Naghihintay na si Isaac sa loob sa sandaling dumating ang kotse ni Charlie sa harap ng Academic Affairs Building ng Aurous University.Nang makita ni Isaac na pinarada ni Charlie ang kotse niya, mabilis siyang lumapit at tinulungan siyang buksan ang pinto habang sinabi nang magalang, “Young Master, ginawa ko na ang lahat ng pagsasaayos sa school. Kailangan lang na puuinni Claudia ang application form at ibigay ang lahat ng dokumento niya bago siya direktang pumili ng major niya.”Tumango si Charlie at naaalala ang banner na nakita niya sa labas at tinanong siya, “Narinig mo na ba ang tungkol kay Logan Carrick? Parang pamilyar ang taong ito.”“Logan Carrick…” Sinabi nang nagmamadali ni Isaac, “Si Mr. Carrick ang pinakamayamang lalaki sa Northvale. Ilang taon na ang nakalipas, sadya niyang hinati ang mga industriya ng pamilya niya, kaya bumaba ang ranggo niya, pero sobrang lakas pa rin ng pamilya Carrick sa Northvale.”Pagkatapos itong sabihin, tinanong ni Isaac, “Nakita mo ba na nag
Ngumiti nang bahagya si Isaac at sinabi, “Mr. Laverick, kailangan kitang abalahin sa bagay na ito ngayon.”Sumagot nang nakangiti si Mr. Laverick, “Mr. Cameron, walang anuman. Maliit na bagay lang ito. AT saka, ang pangangalap ng mga international student ay isang gawain din na pinapahalagahan namin, kaya tinutulungan mo akong kumpletuhin ang performance evaluation ko, Mr. Cameron.”Tumawa si Isaac, ipinakilala si Claudia sa kanya, at sinabi, “Mr. Laverick, siya si Claudia, ang malayong kamag-anak na binanggit ko. Ipinanganak siya at pinalaki sa Canada, at nag-aral din siya sa Canada. Ang taong nasa tabi niya ay ang malayong kamag-anak ko rin. Siya ang pinsan ni Claudia.”Tumango si Mr. Laverick kay Charlie at ngumiti habang sinabi kay Claudia, “Hello, Claudia. Ako si Malachi Laverick, at ako ang Director ng Admissions sa Aurous University. Maligayang pagdating sa Aurous University.”Sinabi nang sobrang galang ni Claudia, “Hello, Mr. Laverick. Sana ay alagaan mo ako kung swerte ako
Nawalan na ng interes si Claudia sa mga materyal na bagay at pera sa batang edad noong nagsisimula pa lang ang mga kaedad niya na pahalagahan at mapagtanto ang kahalagahan nito.Naging basta-basa sa kanya ang mga ito dahil sa kalunos-lunos na pagkamatay ng pamilya niya. Hindi niya inaasahan na maging mayaman, o habulin ang magandang buhay o mataas na katayuan sa buhay. Gusto niya lang na mabuhay nang walang pagsisisi para gumaan din ang kalooban ng mga kaluluwa ng pamilya niya sa langit.Kaya, pagkatapos tumingin sa napakaraming major, wala siyang interes sa ibang major at interesado lang sa archaeology major.Hindi lang na dahil gusto niyang mapalawak ang kaalaman niya sa Oskia, ngunit dahil gusto niyang umiwas na makihalubilo sa maraming tao hangga’t maaari.Haharapin niya ang iba’t ibang uri ng mga historical site at artifact araw-araw sa archaeology, at sobrang hindi sikat ng major, kaya kaunti lang ang magiging kaklase niya, na sakto sa pagpipilian niya.Kaya, nagpasya si Cla
