Nagpadala ng mahigit isang libong sundalo ang Ten Thousand Armies sa New York sa loob ng ilang sunod-sunod na araw, pero nabigo pa rin silang mahanap ang kinaroroonan ni Finley.Nahiya nang sobra si Porter tungkol dito, at halos araw-araw niyang tinawagan si Charlie para humingi ng tawad.Hindi siya sinisisi ni Charlie. Alam niya na sa paghahanap ng mga bakas, kailangan ng isang kumpletong kadena. Kung may isang bakal na kulang, imposible na maayos ang kadena. Nang walang maayos na bakas, walang mahahanap. Kalimutan na ang Ten Thousand Armies, kahit ang National Security Agency ng United States ay mabibigo.Hindi mahanap si Finley simula noong pagdating niya sa New York JFK Airport, at pansamantalang hindi mapuno ng Ten Thousand Armies ang maliit na butas na ito sa paghahanap nila. Syempre, imposible para sa kanila na mahanap si Finley.Sa kalaunan ay nakaisip si Porter ng paraan para malampasan ang problemang ito. Balak niyang imbestigahan ang lahat ng kotse at helicopter na pumas
Pagkatapos huminto saglit, nagpatuloy si Finley, “Sa sandaling pumasok ang customer nila sa loob ng isang building, magsasagawa sila ng security check sa paligid para maghanap ng mga bugging o filming equipment, at para malaman kung may mga panganib ba sa seguridad. Kung nakumpirma nila na ligtas ang kwarto, magfo-focus lang sila sa entrance at exit ng kwarto, karaniwan ay ang pinto ang mga bintana.”“Sa pagbabantay sa loob, karaniwan ay nagpapadala sila ng mga guwardiya sa mga bintana at pinto. Maliban lang kung bintana ito ng bedroom. Kung isa itong kwarto sa first floow sa tabi ng bintana, magpapadala sila ng tao sa labas ng bintana. Medyo kumplikado ito kasi. Kung may aatake mula sa labas, ang mga bodyguard muna sa loob ang kikilos. Ipapaalam din agad ng mga bodyguard sa loob sa iba ang tungkol sa atake.”“Kung aatake tayo sa bintana sa first floor, kailangan muna nating tanggalin ang mga bodyguard na nasa labas. Kung pupunta tayo sa itaas na palapag, kailangan nating tanggalin a
Dinala ng mga perpektong palano ni Finley si Homer sa isang mundo na puno ng pananabik.Mukhang walang butas ito, tila ba pinag-isipan nang mabuti ang lahat.Pagkatapos ng aksidente, hindi masyadong sisisihin ang Palace Hotel na pagmamay-ari ng pamilya ni Homer. Ang lahat ay nangyari dahil sa espiya. Tulad ng kasabihan, mahirap pigilan ang isang magnanakaw sa sarili nitong bahay. Si Fisher ang sasalo ng lahat.Nang maisip ito, tinanong ni Homer, “Paano naman ang pamilya ni Fisher Charles?”Kumulot ang mga labi ni Finley, nakakatakot ang hitsura niya. “Walang ibang paraan. Kailangan natin silang patayin lahat. Sasabihan ko ang mga ninja na dukutin ang pamilya ni Fisher at ipasa sila sa tauhan ko. Pagkatapos ng plano, papaalisin ko ang mga ninja sa United States at uutusan ko ang mga tauhan ko na patayin ang pamilya ni Fisher. Kapag nahanap ng pulis ang mga bangkay, siguradong iisipin nila na ang mga ninja ang gumawa nito. Mas maniniwala sila sa kuwento na ginawa ko!”Medyo nabigla
