“Ano?!” Sinabi ni Hannah sa gulat, “Mahahatulan ako ng sampung taon sa presinto?!”Sinabi nang walang bahala ng pulis, “Sa sandaling kinilala ito bilang isang fraud, napakalaki ng kabuuang pera na magiging kasangkot. Ang panimulang hatol ay sampung taon, at kasama na rito ang pagkumpiska sa mga ilegal na kinita mo. Kung tataas ang pera mo sa panahon na ito, siguradong hahatulan ka ng sampung taon o mas matagal pa.”Natulala si Hannah. Hindi niya inaasahan na may sobrang laking parusa sa pagbebenta ng kahirapan sa live broadcast sa punto na magiging criminal law pa ito.POero, kahit na parang tinulungan ni Elaine si Hannah palabas sa malaking suliranin na ito, hindi pa rin siya kayang patawarin ni Hannah. Palihim pa siyang nangako sa puso niya na siguradong maghahanap siya ng paraan para maghiganti kay Elaine kapag nakalaya siya.Samantala, kumakalat pa rin ang video ni Hannah sa internet.Mas maraming mga tao na bumili ng mga bagay-bagay mula sa live broadcast room ni Hannah ang n
Habang patuloy na tumataas ang katanyagan ng video at pormal na na-detain si Hannah, nilabas din ng Aurous Hill police sa publiko ang mga resulta ng mga kilos nila tungkol dito.Sa una ay hindi nasiyahan ang mga netizen sa parusa nang marinig nila na nahatulan lang si Hannah ng sampung araw na administrative detention.Pero, ipinakita rin ng pulis ang medical report ng asawa at anak ni Hannah sa publiko. Totoo nga na naparalisa ang mag-ama sa kama ng ilang buwan at hindi sila nakatanggap ng aktibo at epektibong pagpapagamot dahil sa kakulangan sa pera.Pero, nagdududa pa rin ang mga netizen nang una nilang makita ang artikulo na ito. Dahil, sa mga impormasyon na nilabas ni Elaine, sinasabi na nakatira ang pamilya sa isang villa sa sikat na Thompson First, kung saan ang presyo ng isang unit ay mahigit 100 million dollars. Kaya, kinukuwestiyon ng lahat na kahit na naparalisa nga ang asawa at anak ni Hannah, paanong hindi niya sila mapagamot?Nilabas din agad ng pulisya ang property r
Si Jacob, na medyo magulo pa ang hitsura, ay sinabi nang naiinip sa loob, “Bakit ka kumakatok? Gusto kong magpahinga kahit na ayaw mong matulog!”Sinabi nang naiinip ni Elaine, “Buksan mo lang ang pinto kapag sinasabi ko. Bakit kailangan mong magsabi ng napakaraming kalokohan? Bilisan mo at buksan mo ang pinto!”Pagkatapos nito, kumatok ulit nang masigla si Elaine sa pinto.Walang nagawa si Jacob kundi buksan ang pinto. Tumingin siya sa kanya at sinabi sa inis, “Bilisan mo kung may sasabihin ka.”Tumingin si Elaine kay Jacob at kumunot ang noo nang makita niya na may suot lang siya na isang pares ng brief. Pagkatapos ay sinabi niya, “Magsuot ka agad ng pantalon at imaneho om ako sa labas para bumili ng ilang paputok. Gusto kong magdiwang sa pamamagitan ng pagsisindi ng mga paputok!”“Paputok?” Sinabi ni Jacob nang nayayamot, “Hindi Bagong Taon kaya bakit kailangan mong magpaputok?!”Sinabi ni elaine, “Tapos na si Hannah! Ang ganitong uri ng masayang kaganapan ay ipinagdiriwang ng
