Mabilis na inayos ni Liam ang mga bagay-bagay para sa kanilang tatlo.Nilagay sina Leni at Shermaine sa adult ward, habang si Jimmy ay nilagay sa children’s ward. Si James, na ginabayan ng staff, ay nakumpleto na rin ang mga proseso ng pagpapa-ospital para sa kanyang anak, at pakiramdam niya na nananaginip siya sa buong oras.Akala niya na nawalan na ng pagkakataon ang anak niya na sumali sa clinical trial ng Apothecary Pharmaceutical. Kanina lang, kausap niya ang kanyang asawa kung ibabalik ba nila ang kanilang anak sa United States para alagaan siya hanggang sa dulo.Sa hindi inaasahan, nagbago nang sobra ang lahat sa isang iglap.Dahil may ilang kaalaman na siya sa Apothecary Restoration Pill, ang naisip na lang ni Jameson sa sandaling ito ay maliligtas na talaga ang buhay ng anak niya.Hindi niya maiwasan na isipin kung sino ang nasa likod ng biglaang pagbabago na ito. Si Mr. Lavor ba ito, na nagkataon na nakilala ni Leni? May ganito kalaking impluwensya ba talaga siya?Haban
Pagkasabi nito, dinugtungan ng doktor, “Kinuha na namin ang blood sample bago uminom ng gamot ang anak mo. Dadalhin na namin siya sa radiology department para bigyan ng contrast agent, tapos magsisimula na tayo sa full-body PET-CT scan. Pagkatapos ng CT scan, agad naming ibibigay sa kanya ang dalawang Apothecary Restoration Pills.”Nagulat si Jameson at nagtanong, “Dalawang pills agad?”Tumango ang doktor. “Oo. Dahil sa kritikal na kondisyon ni Jimmy, plano naming bigyan siya ng five-day rapid consolidation period. Sa loob ng limang araw na ito, bibigyan namin siya ng dalawang Apothecary Restoration Pills araw-araw para mapabilis ang paggaling niya. Pagkalipas ng limang araw, papasok tayo sa stabilization period, at isang pill na lang ang ibibigay natin sa kanya araw-araw hanggang sa ma-discharge siya.”Bumuntong hininga nang maluwag si Jameson. Ang pag-inom ng dalawang Apothecary Restoration Pills araw-araw sa loob ng limang araw ay siguradong malaking tulong para sa kanyang anak.
Lubos na nagulat si Jameson nang malaman niyang hindi lang pala si Charlie ang boss ng Apothecary Pharmaceutical kundi siya rin ang taong nagbigay ng pagkakataong maligtas ang kanyang anak sa panahong pinaka nangangailangan sila ng tulong.Nagsisi siya sa kamangmangan niya dati, at sa sandaling ito, nakaramdam siya ng matinding pasasalamat para kay Charlie.Ngumiti si Liam at sinabi, “Mr. Smith, wala kang dapat ipag-alala. Sinabi sa akin ni Mr. Wade na wala siya sa siyudad ngayon, kaya sa mga susunod na araw, mas mabuting ituon mo ang pansin mo sa pagsama sa paggamot ng anak mo. Kapag medyo bumuti na ang kalagayan ng anak mo at bumalik na si Mr. Wade sa Aurous Hill, siya na mismo ang mag-aayos ng inyong pagkikita.”Taos-pusong nagpasalamat si Jameson, “Kung ganoon, pakisabi kay Mr. Wade ang aming taos-pusong pasasalamat. Sobrang nagpapasalamat ang buong pamilya ko sa kabutihang-loob at pagiging mapagbigay niya!”Tumango si Liam habang pinagmamasdan ang kasalukuyang estado ni Jameso
Magarang ilaw at palamuti ang nagpaliwanag sa mamahaling mansyon ng pamilya Wilson.Sapagkat ngayong gabi ay ipinagdiriwang ang ika-70 kaarawan ni Lady Wilson, ang pinuno ng pamilya Wilson.Ang kanyang mga apo at mga asawa nito ay lumapit sa kanya upang ibigay ang kanilang mga mamahaling regalo.“Lola, narinig ko na gusto niyo raw po ng Chinese tea. Kung saan-saan po ako naghanap upang mabili itong isang daang taong gulang na Pu’er tea na may presyong kalahating milyong dolyar upang iregalo sa inyo.” “Lola, isa ka matapat na Buddhist. Itong estatwa ni Buddha ay inukit mula sa tunay na Hetian jade, ito ay nagkakahalaga ng $700,000…”Habang nakatingin sa mga regalong nakabalot nang maayos sa kanyang harapan, si Lady Wilson ay masayang tumawa. Ang paligid ay nabalot ng kasiyahan at kapayapaan.Matapos ang ilang saglit ay biglang dumating ang pinakamatandang manugang ni Lady Wilson na si Charlie Wade at nagsabing, “Lola, maaari mo ba akong pahiramin ng ilang milyong dolyar? Si Mrs.
