“Miss, kamukhang-kamukha ni Curtis ang Charlie na nakita mo?!”May hindi makapaniwalang ekspresyon ang matandang lalaki sa puntong ito.Tumango nang bahagya si Vera at sinabi, “Hindi ko masasabi na 100% silang magkamukha, pero may nasa 90% na pagkakahawig.”“90%...” Sinabi ng matandang lalaki sa gulat, “Kung gano’n, wala sigurong mali dito. Magkamukha ang dalawang tao, kasama na ang katotohanan na Charlie Wade ang pangalan niya. Kaya, wala sigurong problema…”Habang sinasabi niya ito, hindi niya mapigilan na ibulong, “Kung gano’n… ang ibig sabihin ay… buhay pa rin ang anak nina Curtis at Ashley?!”Nawala ang dating lungkot ni Vera, at sinabi niya nang nakangiti, “Hindi lang na buhay siya ngunit nabubuhay din siya nang maayos! Sobrang lakas niya, at ang mga miyembro ng Armed Calvary Guards mula sa Qing Eliminating Society ay parang mga carrot na nakatambak sa chopping board sa harap niya. Wala silang abilidad na lumaban, na kahanga-hanga talaga!”“Gano’n ba?!” Mas lalong natulala
“Hindi ito mahalaga.” Sinabi nang nakangiti ni Vera, “Nasa kalahati na ako dahil alam ko na ang totoong niyang pagkakakilanlan!”Pagkatapos itong sabihin, idinagdag ni Vera, “Hahanapin ko muna siya sa Oskia, at kung hindi ko talaga siya mahahanap, pupunta ako sa ibang bansa para hanapin siya.”Tinanong nang nagmamadali ng matandang lalaki, “Miss, saan mo siya hahanapin?”Ngumiti si Vera at sinabi, “Pupunta ako sa Aurous Hill dahil doon siya naglaho dalawampung taon na ang nakalipas. Magsisimula doon ang lahat ng bakas!”Sinabi nang hindi nag-iisip ng matandang lalaki, “Miss, sa Aurous Hill din nagsimulang maghanap ang pamilya Wade at pamilya Acker. Pagkatapos maghanap sa Aurous Hill at sa buong mundo sa loob ng maraming taon, hindi pa rin nila siya nahanap. Pero, balak mong hanapin siya sa Aurous Hill makalipas ang dalawampung taon. Hindi ba’t mababalewala ang pagsisikap mo?”Sinabi nang seryoso ni Vera, “Dahil nagsimulang maghanap ang pamilya Wade at pamilya Acker sa Aurous Hill
Nanahimik saglit si Vera, at sinabi niya, “Hayaan mong gumawa ako ng divination para sayo. Mas mataas pa rin ang antas sa divination ko kaysa sa Oskian medication.”Pagkatapos itong sabihin, kumuha siya ng siyam na copper coin mula sa kanyang bulsa nang hindi hinihintay ang sagot ng matandang lalaki.Pagkatapos ay nialgay niya ang siyam na copper coin sa lamesa sa harap niya. Tulad ng dati, hinati niya ang mga copper coin sa tatlong hilera at kinuha ang unang tatlong barya sa diagonal na paraan bago ito hinagis sa lamesa.Pagkatapos, tiningnan niya agad ang hexagram ng mga copper coin, kumunot ang noo at sinabi, “Sinasabi sa hexagram na malapit nang matapos ang haba ng buhay mo, at may kalahating taon na lang na natitira sayo.”“Kalahating taon?” Nanigas ang ekspresyon ng matandang lalaki at nanigas siya, tila ba tinamaan siya ng isang gayuma.,Pero, mabilis siyang natauhan at ngumiti nang nakangiwi. “Kahit na medyo maikli ito sa inaasahan ko, ayos lang. Sapat na ang kalahating ta
“Aurous Hill?” Tinanong ng matandang lalaki sa sorpresa. “Ang ibig sabihin mo ay nasa Aurous Hill ang birth gate ko?”“Oo.” Tumango nang bahagya si Vera at sinabi, “Mukhang dapat kang sumama sa akin sa Aurous Hill!”Tinanong nang nagmamadali ng matandang lalaki, “Miss, maaari… maaari ba akong sumama sayo?”“Syempre.” Tumango si Vera at sinabi, “Dahil nasa timog ang birth gate mo at may kinalaman ito sa akin, ang Aurous Hill ang pinaka posibleng lugar. Pumunta tayo doon nang magkasama. Mabubuhay ka hanggang 100 years old kung mahahanap natin ang birth gate mo.”Sabik na sabik ang matandang lalaki at sinabi niya nang magalang, “Salamat sa kabaitan mo, Miss!”Pagkatapos nito, nanginig siya at luluhod na sana.Mabilis na tumayo si Vera para pigilan siya at sinabi nang seryoso, “Hindi mo kailangan lumuhod sa akin. Kahit na may kaugnayan sa akin ang birth gate na ito, hindi ito isang bagay na kaya kong dalhin sayo, kaya kailangan mo pa rin pumunta sa Aurous Hill para hanapin ang sarili
