Ang mga personal anchor tulad ni Hannah ay pwedeng mag-apply ng direkta para sa cash withdrawal mula sa platform para sa mga kinita nila sa live broadcasting, pero ang pera ay pre-tax, at kailangan ideklara ng mga anchor ang mga tax nila.Pero, kahit kailan ay hindi nag-file ng tax return si Hannah dahil nag-aatubili siyang mabawasan ang malaking kita niya.Ngayong lumapit na ang tax department sa kanya, bigla siyang nataranta at nagsinungaling na lang habang sinabi, “Officer, nakita mo rin ang sitwasyon ng pamilya ko. May dalawang naparalisang pasyente nga at isang matanda sa pamilya ko na kailangan alagaan. Sobrang abala ako, kaya nakalimutan kong gawin ito sa ngayon…”Pagkasabi nito, nagkaroon siya ng inspirasyon, at mabilis siyang gumawa ng palusot para sa sarili niya habang sinabi, “Ganito kasi, kailan lang ako nagbenta ng mga produkto sa live broadcast ko, at nasa isang buwan pa lang ito. Sa totoo lang, balak kong mag-file ng tax return pagkatapos kong maging abala sa mga sumu
“Ano?!” Sinabi ni Hannah sa gulat, “Mahahatulan ako ng sampung taon sa presinto?!”Sinabi nang walang bahala ng pulis, “Sa sandaling kinilala ito bilang isang fraud, napakalaki ng kabuuang pera na magiging kasangkot. Ang panimulang hatol ay sampung taon, at kasama na rito ang pagkumpiska sa mga ilegal na kinita mo. Kung tataas ang pera mo sa panahon na ito, siguradong hahatulan ka ng sampung taon o mas matagal pa.”Natulala si Hannah. Hindi niya inaasahan na may sobrang laking parusa sa pagbebenta ng kahirapan sa live broadcast sa punto na magiging criminal law pa ito.POero, kahit na parang tinulungan ni Elaine si Hannah palabas sa malaking suliranin na ito, hindi pa rin siya kayang patawarin ni Hannah. Palihim pa siyang nangako sa puso niya na siguradong maghahanap siya ng paraan para maghiganti kay Elaine kapag nakalaya siya.Samantala, kumakalat pa rin ang video ni Hannah sa internet.Mas maraming mga tao na bumili ng mga bagay-bagay mula sa live broadcast room ni Hannah ang n
Habang patuloy na tumataas ang katanyagan ng video at pormal na na-detain si Hannah, nilabas din ng Aurous Hill police sa publiko ang mga resulta ng mga kilos nila tungkol dito.Sa una ay hindi nasiyahan ang mga netizen sa parusa nang marinig nila na nahatulan lang si Hannah ng sampung araw na administrative detention.Pero, ipinakita rin ng pulis ang medical report ng asawa at anak ni Hannah sa publiko. Totoo nga na naparalisa ang mag-ama sa kama ng ilang buwan at hindi sila nakatanggap ng aktibo at epektibong pagpapagamot dahil sa kakulangan sa pera.Pero, nagdududa pa rin ang mga netizen nang una nilang makita ang artikulo na ito. Dahil, sa mga impormasyon na nilabas ni Elaine, sinasabi na nakatira ang pamilya sa isang villa sa sikat na Thompson First, kung saan ang presyo ng isang unit ay mahigit 100 million dollars. Kaya, kinukuwestiyon ng lahat na kahit na naparalisa nga ang asawa at anak ni Hannah, paanong hindi niya sila mapagamot?Nilabas din agad ng pulisya ang property r