Sampung bilyong dolyar?! Nagulat si Charlie. Dilat ang kanyang mga mata at ang kanyang bibig ay nakanganga. Alam niya na napakayaman ng kanyang lolo, ngunit dati, masyado pa siyang bata upang maunawaan ang konsepto ng pera. Alam niya lang na ang pamilya Wade ay isa sa pinakamayamang pamilya sa Eastcliff, maging sa bansa, pero hindi siya sigurado sa kanilang buong kayamanan. Ngayon, nalaman na niya. Kung ang sampung bilyong dolyar ay maliit na pera lang, ang ibig sabihin ay mas malaki pa sa isang trilyong dolyar ang buong kayamanan ng pamilya Wade! Sa totoo lang, sa sandalling ito, siya ay naantig at bumigay nang kaunti. Gayunpaman, nang maisip niya ang namatay niyang mga magulang at kung paano naging parte ng dahilan ang kanyang lolo sa kanilang pagkamatay, alam niya na hindi niya siya mapapatawad nang madali. Nang maramdaman ang kanyang pagkabigo, sinabi nang mabilis ni Stephen, “Young Master, ikaw ay isang miyembro ng pamilya Wade, kaya sayo ang pera. Bukod dito, kung ii
Kinabukasan, pagkatapos maghain ng almusal, sumakay si Charlie sa kanyang iskuter papunta sa opisina ng Emgrand Group.Ipinarada niya ang kanyang iskuter sa gilid ng paradahan ng Emgrand. Sa sandaling pinatay niya ang kanyang iskuter, isang itim na Bently ang mabagal na pumarada sa harap ng kanyang lugar.Tumingala siya nang hindi sinasadya at nakita ang magnobyo na papalabas ng kotse.Ang lalaki ay may suot na may tatak na amerikana, gwapo, at matalino sa paningin. Samantala, ang babae ay mabulaklak ang suot. Kahit na matingkad, matatawag siyang maganda.Ang babae ay si Wendy Wilson, ang pinsan ni Claire, at ang lalaki ay ang kanyang nobyo, si Gerald White.Hindi alam ni Charlie kung bakit sila nandito, pero alam niya na ang pinakamabisang paraan upang makalayo sa gulo ay lumayo sa kanila.Gayunpaman, kapag mas sabik siyang magtago sa kanila, mas malaki ang tyansa na makita siya nila.Napansin siya ni Wendy sa sulok ng kanyang mga mata. Sinigaw niya nang malakas, “Hoy, Char
Ito rin ang unang pagkakataon na nakita ni Charlie si Doris.Inaamin niya na si Doris ay isang napakaganda at nakakaakit na babae!Siya ay humigit-kumulang dalawampu’t pito o walong gulang na may payat ngunit malaman na katawan, nakakaakit na itsura, at mayroong napaka-mature at marangal na pag-uugali.Habang nakaupo sa harap ng mesa ni Doris, nagsimula si Charlie, “Hindi ako madalas pupunta sa opisina, kaya gusto kong alagaan mo ang kumpanya para sakin. At saka, pakitago ang aking tunay na pagkakakilanlan sa publiko.”Alam ni Doris na si Mr. Wade, na nakaupo sa harap niya, ay nagmula sa pambihirang pamilya Wade. Para sa isang kilalang pamilya tulad ng sa kanila, ang Emgrand Group ay isa lamang pangkaraniwang negosyo, kaya normal lang sa kanya na hindi ito pamahalaan. Kaya naman ay mabilis niyang sinabi, “Sige po. Mr. Wade, sabihan mo lang ako kung may kailangan ka, at tutulungan po kita.”Sa sandaling ito, isang sekretarya ang kumatok sa pinto at sinabi, “Miss Young, isang lalaki
