Share

Kabanata 4295

Author: Lord Leaf
Natatakot si Spencer na mangingialam ulit si Charlie. Kung mawawala kay Spencer ang posisyon bilang head ng pamilya, para bang nawala na ang lahat sa kanya.

Puno rin ng pagkabalisa si Jordan. Umaasa siya na mabalik ang posisyon niya bilang head ng pamilya at makagawa ng ganap na pagbalik.

Sa kasamaang palad, hindi angkop para sa kanya na magsalita sa katahimikan ni Charlie.

Kaya, naghintay nang matiyaga si Jordan para ipahayag ni Charlie ang layunin niya. Ang isang lalaki na nasa sobrang taas na edad na tulad niya ay hindi maibabalik ang kapangyarihan gamit lang ang suporta ng kanyang apong babae.

Habang nag-iisip ang dalawa, bigla silang kinausap ni Charlie.

“Kayong dalawa. Ang isa ay ang kasalukuyang head ng pamilya, at ang isa ay ang dating head ng pamilya. Gumawa ng napakaraming kasamaan si Homer sa ilalim ng pagbabantay niya. Responsable kayong dalawa sa mga krimen niya. May gusto ba kayong sabihin ngayon?”

Nabigla si Spencer at nagulat. Sumagot siya nang nagmamadali, “Mr. W
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Related chapters

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 4296

    “I-Iyan…” Walang masabi si Spencer.Kung magtatanong ang mga tao, kaya niyang sumagot nang kampante kung paano niya nakuha ang posisyon niya. Ipagmamalaki nyia na nakuha niya ito sa legal na paraan, at may makatwiran na dahilan para sa mga kilos niya.Ganito rin para sa mga sinaunang panahon. Ang bawat malaking pangyayari ay para sa isang makatwiran na dahilan. Ang isang kasuklam-suklam na salarin ay gagawa ng tuloy-tuloy na malalaking kasinungalingan para pagtibayin ang mga kilos nila. Syempre, gagawin lang ito ni Spencer.Pero kung malalaman ng iba na balak niyang patayin ang kanyang ama, hindi na magiging makatwiran ang mga dahilan niya. Kung lalabas ang iskandalo na ito, imposible na manatili siya sa kapangyarihan. Wala siyang magagawa kundi aminin ang mga kasalanan niya at mag-resign.Gumawa si Spencer ng huling desisyon para kumbinsihin si Charlie. “Mr. Wade, kung hindi na kami angkop na leader ng aking ama… Bakit hindi na lang ang anak ko, si Xavion, ang mamahala?”Kahit na

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 4297

    Walang nagawa si Jordan at sumang-ayon na lang siya kay Charlie. Sinabi niya nang magalang, “Mr. Wade. Sa ngayon, sa tingin ko rin ay si Kathleen ang pinaka angkop na tao para maging susunod na head ng pamilya.”Tumango si Charlie. Sa huli, humarap siya kay Kathleen at tinanong siya, “Miss Fox, ano sa tingin mo?”Medyo kinakabahan si Kathleen. Kahit kailan ay hindi niya naisip na maging head ng pamilya. At saka, kahit kailan ay wala pang babae na naging head ng pamilya Fox sa matagal na kasaysayan nito.Sobrang simple lang ng layunin niya. Gusto niya lang makakuha ng benepisyo para sa mga magulang niya at kapatid bago pumanaw si Jordan. Nag-aalala siya na papalayasin agad ang pamilya niya pagkatapos pumanaw ni Jordan.Gusto niyang magkaroon ng lugar sa pamilya Fox gamit ang sarili niyang pagsisikap, pero hinding-hindi niya naisip na maging leader ng pamilya.Kaya, medyo naligaw siya, hindi niya alam ang gagawin niya.Sa kabilang dako, si Charlie, ay alam na iba si Kathleen mula k

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 4298

    Nabigla si Charlie sa sinabi ni Kathleen.Matagal siyang nanatili sa daga, at nawalan siya ng contact sa mga magulang niya. Pagbalik niya sa lupain ng America at pamilya Fox, hindi siya nagkaroon na makita ang mga magulang niya at mga kapatid.Naisip niya na pinalayas ni Spencer ang pamilya niya sa pamilya Fox pagkatapos niyang makuha ang kapangyarihan kay Jordan.Sa tuwing may bagong head sa isang malaking pamilya, pipigilan niya muna ang mga taon maaaring maging banta sa kanya. Tatanggalin niya rin ang mga tao na hindi niya gusto sa pamilya, papanatilihin lang ang mga tapat na tao. Sa sandaling naging matatg ang posisyon niya, tatanggalin niya rin ang mga tapat na tao para makontrol ang mga maaaring banta.Ang mga kapatid na pinalayas ay magiging malayong kamag-anak.Kung tatanggi si Kathleen na maging head, hindi na makakabalik ang pamilya niya sa pamilya Fox. Wala silang magagawa kundi umalis sa pamilya at itatag ulit ang sarili nila gamit ang mga limitadong asset.Nang maisi