Pagkatapos sukuan ni Elaine ang ideya na pagbili ng mga paputok para magdiwang, sumugod si Wendy sa police station para ilabas sila Christopher, Harold, at Lady wilson sa police station.Nasa meeting si Wendy sa kumpanya ngayong gabi nang matanggap niya ang balita na may nangyari sa kanyang ina. Ginamit niya ang company car at nagmamadaling umuwi, pero tinawagan na siya ng pulis bago siya makauwi at sinabihan siya na pumunta sa police station para sunduin ang pamilya niya.Kaya, nagmamadaling pumunta si Wendy sa police station at sinundo ang kanyang ama, kapatid na lalaki, at lola, pagkatapos dumaan sa mga pormalidad.Sa daan pauwi, nagmamaneho si Wendy at nakaupo si Lady Wilson sa passenger seat. Nakasandal sina Christopher at Harold sa back seat, nakatali gamit ang mga seat belt.Patuloy na umiiyak si Lady Wilson sa kotse habang sinasabi, “Tapos na ang pamilya Wilson… Tapos na talaga ito…”May mga luha rin si mga mata ni Harold habang nagngangalit siya at minura, “Ang p*tang iyo
Bumuntong hininga rin nang malungkot si Christopher at sinabi, “Wendy, tama ka…”Nanahimik saglit si Wendy, tila ba nakagawa na siya ng ilang uri ng desisyon. Bigla niyang pinaandar ulit ang kotse at lumiko sa kanan sa intersection kahit na dapat dumiretso siya, at sinabi niya, “Kalimutan mo na. Dadalhin ko na kayo sa hospital ngayon din! Bilisan niyo na at magpagaling kayo sa injury niyo para makalabas kayo at makahanap ng maayos na trabaho pagkatapos niyong gumaling!”Tumango si Christopher at sinabi nang malungkot, “Sa totoo lang, malapit na akong mabaliw sa paghiga sa kama ng kalahating taon. Pupunta ako at maghahanap ng trabaho pagkatapos kong gumaling…”Pagkatapos itong sabihin, tumingin ulit siya kay Harold at sinabi, “Harold, nagloloko ka lang sa karamihan ng buhay mo, at oras na para magtrabaho ka nang kaunti! Pagdating ng oras, maghahanap tayong dalawa ng trabaho. Wala sa atin ang pwedeng manatili sa bahay nang walang ginagawa at naghihintay lang na pakainin!”Alam ni Har
Nagulat si Lady Wilson sa determinasyon ni Wendy. Sa parehong oras, nakaramdam din siya ng lamig sa likod niya.Nagulat siya dahil hindi niya inaasahan na si Wendy, na palagi niyang pinapangunahan, ay mas naging malakas simula noong nakuha niya ang posisyon bilang manager ng etiquette company. Nilinaw niya pa na dapat siyang sundin ng lahat sa pamilya simula ngayon.Para naman sa lamig sa likod niya, ito ay dahil napagtanto niya na kahit kailan ay hindi siya pinatawad ni Wendy para sa nagawa niya dati. Ang dahilan lang kung bakit siya inaalagaan ni Wendy sa halip na maghiganti sa kanya ay dahil matanda na siya.Pero, nilinaw na ni Wendy ang sarili niya. Kung patuloy talaga siyang aasa sa edad niya para gumawa ng problema, wala talagang matitira sa kanya at wala na siyang maaasahan.Hindi tanga si Lady Wilson. Alam niya na sa isang pamilya, kung sino man ang may kontrol sa pera ay ang may karapatan na magsalita para sa buong pamilya.Matanda na siya at wala siyang kahit anong asset
Dahil ilang araw na mas maagang dumating si Hiroshi sa Aurous Hill kaysa sa pamilya Ito, naghanda na siya ng isang convoy para sunduin sila ngayong araw.Nang umalis ang pamilya Ito sa airport gamit ang kotse, dinala na rin ng ilang refrigerated trucks nang maaga ang mga bulaklak na dumating.Kahit na si Charlie lang ang nasa isipan ni Nanako, ang Shangri-La pa rin ang unang pinuntahan niya.Pero, hindi pumunta si Yahiko sa Shangri-La, ngunit dinala siya ni Hiroshi sa Thompson First. Hindi balak ni Yahiko na pumunta sa Shangri-La bago ang kasal dahil kilala siyang tao sa Japan, at nag-aalala siya na makikita siya ng maraming tao, at mabubunyag ang sikreto na bumalik ang mga binti niya.Nakuha lang ni Isaac ang balita nang dumating ang convoy ni Nanako sa Shangri-La.Nang malaman ang pagdating nila, tinawagan agad ni Isaac si Charlie at inulat ang balita kay Charlie.Nang marinig ni Charlie na nandito si Nanako, ang unang reaksyon niya ay masorpresa nang masaya. Nagkataon na pumun
