihian ang mga pantalon nila!Si Don Albert!Si Don Albert pala ito, ang mobster boss ng Aurous Hill!Bakit nandito siya?Sa sandaling ito, dinala dito ni Albert ang ilan sa pinakamalakas na tauhan niya ngayon. Bukod dito, ang mga kasamahan niya ay m
Nanginginig na sa takot si Hudson sa sandaling ito at sinabi niya nang mabilis kay Charlie, “Mr. Wade, nagkamali ako! Naloko ako ng pangalawang tita ko. Siya ang nag-utos sa akin na gawin ito. Siya ang gumawa ng patibong para sa biyenan mong babae. Talagang naloko niya ako at ginamit niya ako…”Sa sandaling ito, sinampal nang malakas ni Charlie si Hudson sa mukha bago niya sinabi nang malamig, “Kung mangangahas ka pang magsalita bago matapos ang labindalawang singsing, ipapatadtad kita kay Albert sa isang daang piraso!”Natakot si Hudson sa mabangis na tingin ni Charlie at tinikom niya agad ang kanyang bibig.Tumingin si Charlie sa limang baling daliri sa kanang kamay ni Hudson at sinabi, “Malapit nang matapos ang kanang kamay mo. Tara, handa ka na ba?”Pagkatapos niyang magsalita, sinunggaban ni Charlie ang pulso ni Hudson bago niya ito binaliktad gamit ang malakas na puwersa!Click!Tuluyang nabali ang kanang pulso ni Hudson.Nanlambot ang mga binti ni Hudson at bumagsak siya
Nag-panic si Hudson sa sandaling narinig niya ang mga sinabi ni Charlie. Pagkatapos, agad niyang tinuro si Linda at sinabi, “Mr. Wade, siya ang pangalawang tita ko. Tinawagan niya ako kagabi at sinabi niya sa akin na gagawa siya ng patibong sa isang babae para madaya niya ang pera niya. Pinapunta niya ako dito para takutin ang matandang babae kapag dumating ang oras. Iyon ang dahilan kung bakit ako pumayag sa hiling niya…”Pagkatapos, nagsalita ulit nang nagmamadali si Hudson, “Mr. Wade, talagang ginamit ako at pinagsamantalahan!”Natakot si Linda nang makita niyang lumingon si Charlie upang tumingin sa kanya.Tinuro ni Charlie ang kanyang daliri kay Linda bago niya siya pinalapit sa kanya. “Ikaw, lumapit ka dito.”Hindi nangahas si Linda na suwayin ang mga sinabi ni Charlie at nagmamadali siyang pumunta sa kanya at sinabi sa nanginginig na boses, “Mr. Wade, ang lahat ng ito ay hindi pagkakaintindihan! Kung alam ko lang na biyenan na babae mo si Elaine, hinding-hindi ako mangangaha
“Ito… ito…” Pinagpapawisan na nang sobra si Linda sa sandaling ito.Sa mga taong iyon, marami siyang ginawang masama. Hindi niya alam kung gaano karaming buhay ang sinira niya.Ang pagsusugal ay isang kadiliman na kayang lamunin ang lahat. Ang ibang tao ay nahuhulog sa dilim nang mag-isa, habang ang iba ay nahuhulog kasama ang pamilya nila.Gayunpaman, walang pakialam si Linda sa buhay o kamatayan ng mga biktima niya. Naramdaman niya na ito ang paraan niya para kumita. Paano siya mananalo kung hindi matatalo ang iba?Kaya, kailanman ay hindi siya nakonsensya sa mga taong ito.Nakikita ni Charlie ang laman ng puso ng mga ganitong tao.Ang mga ganitong tao ang pinakamalupit at pinaka walang awang bampira sa mundong ito.Nabubuhay siya sa pamamagitan ng pagsipsip ng dugo ng ibang tao at wala siyang pakialam kung mamamatay ang iba dahil inubos niya ang dugo nila.Syempre ay walang awa si Charlie sa mga ganitong tao.Tumingin siya kay Linda na may mapaglarong ekspresyon sa kanyang