Pagkatapos ay binigay ni Claudia ang impormasyon kay Mr. Laverick.Pagkatapos tingnan nang maigi ang impormasyon, sinabi ni Mr. Laverick,, “Okay, parang wala namang problema. Ipapadala ang admission notice sa address dito pagdating ng oras. May reporting time doon, kaya pagdating ng oras, dapat pumunta ka sa university at dumaan sa admission procedure.”Pagkasabi nito, tinanong niya si Claudia, “May mga kamag-anak ka ba sa Aurous Hill?”Tumango si Claudia. “Nasa Aurous Hill ang ninang ko.”Tinanong ni Mr. Laverick, “May balak ka bang tumira sa campus o pumunta lang sa university sa umaga?”Tinanong ni Claudia, “Ito lang ba ang pagpipilian ko?”Tumango si Mr. Laverick at sinabi, “Sa teorya, oo, dahil kailangan pumirma ng university ng isang kasunduan kasama ang mga estudyante kung sa umaga lang sila pupunta sa university. Medyo magulo ang proseso dahil sangkot ang personal na kaligtasan at responsibilidad dito. Hindi imposible kung gusto mong tumira sa campus paminsan-minsan. Pwed
Nang marinig ni Mr. Laverick ang mga sinabi ng babae, tinanong niya sa sorpresa, “Huh? Sobrang aga? Hindi ba’t sinabi niya na dadating siya mamayang tanghali o hapon?”Sinabi ng babae, “Sa hindi inaasahan, umalis siya nang maaga kagabi. Tinawagan niya ang dating dean ngayon lang at sinabi na malapit na siya dito! Sa tingin ko ay huli na tayong batiin siya sa entrance ng university ngayon, kaya sa baba na lang natin siya hihintayin!”Ang bagong campus ng Aurous University ay may sukat na halos limang libong acre, at ang entrance ng university papunta sa Academic Affairs Building ay mahigit isang kilometro. Kung maglalakad talaga doon ang isang grupo ng mga middle-age at matatandang tao, aabutin sila ng sampu o dalawampung minuto.Pagkasabi nito, sinabi niya nang nagmamadali, “Mr. Laverick, magmadali ka na. Sinabihan tayo ng dean na makipagkita sa baba sa loob ng tatlong minuto. Kailangan kong pumunta at ipaalam ito sa iba ngayon din.”Umalis ang babae sa sandaling sinabi niya ito.
Tumango si Mr. Laverick. “Ihahatid ko kayo sa ibaba, kung gano’n.”Nang dumating silang apat sa ibaba, isang grupo ng mga school leader ang naghihintay na doon. Nagmamadaling pumila si Mr. Laverick pagkatapos magpaalam sa kanila. Pagkatapos ay tumingin si Isaac kay Charlie at tinanong nang magalang, “Young Master, ano pa ang ibang pagsasaayos na nasa isip mo?”Sinabi ni Charlie, “Wala na akong ibang gagawin. Ihahatid ko muna si Claudia at kakain sa bahay nila Mrs. Lewis sa tanghali.”Pagkatapos itong sabihin, idinagdag ni Charlie, “Siya nga pala, dinala ko si Porter at isang grupo ng mga sundalo mula sa Ten Thousand Armies para iligtas ang isang matandang babae at ang nag-iisang anak na lalaki niya sa Mexico dati. Hingiin mo kay Porter ang address ng bahay ng matandang babae para mabisita ko siya sa mga susunod na araw.”Noong pumunta si Isaac sa Mexico kasama si Albert, naubos na ni Charlie at ng mga sundalo ng Ten Thousand ARmies ang buong Crazy Juarez. Hindi malinaw para sa kany
Habang papalapit sa isa’t isa ang dalawang sasakyan, tumingin nang hindi nag-iisip si Charlie sa convoy sa kabila dahil nausisa siya.Nakikita niya na nasa Rolls-Royce siguro ang marangal na bisita, kaya ang focus niya ay tingnan din nang mabuti ang kotseng ito.Pero, hindi na siya nagkaroon ng ibang kaisipan, kaya tumingin lang siya dito nang kaswal. Dahil tinted ang kotse ng privacy film, nakita niya lang nang malabo na may apat na tao na nakaupo sa kotse.Sa sandaling ito, si Vera, na nakaupo sa passenger seat, ay tumitingin sa kung saan-saan. Pagkatapos ay tumingin siya sa kanan.Si Charlie, na nasa harap ng Rolls-Royce, ay nakita lang na ang driver sa kabilang kotse ay isang middle-age na lalaki at may batang babae sa passenger seat at isang matandang mag-asawa sa likod. Wala siyang napansin na kakaiba.Nang lumampas ang dalawang kotse sa isa’t isa, ang pinakamaikling distansya sa pagitan nina Charlie at Vera ay ilang metro lang, at kahit si Claudia, na nasa passenger seat, a