Ang dalawang anunsyong inilabas ng Emgrand Group ay yumanig sa buong Aurous Hill na parang isang malakas na lindol.Nang malaman ng pamilya Wilson ang pagbabago sa mga posisyon sa loob ng Emgrand Group, nasagot ang kanilang katanungan kung bakit nahinto ang kanilang pakikipagtrabaho sa pamilya White. Mukhang ang bagong may-ari ng Emgrand ay hindi iniisip ang pamilya White.Balik tayo sa punto, sino si Mr. Wade? Binili niya ang Emgrand Group na nagkakahalaga ng ilang daang bilyong dolyar nang ganun-ganun na lang—napakamakapangayarihang tao niya, hindi ba? Kahit ang pinakamayamang tao sa Aurous Hill ay hindi kayang gawin ‘yon.Sa isang iglap, maraming mayayamang pamilya ay desididong gumawa ng aksyon. Gusto nila magkaroon ng maganda koneksyon sa misteryosong si Mr. Wade habang sa kabila ng kanilang mga isipan ay ninanais nilang ipakasal ang kanilang anak na babae sa kanya.Bukod pa rito, ang anunsyong tungkol sa Emgrand Group’s investment na dalawang bilyong dolyar para sa pag
Lubos na nagulat si Jameson nang malaman niyang hindi lang pala si Charlie ang boss ng Apothecary Pharmaceutical kundi siya rin ang taong nagbigay ng pagkakataong maligtas ang kanyang anak sa panahong pinaka nangangailangan sila ng tulong.Nagsisi siya sa kamangmangan niya dati, at sa sandaling ito, nakaramdam siya ng matinding pasasalamat para kay Charlie.Ngumiti si Liam at sinabi, “Mr. Smith, wala kang dapat ipag-alala. Sinabi sa akin ni Mr. Wade na wala siya sa siyudad ngayon, kaya sa mga susunod na araw, mas mabuting ituon mo ang pansin mo sa pagsama sa paggamot ng anak mo. Kapag medyo bumuti na ang kalagayan ng anak mo at bumalik na si Mr. Wade sa Aurous Hill, siya na mismo ang mag-aayos ng inyong pagkikita.”Taos-pusong nagpasalamat si Jameson, “Kung ganoon, pakisabi kay Mr. Wade ang aming taos-pusong pasasalamat. Sobrang nagpapasalamat ang buong pamilya ko sa kabutihang-loob at pagiging mapagbigay niya!”Tumango si Liam habang pinagmamasdan ang kasalukuyang estado ni Jameso
Pagkasabi nito, dinugtungan ng doktor, “Kinuha na namin ang blood sample bago uminom ng gamot ang anak mo. Dadalhin na namin siya sa radiology department para bigyan ng contrast agent, tapos magsisimula na tayo sa full-body PET-CT scan. Pagkatapos ng CT scan, agad naming ibibigay sa kanya ang dalawang Apothecary Restoration Pills.”Nagulat si Jameson at nagtanong, “Dalawang pills agad?”Tumango ang doktor. “Oo. Dahil sa kritikal na kondisyon ni Jimmy, plano naming bigyan siya ng five-day rapid consolidation period. Sa loob ng limang araw na ito, bibigyan namin siya ng dalawang Apothecary Restoration Pills araw-araw para mapabilis ang paggaling niya. Pagkalipas ng limang araw, papasok tayo sa stabilization period, at isang pill na lang ang ibibigay natin sa kanya araw-araw hanggang sa ma-discharge siya.”Bumuntong hininga nang maluwag si Jameson. Ang pag-inom ng dalawang Apothecary Restoration Pills araw-araw sa loob ng limang araw ay siguradong malaking tulong para sa kanyang anak.