Talagang nagunaw ang mundo ni Linda.Hindi niya inaasahan na si Charlie, na may hindi mapanakit at inosenteng hitsura, ay magiging malupit at walang awa!Binali niya ang lahat ng daliri niya sa kamay at sinabi sa kanya na makipaglaro ng bato-bato-pick sa kanya. Papel lamang magagawa niyang hugis gamit ang mga baling daliri niya, kaya ang ibig sabihin ay palagi lang siyang matatalo sa laro!Sumulyap nang blanko si Charlie sa kanya at sinabi. “Okay, magsimula na tayo.”Ginalaw niya ang kanyang kamay habang sinabi, “Bato, bato, pick!”Sa sandaling lumabas ang boses niya, agad siyang gumawa ng gunting sa kanyang kamay.Hindi makontrol ni Linda ang mga daliri niya. Tumingin siya kay Charlie gamit ang mga malungkot na mata niya.Bahagyang ngumiti si Charlie at sinabi, “Okay, talo ang papel sa gunting, panalo ako. May sampung milyon kang utang sa akin.”“Tara, laruin natin ang pangalawang round.”“Bato, bato, pick!”“Ah, nanalo ulit ako! Dalawampung milyon na ang utang mo sa akin.”
Natakot si Linda sa sinabi ni Charlie. Umiyak siya at sinabi, “Master Wade, patawarin mo sana ako, patawarin mo ako! Ibibigay ko sa’yo ang lahat ng pera ko! Medyo marami ang kinita ko noong nasa Macau ako at may kabuuang dalawampung milyon sa mga kamay ko. Pwede kong ibigay ang lahat ng pera na iyon sa iyo, pagbigyan mo sana ang mga anak ko!”Nilabas niya ang kanyang cellphone, binuksan ang mobile banking app, at ipinakita kay Charlie ang balance ng kanyang account.Totoo nga, mayroong mahigit dalawampu’t isang milyon sa kanyang personal na account.Sinabi nang payak ni Charlie, “Ipadala mo ang pera sa official donation account ng Hope Foundation!”Nilabas ni Charllie ang kanyang cellphone, hinanap ang oficial account, ipinakita ito kay Linda, at sinabi nang malamig, “Ipadala mo na ito ngayon din.”“Master Wade, pakakawalan mo ba ako pagkatapos kong ibigay ang pera?”“Oh? Gusto mo nang makipagtawaran ngayon?”Nagulantang si Linda. Hinawakan niya ang kanyang cellphone, nilagay an
Habang umiiyak nang mapait si Linda, inutusan ni Charlie ang tauhan ni Albert na dalhin si Hannah sa kanya.Nanginginig sa takot si Hannah. Tumingin siya kay Charlie at nagmakaawa, “Charlie, ako ang tita mo. Parte ka ng pamilya namin. Para… para sa kapakanan ng pamilya Wilson, pwede mo ba akong pagbigyan, please?”Humagikgik si Charlie na tila ba nakarinig siya ng nakakatawang biro. “Tigilan mo na ang kalokohan mo. Sabihin mo, gaano karaming pera ang mayroon ka ngayon?”Tumigil nang kaunti ang tibok ng puso ni Hannah. Sinabi niya nang balisa, “Wala akong pera… Talaga, wala akong pera!”“Bibigyan kita ng pagkakataon na umamin. Papayuhan kita na tanggapin mo ito o magiging katulad ka ni Linda.”Nanginig sa takot si Hannah. Naging maingat siya sa kalagitnaan ng takot niya at sinabi, “Ma… May limang milyon ako, iyon lang ang lahat ng pera ng pamilya ko…”Sadyang tumango si Charlie. “Okay, buksan mo ang mobile banking app mo ngayon at ipakita mo sa akin ang balance.”“Wa… wala akong