“Jusko!” Sinabi ni Logan. “Miss, bakit nakila Emmett ka?”Sinabi ni Vera, “May ilang personal na bagay ako, at pumunta ako dito para humingi ng tulong sa kanya.”Pagkatapos itong sabihin, dumiretso siya sa punto at sinabi, “Balak kong pumunta sa Aurous Hill at marahil ay tumira sa Aurous Hill pansamantala, kaya gusto kong magtanong kung may bahay ka ba sa Aurous Hill na pansamantala kong magagamit.”Sumagot agad si Logan nang walang pag-aatubili, “Oo, syempre! May hilltop mansion ako sa Scarlet Pinnacle sa Aurous Hill sa loob ng forest park na hindi buksa sa publiko! Isa itong private mansion na inaprubahan ng Aruous Hill noong bumalik ako doon kasama ang asawa ko para mag-invest sa construction. Nagtayo rin ako ng isang espesyal na daan papunta sa mansyon, at ang forest park na ito ay matatagpuan sa siyudad ng Aurous Hill, kaya madaling makapunta sa kahit saan. Pwede kang manatili doon kung pupunta ka sa Aurous Hill! May ilang kotse at isang helicopter din ako, at lahat sila ay ina
Napakabilis at walang kapabayaan ang istilo ng kilos ni Vera.Pagkatapos ibaba ang tawag kay Logan, sinabi niya agad kay Emmett, “Mr. Sandsor, kailangan ko ng tulong mo na mag-ayos ng isang eroplano. Pupunta ako sa Malaysia ngayon.”Tinanong nang nagmamadali ni Emmett, “Miss, bakit hindi ako sumama sayo?”Kumaway si Vera at sinabi nang seryoso, “Hindi na. May espesyal na katayuan ka, kaya madaling mabubunyag ang mga bagay-bagay sa hinaharap kung mag-iiwan ka ng record na umalis tayo nang magkasama sa bansa. Pupunta ako doon gamit ang pagkakakilanlan na ginamit ko sa pagpasok sa bansa, at babalik ako gamit ang bagong pagkakakilanlan. Didiretso ako sa Aurous Hill pagbalik ko. Makipagkita ka sa akin sa Aurous Hill pagdating ng oras.”Nang marinig ito ni Emmett, tumango siya at sinabi, “Masusunod. Hihintayin ko ang balita mo sa Eastcliff. Makikipagkita ako sayo pagkatapos mong dumating sa Aurous Hill.”“Okay!” Tinanon siya ni Vera, “Kailan makakalipad nang pinakamaaga ang eroplano?”
Nang kumonekta ang tawag, pinagtampal ni Elaine ang mga labi niya nang mapaglaro habang sinabi, “Oh, mahal kong manugang, bakit mo ako tinawagan sa ganitong oras?”Sinabi ni Charlie nang nakangiti, “Ma, kamusta ang pagpapagaling mo?”Ngumiti si Elaine at sinabi, “Mabuit, magaling! Kumakain ako ng shark’s fin, abalone, cordyceps, at sea cucumber araw-araw, at mas maganda ang nutrisyon ko kaysa sa mga soccer player! Sobrang galing din ng mga doktor dito, kaya maganda ang paggaling ng binti ko.”Sinabi ni Charlie, “Mabuti naman. Grumaduate na si Claire sa klase niya ngayong araw, at balak naming umalis at pumunta sa New York bukas ng umaga. Babalik tayo sa Aurous Hill nang magkasama pagkatapos ka namin sunduin.”“Babalik sa Aurous Hill?” Agad naging malungkot ang tono ni Elaine, at sinabi niya, “Mahal kong manugang, magiging boring kapag bumalik ako sa Aurous Hill. Hindi magiging madali para sa binti ko, at aabalahin ko kayo ni Claire araw-araw. Sa tingin ko ay mas mabuti na bumalik m
Nag-usap nang matagal sina Kathleen at Claire sa executive lounge.Sa panahong ito, bahagyang binago ni Kathleen ang kanyang kwento, kaya naging sobrang natural at maayos ang lahat para kay Claire.Ayon kay Kathleen, pumunta sila ng kanyang lolo sa Aurous Hill dahil lumalala ang kalagayan ng kanyang ama. May nagpakilala kay Anthony Simmons, isang henyo na doktor, sa kanyang lolo, kaya pumunta agad sila sa Aurous Hill.Pagdating sa Aurous Hill, ginamit ni Kathleen ang alyas na Kylie Jane para manatiling nakatago. Pinili na niya ang pagkakakilanlan na ito noong pumasok siya sa Oskia, kaya napagtanto rin ni Claire na hindi lang gawa-gawa ni Kathleen ang pangalan para linlangin siya.Sinabi ni Kathleen kay Claire na hinanap nila ng kanyang lolo si Anthony para gamutin ang kanyang lolo pagdating nila sa Aurous Hill, at nagamot niya nga ang sakit ng kanyang lolo. Pero sa oras na iyon, sinamantala ng kanyang eldest uncle ang pag-alis ng kanyang lolo sa United States at ginamit ang isang p