Mabilis na inayos ni Liam ang mga bagay-bagay para sa kanilang tatlo.Nilagay sina Leni at Shermaine sa adult ward, habang si Jimmy ay nilagay sa children’s ward. Si James, na ginabayan ng staff, ay nakumpleto na rin ang mga proseso ng pagpapa-ospital para sa kanyang anak, at pakiramdam niya na nananaginip siya sa buong oras.Akala niya na nawalan na ng pagkakataon ang anak niya na sumali sa clinical trial ng Apothecary Pharmaceutical. Kanina lang, kausap niya ang kanyang asawa kung ibabalik ba nila ang kanilang anak sa United States para alagaan siya hanggang sa dulo.Sa hindi inaasahan, nagbago nang sobra ang lahat sa isang iglap.Dahil may ilang kaalaman na siya sa Apothecary Restoration Pill, ang naisip na lang ni Jameson sa sandaling ito ay maliligtas na talaga ang buhay ng anak niya.Hindi niya maiwasan na isipin kung sino ang nasa likod ng biglaang pagbabago na ito. Si Mr. Lavor ba ito, na nagkataon na nakilala ni Leni? May ganito kalaking impluwensya ba talaga siya?Haban
Sa sandaling sinabi niya ang mga ito, isang lalaki ang nagsalita, “Captain Sun, mga kaibigan ko sila, papasukin mo sila.”Lumingon ang ilang tao at napagtanto nila na ang taong nagsalita ay walang iba kundi si Liam Weaver, ang general manager ng Apothecary Pharmaceutical.Nang makita si Liam, ang security guard, na tinatawag na Captain Sun, ay sinabi agad nang magalang, “Mr. Weaver, dahil mga kaibigan mo sila, paki-rehistro ang impormasyon nila.”Ayon sa mga regulasyon ng Apothecary Pharmaceutical, ang kahit sinong panlabas na bisita ay kailangan gabayan ng internal staff. Ang bawat staff member na tumatanggap ng bisita ay dapat tapat na i-rehistro ang impormasyon para sa pamamahala, at kahit si Liam ay kailangan gawin ang patakaran na ito.Tumango si Liam at tumingin sa tatlong tao. Pagkatapos nito, ngumiti siya at sinabi, “Kilala ko si Mr. Smith. Para naman sa dalawa, pakibigay sa akin ang personal identification niyo, at irerehistro ko kayo.”Hindi napigilan ni Leni ang pananab
“Jameson Smith?!” Sinabi ni Liam dahil hindi niya napigilan ang sorpresa niya. Hindi niya maiwasang itanong, “Master Wade, pasensya na sa pagiging direkta ko, pero bakit ka nag-ayos para sa kanya?”Ngumiti si Charlie at sumagot, “Sabihin na lang natin na aksidente niyang nakuha ang isang tagong pabuya. Sinabi ko sa kanya dati na kung tapat siyang gagawa ng charity nang walang hinihinging kapalit, marahil ay bigyan siya ng pagkakataon ng Apothecary Pharmaceutical. Tanggalin na lang natin ang ‘marahil’ ngayon.”Sinabi ni Liam nang walang pag-aatubili, “Naiintindihan ko, Master Wade. Aayusin ko ang lahat ng kailangan.”Nagpatuloy si Charlie, “May dalawang kabataan pa nakilala ko nang nagkataon, kaya tadhana rin ito. Pakiayos din nang mabuti ang mga bagay-bagay para sa kanila.”Idinagdag niya, “Pero, sa sandaling naipasok na ang mga pasyente, ilagay mo ang anak ni Jameson sa pediatric ward, hiwalay sa dalawa. Huwag mong ipaalam sa kanila ang tungkol sa pagkakakilanlan ko, pero humanap