“Huh?!” Tumili sa panic si Hannah, “Pero dinonate ko ang labing-limang milyon tulad ng sinabi mo…”“Ano naman?” Sinabi nang malamig ni Charlie. “Ikaw ang utak ng scam ngayong araw, sa tingin mo ba ay patas sa akin kung si Linda lang ang paparusahan ko?”“Oo!” Sumigaw nang galit si Linda, “Siya ang totoong salarin!”Tumingin si Charlie kay Hannah at ngumisi, “Kita mo, kahit ang kasabwat mo ay sinasabi na ikaw ang salarin. Kailangan mong pumunta sa minahan ng uling kasama ang kumare mo dito at tumulong sa Hope Foundation.”Pagkatapos, tinuro niya ang babaeng nagngangalang Gianna at inutos, “At ikaw rin, kayong tatlo, maghanda na kayong magtrabaho sa minahan ng uling at tubusin ang sarili niyo.”Umiyak nang malakas si Gianna. Iwinasiwas niya ang kanyang ulo at ang mga kamay niya, inuntog ang ulo niya sa sahig para magmakaawa, at umiyak, “Hindi, huwag sana! Inosente ako! Dinala ako dito ni Linda para samahan silang maglaro ng mahjong, iyon lang! Wala akong alam sa plano nila, wala ako
Mabilis na pinindot ni Ruby ang answer button at sinabi nang magalang, “Hello, British Lord!”Nagsalita ang British Lord sa medyo marahan na tono sa kabilang dulo ng linya at sinabi, “Ruby, nasaan ka ngayon?”Kumunot ang noo ni Ruby. Alam niya na kapag dala-dala niya ang cellphone ng British Lord, kaya niya siyang tawagan sa kahit anong oras, dalawampu’t apat na oras, at siguradong alam niya ang lokasyon niya. Pero, kahit na alam niya ang lokasyon niya, dumaan pa rin ang British Lord sa pormalidad na magsimula ng isang kaswal na pag-uusap sa kanya. Mukhang gusto niyang mapalapit sa kanya.Nang maisip ito, sinabi nang magalang ni Ruby, “Sa ngayon ay nasa Far East pa rin ako.”Humuni ang British Lord bilang sagot at tinanong siya, “Nakahanap ka ba ng kahit anong bakas sa Far East na kaugnay kay Vera?”Mabilis na sumagot si Ruby, “British Lord, hindi sapat ang kakayahan ko at hindi pa ako nakakahanap ng kahit anong impormasyon na kaugnay kay Vera.”Ngumiti ang British Lord at sinabi
Alam ni Mr. Chardon na hindi na niya pwede pang suwayin ang mga utos nang walang angkop na dahilan dahil sinuway na niya ang mga utos dati at inantala ang pagpunta niya sa Aurous Hill.Ang ibig sabihin ng hindi pagsuway sa utos ay kailangan niyang pumunta agad sa Willow Manor at patayin ang mga miyembro ng pamilya Acker na natutulog, kasama na ang lahat ng pumoprotekta sa kanila. Siguradong magugulat ang buong mundo sa isang napakalaking operasyon.Madaling mahulaan na bilang lugar ng pangyayari, siguradong magkakaroon ng martial law ang Aurous Hill. Kung mangyayari iyon, paano niya masusundan ang mga bakas ni Zachary at ng boss niya?Kaya, ang pinakamagandang paraan para antalain ang operasyon ay kusang sabihin ang tungkol sa mahiwagang instrumento. Dahil, hindi lang mahalaga sa kanya ang mahiwagang instrumento, ngunit mahalaga rin ito sa British Lord.Naisip ni Mr. Chardon na itago ang Thunder Order na kayang magtawag ng kidlat, nilabas ang jade ring, at ginamit ito para hikayati
Sa kalagitnaan ng pag-iisip, bigla siyang nakatanggap ng online call mula sa British Lord. Nagbago sa sorpresa ang ekspresyon niya, at mabilis niyang sinagot ang tawag, sinabi nang magalang, “Hello, British Lord.”Sa kabilang dulo ng tawag, tinanong nang mahigpit ng malamig na boses, “Mr. Chardon, kailan ka dumating sa Aurous Hill?”Sumagot nang nagmamadali si Mr. Chardon, “British Lord, dumating ako sa Aurous Hill kaninang umaga.”Nagpatuloy ang British Lord, “Gabi na siguro diyan. Mahigit labinlimang oras ka na nasa Aurous Hill, kaya bakit hindi mo pa pinapatay ang mga Acker?”Tumibok nang malakas ang puso ni Mr. Chardon, at sinabi niya, “British Lord, kadarating ko lang sa Aurous Hill ngayong araw at hindi pa ako pamilyar sa kapaligiran…”Idiniin ng British Lord, “Hindi ba’t sinabi ko na sayo na nakatira sa villa ng Willow Manor ang mga Acker? Kailangan mo lang pumunta sa Willow Manor ng gabi at patayin silang lahat para maiwasan ang kahit anong problema sa hinaharap. Simpleng
