Puno ng kahihiyan at galit ang puso ni Hunter pagkatapos siyang lagyan ng rolyo ng papel sa kanyang bibig. Pero, wala siyang magawa kundi sumunod at desperadong hithitin ang rolyo ng papel.Gayunpaman, ang usok na gawa sa pagsunog ng joss paper na ito ay hinding-hindi maikukumpara sa malinamnam na Cuban cigar. Pagkatapos humihit ng isang beses, nabulunan si Hunter dahil sa usok, at umubo siya habang lumabas ang mga luha at sipon niya sa parehong oras.Tumingin nang masama si Charlie sa kanya at ngumisi, “Bakit nawala na ang istilo at kayabangan mo noong nagsasabi ka ng mga kalokohan habang hinihithit mo ang sigarilyo mo at binubuga ang usok sa akin?”Inisip ni Hunter ang mayabang na hitsura niya kahapon, at hindi niya mapigilan na manginig.Nang makita ni Charlie ang takot na hitsura sa kanyang mukha, nagpatuloy siya, “Huwag mong kalimutan na pinatay mo rin ang isa sa mga bodyguard ng pamilya Wade gamit ang isang sigarilyo! Kahit na buhay ito para sa isang buhay, papatayin din kita
Agad na nagulantang si Porter nang marinig niya ang mga salita ni Charlie!Hindi nagtagal, nagngitngit ang ngipin ni Porter at malamig siyang nagsalita, “Charlie Wade! Sino ang nagbigay sa’yo ng ganyang lakas ng loob?! Hangal ka para bastusin ang mga kaluluwa ng magulang ko sa langit!Napangisi si Charlie saka siya nagsalita, “Hindi ko talaga inaakalang ang tinatawag na Lord ng Ten Thousand Armies ay hindi na hihigit pa sa isang hipokritong may double standards!”Pagkatapos itong sabihin, nagdagdag si Charlie, “Ikaw ang humihiyaw at nagbabanta na sisirain mo ang mga labi ng mga magulang ko. Binabastos mo ang mga kaluluwa ng mga magulang ko sa langit, pero ngayon hindi mo ako pinapayagan na ibalik ang parehong pabor na ginawa mo? Bakit? Hindi kaya iniisip mong mas malakas ka sa akin? O kaya mas mabuti ang sitwasyon mo kumpara sa akin?”Nakaramdam ng konsensya si Porter at hindi niya alam kung paano niya sasagutin si Charlie.Alam niyang siya ang naunang magbanggit na sisirain niya
Ang Golden-Furred Lion King na isa ring six-star martial artist gaya ni Hunter ay pumanaw nang ganoon lang pagkatapos tumagos ng batong sinipa ng kalaban sa kanyang utak!Naging dahilan ito para mapaatras ang mga sundalo ng Ten Thousand Armies na gusto sanang sumugod kanina at makipaglaban hanggang kamatayan kay Charlie.Sa parehong pagkakataon, tila ba nawala ang kanilang masidhing damdamin na kalabanin si Charlie ngayon lang dahil sa ginawa nito!Nakaramdam ng matinding takot ang hukbo ng Ten Thousand Armies. Alam nilang kayang patayin ni Charlie ang Golden-Furred Lion King sa isang galaw lang, siguradong mapapatay sila ni Charlie nang walang kahirap-hirap gamit ang parehong metodo!Natigilan rin si Porter sa kanyang nakita!Napagtanto niya na kung ano ang lamat nilang dalawa ni Charlie sa pagkakataong ito.Alam ni Porter na kapag kumilos si Charlie, baka hindi niya magawang makaligtas sa isang galaw lang nito!Sa pagkakataong ito, pagkatapos pumatay ng isa sa mga War Kings, n
Nang bitawan ni Charlie ang pangungusap na iyon, halos masiraan ng bait ang Black-Faced Panther King dahil sa takot!Hindi niya namalayang napaatras siya nang ilang beses. Pagkatapos, bigla siyang tumalikod at desperado siyang napatakbo pababa ng bundok.Nakita niya ang kakayahan ni Charlie ngayon lang nang patayin nito ang Golden-Furred Lion King.Kayang pumatay ni Charlie ng isang six-star martial artist gamit lang ang isang bato.Kung hindi siya tatakbo ngayon, natatakot siyang uulitin niya lang ang pagkakamaling ginawa ng Golden-Furred Lion King.Subalit, nang tatalikod pa lamang siya at bago pa siya makahakbang nang dalawa, nakaramdam siya ng matinding sakit mula sa likod ng kanyang ulo saka siya nawalan ng malay.Mabilis na nalagutan ng hininga ang Black-Faced Panther King, namatay siya na kasing bilis ng kidlat kaya hindi siya masyadong naghirap.Ganoon pa man, sa mga mata ng iba pang mga sundalo ng Ten Thousand Armies, miserable ang naging kahihinatnan ng kanilang Black-
Paano niya naman malalaman kung sino ang lalaking ito na nakasuot ng isang itim na sako sa ulo?!Wala naman siyang fluoroscopic eyes!Maliban dito, matagal nang inalisan ni Charlie ng kamalayan si Zayne. Kaya, hindi maramdaman ni Porter kahit kaunti ang cultivation base ni Zayne.Napatitig si Porter kay Charlie saka siya nagtanong, “Sino naman ang taong ito?”Napangisi si Charlie. “Bakit? Hindi mo magawang makilala ang kanang kamay mo dahil lang nakatakip ang kanyang mukha?”Lalo pang nalito si Porter.Kahit nagbigay si Charlie ng suhestiyon na ito ang kanyang kanang kamay, hindi inisip ni Porter kahit kailan na ito si Zayne.Dahil sa puntong ito, iniisip ng lahat ng sundalo ng Ten Thousand Armies na nasa Middle East si Zayne. Imposible namang mapupunta siya sa Oskia.Nang makita ni Charlie ang sorpresa sa ekspresyon ni Porter, napangisi siya at agad niyang inalis ang itim na sako sa ulo ni Zayne.Nang masilayan ni Porter at ng iba pang miyembro ng Ten Thousand Armies ang mukh