Si Jacob, na medyo magulo pa ang hitsura, ay sinabi nang naiinip sa loob, “Bakit ka kumakatok? Gusto kong magpahinga kahit na ayaw mong matulog!”Sinabi nang naiinip ni Elaine, “Buksan mo lang ang pinto kapag sinasabi ko. Bakit kailangan mong magsabi ng napakaraming kalokohan? Bilisan mo at buksan mo ang pinto!”Pagkatapos nito, kumatok ulit nang masigla si Elaine sa pinto.Walang nagawa si Jacob kundi buksan ang pinto. Tumingin siya sa kanya at sinabi sa inis, “Bilisan mo kung may sasabihin ka.”Tumingin si Elaine kay Jacob at kumunot ang noo nang makita niya na may suot lang siya na isang pares ng brief. Pagkatapos ay sinabi niya, “Magsuot ka agad ng pantalon at imaneho om ako sa labas para bumili ng ilang paputok. Gusto kong magdiwang sa pamamagitan ng pagsisindi ng mga paputok!”“Paputok?” Sinabi ni Jacob nang nayayamot, “Hindi Bagong Taon kaya bakit kailangan mong magpaputok?!”Sinabi ni elaine, “Tapos na si Hannah! Ang ganitong uri ng masayang kaganapan ay ipinagdiriwang ng
Pagkatapos sukuan ni Elaine ang ideya na pagbili ng mga paputok para magdiwang, sumugod si Wendy sa police station para ilabas sila Christopher, Harold, at Lady wilson sa police station.Nasa meeting si Wendy sa kumpanya ngayong gabi nang matanggap niya ang balita na may nangyari sa kanyang ina. Ginamit niya ang company car at nagmamadaling umuwi, pero tinawagan na siya ng pulis bago siya makauwi at sinabihan siya na pumunta sa police station para sunduin ang pamilya niya.Kaya, nagmamadaling pumunta si Wendy sa police station at sinundo ang kanyang ama, kapatid na lalaki, at lola, pagkatapos dumaan sa mga pormalidad.Sa daan pauwi, nagmamaneho si Wendy at nakaupo si Lady Wilson sa passenger seat. Nakasandal sina Christopher at Harold sa back seat, nakatali gamit ang mga seat belt.Patuloy na umiiyak si Lady Wilson sa kotse habang sinasabi, “Tapos na ang pamilya Wilson… Tapos na talaga ito…”May mga luha rin si mga mata ni Harold habang nagngangalit siya at minura, “Ang p*tang iyo
Bumuntong hininga rin nang malungkot si Christopher at sinabi, “Wendy, tama ka…”Nanahimik saglit si Wendy, tila ba nakagawa na siya ng ilang uri ng desisyon. Bigla niyang pinaandar ulit ang kotse at lumiko sa kanan sa intersection kahit na dapat dumiretso siya, at sinabi niya, “Kalimutan mo na. Dadalhin ko na kayo sa hospital ngayon din! Bilisan niyo na at magpagaling kayo sa injury niyo para makalabas kayo at makahanap ng maayos na trabaho pagkatapos niyong gumaling!”Tumango si Christopher at sinabi nang malungkot, “Sa totoo lang, malapit na akong mabaliw sa paghiga sa kama ng kalahating taon. Pupunta ako at maghahanap ng trabaho pagkatapos kong gumaling…”Pagkatapos itong sabihin, tumingin ulit siya kay Harold at sinabi, “Harold, nagloloko ka lang sa karamihan ng buhay mo, at oras na para magtrabaho ka nang kaunti! Pagdating ng oras, maghahanap tayong dalawa ng trabaho. Wala sa atin ang pwedeng manatili sa bahay nang walang ginagawa at naghihintay lang na pakainin!”Alam ni Har
Nagulat si Lady Wilson sa determinasyon ni Wendy. Sa parehong oras, nakaramdam din siya ng lamig sa likod niya.Nagulat siya dahil hindi niya inaasahan na si Wendy, na palagi niyang pinapangunahan, ay mas naging malakas simula noong nakuha niya ang posisyon bilang manager ng etiquette company. Nilinaw niya pa na dapat siyang sundin ng lahat sa pamilya simula ngayon.Para naman sa lamig sa likod niya, ito ay dahil napagtanto niya na kahit kailan ay hindi siya pinatawad ni Wendy para sa nagawa niya dati. Ang dahilan lang kung bakit siya inaalagaan ni Wendy sa halip na maghiganti sa kanya ay dahil matanda na siya.Pero, nilinaw na ni Wendy ang sarili niya. Kung patuloy talaga siyang aasa sa edad niya para gumawa ng problema, wala talagang matitira sa kanya at wala na siyang maaasahan.Hindi tanga si Lady Wilson. Alam niya na sa isang pamilya, kung sino man ang may kontrol sa pera ay ang may karapatan na magsalita para sa buong pamilya.Matanda na siya at wala siyang kahit anong asset