Sa huli ay si Ito Yahiko ang nanalo. Hindi nakalaban ang mga Iga at paulit-ulit silang napigilan.Nang bumaba ang lakas ng pamilya Iga, binigyan sila ni Yahiko ng pagkakataon.Para sa kinabukasan ng Iga clan, si Hattori Hanzo, ang kasalukuyang head ng pamilya Iga ng henerasyon na ito, ay walang nagawa kundi sumuko sa pamilya Ito.Ang Hattori Hanzo, sa totoo lang, ay parang isang titulo kaysa isang pangalan. Ang bawat head ng Iga clan ay babaguhin ang totoong pangalan nila sa Hattori Hanzo pagkatapos makuha ang posisyon.Sa sandaling ito, ang kasalukuyang Hattori Hanzo ay katatanggap lang ng tawag mula sa isang American.Nagbigay ng alok ang kakaibang American na hindi niya matanggihan.Ang American na iyon ay handang magbayad ng 80 million US dollars para kunin ang walong Iga ninja para sa isang misyon sa United States.Kahit na hindi nilinaw ng kabila kung ano ang misyon, tumibok pa rin nang masaya ang puso ni Hattori Hanzo sa alok ng 80 million US dollars.Simula noong nasira
Babayaran ni Finley ang 80 million US dollars na pinangako niya sa pamilya Iga sa dalawang installments.Una sa lahat, magbabayad siya ng kalahati bilang deposit. Babayaran niya ang natitirang kalahati kapag nagtagumpay na ang pamilya Iga sa kanilang misyon.Nangako rin si Finley ng dagdag na 2 million US dollars bilang pension sa bawat ninja na papanaw sa misyong ito.Para masigurong hindi sila magkakaproblema, pinadala mismo ni Hattori Hanzo ang nag-iisa niyang anak na si Hattori Kazuo.Inutusan niya si Kazuo na pamunuan ang team na ipapadala nila sa United States. Dapat siguruhin ni Kazuo na magiging maayos ang misyon at matagumpay silang babalik sa pinakamadaling panahon.Pinatawag ni Hanzo si Kazuo sa loob ng kanyang opisina. Pagkatapos ipaalam sa kanyang anak ang sitwasyon, pinasabihan niya ito, “Kazuo, pumili ka ng pitong pinakamagagaling na tao na dadalhin mo sa United States!”Hindi mapigilang mag-alala ni Kazuo, “Papa, nangako na tayo ng katapatan sa pamilya Ito. Hindi
Kapag tumigil na sila sa pagbabayad, mawawalan na rin ng importansya ang propesyun ng mga ninja.Kaya, kailangang maghanap ng pamilya Iga ng paraan para humanap ng sarili nilang pagkakakitaan.Nang maisip ito ni Kazuo, naging taimtim at seryoso ang ekspresyon sa kanyang mukha, “Papa, nauunawaan ko na rin ang nasa isip niyo! Huwag kayong mag-alala, gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para matapos ang misyong ito!”Tumango si Hanzo saka siya muling nagsalita, “Kazuo, kailangan mong mag-ingat. Siguraduhin mong hindi mo makukuha ang atensyon ng iba habang nasa United States ka. Huwag mong gamitin ang tunay mong pangalan pagpasok mo ng United States, huwag mo ring hayaan na malaman ng pamilya Ito ang bagay na ito.”Nagdagdag si Hanzo, “Gusto ko ring suriin mo ang sitwasyon sa United States pagdating mo roon. Mababa man ang survival rate ng ninjas sa Japan, pero sigurado akong mas maganda ang sitwasyon sa United States. Kung mas maayos nga talaga ang sitwasyon doon, mas mabuti siguro kun
“Talaga ba?!”Nasorpresa si Claire nang marinig ang paliwanag ni Charlie. Napabulalas siya at hindi niya mapigilang magtanong, “Mahal, talaga bang totoo ang sinasabi mo? Gusto kang imbitahan ng team ni Quinn Golding sa New York para sa Feng Shui?!”Tumango si Charlie at seryoso siyang nagsalita, “Oo naman! Sikat ako sa mga kliyente ko. Akala nga nila nasa Oskia ako at baka hindi ako pumayag. Nagkataong nasa United States rin tayo at hindi rin naman tayo masyadong malayo sa kanila kaya nagpupumilit silang imbitahan ako.”Sabik na sabik si Claire pero hindi pa nawala ang ilang mga duda niya. “Mahal, talaga bang kailangang tingnan ang Feng Shui ng isang concert venue?”Tumawa si Charlie. “Mahalaga ang Feng Shui sa entertainment industry. Hindi lang ang residential companies nila ang nangangailangan ng magandang Feng Shui layout. Dapat mayroon rin silang opening ceremony bago magsimula ang filming nila sa isang palabas o television series. Para sa concert tours, kailangan ring suriin a