Sa una ay may mataas na probalidad na makita ni Charlie si Vera, pero hindi niya nakita si Vera dahil sa biglaang paggalaw ng singsing. Hindi rin nakita ni Vera si Charlie.Pero, si Vera, na may malakas na pakiramdam, ay naantig ng isang bagay sa sandaling dumaan ang BMW. Lumingon agad siya nang hindi nag-iisip pero nakita niya lang an umalis ang kotse at wala siyang nakitang kakaiba.Akala niya na masyado lang siyang sensitibo, kaya hindi niya ito isinapuso. Si Charlie, na nasa BMW, ay itinabi na ang singsing at sinabi kay Claudia, “Pumunta muna tayo sa siyudad at bumili ng isang regalo bago bumalik kung wala kang gagawin.”Mabilis na tumango si Claudia. “Okay. Susundan lang kita, Charlie.”Kaya, nagmaneho ang dalawa papunta sa shopping center sa siyudad.Sa kabilang banda, mabagal na huminto ang convoy ni Logan sa square sa labas na Academic Affairs Building.Naghihintay at nakapila na ang mga kasalukuyang school leader at ang nag-retirong dating dean ng Aurous University.M
Sa kalagitnaan ng pag-iisip, bigla siyang nakatanggap ng online call mula sa British Lord. Nagbago sa sorpresa ang ekspresyon niya, at mabilis niyang sinagot ang tawag, sinabi nang magalang, “Hello, British Lord.”Sa kabilang dulo ng tawag, tinanong nang mahigpit ng malamig na boses, “Mr. Chardon, kailan ka dumating sa Aurous Hill?”Sumagot nang nagmamadali si Mr. Chardon, “British Lord, dumating ako sa Aurous Hill kaninang umaga.”Nagpatuloy ang British Lord, “Gabi na siguro diyan. Mahigit labinlimang oras ka na nasa Aurous Hill, kaya bakit hindi mo pa pinapatay ang mga Acker?”Tumibok nang malakas ang puso ni Mr. Chardon, at sinabi niya, “British Lord, kadarating ko lang sa Aurous Hill ngayong araw at hindi pa ako pamilyar sa kapaligiran…”Idiniin ng British Lord, “Hindi ba’t sinabi ko na sayo na nakatira sa villa ng Willow Manor ang mga Acker? Kailangan mo lang pumunta sa Willow Manor ng gabi at patayin silang lahat para maiwasan ang kahit anong problema sa hinaharap. Simpleng
Hindi katagalan, huminto ang Rolls-Royce na minamaneho ni Madam Marilyn sa loob ng courtyard ng Scarlet Pinnacle Manor.Si Vera na ang nagbukas ng pinto nang hindi hinihintay si Madam Marilyn, lumabas sa kotse, at naglakad papunta sa top-floor na courtyard niya. Nang hindi lumilingon, sinabi niya, “Madam Marilyn, simula ngayong araw, hindi ako aalis sa bahay. Ilagay mo lang ang tatlong pagkain ko sa labas ng pinto ng courtyard, kumatok, at maaari ka nang umalis.”Nasorpresa si Madam Marilyn. Naintindihan niya na ayaw sumali ni Vera sa orientation, pero hindi niya maintindihan kung bakit gustong manatili ni Vera sa loob nang hindi umaalis sa bahay.Bilang isang kasambahay, alam niya na mas mabuting huwag magtanong ng mga hindi kailangan na tanong, kaya sinabi niya nang walang pag-aatubili, “Okay, Miss Lavor, naiintindihan ko! May mga espesyal na hiling ka ba para sa mga pagkain mo?”Sumagot nang kaswal si Vera, “Ayos lang ang kahit ano. Ikaw na ang bahala dito.”Pagkatapos itong sa