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 4299

    Medyo naging emosyonal si Jordan at sinabi nang seryoso, “May isa o dalawang taon na lang ako. Tinanggap ko na ang kapalaran ko pagkatapos maranasan ang napakaraming pagsubok. Hindi na pera ang pinakamahalagang bagay.”Nalugod si Charlie at tumango sa mga sinabi ni Jordan. “Alam ko na hindi madali para sayo na mapunta kung nasaan ka ngayon. Ngayon, sobrang tanda mo na. Kumita ka ng napakaraming pera, pero sa huli, wala itong kabuluhan sa iyo. Bukod dito, gusto kang patayin ng anak mo dahil sa pera. Hindi ko maiwasan na maawa sayo.”Bumuntong hininga si Jordan, makikita sa buong mukha niya ang kalungkutan. “Tama ka, Mr. Wade. Wala na ngang kabuluhan ang pera para sa isang tao na nasa edad ko.”Ngumiti si Charlie at sinabi, “Tama, pero kaya kitang bigyan ng pagkakataon na gamitin ang perang iyon.”Nabigla saglit si Jordan. Tinanong niya nang mabilis, “Mr. Wade… Ano ang ibig mong sabihin?”Sumagot nang walang bahala si Charlie, “Hindi ba’t gusto mong bumili ng Rejuvenating Pill? Kung

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 4300

    Tuwang-tuwa si Jordan nang makita niya ang matibay na desisyon ni Kathleen. Gayunpaman, nanatili pa rin siyang maingat.Pumayag si Kathleen na bilhin ang Rejuvenating Pill, pero hindi niya binanggit kung binili niya ba ito para sa kanya.Dahil dumaan na siya sa ilang mataas at mababang sitwasyon sa mga nagdaang panahon, nag-alala si Jordan at naging alerto sa mga ganitong bagay, kahit na mukhang maliit ang mga ito.Nang maisip niya ito, tumingin si Kathleen sa kanya at sinabi nang seryoso, “Lolo, ipapadala ko agad kay Mr. Wade ang bayad. Kunin mo ang Rejuvenating Pill.”Gumaan ang pakiramdam ni Jordan nang marinig ang sinabi niya. Sa sobrang pananabik niya, napaiyak siya.Gustong-gusto niya talaga makuha ang Rejuvenating Pill, pero naisip niya na hindi siya pinalad na magkaroon ng isa. Pero, binigyan siya ng isang napakalaking sorpresa nina Charlie at Kathleen at tinupad ang pangarap niya!Sa sobrang pananabik niya, nabulunan siya habang pinapasalamatan nang paulit-ulit si Charli

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 4301

    Ito lang ang nag-iisang paraan para makuha ni Jordan ang mga natitirang pill. Matatanggap niya ang tatlong bahagi ng pill sa tatlong magkakaibang okasyon para matupad niya ang kanyang pangarap na mabuhay pa ng isa o dalawang dekada.Mahigit 90 years nang nabubuhay si Jordan. Matalinong lalaki siya, at agad niyang naintindihan ang rason ni Charlie. Malinaw na gusto siyang bantayan ni Charlie. Gayunpaman, paano niya magagawang magreklamo tungkol dito?Bumuntong hininga siya sa puso niya, malungkot. ‘Kung kailangan pa rin ako ni Charlie, pwede akong mabuhay. Kung hindi, ano pang magagawa ko bukod sa mamatay?’tutol.”Tumango si Charlie at humarap kay Kathleen. “Miss Fox, may problema ka ba tungkol dito?”Sumagot nang nagmamadali si Kathleen, “A-Ayos… Ayos lang ako… Ayos lang sa akin ang plano mo, Mr. Wade!”Sa wakas ay naintindihan na ni Kathleen ang dahilan ni Charlie kung bakit ginawa niya ang mga bagay na ito. Tinutulungan niya siya.Sobrang nagpapasalamat siya sa kanya at inisip