Dahil ilang araw na mas maagang dumating si Hiroshi sa Aurous Hill kaysa sa pamilya Ito, naghanda na siya ng isang convoy para sunduin sila ngayong araw.Nang umalis ang pamilya Ito sa airport gamit ang kotse, dinala na rin ng ilang refrigerated trucks nang maaga ang mga bulaklak na dumating.Kahit na si Charlie lang ang nasa isipan ni Nanako, ang Shangri-La pa rin ang unang pinuntahan niya.Pero, hindi pumunta si Yahiko sa Shangri-La, ngunit dinala siya ni Hiroshi sa Thompson First. Hindi balak ni Yahiko na pumunta sa Shangri-La bago ang kasal dahil kilala siyang tao sa Japan, at nag-aalala siya na makikita siya ng maraming tao, at mabubunyag ang sikreto na bumalik ang mga binti niya.Nakuha lang ni Isaac ang balita nang dumating ang convoy ni Nanako sa Shangri-La.Nang malaman ang pagdating nila, tinawagan agad ni Isaac si Charlie at inulat ang balita kay Charlie.Nang marinig ni Charlie na nandito si Nanako, ang unang reaksyon niya ay masorpresa nang masaya. Nagkataon na pumun
Natulala nang tuluyan si Mr. Chardon nang marinig ito. Hindi niya alam na ito ang pinakabagong script na inihanda ni Charlie para kay Zachary, kaya wala siyang nagawa kundi ipaliwanag na lang nang inosente ang sarili niya, “Boss, hindi talaga ako isang undercover na pulis…”“Huwag ka nang magsalita.” Kinaway ni Zachary ang kanyang kamay at sinabi nang naiinip, “Sa totoo lang, sinabihan ko siya na magbigay ng presyo na three million dollars para sa jade ring para malaman ang presensya ng mga pulis. Ang kahit sinong may angkop na pang-unawa sa mga antique ay malalaman na katawa-tawa ang presyo sa sandaling narinig nila ang presyo. Ang mga undercover na pulis lang na gustong makahanap ng bakas ang papayag sa presyo para samantalahin ang pagkakataon na makahanap ng mas maraming bakas.”Pagkasabi nito, idinagdag ni Zachary, “Pero sinasabi ko sayo, hindi gagana sa akin ang kasinungalingan mo!”Wala talagang masabi si Mr. Chardon.Hindi niya inaasahan na ito ang dahilan kung bakit nanghin
Pakiramdam ni Mr. Chardon na isa siyang tao na gustong manalo sa lotto ng isang daang taon pero hindi siya nanalo kahit isang beses. Ngayon, bigla siyang nanalo ng dalawang jackpot nang magkasunod.Sa madaling salita, katumbas ito sa pagbili ng mga lotto ticket habang buhay at hindi nanalo ng kahit consolation prize na limang dolyar. Bilang resulta, bigla niyang napanalunan ang grand prize para sa Mega Millions at Grand Lotto!Ang kanyang isang daan at limampu’t anim na taon na karanasan sa buhay ay hindi nagduda kung isa ba itong patibong. Sobrang simple rin ng dahilan kung bakit hindi siya nagduda. Ito ay dahil kaunting mahiwagang instrumento lang din ang pagmamay-ari ng British Lord.Nagsikap nang napakaraming taon si Mr. Chardon para sa British Lord, at binigyan lang siya ng British Lord ng isang mahiwagang instrumento na magagamit niya para sa self-defense. Bukod dito, ang mahiwagang instrumento ay hindi isang regalo mula sa British Lord. Kailangan itong ibalik ni Mr. Chardon s