Tumango nang bahagya si Rosalie at tinanong si Nanako, “Siya nga pala, Miss Nanako, sinabihan mo ba si Mr. Wade bago ka pumunta ngayong araw?”“Hindi.” Sinabi nang medyo nahihiya ni Nanako, “Siguradong mas abala si Charlie-kun sa karaniwang araw, kaya hindi ko siya sinabihan.”Ngumiti si Rosalie at sinabi, “Kahit na hindi mo siya sinabihan, sinabi na ito ni Mr. Cameron sa kanya sa lalong madaling panahon. Pinapahalagahan ka nang sobra ni Mr. Wade, kaya marahil ay papunta na siya ngayon dito.”Namula si Nanako at sinabi, “Hindi… Sa tingin ko ay pinapahalagahan ka rin nang sobra ni Charlie-kun…”Sinabi nang nahihiya ni Rosalie, “Ma… Magkaiba ang sitwasyon natin… Tauhan ako ni Mr. Wade, pero katiwala ka ni Mr. Wade…”Tiningnan siya ni Nanako at tinanong nang mausisa, “Tauhan ka lang ba talaga niya?”Sinabi ni Rosalie nang medyo hindi natural, “Tauhan niya lang talaga ako. Maraming beses akong niligtas at tinulungan ni Mr. Wade, kaya natural na kailangan kong manatili sa tabi niya pa
Habang umaakyat siya sa Mount Turtle Back at nakita ang ilang tolda at isang dosenang kabataan sa malapit, kumunot nang kaunti ang mga kilay niya.Nakatingin ang mga taong ito sa direksyon kung saan sisikat ang araw, malinaw na gusto itong hangaan. Hindi nagduda si Fleur sa kanila, pero nainis at nadismaya siya nang kaunti dahil masyadong malapit ang mga taong ito sa libingan ng kanyang senior, si Elijah.Ang layunin ng pagbisita niya sa lugar na ito ay para alalahanin ang nakaraan sa libingan ni Elijah, at magsalita nang kaunti mula sa kailaliman ng puso niya sa kanyang senior.Pero, ang posisyon ng mga taong ito ay nasa dalawa o tatlong daang metro lang mula sa libingan ni Elijah, at siguradong makukuha niya ang atensyon nila kung didiretso siya doon. Mahihirapan siyang kausapin ang senior niya dahil dito.Sa sandaling ito, nasulyapan ni Charlie ang isang bata at mature na babae na kalilitaw lang sa malayo. Kayang makita ni Charlie ang hitsura niya gamit ang kanyang pambihirang p
Sa sandaling ito, nang sampung minuto na lang bago sumikat ang araw, nagdagdag ang lahat ng ilang sangay sa bonfire at nagsimulang hintayin ang sandali na sisikat ang araw mula sa likod ng bundok.Makalipas ang halos sampung minuto, ang dating maputlang langit ay nagsimulang lumiwanag ng ginintuang tingkad. Ito ang bakas na malapit nang sumikat ang araw sa abot-tanaw.Habang sabik ang lahat na makita ito, biglang naramdaman ni Charlie na may tao sa malayo na mabilis na papalapit sa lokasyon nila. Dahil nag-aalala siya na madidiskubre siya ni Fleur, sinanay ni Charlie ang mental cultivation method na tinuro sa kanya ni Ruby simula kagabi, mahigpit na kinulong ang sarili niyang Reiki sa loob ng katawan niya.Para sa mga cultivator, ang bawat tao ay parang isang submarine na naglalakbay sa malalim na karagatan, umaasa sa sonar detection para mahanap ang isa’t isa. Gamit ang analohiya na ito, ang isang tao na may mas mataas na cultivation ay parang isang mas advanced na submarine na may