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 4302

    Para kay Charlie, ang pagkakaisa ng pamilya ang susi sa pag-unlad. Mababawasan ang panloob na labanan kung nagkakaisa ang pamilya at malalagay ng pamilya ang enerhiya nila sa makabuluhan na gawain. Kahit ang isang pamilya ng mga mahihirap na magsasaka ay unti-unting uunlad kung malakas ang pagkakaisa nila.Pero kung hiwa-hiwalay sila at may labanan sa loob ng pamilya, sa halip ay ilalagay nila ang karamihan ng enerhiya nila sa pakikipaglaban sa isa’t isa.Bilang resulta, walang sapat na enerhiya ang pamilya para makagawa ng mga makabuluhan na gawain at umunlad. Sa halip, paurong ang pag-unlad nila. Kung patuloy na maglalaban ang mga miyembro, kahit ang isang pamilya na may trilyon-trilyon ay mauubos ang mga resources nila balang araw.Kaya, sadyang pinaalalahanan ni Charlie si Kathleen na patuloy na bantayan ang pamilya. Dapat siguraduhin niya na susunod ang lahat sa kanya at pareho ang interes nila. Kung may madidiskubre siya na kahit anong problema, hindi dapat maging malambot a

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 4303

    Nasorpresa si Jarvis nang malaman niya na nawala ang lahat ng lakas ni Cason. Naging isang ordinaryong tao si Cason na walang kahit anong cultivation skill. Sa pagkagulat niya, sinabi ni Jarvis, “Cason, anong nangyari sayo!”Dahil nakay Charlie ang buong atensyon ni Cason, hindi niya nakita ang ibang tao. Nang marinig niya ang boses ni Jarvis, sa wakas ay napagtanto niya na bumalik na si Jarvis makalipas ang mahabang panahon. Humikbi agad siya, mukhang nakakaawa at naagrabyadong bata.“Jarvis… Sa wakas ay nakabalik ka na…”Nagmamadaling lumapit si Jarvis at sinuportahan si Cason. Tinanong niya sa malungkot na tono, “Cason, anong nangyari sa lakas mo?!”Puno ng pagsisisi si Cason. Iniyak niya nang mapait, “Jarvis, nawala ang lakas ko kaninang tanghali. Bulag ako at kumilos ako nang bastos kay Mr. Wade nang pumunta siya para mananghalian ngayong araw. Bilang ganti, sinira ni Mr. Wade ang lakas ko at inutusan ako na lumuhod sa dining room hanggang sa sandaling ito…”May pumasok sa is

Latest chapter

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5921

    Biglang namula si Jacob sa sinabi ni Elaine, at nahihirapan magsalita habanag sinusubukan niyang ipagtanggol ang sarili niya, “Sino ang nagsabing humihingi ako ng pera sa mahal kong manugang? Sinabi ko ba iyon?! May iba akong dahilan kung bakit kinausap ko siya. Huwag mo akong akusahan nang walang basehan!”Sa halip na makipagtalo kay Jacob, tumingin si Elaine kay Charlie at sinabi, “Mahal kong manugang, narinig mo ang sinabi niya. Kahit ano pa ang plano niya, huwag mo siyang bigyan ng kahit isang sentimo!”Agad nagalit si Jacob at sinabi nang galit, “Elaine, bakit ka ganyan? Bakit puro pera lang ang bukambibig mo?”Mapaglarong umiling si Elaine at ngumisi habang sinabi, “Anong problema? Hindi ka naman humihingi ng pera sa mahal kong manugang, bakit ka naabala kung sinabihan ko siyang huwag kang bigyan?”Napahinto sa pagsasalita si Jacob. Sa lakas ng depensa ni Elaine, napigilan ang plano niya. Dahil sa mga sinabi ni Elaine, hindi na siya makahingi ng pera kay Charlie. Paano siya h

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5920

    Nakaramdam si Jacob ng inggit at selos nang marinig niya na bibigyan ni Charlie si Elaine ng isang milyong dolyar. May kita siya sa Calligraphy and Painting Association, pero hindi iyon sapat para sa mga gastusin niya.Bilang Vice President ng association, madalas siyang mag-aliw ng mga bisita, at malaking gastos ang madalas niyang byahe gamit ang mamahaling kotse. Hindi siya kasing-walang hiya ni Elaine, at pakiramdam niya na may utang na loob siya kay Charlie dahil sa mga tagumpay at sa pagkakataon na magmaneho ng luxury car at manirahan sa Thompson First. Kaya hindi siya komportable na humingi ng pera kay Charlie.Pero nang makita niyang makakatanggap lang si Elaine ng isang milyong dolyar dahil lang sa paghingi, nainis siya. Naisip pa niyang humingi ng tulong kay Charlie, pero nang maalala niya kung paano niya ininsulto si Elaine kanina, nahiya siyang manghingi ng pera kay Charlie.Samantala, hindi nag-aksaya ng oras si Charlie at agad niyang ipinadala ang isang milyong dolyar s