Natatakot siya na konektado kay Charlie ang kulog kanina lang, kaya patuloy niyang binulong, “Sagutin mo nang mabilis ang tawag… Sagutin mo nang mabilis ang tawag…”Makalipas ang ilang sandali, kumonekta ang tawag, at narinig ang boses ni Charlie, “Veron, may kailangan ka ba?”Nang marinig ang boses ni Charlie, agad huminga nang maluwag si Vera at sinabi nang nagmamadali, “Charlie, nagpapasalamat ako para sa nangyari dati, kaya gusto kitang tanungin kung kailan ka libre. Gusto kitang imbitahin na kumain.”Humagikgik si Charlie, “Pag-usapan natin ito pagkatapos ng orientation mo. Sa ngayon, manatili ka lang sa school at huwag kang pumunta kahit saan.”Habang nagsasalita siya, may naalala si Charlie at tinanong siya, “Siya nga pala, nasa kalagitnaan ka pa rin dapat ng orientation mo, tama? Paano ka nagkaroon ng oras na tawagan ako?”Sadyang nagsinungaling si Vera, “Biglang kumulog kanina lang, at para bang uulan. Kaya, sinabihan kami ng instructor na magpahinga at suriin ang panahon
Samantala, sa Aurous University, libo-libong freshman mula sa iba’t ibang departamento ang nahati sa iba’t ibang pormasyon sa field para sa 14-day orientation.Ngayong araw pa lang ang simula, at maraming freshmen ang hindi sanay sa mahigpit na quasi-military orientation. Mahirap na nga tiisin ang sobrang init na araw, at dahil sa mahabang manggas na camouflage uniform at tuloy-tuloy na paglalakad, parang pinahihirapan nang sobra ang mga freshmen.Isang nakabibinging tunog ang biglang narinig sa timog-kanluran, nagulat ang lahat ng estudyante. Palihim na nagsasaya ang mga estudyante habang nakatingin sa mga madilim na ulap sa timog-kanluran, umaasa sila na biglang uulan.Karamihan ng mga estudyante ay inisip na kung biglang uulan, marahil ay masusupende ang orientation. Kung gano’n, sa wakas ay makakahinga na nang maluwag ang lahat. Kahit na hindi masuspende ang orientation, mas komportable na magsanay sa ulan kaysa tiisin ang mainit na araw.Kaya, halos lahat ng estudyante ay sa
Hindi lang dinurog ng kidlat ng Thunder Order ang malaking bato, ngunit gumawa rin ito ng isang malaking hukay sa lupa sa ilalim nito. Nanabik nang sobra si Mr. Chardon sa nakakatakot na lakas nito sa punto na halos napasigaw siya sa langit.Hindi siya makapaniwala na ang Thunderstrike wood ay isa palang mahiwagang instrumento na kayang magtawag ng kidlat. Bukod dito, ang lakas ng kidlat na ito ay maikukumpara sa isang heavy artillery shell, na lampas sa kahoy na ispada na binigay sa kanya ng British Lord.Habang puno ng sabik, tumayo si Mr. Chardon sa tabi ng malaking hukay, nakatingin sa buong Thunder Order, at binulong sa sarili niya, “Nakakatakot talaga ang lakas ng kidlat na ito! Gamit ito, kahit na may nakatagpo akong kalaban na mas malakas sa akin, kaya kong lumaban. Mukhang sobrang swerte ko sa pagpunta ko sa Aurous Hill ngayon!”Nang maisip ito, bumuntong hininga si Mr. Chardon, “Pero, malaki ang ginagamit na Reiki ng bagay na ito. Para lang mapagana ito ng isang beses, nau
Habang papunta si Mr. Chardon sa Mount Phoenix, nakatanggap si Charlie ng isang text message mula kay Zachary. Sa mensahe, isang pangungusap lang ang sinulat ni Zachary: ‘Bagong store ang magbubukas sa susunod na buwan.’Nang makita ito, sumagot agad si Charlie ng isang thumbs-up na emoji.Ito ang code na pinagkasunduan nila. ‘Bagong store na magbubukas’ ay isang balbal sa tomb raiding industry na ang ibig sabihin ay may bagong libingan na huhukayin. Ayon sa kasunduan nila, kapag nabenta ang Thunder Order, ipapadala ni Zachary ang code na ito kay Charlie.Ang dahilan sa paggamit ng ganitong code ay bilang isang pag-iingat. Kung makikita ito ng may masamang hangarin, iisipin nila na dalawang tomb robber lang ito na nagpaplano ng bagong operasyon, hindi ito konektado sa ibang bagay.Nang matanggap ang mensahe, alam ni Charlie na nabenta na ang Thunder Oder, kaya tinawagan niya agad si Isaac. Makalipas ang sampung minuto, nagpadala si Isaac ng ilang video clip kay Charlie.Ang mga vi
