Nang marinig ni Mr. Laverick ang mga sinabi ng babae, tinanong niya sa sorpresa, “Huh? Sobrang aga? Hindi ba’t sinabi niya na dadating siya mamayang tanghali o hapon?”Sinabi ng babae, “Sa hindi inaasahan, umalis siya nang maaga kagabi. Tinawagan niya ang dating dean ngayon lang at sinabi na malapit na siya dito! Sa tingin ko ay huli na tayong batiin siya sa entrance ng university ngayon, kaya sa baba na lang natin siya hihintayin!”Ang bagong campus ng Aurous University ay may sukat na halos limang libong acre, at ang entrance ng university papunta sa Academic Affairs Building ay mahigit isang kilometro. Kung maglalakad talaga doon ang isang grupo ng mga middle-age at matatandang tao, aabutin sila ng sampu o dalawampung minuto.Pagkasabi nito, sinabi niya nang nagmamadali, “Mr. Laverick, magmadali ka na. Sinabihan tayo ng dean na makipagkita sa baba sa loob ng tatlong minuto. Kailangan kong pumunta at ipaalam ito sa iba ngayon din.”Umalis ang babae sa sandaling sinabi niya ito.
Tumango si Mr. Laverick. “Ihahatid ko kayo sa ibaba, kung gano’n.”Nang dumating silang apat sa ibaba, isang grupo ng mga school leader ang naghihintay na doon. Nagmamadaling pumila si Mr. Laverick pagkatapos magpaalam sa kanila. Pagkatapos ay tumingin si Isaac kay Charlie at tinanong nang magalang, “Young Master, ano pa ang ibang pagsasaayos na nasa isip mo?”Sinabi ni Charlie, “Wala na akong ibang gagawin. Ihahatid ko muna si Claudia at kakain sa bahay nila Mrs. Lewis sa tanghali.”Pagkatapos itong sabihin, idinagdag ni Charlie, “Siya nga pala, dinala ko si Porter at isang grupo ng mga sundalo mula sa Ten Thousand Armies para iligtas ang isang matandang babae at ang nag-iisang anak na lalaki niya sa Mexico dati. Hingiin mo kay Porter ang address ng bahay ng matandang babae para mabisita ko siya sa mga susunod na araw.”Noong pumunta si Isaac sa Mexico kasama si Albert, naubos na ni Charlie at ng mga sundalo ng Ten Thousand ARmies ang buong Crazy Juarez. Hindi malinaw para sa kany
Habang papalapit sa isa’t isa ang dalawang sasakyan, tumingin nang hindi nag-iisip si Charlie sa convoy sa kabila dahil nausisa siya.Nakikita niya na nasa Rolls-Royce siguro ang marangal na bisita, kaya ang focus niya ay tingnan din nang mabuti ang kotseng ito.Pero, hindi na siya nagkaroon ng ibang kaisipan, kaya tumingin lang siya dito nang kaswal. Dahil tinted ang kotse ng privacy film, nakita niya lang nang malabo na may apat na tao na nakaupo sa kotse.Sa sandaling ito, si Vera, na nakaupo sa passenger seat, ay tumitingin sa kung saan-saan. Pagkatapos ay tumingin siya sa kanan.Si Charlie, na nasa harap ng Rolls-Royce, ay nakita lang na ang driver sa kabilang kotse ay isang middle-age na lalaki at may batang babae sa passenger seat at isang matandang mag-asawa sa likod. Wala siyang napansin na kakaiba.Nang lumampas ang dalawang kotse sa isa’t isa, ang pinakamaikling distansya sa pagitan nina Charlie at Vera ay ilang metro lang, at kahit si Claudia, na nasa passenger seat, a
Sa una ay may mataas na probalidad na makita ni Charlie si Vera, pero hindi niya nakita si Vera dahil sa biglaang paggalaw ng singsing. Hindi rin nakita ni Vera si Charlie.Pero, si Vera, na may malakas na pakiramdam, ay naantig ng isang bagay sa sandaling dumaan ang BMW. Lumingon agad siya nang hindi nag-iisip pero nakita niya lang an umalis ang kotse at wala siyang nakitang kakaiba.Akala niya na masyado lang siyang sensitibo, kaya hindi niya ito isinapuso. Si Charlie, na nasa BMW, ay itinabi na ang singsing at sinabi kay Claudia, “Pumunta muna tayo sa siyudad at bumili ng isang regalo bago bumalik kung wala kang gagawin.”Mabilis na tumango si Claudia. “Okay. Susundan lang kita, Charlie.”Kaya, nagmaneho ang dalawa papunta sa shopping center sa siyudad.Sa kabilang banda, mabagal na huminto ang convoy ni Logan sa square sa labas na Academic Affairs Building.Naghihintay at nakapila na ang mga kasalukuyang school leader at ang nag-retirong dating dean ng Aurous University.M