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5919

    Pagkalabas niya sa Champs Elys hot spring villa, agad na nagmadali si Charlie pabalik sa Thompson First. Plano niyang madalian niyang ilagay sa maleta ang kanyang mga gamit at ipagbigay-alam kina Jacob, ang biyenang lalaki niya, at kay Elaine, ang biyenang babae niya, na aalis siya ngayong gabi papunta sa ibang lungsod para suriin ang Feng Shui ng isa pang kliyente.Sanay na ang mag-asawa sa palagiang paglalakbay ni Charlie, kaya hindi sila nagulat nang marinig ang balita.Ang talagang nagpaulat kay Charlie ay biglang nagpakita si Elaine ng pag-aalala sa kanya. Sinabi niya nang may nag-aalalang ekspresyon, “Mahal kong manugang, palagi kang nasa biyahe buong araw nang walang pahinga. Paano kung mapagod ka?”Nakaramdam si Charlie ng bihirang pakiramdam ng bait dahil sa hindi inaasahang pag-aalala ng kanyang biyenang babae. Ngumiti siya at sinabi, “Ma, hindi mo kailangang mag-alala. Kahit abala ako araw-araw sa labas, hindi naman talaga ako napapagod.”Tumayo sa gilid si Jacob at ngum

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5918

    Gumaan ang puso ni Charlie nang marinig ito. Sinabi niya kay Isaac, "Mr. Cameron, pansamantalang aalis si Mr. Thompson sa mga Wade. Sa panahong ito, mawawalan ng chief butler ang mga Wade. Gusto kong pansamantalang kunin mo ang posisyon ni Mr. Thompson. Umaasa akong babalik siya, at kung sakali, maibabalik mo sa kanya ang pwesto bilang kanyang deputy. Kung hindi siya babalik, ikaw na ang magpapatuloy sa posisyon."Nagulat si Isaac at agad na nagsabi, "Young Master, ang trabaho ko ay palaging limitado lang sa probinsyang ito, at kakasimula ko pa lang maintindihan ang mga gawain ko. Ngayon, pinapalit mo ako kay Mr. Thompson. Paano... Paano ako magiging karapat-dapat doon?!"Tinanong ni Charlie, "Hindi ba't unti-unting umangat si Mr. Thompson?"Hirap na sinabi ni Isaac, "Ah, inabot ng sampu hanggang dalawampung taon bago umabot sa posisyong iyon si Mr. Thompson. Mas mahina ang kakayahan ko kaysa sa kanya, at baka hindi ko makumbinsi ang iba sa aking mga kwalipikasyon."Iwinasiwas ni C

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5917

    Sa hapon, si Keith, kasama ang panganay niyang anak na si Christian, at pangalawang anak na si Kaeden, ay palihim na pumunta sa Eastcliff kasama si Emmett.Sa halip na agad na umuwi sa kanyang tahanan sa Thompson First, pumunta muna si Charlie sa katabing villa, tinawag si Caden na nagtuturo ng martial arts doon, at sinabihan siya na ipaalam kina Isaac at Albert na makipagkita sa kanya.Noong una, medyo nag-alala pa si Charlie na baka bigla na lang mawala si Isaac nang walang dahilan. Bilang tagapagsalita ng Wades sa Aurous Hill at direktang tauhan ni Stephen, posible na may naglagay talaga kay Isaac sa posisyong ito.Buti na lang nandoon pa rin si Isaac sa Champs Elys Resort.Nang makita ni Charlie si Isaac, medyo gumaan ang kanyang pakiramdam. Sa totoo lang, nakakalungkot para sa kanya na may iba palang pinaglilingkuran si Stephen. Sa isang banda, si Stephen ang pinakatapat na tauhan ng kanyang ama, at kahit hindi niya maasahan ang lubos na katapatan ni Stephen sa mga Wade, nakak