Hindi katagalan, huminto ang Rolls-Royce na minamaneho ni Madam Marilyn sa loob ng courtyard ng Scarlet Pinnacle Manor.Si Vera na ang nagbukas ng pinto nang hindi hinihintay si Madam Marilyn, lumabas sa kotse, at naglakad papunta sa top-floor na courtyard niya. Nang hindi lumilingon, sinabi niya, “Madam Marilyn, simula ngayong araw, hindi ako aalis sa bahay. Ilagay mo lang ang tatlong pagkain ko sa labas ng pinto ng courtyard, kumatok, at maaari ka nang umalis.”Nasorpresa si Madam Marilyn. Naintindihan niya na ayaw sumali ni Vera sa orientation, pero hindi niya maintindihan kung bakit gustong manatili ni Vera sa loob nang hindi umaalis sa bahay.Bilang isang kasambahay, alam niya na mas mabuting huwag magtanong ng mga hindi kailangan na tanong, kaya sinabi niya nang walang pag-aatubili, “Okay, Miss Lavor, naiintindihan ko! May mga espesyal na hiling ka ba para sa mga pagkain mo?”Sumagot nang kaswal si Vera, “Ayos lang ang kahit ano. Ikaw na ang bahala dito.”Pagkatapos itong sa
Natatakot siya na konektado kay Charlie ang kulog kanina lang, kaya patuloy niyang binulong, “Sagutin mo nang mabilis ang tawag… Sagutin mo nang mabilis ang tawag…”Makalipas ang ilang sandali, kumonekta ang tawag, at narinig ang boses ni Charlie, “Veron, may kailangan ka ba?”Nang marinig ang boses ni Charlie, agad huminga nang maluwag si Vera at sinabi nang nagmamadali, “Charlie, nagpapasalamat ako para sa nangyari dati, kaya gusto kitang tanungin kung kailan ka libre. Gusto kitang imbitahin na kumain.”Humagikgik si Charlie, “Pag-usapan natin ito pagkatapos ng orientation mo. Sa ngayon, manatili ka lang sa school at huwag kang pumunta kahit saan.”Habang nagsasalita siya, may naalala si Charlie at tinanong siya, “Siya nga pala, nasa kalagitnaan ka pa rin dapat ng orientation mo, tama? Paano ka nagkaroon ng oras na tawagan ako?”Sadyang nagsinungaling si Vera, “Biglang kumulog kanina lang, at para bang uulan. Kaya, sinabihan kami ng instructor na magpahinga at suriin ang panahon
Samantala, sa Aurous University, libo-libong freshman mula sa iba’t ibang departamento ang nahati sa iba’t ibang pormasyon sa field para sa 14-day orientation.Ngayong araw pa lang ang simula, at maraming freshmen ang hindi sanay sa mahigpit na quasi-military orientation. Mahirap na nga tiisin ang sobrang init na araw, at dahil sa mahabang manggas na camouflage uniform at tuloy-tuloy na paglalakad, parang pinahihirapan nang sobra ang mga freshmen.Isang nakabibinging tunog ang biglang narinig sa timog-kanluran, nagulat ang lahat ng estudyante. Palihim na nagsasaya ang mga estudyante habang nakatingin sa mga madilim na ulap sa timog-kanluran, umaasa sila na biglang uulan.Karamihan ng mga estudyante ay inisip na kung biglang uulan, marahil ay masusupende ang orientation. Kung gano’n, sa wakas ay makakahinga na nang maluwag ang lahat. Kahit na hindi masuspende ang orientation, mas komportable na magsanay sa ulan kaysa tiisin ang mainit na araw.Kaya, halos lahat ng estudyante ay sa
