“Aurous Hill?” Tinanong ng matandang lalaki sa sorpresa. “Ang ibig sabihin mo ay nasa Aurous Hill ang birth gate ko?”“Oo.” Tumango nang bahagya si Vera at sinabi, “Mukhang dapat kang sumama sa akin sa Aurous Hill!”Tinanong nang nagmamadali ng matandang lalaki, “Miss, maaari… maaari ba akong sumama sayo?”“Syempre.” Tumango si Vera at sinabi, “Dahil nasa timog ang birth gate mo at may kinalaman ito sa akin, ang Aurous Hill ang pinaka posibleng lugar. Pumunta tayo doon nang magkasama. Mabubuhay ka hanggang 100 years old kung mahahanap natin ang birth gate mo.”Sabik na sabik ang matandang lalaki at sinabi niya nang magalang, “Salamat sa kabaitan mo, Miss!”Pagkatapos nito, nanginig siya at luluhod na sana.Mabilis na tumayo si Vera para pigilan siya at sinabi nang seryoso, “Hindi mo kailangan lumuhod sa akin. Kahit na may kaugnayan sa akin ang birth gate na ito, hindi ito isang bagay na kaya kong dalhin sayo, kaya kailangan mo pa rin pumunta sa Aurous Hill para hanapin ang sarili
“Jusko!” Sinabi ni Logan. “Miss, bakit nakila Emmett ka?”Sinabi ni Vera, “May ilang personal na bagay ako, at pumunta ako dito para humingi ng tulong sa kanya.”Pagkatapos itong sabihin, dumiretso siya sa punto at sinabi, “Balak kong pumunta sa Aurous Hill at marahil ay tumira sa Aurous Hill pansamantala, kaya gusto kong magtanong kung may bahay ka ba sa Aurous Hill na pansamantala kong magagamit.”Sumagot agad si Logan nang walang pag-aatubili, “Oo, syempre! May hilltop mansion ako sa Scarlet Pinnacle sa Aurous Hill sa loob ng forest park na hindi buksa sa publiko! Isa itong private mansion na inaprubahan ng Aruous Hill noong bumalik ako doon kasama ang asawa ko para mag-invest sa construction. Nagtayo rin ako ng isang espesyal na daan papunta sa mansyon, at ang forest park na ito ay matatagpuan sa siyudad ng Aurous Hill, kaya madaling makapunta sa kahit saan. Pwede kang manatili doon kung pupunta ka sa Aurous Hill! May ilang kotse at isang helicopter din ako, at lahat sila ay ina
Napakabilis at walang kapabayaan ang istilo ng kilos ni Vera.Pagkatapos ibaba ang tawag kay Logan, sinabi niya agad kay Emmett, “Mr. Sandsor, kailangan ko ng tulong mo na mag-ayos ng isang eroplano. Pupunta ako sa Malaysia ngayon.”Tinanong nang nagmamadali ni Emmett, “Miss, bakit hindi ako sumama sayo?”Kumaway si Vera at sinabi nang seryoso, “Hindi na. May espesyal na katayuan ka, kaya madaling mabubunyag ang mga bagay-bagay sa hinaharap kung mag-iiwan ka ng record na umalis tayo nang magkasama sa bansa. Pupunta ako doon gamit ang pagkakakilanlan na ginamit ko sa pagpasok sa bansa, at babalik ako gamit ang bagong pagkakakilanlan. Didiretso ako sa Aurous Hill pagbalik ko. Makipagkita ka sa akin sa Aurous Hill pagdating ng oras.”Nang marinig ito ni Emmett, tumango siya at sinabi, “Masusunod. Hihintayin ko ang balita mo sa Eastcliff. Makikipagkita ako sayo pagkatapos mong dumating sa Aurous Hill.”“Okay!” Tinanon siya ni Vera, “Kailan makakalipad nang pinakamaaga ang eroplano?”