Sinundan ni Kazuo at ng pito niyang kasama ang binatang kumausap sa kanya. Sa parehong pagkakataon, nakaramdam sila ng kaunting lungkot. Akala nila sasalubungin sila ng kanilang employer sa isang salo-salo pero iba ang reyalidad na nasa harap nila.Wala man lang ni anino ng isang staff ang makikita sa loob ng ballroom building, lalo naman ang kahit sinong may kinalaman sa maintenance.Dinala sila ng binata sa isang malaking ballroom kung saan nadaanan nila ang ilang mga private rooms na bukas at walang laman sa loob. Sa huli, tumigil sila sa isang private room na nakasara ang pinto.Hindi nagtagal, kumatok ang binata sa pinto saka ito nagsalita, “Mr. George, dumating na sila Mr. Hattori at ang iba pa.”Habang nasa loob ng private room, sumigaw si Finley, “Papasukin mo sila!”Binuksan ng binata ang pinto saka niya kinausap si Kazuo, “Mr. Hattori, pumasok na kayo.”Sa pagkakataong ito, nakita na rin ni Kazuo kung sino si Finley.Hindi niya pa nakikita si Finley kahit kailan at wal
Sinabi ni Janus, "Hindi pa. Nagmamadali kasi ako ngayon kaya hindi ko siya nasabihan. Baka kasi hindi rin ako makahanap ng oras para makadalaw sa kanya, kaya hindi ko na sinabi."Ngumiti si Charlie at sinabi, "Kung ganoon, huwag mo na siyang tawagan. Puntahan na lang natin siya para sorpresahin.""Okay!" Agad pumayag si Janus, kitang-kita ang pananabik sa mukha niya. Hindi niya napigilang sabihin kay Charlie, "Young Master, sa totoo lang, itinuring ko nang parang tunay na anak si Angus. Matagal na rin mula nang huli ko siyang makita, kaya miss na miss ko na talaga siya."Lubos na naunawaan iyon ni Charlie.Mahirap ang naging buhay ni Janus sa United States noon. Sa mga unang taon, kahit papaano ay medyo magaan ito dahil sa pag-alalay ni Jenna na naging kaagapay niya sa mga pagsubok. Pero matapos umalis si Jenna, naiwan siyang mag-isa, pinatatakbo ang roasted goose stall habang illegal immigrant pa ang katayuan niya. Talagang naging mabigat at walang pag-asa ang buhay na iyon para s
Gabi na sa Qi Temple.Sa isang liblib na meditation room na sarado para sa publiko, nakaupo ang isang magandang babae sa isang upuang gawa sa rattan habang nakatingala sa mabituing kalangitan ng taglagas. Lumapit ang isang matandang kalbong babae at inilagay ang kumot sa mga binti ng babae, sabay sinabi nang may paggalang, “Madam, nakalipad na po ang eroplano ni Young Master.”“Umalis na siya?” tanong ng magandang babae habang lumilingon sa direksyon ng airport nang marinig iyon.Nang makita niya ang ilang kumikislap na ilaw sa malayo sa kalangitan, napabuntong-hininga siya at sinabi, “Alin kaya sa mga kumikislap na ilaw na iyon ang eroplano na sinasakyan ng anak ko?”Tinanong niya ang matandang babae, “Kasama ba ni Charlie si Janus?”Ang magandang babaeng ito ay si Ashley, ang ina ni Charlie. Ang matandang babae sa tabi niya ay si Jade Sun, ang nagkunwaring madre. Matagal nang nagsisilbi si Jade kay Ashley bilang isang tagapamahala ng bahay.Sinabi ni Jade kay Ashley, “Madam, ma