Hindi katagalan, tuluyan nang lumubog ang araw, sinindihan na ng lahat ang bonfire at ang barbecue pit. Dahil naghanda ng sangkap ang lahat at nagdagdag pa si Charlie, medyo marami ang hapunan nila.Bukod dito, bumili rin si Charlie ng maraming wine, kaya mas sumigla ang paligid at atmospera. Sa madaling salita, nagpasya ang lahat na uminom at magsaya sa gabing iyon.Kaya, naglagay si Charlie ng ilang Reiki sa wine. Hindi kaya ng Reiki na palakasin ang katawan nila o gamutin ang mga sakit nila, pero sinisigurado nito na kahit gaano pa karami ang inumin nila sa gabing iyon, hindi man lang sila hihikab.Bukod dito, sa sandaling pumasok ang Reiki sa katawan nila, hindi ito mag-iiwan ng bakas. Kahit na pumunta si Fleur, wala siyang mapapansin.Ang Yorkshire Hill ay matatagpuan sa isang talampas, at medyo malaki ang pagkakaiba ng temperature sa umaga at gabi. Kasam na ang taas ng Mount Turtle Back, bumaba nang sobra ang temperature pagkatapos maggabi. Kaya, umupo ang lahat sa paligid ng
Habang nagsasalita siya, unti-unting naging seryoso ang ekspresyon niya. Sinabi niya, “Leni, mangako tayo sa isa’t isa. Subukan muna nating mabuhay ngayong taon. Kung sa susunod na taon, may mangyaring himala at walang namatay sa atin, pwede kang pumunta sa Oskia at makilala ang mga magulang ko para makuha ang basbas nila. Pagkatapos, pupunta ako sa United States kasama ka.”Si Leni, na kanina pa masaya, ay biglang naging mukhang pagod. Binulong niya, “May apat na buwan pa hanggang sa susunod na taon. Natatakot ako na kahit na hindi ako mamatay sa sandaling iyon, hindi ako makakapunta sa Oskia para makita ka.”Namula ang mga mata ni Shermaine, pero ngumiti siya at sinabi, “Ayos lang. Araw-araw na lang tayo mag-video call. Online na ang lahat ngayon. Kahit ang mga korte ay may hearing sa online. Kung kailangan, pwede na lang tayo kumuha ng isang pari, at pakakasalan kita sa online.”Pinigilan ni Leni ang mga luha niya, tumango nang marahan, at ngumiti habang sinabi, “Okay, deal. Kapa
Hindi inaasahan ni Charlie na habang nagca-camping siya sa mga bundok ng Yorkshire Hill, matatagpuan niya ang dalawang batang pasyente na may cancer. Ang nagpasorpresa sa kanya ay gustong sumali ng dalawang ito sa mga clinical trial ng Apothecary Pharmaceutical sa Aurous Hill, pero tinanggihan silang dalawa.Ang mas nagpahanga pa sa kanya ay ang taong ito, si Leni, ay kilala pa si Jameson.Habang iniisip ang iba ang tungkol kay Jameson, na dating pinapangunahan ang buong FDA, na kusang umalis at nagsimula ng charity sa Aurous Hill, tinanong nang mausisa ni Charlie si Leni, “Helron, sobrang pamilyar ka ba kay Jameson Smith?”Sumagot nang kalmado si Leni, “Hindi naman. Dahil, bago siya umalis, isa siyang mataas na opisyal sa United States, at ang mga taong nakakausap niya sa FDA ay mga matataas na biopharmaceutical company at mga negosyante sa buong mundo. Ang isang tao tulad ni Jameson ay kahanga-hanga kahit sa mataas na lipunan. Paano magkakaroon ng pagkakataon ang isang ordinaryong
Sinabi ni Shermaine, na nasa gilid, “Hindi naman gano’n. Ang pamamahagi ng mga pwesto para sa clinical trial ng Apothecary Pharmaceutical ay hindi base sa kung sino ang may pera at kapangyarihan, ngunit kung sino ang pinaka nangangailangan ng gamot. Ang lahat ng sumali para sa clinical trial ay mga pasyente na may cancer. Halos tatlumpung porsyento sa kanila ang idineklara ng mga doktor na may anim na buwan na lang para mabuhay. May daang-daang pasyente na may advanced pancreatic cancer, at marami sa kanila ay mga bata. Ang mga taong katulad namin na nasa 20s na ay mahihirapan na makakuha ng pwesto.”Tinanong nang mausisa ni Charlie, “Shermaine, sumali ka rin ba sa clinical trial ng Apothecary Pharmaceutical?”Tumango si Shermaine at sinabi, “Oo, pero hindi ako napili. Ang pamamaraan ng pagpili ng Apothecary Pharmaceutical ay parang pagkukumpara ng mga paghihirap. Una, ikukumpara nila kung sino ang may pinakamalalang sakit, pagkatapos ay kung sino ang pinakabata, kung sinong pamilya