Pagkatapos makipagkita ni Charlie kay Zachary sa opisina ni Isaac, tinanong niya siya, “Dinala mo ba ang Thunderstrike wood na binigay ko sayo?”Kinuha ni Zachary ang Thunderstrike wood sa bulsa niya, binigay ito kay Charlie, at sinabi, “Dinala ko ito. Tingnan mo ito, Master Wade.”Tumango si Charlie at sinabi sa kanya, “Zachary, lumabas ka muna at hintayin mo ako saglit.”Sinabi ni Zachary nang walang pag-aatubili, “Okay! Master Wade, huwag ka sanang mag-atubili na tawagan ako kung may kailangan ka.”Pagkatapos ay umalis nang magalang si Zachary sa opisina.Mabilis na ginamit ni Charlie ang kanyang Reiki para ayusin ang formation sa Thunderstrike wood. Makalipas ang ilang minutos, pinapasok niya si Zachary, binigay ang Thunderstrike wood na naayos sa kanya, at naglagay ng ilang Reiki kay Zachary habang sinabi, “Zachary, bumalik ka na dala-dala ang Thunderstrike wood na ito. Kung tatanungin ka ng kabila tungkol sa mga detalye ng paghuhukay ng libingan o kung may ibang produkto ka
Pagkatapos ng tawag ni Zachary kay Landon, inulat niya agad ang sitwasyon kay Charlie.Si Charlie, na natanggap ang tawag, ay dumating na sa Champs Elys Resort. Balak ni Charlie na manatili dito hangga’t maaari upang maiwasan ang kahit anong emergency dahil hindi malayo ang Champs Elys Resort sa Willow Manor, kung saan nakatira ang lolo at lola niya.Kaya sinabihan niya si Isaac na maghanda ng isang malakas na rescue helicopter para manatili dito palagi upang direktang makaalis ang helicopter at makarating sa Willow Manor sa loob ng dalawa o tatlong minuto kung may emergency.Agad namangha si Charlie nang marinig niyang sinabi ni Zachary na may tao sa airport na handang magbayad ng three million dollars para bilhin ang jade ring na inihanda niya.Alam ni Charlie na sa wakas ay nandito na ang taong hinihintay niya!Hula niya na siguradong pupunta sa Aurous Hill ang mga tao mula sa Qing Eliminating Society, pero hindi niya inaasahan na sobrang bilis nilang pupunta!Pagkatapos ay ti
Tuwang-tuwa si Landon at sinabi nang nagmamadali, “Okay, Mr. Zachary. Siguradong gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para mandaya… Ah, hindi, ang ibig kong sabihin, para magpakilala ng mas maraming customer sayo!”Pinaalalahanan siya ni Zachary, “Huwag kang mag-focus sa pagkuha ng mas maraming customer. Baka malapit nang dumating ang malaking customer mula sa Hong Kong, at iyon ang totoong malaking investor!”Sinabi nang sabik ni Landon, “Makasisiguro ka, Mr. Zachary! Siguradong hindi ko ito palalagpasin!”Pagkatapos ibaba ang tawag, sabik na naglakad nang pabalik-balik si Landon. Hindi niya alam na narinig na ni Mr. Chardon ang buong usapan nila ni Zachary.Walang napansin na kakaiba si Mr. Chardon sa usapan nina Landon at Zachary. Sa kabaliktaran, mas lumakas ang hula niya kanina, at naniniwala siya nang sobra na ang ibang bagay na binanggit ni Zachary ay maaaring ibang mahiwagang instrumento.Sabik na sabik siya nang maisip ito. Para sa kanya, ang pagkakaroon ng isang mahiwagan
“Gusto mo itong bilhin?”Tumango si Mr. Chardon at sinabi, “Oo, gusto ko itong bilhin. Bigyan mo sana ako ng presyo para sa singsing na ito!”Nang marinig ni Landon na tinatanong ni Mr. Chardon ang presyo ng singsing, agad niyang naisip nag dating utos ni Zachary. Kailangan niyang magbigay ng napakataas na presyo na mahigit isang beses sa market price ng singsing kahit sino pa ang gustong bumili sa singsing na ito.Hindi naintindihan ni Landon kung bakit ito ginagawa ni Zachary, pero dahil binabayaran lang siya para tapusin ang mga bagay-bagay, kailangan niyang gawin ang papel niya ayon sa pinag-usapan. Nandito lang siya para magsundo ng tao, at kailangan dumiretso ng matandang lalaki kay Zachary kung gusto niya talagang bilhin ang jade ring na ito. Kaya, nag-isip siya saglit. Ang jade ring na ito ay nasa 30 o 50 thousand dollars, kaya kailangan niyang magbigay ng presyo na nasa three o five million dollars kung kailangan niyang pataasin ng isang daang beses ang presyo ayon sa mar