Hindi naging komportable si Jacob nang makita niyang umakyat si Charlie, at mas lalo siyang nawalan ng gana mabuhay nang makita ang ngiting panalo ni Elaine.Habang umaakyat si Charlie, hindi niya maiwasan na bumuntong hininga at isipin kung kailan matatalo ng biyenan niyang lalaki ang pag-aalinlangan at kahinaan at mabuhay talaga sa gusto niyang buhay.-Pagkatapos iimpake ang lahat, umalis si Charlie nang mag-isa sa gabi balak magmaneho papunta sa airport. Nang makababa siya sa elevator sa unang palapag, nakita niya si Jacob na may hawak na sigarilyo na tumayo sa sofa at ngumiti, sinasabi, “Mahal kong manugang, aalis ka na ba ngayon?”Tumango nang bahagya si Charlie at sinabi, “Oo, Pa. Pupunta na ako sa airport ngayon.”Pinagkuskos ni Jacob ang kanyang mga kamay at magsasalita na sana nang biglang bumaba si Elaine na pilay ang lakad at malakas na sinabi, “Oh, mahal kong manugang, hayaan mong ihatid kita!”Pareho sina Elaine, na nakatanggap ng isang milyong dolyar, at si Jacob,
Biglang namula si Jacob sa sinabi ni Elaine, at nahihirapan magsalita habanag sinusubukan niyang ipagtanggol ang sarili niya, “Sino ang nagsabing humihingi ako ng pera sa mahal kong manugang? Sinabi ko ba iyon?! May iba akong dahilan kung bakit kinausap ko siya. Huwag mo akong akusahan nang walang basehan!”Sa halip na makipagtalo kay Jacob, tumingin si Elaine kay Charlie at sinabi, “Mahal kong manugang, narinig mo ang sinabi niya. Kahit ano pa ang plano niya, huwag mo siyang bigyan ng kahit isang sentimo!”Agad nagalit si Jacob at sinabi nang galit, “Elaine, bakit ka ganyan? Bakit puro pera lang ang bukambibig mo?”Mapaglarong umiling si Elaine at ngumisi habang sinabi, “Anong problema? Hindi ka naman humihingi ng pera sa mahal kong manugang, bakit ka naabala kung sinabihan ko siyang huwag kang bigyan?”Napahinto sa pagsasalita si Jacob. Sa lakas ng depensa ni Elaine, napigilan ang plano niya. Dahil sa mga sinabi ni Elaine, hindi na siya makahingi ng pera kay Charlie. Paano siya h
Nakaramdam si Jacob ng inggit at selos nang marinig niya na bibigyan ni Charlie si Elaine ng isang milyong dolyar. May kita siya sa Calligraphy and Painting Association, pero hindi iyon sapat para sa mga gastusin niya.Bilang Vice President ng association, madalas siyang mag-aliw ng mga bisita, at malaking gastos ang madalas niyang byahe gamit ang mamahaling kotse. Hindi siya kasing-walang hiya ni Elaine, at pakiramdam niya na may utang na loob siya kay Charlie dahil sa mga tagumpay at sa pagkakataon na magmaneho ng luxury car at manirahan sa Thompson First. Kaya hindi siya komportable na humingi ng pera kay Charlie.Pero nang makita niyang makakatanggap lang si Elaine ng isang milyong dolyar dahil lang sa paghingi, nainis siya. Naisip pa niyang humingi ng tulong kay Charlie, pero nang maalala niya kung paano niya ininsulto si Elaine kanina, nahiya siyang manghingi ng pera kay Charlie.Samantala, hindi nag-aksaya ng oras si Charlie at agad niyang ipinadala ang isang milyong dolyar s
Pagkalabas niya sa Champs Elys hot spring villa, agad na nagmadali si Charlie pabalik sa Thompson First. Plano niyang madalian niyang ilagay sa maleta ang kanyang mga gamit at ipagbigay-alam kina Jacob, ang biyenang lalaki niya, at kay Elaine, ang biyenang babae niya, na aalis siya ngayong gabi papunta sa ibang lungsod para suriin ang Feng Shui ng isa pang kliyente.Sanay na ang mag-asawa sa palagiang paglalakbay ni Charlie, kaya hindi sila nagulat nang marinig ang balita.Ang talagang nagpaulat kay Charlie ay biglang nagpakita si Elaine ng pag-aalala sa kanya. Sinabi niya nang may nag-aalalang ekspresyon, “Mahal kong manugang, palagi kang nasa biyahe buong araw nang walang pahinga. Paano kung mapagod ka?”Nakaramdam si Charlie ng bihirang pakiramdam ng bait dahil sa hindi inaasahang pag-aalala ng kanyang biyenang babae. Ngumiti siya at sinabi, “Ma, hindi mo kailangang mag-alala. Kahit abala ako araw-araw sa labas, hindi naman talaga ako napapagod.”Tumayo sa gilid si Jacob at ngum
