Sa una ay may mataas na probalidad na makita ni Charlie si Vera, pero hindi niya nakita si Vera dahil sa biglaang paggalaw ng singsing. Hindi rin nakita ni Vera si Charlie.Pero, si Vera, na may malakas na pakiramdam, ay naantig ng isang bagay sa sandaling dumaan ang BMW. Lumingon agad siya nang hindi nag-iisip pero nakita niya lang an umalis ang kotse at wala siyang nakitang kakaiba.Akala niya na masyado lang siyang sensitibo, kaya hindi niya ito isinapuso. Si Charlie, na nasa BMW, ay itinabi na ang singsing at sinabi kay Claudia, “Pumunta muna tayo sa siyudad at bumili ng isang regalo bago bumalik kung wala kang gagawin.”Mabilis na tumango si Claudia. “Okay. Susundan lang kita, Charlie.”Kaya, nagmaneho ang dalawa papunta sa shopping center sa siyudad.Sa kabilang banda, mabagal na huminto ang convoy ni Logan sa square sa labas na Academic Affairs Building.Naghihintay at nakapila na ang mga kasalukuyang school leader at ang nag-retirong dating dean ng Aurous University.M
Sobrang detalyado ng kabuuang disenyo ng arkitektura ng Aurous University.Dahil isa itong sinaunang kabisera, sobrang lalim din ng kultura dito, kaya noong itinayo ang campus, isinaalang-alang din ang mga lokal na katangian ng Aurous Hill dito. Mayroon itong kabuuang modernong hitsura na may kaunting kasimplehan at kadakilaan, kaya namangha si Vera dito nang tiningnan niya.Naglakad siya sa paligid ng ccampus at biglang nakita ang mga malalagong buhol sa malapit, at binulong niya sa sarili niya, “Iyon siguro ang Mount Qi… Mas mabuti talaga na makita ko ito.”Pagkatapos nito, biglang may pumasok sa isipan niya, at biglang nabalot ng lungkot ang mga magagandang mata niya.Sa kabilang bahagi, si Logan at ang asawa niya ang sentro ng atensyon habang pinapaligiran sila ng mga tao. Umikot sila saglit sa campus, at sa wakas ay nahanap na ni Logan ang pagkakataon na hilahin ang dating dean sa gilid at sinabi, “Mr. Anderson, pumunta ako ngayon dahil kailangan ko ang tulong mo sa ilang baga
Sa kawili-wiling paraan, nakatayo nang kinakabahan si Mr. Laverick sa pinto na parang isang tagasunod sa sandaling ito.Si Logan at at ang asawa niya, at si Mr. Anderson, ang dating old dean, at ang kasalukuyang dean, si Mr. Summer, ay nakaupo sa sofa kung saan nakaupo si Charlie kanina.Nang makita ni Logan na pumasok si Vera, ngumiti siya at sinabi, “Halika, hayaan mong ipakilala ko siya sa inyong lahat. Siya si Veron Laver, ang apo sa tuhod ng malayong kamag-anak ko.”Pagkatapos itong sabihin, sinabi niya rin kay Vera, “Veron, halika at batiin mo si Mr. Anderson, Mr. Summer, at Mr. Laverick mula sa Admissions Office.”Tumingin lang si Vera sa kanilang tatlot at tumango nang bahagya nang hindi nagsasalita.Buti na lang, ipinaalam na ni Logan sa kanila na introvert si Vera at hindi siya masyadong nagsasalita, kaya ayos lang ito sa lahat.Ang kasalukuyang dean, si Ariel, ay sinabi nang masigla, “Miss Laver, sinabihan ko si Mr. Laverick na maghanda ng isang listahan ng lahat ng de
Nagulat si Mr. Laverick nang marinig ang boses ni Vera. Tinanong niya siya nang mabilis, “Anong problema, Miss Lavor?”Tinuro ni Vera ang application form sa kanyang kamay at sinabi, “Pwede mo ba itong ipakita sa akin?”Sinabi ni Mr. Laverick nang walang pag-aatubili, “Syempre, syempre!”Pagkasabi nito, binigay niya ang application form kay Vera, pero hindi niya mapigilan na isipin, ‘Gusto ko itong ipakita sayo kanina lang, pero sinabi mo na hindi ko na ito kailangan gawin. Pabago-bago talaga ang isip ng mga batang tao ngayon.’Kinuha ni Vera ang application form ni Claudia, at mukhang binabasa ng mga mata niya ang personal na impormasyon ni Claudia, pero ang peripheral vision at atensyon niya ay naka-focus sa emergency contact column.May dalawang salita na nakasulat sa space sa column na iyon, at ang dalawang salita na ito ay matagal nang tumatakbo sa isipan niya. Charlie Wade!Bukod sa dalawang salita, Charlie Wade, may sunod-sunod din na labing isang numero. Alam ni Vera na i