Sobrang detalyado ng kabuuang disenyo ng arkitektura ng Aurous University.Dahil isa itong sinaunang kabisera, sobrang lalim din ng kultura dito, kaya noong itinayo ang campus, isinaalang-alang din ang mga lokal na katangian ng Aurous Hill dito. Mayroon itong kabuuang modernong hitsura na may kaunting kasimplehan at kadakilaan, kaya namangha si Vera dito nang tiningnan niya.Naglakad siya sa paligid ng ccampus at biglang nakita ang mga malalagong buhol sa malapit, at binulong niya sa sarili niya, “Iyon siguro ang Mount Qi… Mas mabuti talaga na makita ko ito.”Pagkatapos nito, biglang may pumasok sa isipan niya, at biglang nabalot ng lungkot ang mga magagandang mata niya.Sa kabilang bahagi, si Logan at ang asawa niya ang sentro ng atensyon habang pinapaligiran sila ng mga tao. Umikot sila saglit sa campus, at sa wakas ay nahanap na ni Logan ang pagkakataon na hilahin ang dating dean sa gilid at sinabi, “Mr. Anderson, pumunta ako ngayon dahil kailangan ko ang tulong mo sa ilang baga
Sa kawili-wiling paraan, nakatayo nang kinakabahan si Mr. Laverick sa pinto na parang isang tagasunod sa sandaling ito.Si Logan at at ang asawa niya, at si Mr. Anderson, ang dating old dean, at ang kasalukuyang dean, si Mr. Summer, ay nakaupo sa sofa kung saan nakaupo si Charlie kanina.Nang makita ni Logan na pumasok si Vera, ngumiti siya at sinabi, “Halika, hayaan mong ipakilala ko siya sa inyong lahat. Siya si Veron Laver, ang apo sa tuhod ng malayong kamag-anak ko.”Pagkatapos itong sabihin, sinabi niya rin kay Vera, “Veron, halika at batiin mo si Mr. Anderson, Mr. Summer, at Mr. Laverick mula sa Admissions Office.”Tumingin lang si Vera sa kanilang tatlot at tumango nang bahagya nang hindi nagsasalita.Buti na lang, ipinaalam na ni Logan sa kanila na introvert si Vera at hindi siya masyadong nagsasalita, kaya ayos lang ito sa lahat.Ang kasalukuyang dean, si Ariel, ay sinabi nang masigla, “Miss Laver, sinabihan ko si Mr. Laverick na maghanda ng isang listahan ng lahat ng de
Nagulat si Mr. Laverick nang marinig ang boses ni Vera. Tinanong niya siya nang mabilis, “Anong problema, Miss Lavor?”Tinuro ni Vera ang application form sa kanyang kamay at sinabi, “Pwede mo ba itong ipakita sa akin?”Sinabi ni Mr. Laverick nang walang pag-aatubili, “Syempre, syempre!”Pagkasabi nito, binigay niya ang application form kay Vera, pero hindi niya mapigilan na isipin, ‘Gusto ko itong ipakita sayo kanina lang, pero sinabi mo na hindi ko na ito kailangan gawin. Pabago-bago talaga ang isip ng mga batang tao ngayon.’Kinuha ni Vera ang application form ni Claudia, at mukhang binabasa ng mga mata niya ang personal na impormasyon ni Claudia, pero ang peripheral vision at atensyon niya ay naka-focus sa emergency contact column.May dalawang salita na nakasulat sa space sa column na iyon, at ang dalawang salita na ito ay matagal nang tumatakbo sa isipan niya. Charlie Wade!Bukod sa dalawang salita, Charlie Wade, may sunod-sunod din na labing isang numero. Alam ni Vera na i
Tumango si Vera at tumalikod, lumabas sa pinto.Paglabas sa opisina, tumaas agad ang mga sulok ng labi ni Vera, at dalawang mababaw na dimple ang lumitaw sa mukha niya, na sobrang ganda.Pero, iniisip niya kung paano niya magagawa ang huling beripikasyon para kumpirmahin na ang Charlie Wade sa application form ay ang Charlie nga na hinahanap niya. Inisip niya, ‘Ang pinakamagandang paraan ay tawagan ko si Charlie at pakinggan ang boses niya. Naaalala ko pa ang boses niya, kaya siguradong makikilala ko siya basta’t magsasalita siya.’Pero, hindi nangahas si Vera na siya mismo ang tumawag. Marahil ay makilala ni Charlie ang boses niya kung siya mismo ang tatawag sa kanya.Pero, kung tatawagan niya siya at hindi siya magsasalita, marahil ay posible iyon pero medyo kakaiba. Kung pag-iisipan ito ni Charlie, baka maisip niya na may mali.Kaya, pagkatapos itong pag-isipan, naramdaman ni Vera na dapat ay humanap siya ng ibang tao para tawagan si Charlie. Kailangan niya rin gumawa ng isang