Gumaan ang puso ni Charlie nang marinig ito. Sinabi niya kay Isaac, "Mr. Cameron, pansamantalang aalis si Mr. Thompson sa mga Wade. Sa panahong ito, mawawalan ng chief butler ang mga Wade. Gusto kong pansamantalang kunin mo ang posisyon ni Mr. Thompson. Umaasa akong babalik siya, at kung sakali, maibabalik mo sa kanya ang pwesto bilang kanyang deputy. Kung hindi siya babalik, ikaw na ang magpapatuloy sa posisyon."Nagulat si Isaac at agad na nagsabi, "Young Master, ang trabaho ko ay palaging limitado lang sa probinsyang ito, at kakasimula ko pa lang maintindihan ang mga gawain ko. Ngayon, pinapalit mo ako kay Mr. Thompson. Paano... Paano ako magiging karapat-dapat doon?!"Tinanong ni Charlie, "Hindi ba't unti-unting umangat si Mr. Thompson?"Hirap na sinabi ni Isaac, "Ah, inabot ng sampu hanggang dalawampung taon bago umabot sa posisyong iyon si Mr. Thompson. Mas mahina ang kakayahan ko kaysa sa kanya, at baka hindi ko makumbinsi ang iba sa aking mga kwalipikasyon."Iwinasiwas ni C
Sa hapon, si Keith, kasama ang panganay niyang anak na si Christian, at pangalawang anak na si Kaeden, ay palihim na pumunta sa Eastcliff kasama si Emmett.Sa halip na agad na umuwi sa kanyang tahanan sa Thompson First, pumunta muna si Charlie sa katabing villa, tinawag si Caden na nagtuturo ng martial arts doon, at sinabihan siya na ipaalam kina Isaac at Albert na makipagkita sa kanya.Noong una, medyo nag-alala pa si Charlie na baka bigla na lang mawala si Isaac nang walang dahilan. Bilang tagapagsalita ng Wades sa Aurous Hill at direktang tauhan ni Stephen, posible na may naglagay talaga kay Isaac sa posisyong ito.Buti na lang nandoon pa rin si Isaac sa Champs Elys Resort.Nang makita ni Charlie si Isaac, medyo gumaan ang kanyang pakiramdam. Sa totoo lang, nakakalungkot para sa kanya na may iba palang pinaglilingkuran si Stephen. Sa isang banda, si Stephen ang pinakatapat na tauhan ng kanyang ama, at kahit hindi niya maasahan ang lubos na katapatan ni Stephen sa mga Wade, nakak
Napabuntong-hininga si Charlie at sinabi, “Wala akong nakitang kongkretong bakas, at napilitan akong bumalik nang nasa kalahati na ako ng daan.”Nagulat na nagtanong si Keith, “Napilitan? Sino ang pumilit sayo na bumalik?”Sumagot si Charlie, “Lolo, mahaba ang kwento. Pumasok muna tayo at dahan-dahan natin itong pag-usapan.”Agad na pumayag si Keith. “Sige, pumasok na tayo at mag-usap.”Pumasok sina Charlie at ang mga miyembro ng pamilya Acker sa villa at nagkumpulan sa dining room. Dahil walang ibang tao, tapat na isinalaysay ni Charlie ang kanyang paglalakbay sa Mount Tason at ibinunyag ang kalagayan ni Stephen.Nang marinig na pinabalik si Charlie ng isang pekeng madre mula sa Quiant Monastery, lubos na nagulat ang lahat. Hindi sila makpaniwala na may taong may alam ng kanyang mga hakbang at naghintay sa kanya habang paakyat siya sa Mount Tason. Lalo silang nabigla nang malamang si Stephen, ang tahimik na nagbantay kay Charlie sa halos dalawampung taon, ay may iba palang pinagl