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5916

    Napabuntong-hininga si Charlie at sinabi, “Wala akong nakitang kongkretong bakas, at napilitan akong bumalik nang nasa kalahati na ako ng daan.”Nagulat na nagtanong si Keith, “Napilitan? Sino ang pumilit sayo na bumalik?”Sumagot si Charlie, “Lolo, mahaba ang kwento. Pumasok muna tayo at dahan-dahan natin itong pag-usapan.”Agad na pumayag si Keith. “Sige, pumasok na tayo at mag-usap.”Pumasok sina Charlie at ang mga miyembro ng pamilya Acker sa villa at nagkumpulan sa dining room. Dahil walang ibang tao, tapat na isinalaysay ni Charlie ang kanyang paglalakbay sa Mount Tason at ibinunyag ang kalagayan ni Stephen.Nang marinig na pinabalik si Charlie ng isang pekeng madre mula sa Quiant Monastery, lubos na nagulat ang lahat. Hindi sila makpaniwala na may taong may alam ng kanyang mga hakbang at naghintay sa kanya habang paakyat siya sa Mount Tason. Lalo silang nabigla nang malamang si Stephen, ang tahimik na nagbantay kay Charlie sa halos dalawampung taon, ay may iba palang pinagl

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5915

    Alam ni Charlie na may pambihirang impluwensya si Emmett sa Eastcliff. Kaya sa tulong niya, siguradong magiging matagumpay ang mungkahi ni Vera. Bukod pa roon, mataas din ang posibilidad na maisakatuparan ang plano ni Vera. Basta’t suportado ito ng mga nasa kapangyarihan at ipakita lang nila na seryoso sila sa mga Acker, magiging ligtas na ang mga Acker sa Oskia.Kahit gaano pa katapang at kapusok si Fleur, hindi niya kakayaning labanan nang lantaran ang isang bansa, maliban na lang kung sawa na talaga siyang mabuhay, dahil apat na raang taon na siyang nabubuhay.Ngunit ayon sa pagkakaintindi ni Charlie, habang tumatagal ang buhay ng isang tao, lalo niyang pinapahalagahan ang buhay niya at mas natatakot sa kamatayan. At si Fleur, na apat na raang taon nang nabubuhay, ay siguradong takot na takot mamatay. Kung hindi, hindi sana siya tumakas mula sa bundok sa ganoong kahabag-habag na kalagayan.Nang makita ni Vera na wala namang tutol si Charlie sa mungkahi niya, agad niyang tinawagan

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5914

    Inutusan ni Charlie si Shawn sa tawag na ayusin ang isang private plane para sunduin si Janus papuntang Aurous Hill ngayong alas-nuwebe ng gabi at humiling ng convoy mula sa bahay ni Janus papuntang airport. Kahit na hindi natuwa si Shawn dito, hindi siya naglakas-loob na kumontra at napilitan na lang siyang sumang-ayon habang pilit na nakangiti.Pagkatapos, nagpaalam sina Charlie at Vera sa lolo ni Charlie na si Jeremiah.Sa eroplano, tinanong ni Vera si Charlie, “Young Master, hindi ba masyadong minamadali kung pupunta ka ng New York ngayong gabi? Magkakaroon ka lang ng nasa mahigit sa sampung oras sa Aurous Hill.”Umiling si Charlie at sinabi, “Bukod sa pagpunta ko sa lolo at lola ko at pagbibigay ng balita sa mga nangyari kailan lang, gusto ko ring alamin kung may maiisip silang anumang mahalagang impormasyon. At saka gusto ko ring bumisita sa mga biyenan ko bago umalis.”Tumango si Vera at sinabi nang malambot, “Muntik ko nang makalimutan na nasa United States din ang asawa mo.

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5913

    Ipinadala ni Charlie ang litrato kay Janus sa WhatsApp at nagpadala ng isang voice message: ‘Uncle Janus, pwedeng mo ba akong tulungan at tingnan kung kilala mo ang taong ito sa tabi ng aking ama?’Mabilis na sumagot si Janus gamit ang voice message: ‘Young Master, nakita ko na ang taong ito sa litrato. Ang pangalan niya ay Biden Cole, pero hindi ako masyadong pamilyar sa kanya. Ang alam ko lang ay isa siyang Oskian na antique dealer na may malapit na ugnayan sa iyong tatay.’Nang marinig ni Charlie na kilala ni Janus ang taong ito, agad niyang tinawagan si Janus. Pagkakonekta ng tawag, sabik niyang tinanong, “Uncle Janus, pwedeng mo bang sabihin sa akin ang tungkol kay Biden Cole nang detalyado?”Sinabi ni Janus, “Ang pamilya ni Biden ay matagal nang nakikibahagi sa negosyo ng mga antiques sa ibang bansa, karamihan ay nakatutok sa Europe at America. Bukod sa United States, may negosyo rin sila sa England at France. May reputasyon ang pamilya niya sa industriya ng mga antique sa Euro

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status