Hindi lang dinurog ng kidlat ng Thunder Order ang malaking bato, ngunit gumawa rin ito ng isang malaking hukay sa lupa sa ilalim nito. Nanabik nang sobra si Mr. Chardon sa nakakatakot na lakas nito sa punto na halos napasigaw siya sa langit.Hindi siya makapaniwala na ang Thunderstrike wood ay isa palang mahiwagang instrumento na kayang magtawag ng kidlat. Bukod dito, ang lakas ng kidlat na ito ay maikukumpara sa isang heavy artillery shell, na lampas sa kahoy na ispada na binigay sa kanya ng British Lord.Habang puno ng sabik, tumayo si Mr. Chardon sa tabi ng malaking hukay, nakatingin sa buong Thunder Order, at binulong sa sarili niya, “Nakakatakot talaga ang lakas ng kidlat na ito! Gamit ito, kahit na may nakatagpo akong kalaban na mas malakas sa akin, kaya kong lumaban. Mukhang sobrang swerte ko sa pagpunta ko sa Aurous Hill ngayon!”Nang maisip ito, bumuntong hininga si Mr. Chardon, “Pero, malaki ang ginagamit na Reiki ng bagay na ito. Para lang mapagana ito ng isang beses, nau
Habang papunta si Mr. Chardon sa Mount Phoenix, nakatanggap si Charlie ng isang text message mula kay Zachary. Sa mensahe, isang pangungusap lang ang sinulat ni Zachary: ‘Bagong store ang magbubukas sa susunod na buwan.’Nang makita ito, sumagot agad si Charlie ng isang thumbs-up na emoji.Ito ang code na pinagkasunduan nila. ‘Bagong store na magbubukas’ ay isang balbal sa tomb raiding industry na ang ibig sabihin ay may bagong libingan na huhukayin. Ayon sa kasunduan nila, kapag nabenta ang Thunder Order, ipapadala ni Zachary ang code na ito kay Charlie.Ang dahilan sa paggamit ng ganitong code ay bilang isang pag-iingat. Kung makikita ito ng may masamang hangarin, iisipin nila na dalawang tomb robber lang ito na nagpaplano ng bagong operasyon, hindi ito konektado sa ibang bagay.Nang matanggap ang mensahe, alam ni Charlie na nabenta na ang Thunder Oder, kaya tinawagan niya agad si Isaac. Makalipas ang sampung minuto, nagpadala si Isaac ng ilang video clip kay Charlie.Ang mga vi
Nang makita ni Zachary na sobrang ingat ni Mr. Chardon, alam niya na hindi ito mapipilit at hindi dapat ito madaliin. Kaya, tinapik niya ang kanyang dibdib at sinabi, “Okay, Sir, pwede kang pumunta ulit bukas ng umaga at tumingin.”Lumapit si Mr. Chardon at sadyang hininaan ang boses niya, sinasabi, “Boss, paano kung ganito? Babayaran kita ng 200 thousand US dollars nang maaga. Kung may kahit anong bago, itabi mo muna ito para sa akin sa halip na i-display ito para hindi ito makuha ng iba. Mas mabuti kung magugustuhan ko ito pagkatapos ko itong makita, kung hindi, pwede mo na itong ibenta sa iba. Ano sa tingin mo?”Nag-isip saglit si Zachary, pagkatapos ay tumingin at sinabi, “Okay, hindi na ako mag-aalangan dahil direkta ka. Gagawin natin ang sinabi mo.”Tuwang-tuwa si Mr. Chardon. Nilabas niya ulit ang kanyang cellphone at nagpadala pa ng 200 thousand US dollars sa bank account ni Zachary.Gumastos ng 1.5 million US dollars si Mr. Chardon, pero hindi siya nabalisa. Sa kabaliktara