Sinabi ni Leni, “Mangyaring maghintay ka saglit. May tatawagan lang ako. May appointment ang kaibigan ko kay Mr. Weaver.”Nasorpresa at nalito ang security guard. Sinabi niya, “Kay Mr. Weaver? Malabo iyon. Hindi nakikipagkita sa mga bisita si Mr. Weaver sa mga nagdaang araw. Kailan lang, ang lahat ng taong nagsabi na may appointment sila kay Mr. Weaver ay sinabihan na umalis.”Sumagot si Leni, “Hindi ko alam ang mga tiyak na detalye. Maaari bang tumawag muna ako?”Tumango ang security guard at sinabi, “Pwede kang tumawag, pero hindi dapat ito masyadong matagal dahil may mga patakaran kami dito.”Naintindihan ni Leni na may mga tungkulin din ang security guard, kaya sinabi niya, “Mangyaring maghintay ka saglit. Mabilis lang ito.”Pagkasabi nito, tinawagan niya ang call button at tinawagan si Charlie.Habang tumutunog ang tawag, bumilis ang tibok ng puso ni Leni. Kahit na hindi siya naniniwala na magbibiro si Charlie tungkol sa ganitong bagay, nag-aalala pa rin siya na marahil ay h
Hindi maintindihan ni Jenny kung bakit biglang gustong ilabas ng asawa niya ang anak nila. Kahit na may malalang sakit ang anak nila, tinuturing niya pa rin ang chemotherapy bilang huling pag-asa para sa anak nila.Nang makita niya na gustong ilabas ng asawa niya ang anak nila bago pa matapos ang chemotherapy, mabilis niya siyang pinigilan at sinabi, “Baliw ka ba? Kahit ano pa ito, kailangan nating maghintay hanggang sa matapos ang chemotherapy!”Kinaway ni Jameson ang kanyang kamay at sinabi, “Wala nang oras para maghintay. Ilalabas ko na siya ngayon.”Pagkatapos ay umabante si Jameson nang hindi hinihintay na pindutin ni Jenny ang call button, tinanggal ang infusion needle mula sa kanyang anak, at binuhat ang kanyang anak, na tulog, at naglakad palabas.Si Jenny, na nagulat at nagalit, ay sinundan siya at pinagalitan siya mula sa likod, “Jameson! Ibaba mo si Jimmy! May natira pa siyang kalahating chemotherapy drugs. Papatayin mo siya kung gagawin mo ito!”Hindi nagsalita si Jame
Ang ilang tao ay malas at hindi mahanap ang kahit anong target point sa mga genes nila, kaya hindi sila makagamit ng mga targeted drugs para sa therapy. Kung wala ang mga targeted drugs, ang tradisyonal na chemotherapy at radiation therapy na lang ang natitira.Ang kasalukuyang sitwasyon ni Jimmy ay ang chemotherapy na ang huling harang. Pero, alam ni Jameson na malapit nang gumuho ang huling harang na ito, at marahil ay kaya na lang nitong suportahan si Jimmy ng ilang buwan.Pumunta si Jameson sa day ward ng hospital na tila ba nasa autopilot siya. Sa sandaling ito, ang bawat kama sa ward ay may isang cancer patient na sumasailalim sa chemotherapy.Sa mga cancer patient na ito, si Jimmy ang pinakabata. Sa una, may isa ring bata na five years old dito na may malalang sakit na leukemia. Kailan lang ay pumasa ang bata sa pagsusuri ng Apothecary Pharmaceutical at nakakuha ng quota para sa mga clinical trial, kaya nilipat siya sa internal laboratory ng Apothecary Pharmaceutical para gam
Bumuntong hininga nang malambot si Leni at tinanong siya, “Mr. Smith, kung gano’n, dadalhin mo ba si Jimmy? Kung sasama ka sa amin, hihintayin kita sa entrance ng Apothecary Pharmaceutical.”Nag-isip saglit si Jameson at nagngalit, sinasabi, “May kasabihan sa Oskia na ‘mas mabuting magkaroon ng pananampalataya kaysa wala’. Okay, pupunta na ako sa hospital ngayon para sunduin si Jimmy. Makikipagkita ako sayo sa entrance ng Apothecary Pharmaceutical.”Sumagot si Leni, “Walang problema. Magkita tayo sa entrance ng Apothecary Pharmaceutical.”Idinagdag ni Leni, “Siya nga pala, Mr. Smith, sinabi ng kaibigan ko na medyo espesyal na bagay ito, kaya huwag mo itong ipagkalat.”Sinabi agad ni Jameson nang walang pag-aatubili, “Naiintindihan ko!”-Pagkatapos ibaba ang tawag, sinabi ni Jameson sa mga kaibigan niya sa simbahan, “May kailangan akong gawin, kaya iiwan ko ang lahat dito sa inyo.”Karamihan ng mga kaibigan ni Jameson sa simbahan ay galing din sa United States tulad niya. Ang ib