Nang makita ni Zachary na sobrang ingat ni Mr. Chardon, alam niya na hindi ito mapipilit at hindi dapat ito madaliin. Kaya, tinapik niya ang kanyang dibdib at sinabi, “Okay, Sir, pwede kang pumunta ulit bukas ng umaga at tumingin.”Lumapit si Mr. Chardon at sadyang hininaan ang boses niya, sinasabi, “Boss, paano kung ganito? Babayaran kita ng 200 thousand US dollars nang maaga. Kung may kahit anong bago, itabi mo muna ito para sa akin sa halip na i-display ito para hindi ito makuha ng iba. Mas mabuti kung magugustuhan ko ito pagkatapos ko itong makita, kung hindi, pwede mo na itong ibenta sa iba. Ano sa tingin mo?”Nag-isip saglit si Zachary, pagkatapos ay tumingin at sinabi, “Okay, hindi na ako mag-aalangan dahil direkta ka. Gagawin natin ang sinabi mo.”Tuwang-tuwa si Mr. Chardon. Nilabas niya ulit ang kanyang cellphone at nagpadala pa ng 200 thousand US dollars sa bank account ni Zachary.Gumastos ng 1.5 million US dollars si Mr. Chardon, pero hindi siya nabalisa. Sa kabaliktara
Sa wakas ay nakuha na ni Mr. Chardon ang ‘tiwala’ ni Zachary pagkatapos ng mahabang proseso ng pagpapaliwanag at pambobola. Nagpadala na rin siya nang direkta ng 800 thousand US dollars sa bank account ni Zachary.Pagkatapos matanggap ni Zachary ang pera, natuwa siya nang sobra at sinabi nang mabilis kay Mr. Chardon, “Oh, tatang, hindi ka pala isang undercover na pulis, ngunit isang Diyos ng Kayamanan!”Tinanong nang naiinip ni Mr. Chardon. “Dahil nagbayad na ako para sa produkto, sa akin na ba ang bagay na ito?”Binigay nang direkta ni Zachary kay Mr. Chardon ang Thunderstrike wood at sinabi, “Kunin mo muna ito. Ipapadala dito ang jade ring maya-maya.”Tuwang-tuwa si Mr. Chardon. Pinaglaruan niya ang Thunderstrike wood sa kamay niya, at hindi maipaliwanag ang kanyang kasiyahan para dito.Wala na siyang galit o sama ng loob kay Zachary sa puntong ito.Gusto niya lang humanap ng lugar na walang tao para masubukan niya ang kapangyarihan ng mahiwagang instrumento na ito na gawa sa T
“Maghintay ka saglit.” Sinabi nang kaswal ni Zachary, “Sinabihan ko ang tauhan ko na hintayin ang businessman mula sa Hong Kong. Maingat ang lahat ng businessman mula sa Hongkong at kahit kailan ay hindi sila tumawa o nagpadala ng kahit anong text message lalo na ang sabihin sa amin kung anong flight ang sinakyan nila papunta sa Aurous Hill. Kailangan nilang makipagkita at hanapin ang sikretong code at tanda bago nila ipapakilala ang sarili nila, kaya pwede itong mangyari sa kahit anong oras. Kailangan manatili doon ng tauhan ko para maghintay.”Hindi nangahas si Zachary na papuntahin si Landon dahil niloko niya rin si Landon. Kung magbubunyag ng kahit anong bakas si Landon pagkatapos niyang pumunta, mababalewala ang mga pagsisikap ni Zachary.Kaya, nag-isip saglit si Zachary at sinabi, “Bakit hindi natin ito gawin? Sasabihan ko siya na kumuha ng utusan sa siyudad para ipadala ang singsing sayo.”Sinabi nang nagmamadali ni Mr. Chardon, “Hindi, hindi iyon pwede. Paano ko hahayaan ang