Ang mga kabataan na mahilig sa mga panlabas na gawain ay karaniwang bukas at masigla, at karamihan sa kanila ay palakaibigan at madaling pakisamahan. Bukod dito, ang mga kabataan na ito ay puno ng sigla kina Charlie at Vera, kaya mabilis na nag-usap nang masaya ang lahat.Sobrang laki na impluwensya ni Helron sa grupong ito, at malinaw na ginagalang siya ng lahat. Napansin ni Charlie na parang hindi siya masyadong matanda, kaya tinanong niya siya nang mausisa, “Heron, estudyante ka ba o nagtatrabaho ka na?”Tumango si Helron at sinabi, “Estudyante pa ako. Nag-aaral ako sa United States dati. Isa akong Oskian American, at bakasyon ngayon, kaya gusto kong bumalik sa Oskia para mag-hike nang kaunti at maranasan ang ganda ng bansa natin.”Nagpatuloy siya, “Karamihan sa amin ay mga estudyante sa unibersidad. Kami nila Jung, Louie Mant, ay nag-aaral sa United States. Sina Shermaine at Bobbi ay galing sa Queenston University. Sina Perry Hinskey at Jenell Looten ay galing sa Blastun Univers
Kaharap ang imbitasyon ng binatang ito na nagngangalang Helron, taimtim na pumayag si Charlie at sinabi nang nakangiti, “Kung gano’n, hindi na kami mahihiya sa inyo!”Tumawa si Helron at sinabi, “Hindi mo kailangan maging magalang nang sobra. Magkakaibigan tayo mula sa iba’t ibang lugar, ang pag-aalaga sa isa’t isa ay ang tradisyon ng mga hiker.”Pagkasabi nito, tinanong niya si Charlie, “Tol, anong pangalan mo?”Magsasalita na sana si Charlie nang ngumiti si Vera, na nasa tabi niya, at sinabi, “Charlesly Lavor ang pangalan ng boyfriend ko. Pwede mo siyang tawaging Charles!”Nagulat si Charlie. Naintindihan niya ang layunin ni Vera. Dahil, nandito sila para hintayin si Fleur. Kahit na totoong pangalan ito ni Charlie o ni Vera, siguradong pamilyar si Fleur sa kanila, kaya mas mabuti na iwasang gamitin ang totoong pangalan nila hangga’t maaari.Pero, hindi niya inaasahan na bibigyan siya ni Vera ng alias na ‘Charlesly Lavor’ at nag-isip pa ng palayaw na ‘Charles’ para sa kanya.Ini
“Sigurado ako!” Hinila ni Vera si Charlie sa tulay na bato-bato. Sa gitna ng tulay, tinuro niya ang isang basag na asul na bato at sinabi kay Charlie, “Nasira ito dahil sa isang natakot na kabayo. Ang may-ari nito ay isang mason ng bato na pumunta para magdala ng dalawang batong rebulto sa bagong mansyon ng pinuno ng Stoneridge. Nabalisa ang kabayo, nadulas, at halos bumagsak siya, at nahirapan itong umabante na tila ba baliw ito, binaliktad ang hinihila nitong kariton. Tumama ang isa sa mga rebulto sa batong ito, at nag-iwan ito ng basag dito.”Habang nagsasalita siya, nagpatuloy si Vera, “Nagkataon, sinamahan ko ang lolo ko mula sa Digerro town sa araw na iyon para batiin ang pinuno dito. Kaya, nagkataon na nakita ko ang buong pangyayari noong gumawa ng problema ang kabayo sa tulay.”Habang nakikinig si Charlie sa paglalarawan niya, hindi niya maiwasan na isipin ang eksena na sinabi niya.Sa sandaling iyon, isang babae na nasa seven o eight years old na may suot na tradisyonal na