Tumango si Vera at tumalikod, lumabas sa pinto.Paglabas sa opisina, tumaas agad ang mga sulok ng labi ni Vera, at dalawang mababaw na dimple ang lumitaw sa mukha niya, na sobrang ganda.Pero, iniisip niya kung paano niya magagawa ang huling beripikasyon para kumpirmahin na ang Charlie Wade sa application form ay ang Charlie nga na hinahanap niya. Inisip niya, ‘Ang pinakamagandang paraan ay tawagan ko si Charlie at pakinggan ang boses niya. Naaalala ko pa ang boses niya, kaya siguradong makikilala ko siya basta’t magsasalita siya.’Pero, hindi nangahas si Vera na siya mismo ang tumawag. Marahil ay makilala ni Charlie ang boses niya kung siya mismo ang tatawag sa kanya.Pero, kung tatawagan niya siya at hindi siya magsasalita, marahil ay posible iyon pero medyo kakaiba. Kung pag-iisipan ito ni Charlie, baka maisip niya na may mali.Kaya, pagkatapos itong pag-isipan, naramdaman ni Vera na dapat ay humanap siya ng ibang tao para tawagan si Charlie. Kailangan niya rin gumawa ng isang
Si Charlie, na nasa kabilang linya, ay kabibili lang ng ilang mabangong aromatherapy para kila Mrs. Lewis, Stephanie, at Claudia.Sa una ay ang welcome lunch ay para ipagdiwang ang housewarming, kaya ang mga regalo para sa housewarming ay karaniwang mga angkop na souvenir para sa bagong bahay.Ang aromatherapy ay isang bagay na gusto ng karamihan ng mga babae, kaya pumili si Charlie ng ilang high-end na aromatherapy para iregalo.Bigla siyang nakatanggap ng isang tawag mula sa isang lokal na hindi pamilyar na number. Hindi niya ito masyadong pinag-isipan at sinagot ang tawag ayon sa karaniwang kilos niya.Narinig niya ang boses ni Madam Marilyn sa kabilang linya. “Hello, Sir, lalabas na ako ngayon, kaya baka hindi ko na mahintay ang delivery mo. Pakilagay na lang ang order ko sa property center. Pupunta ako at kukunin ito pagbalik ko.”Sinabi nang kaswal ni Charlie, “Sorry, maling number siguro ang natawagan mo.”“Huh?!” Napabulalas si Madam Marilyn at sinabi, “Tingnan natin… Oh,
Sinabi ni Vera, “Okay, sabihin mo kay Logan bago ka umalis para makapagpadala siya ng tao para sunduin ka sa airport.”“Okay.” Sinabi ni Emmett, “Inayos ko na ang ilang koneksyon sa Aurous Hill, at kahit na retirado na ang ilan sa kanila, may malaking bigat ang mga salita nila sa Aurous Hill. Ipapadala ko sila para tulungan kang imbestigahan ang Charlie na hinahanap mo!”Ngumiti si Vera at sinabi, “Hindi na. Nahanap ko na siya.”“Ano?!” Tinanong ni Emmett sa gulat, “Nahanap mo na siya?! Sobrang bilis?!”“Tama.” Sinabi nang seryoso ni Vera, “Ganito ang buhay. Basta’t gagawin mo ang ilang tamang desisyon, kaya mong magtagumpay nang walang ginagawa. Ganito rin kapag may hinahanap kang tao.”Pagkasabi nito, sinabi ulit ni Vera, “Mas kawili-wili ang mga karanasan ngayong araw. Sasabihin ko sayo ang tungkol dito pagdating mo.”“Okay!” Sinabi nang mabilis ni Emmett, “Maghahanda na akong umalis, kung gano’n!”Pagkatapos nito, hindi na ulit lumabas sa kotse si Vera.Hindi na rin nagpata
Pagkatapos bumuntong hininga nang emosyonal, sinamahan ni Madam Marilyn si Vera habang umakyat siya sa pinakamataas na courtyard.Nang tumapak siya sa courtyard na ito, napagtanto niya na mas nakakawili pa ito kaysa sa iniisip niya.Ang bawat ladrilyo, halaman, at puno ay sobrang elegante at detalyado, at may mga tagpi pa ng mga lumot na tumutubo sa bluestone sa sahig ng courtyard.May magandang open-air na hot spring pool din sa sulok ng courtyard. Ang rockery sa tabi ng pool ay parang buhay, at maraming mga bonsai na halaman ang nakatanim doon, na para bang pinagmumukha itong pinaliit na totoong bundok.Sinundan siya ni Madam Marilyn at ipinakilala sa kanya, “Miss Lavor, ang hot spring pol na ito ay konektado sa natural hot spring water ng Mount Xvilou sa Aurous Hill. Ang tubig ng hot spring ay pinapadala pataas sa bundok mula sa isang underground pipeline. Ang temperatura ng tubig ay pwedeng gamitin nang direkta sa tag-init, at lalamig ang tubig pagkatapos maglakbay sa pipeline