Sa sandaling naglagay si Mr. Chardon ng ilang Reiki sa singsing, naramdaman niya agad ang formation na mabagal na umaandar sa singsing.Nagulat agad siya at inisip niya, ‘Patuloy ang pag-andar ng formation na ito, kaya ano kayang epekto nito.’Kahit na na-master na ni Mr. Chardon ang Reiki, wala siyang masyadong alam sa mga mahiwagang instrumento at formation.Kahit na may kahoy na ispada siya at may attack formation sa kahoy na ispada, kaya niya lang itong gamitin pero hindi ito kayang linlangin.Hindi niya naiintindihan ang misteryo ng formation o naiintindihan ang mga pangunahing prinsipyo at lohika ng formation.Kaya, nang makita niya ang formation na iniwan ni Charlie sa singsing, biglang hindi niya malaman kung ano ang layunin ng formation na ito.Sa totoo lang, ang formation na ito ay isang passive defense formation na nakatala sa Apocalyptic Book. Sa sandaling inatake ang taong may suot ng mahiwang instrumento, agad gagana ang formation, gamit ang sarili nitong enerhiya p
Habang kinokolekta ang pera at pinupuri si Mr. Chardon, hindi nakalimutan ni Landon na bolahin siya habang sinabi, “Tatang, mukhang isa ka ring eksperto! Maaari ba na isa ka ring tomb raider noong bata ka pa?”Ang ibig sabihin ni Landon ay posibleng isang tomb raider si Mr. Chardon na gumawa ng isang tomb-robbing team at nagsilbing pangunahing tao sa team na ito.Kinaway ni Mr. Chardon ang kanyang kamay at sinabi nang nakangiti, “Kaunti lang ang alam ko sa mga antique, pero wala akong alam sa paghuhukay ng mga libingan.”Sa totoo lang, wala talagang masyadong alam si Mr. Chardon sa paghuhukay ng mga libingan.Noong bata pa siya, narinig na niya ang ilang mga tomb raider at mga nangyaring paghuhukay ng libingan, pero ang pangunahing punto ay nagsasanay siya ng Taoism sa templo ng buong taon, at wala siyang interes sa paghuhukay ng libingan o mga kultural na relikya, kaya kaunti lang ang alam niya sa paghuhukay ng libingan.Pero, matagal na siyang nabubuhay, at ang dami ng impormasy
“Oo!” Sinabi ni Landon nang walang pag-aatubili, “Nasa dalawampu o tatlumpung taon na siya sa antique business. Siguradong isa siyang manloloko… ah, hindi, siguradong magaling siya sa mga antique, calligraphy, at mga sinaunang painting!”Tumango si Mr. Chardon, pagkatapos ay naglabas pa ng ilang isang daang dolyar na papel at binigay ang mga ito kay Landon habang sinabi nang nakangiti, “Iho, maaari mo ba akong ipakilala sa boss mo? Gusto ko talaga siyang makilala.”Tumingin si Landon sa matandang lalaki at nakita niya na mukhang handa ang matandang lalaki na mag-alok ng pera sa kanya, kaya agad siyang nagkaroon ng plano sa isipan niya. Sadya siyang umubo nang dalawang beses bago sinabi nang seryoso, “Tatang, dapat alam mo rin na may mga patakaran sa industriya namin. Hindi kita kilala, kaya hindi kita pwedeng dalhin para makita ang boss ko nang gano’n lang. Kung undercover ka at pinuntirya mo kami, hindi ba’t tapos na ang buong buhay ko?”Sinabi nang nagmamadali ni Mr. Chardon, “Oh,