Nang kumonekta ang tawag, pinagtampal ni Elaine ang mga labi niya nang mapaglaro habang sinabi, “Oh, mahal kong manugang, bakit mo ako tinawagan sa ganitong oras?”Sinabi ni Charlie nang nakangiti, “Ma, kamusta ang pagpapagaling mo?”Ngumiti si Elaine at sinabi, “Mabuit, magaling! Kumakain ako ng shark’s fin, abalone, cordyceps, at sea cucumber araw-araw, at mas maganda ang nutrisyon ko kaysa sa mga soccer player! Sobrang galing din ng mga doktor dito, kaya maganda ang paggaling ng binti ko.”Sinabi ni Charlie, “Mabuti naman. Grumaduate na si Claire sa klase niya ngayong araw, at balak naming umalis at pumunta sa New York bukas ng umaga. Babalik tayo sa Aurous Hill nang magkasama pagkatapos ka namin sunduin.”“Babalik sa Aurous Hill?” Agad naging malungkot ang tono ni Elaine, at sinabi niya, “Mahal kong manugang, magiging boring kapag bumalik ako sa Aurous Hill. Hindi magiging madali para sa binti ko, at aabalahin ko kayo ni Claire araw-araw. Sa tingin ko ay mas mabuti na bumalik m
Nag-usap nang matagal sina Kathleen at Claire sa executive lounge.Sa panahong ito, bahagyang binago ni Kathleen ang kanyang kwento, kaya naging sobrang natural at maayos ang lahat para kay Claire.Ayon kay Kathleen, pumunta sila ng kanyang lolo sa Aurous Hill dahil lumalala ang kalagayan ng kanyang ama. May nagpakilala kay Anthony Simmons, isang henyo na doktor, sa kanyang lolo, kaya pumunta agad sila sa Aurous Hill.Pagdating sa Aurous Hill, ginamit ni Kathleen ang alyas na Kylie Jane para manatiling nakatago. Pinili na niya ang pagkakakilanlan na ito noong pumasok siya sa Oskia, kaya napagtanto rin ni Claire na hindi lang gawa-gawa ni Kathleen ang pangalan para linlangin siya.Sinabi ni Kathleen kay Claire na hinanap nila ng kanyang lolo si Anthony para gamutin ang kanyang lolo pagdating nila sa Aurous Hill, at nagamot niya nga ang sakit ng kanyang lolo. Pero sa oras na iyon, sinamantala ng kanyang eldest uncle ang pag-alis ng kanyang lolo sa United States at ginamit ang isang p
Tumawa si Charlie at sinabi nang mapagpakumbaba, “Sa totoo lang, ito ay dahil ipinanganak siya nang may ganitong pundasyon. Alam mo rin na si Miss Fox ay miyembro ng pamilya Fox, at ipinanganak siya sa isang napakayamang pamilya, kaya nakatadhana na magkaroon siya ng kapalaran na makikita lang sa isa sa daang-daang milyon. At saka, suportado rin siya ng kanyang lolo, kaya ang lahat ay nakaayos na para sa kanya, at ang natitira na lang ay ang Feng Shui niya.”Sinabi nang sobrang seryoso ni Claire, “Sobrang lakas na nito! Dati ay iniisip ko na may taong pupunta at magrereklamo sayo balang araw kung palagi kang lumalabas para magbasa ng Feng Shui para sa iba, pero mukhang may napakagaling na abilidad ka talaga, Honey! Hindi nakapagtataka kung bakit ka tinatawag na Master Wade ng mga tao! Ito ay dahil isa kang totoong master!”Habang nakangiti, kinamot ni Charlie ang kanyang ilong at sinabi, “Honey, lalaki ang ulo ko kung pupurihin mo ako nang sobra.”Ngumiti si Claire. “Master Wade, pw
Sa sumunod na araw, inimpake nina Charlie at Claire ang mga gamit nila, nag-check out sa hotel, at umalis sa Providence, kung saan sila nakatira ng mahigit isang buwan.Dumiretso ang dalawa sa airport sa New York. Habang chine-check out ang kotse sa airport, nakatanggap ng tawag si Charlie mula kay Elaine.Tinanong siya ni Elaine sa tawag, “Mahal kong manugang, nasa airport na ako. Nasaan ka na?”Tinanong siya ni Charlie, “Ma, nasa VIP building ka na ba?”“Oo.” Sinabi ni Elaine, “Hinatid ako dito sa personal ng director sa hospital, si Director Camior.”“Okay.” Sumagot si Charlie at sinabi, “Hintayin mo kami sa lobby ng VIP building. Malapit na kami.”Pagkatapos ibaba ang tawag, nakumpleto na rin ni Charlie ang mga proseso ng pagbabalik ng kotse at tumalikod siya habang sinabi kay Claire, na naghihintay, “Dumiretso tayo sa VIP building. Dumating na si Mama.”Hindi alam ni Claire na nabali ulit ng mama niya ang kanyang binti at hindi niya mapigilan na kulitin siya, “Ang galing ta
Sa sandaling ito, isang babae na nasa edad ni Elaine at mukhang matalino ang lumapit at sinabi kay Claire habang may ekspresyon na humihingi ng tawad, “Ikaw siguro si Claire, tama?”Nakita na ni Charlie ang babaeng ito dati. Siya ang director ng hospital ng pamilya Fox na namamahala kay Elaine. Mukhang pumunta siya dito ngayong araw para tulungan si Elaine na pagtakpan ang mga kasinungalingan niya sa harap ni Claire.Nang makita siya ni Claire, tumango siya nang tulala at tinanong sa sorpresa, “Sino ka?”Sinabi nang nagmamadali ng babae, “Ako ang kaibigan ng mama mo. Nanatili siya sa bahay ko sa New York sa mga nakaraang araw. Patawad talaga, kasalanan ko ang lahat. Nabigo akong alagaan nang mabuti ang mama mo, kaya aksidente siyang nadulas at nabali ang binti niya. Huwag ka sanang magalit sa akin…”Nang marinig ito ni Claire, sinabi niya nang mabilis, “Aunt, huwag mo sana itong sabihin. Masasabi rin na matagal nang problema ang binti ng mama ko. Ilang beses na itong nabali dati, k