Ang pagpapakita ng Green-Eyed Wolf King na si Zayne na kinikilalang second expert ng Ten Thousand Armies habang nagmamakaawa ito at umiiyak nang miserable ay para bang isang malakas na suntok na tumama sa puso ng lahat sa Ten Thousand Armies!Kahit hindi nila alam kung ano ang pakiramdam na nahihiwalay ang kanilang kamalayan sa kanilang katawan, mula pa lamang sa itsura ni Zayne ngayon, hindi nila mapigilang makaramdam ng matinding sindak sa loob ng kanilang pagkatao dahil sa hindi maipaliwanag na bagay.Wala ni isa sa kanila ang nangahas na isipin kung ano ang mararamdaman nila sa sitwasyong iyon at kung paano mabuhay nang mas malala pa sa kamatayan.Kung sakali, siguradong mawawalan sila ng pag-asa, at kung walang tutulong sa kanila…Sa pagkakataong ito, nakaramdam sila ng hindi mapapantayang takot para kay Charlie sa loob ng kanilang mga puso.Noong una, akala nila tatlo sa Four War Kings ang pinatumba ni Charlie, samantalang nabigo naman ang isa habang nasa Middle East.Subal
“Mabilis magbago ang lahat sa business world! Hindi magaling ang tatay mo, limitado ang kanyang kakayahan, at hindi niya alam kung ano ang dapat gawin!”“Masyadong mataas ang tingin niya sa kanyang sarili at gusto niyang pasukin ang futures market para lang makipagkumpitensya sa tatay ko! Bilang resulta, natalo siya ni papa. Pero, tandaan mong natalo siya sa legal at makatarungan na paraan. Iyan ang dahilan kung bakit nawala ang lahat ng kanyang assets. Sino naman ang dapat niyang sisihin para rito?”“Dahil sa kakulangan at limitado niyang kakayahan kaya nabigo siya. Ano naman ang kinalaman nito sa tatay ko?”Habang nagsasalita, napahinto si Charlie sa loob ng ilang sandali saka siya nagpatuloy sa kanyang sinasabi, “Kalimutan na natin ang limitadong kakayahan ng tatay mo. Ano naman? Pwede niya namang tiisin ang pinagdadaanan niyang hirap at sumubok na bumawi ulit sa buhay. Makakabangon naman siya kung hindi siya susuko. Pero, wala siyang lakas para gawin ito, mas pinili niya na tum
Sa pagkakataong ito, bumuntong hininga nang malalim si Sheldon saka siya seryosong nagsalita sa harap ni Porter, “Porter… totoo ang sinabi ni Charlie ngayon lang… Wala nga talagang kinalaman si Curtis Wade sa pagkamatay ng mga magulang mo…”Lumuluha si Porter habang nagtatanong, “Uncle Schulz, ipinagtanggol ka ni Papa kay Curtis Wade dati, at ngayon nasa harapan mo na ang mga kabaong nila. Hindi ka ba natatakot na madidismaya sila sa’yo sa sinasabi mo?”Hindi alam ni Sheldon kung paano niya sasabihin ang lahat pero binuka niya pa rin ang kanyang bibig at emosyonal niyang winika, “Sasabihin ko pa rin ang bagay na ito kahit mamatay ako ngayong araw at magkita kami sa kabilang buhay.”Pagkatapos itong sabihin, napahinto si Sheldon sa loob ng ilang sandali saka siya nagpatuloy sa kanyang sinasabi, “Hindi talaga para sa moral na kadahilanan ang presensya ng Anti-Wade Alliance dati. Isang disenteng tao si Curtis Wade. Hindi mapapantayan ang kanyang kakayahan at ibang lebel ang kanyang abi
Pagkatapos ibaba ni Vera ang helicopter sa itaas ng courtyard ng villa, sinabi niya kay Charlie, “Young Master, mangyaring sumama ka sa akin. Maghahanda ako ng tinta at papel para masulatan mo ang portrait ni Master Marcius Stark.”Tinanong nang mausisa ni Charlie, “Gusto mong magsulat ako dito?”“Oo.” Sinabi nang nakangiti ni Vera, “Kung makikita ni Fleur ang sulat ko, marahil ay maghinala siya na nagpapanggap lang tayo.”Nalito si Charlie at tinanong, “Ilang siglo na kayong hindi nagkikita. Paano niya makikilala ang sulat mo?”Tinikom ni Vera ang mga labi niya at sinabi nang nakangiti, “Pagkatapos mo akong iligtas dati, nag-iwan ako ng ilang salita sa kanya bago umalis sa Northern Europe. Kaya, mas ligtas kung ikaw ang magsusulat.”Tumango si Charlie at sinabi, “Okay. Kung gano’n, ako na ang gagawa nito.”Pagkatapos pumasok sa study room sa unang palapag, nilapitan ni Vera ang mahabang lamesa at naghanda ng tinta para kay Charlie. Pinulot ni Charlie ang isang brush at isinulat
Maagang nagpalit ng damit si Charlie sa umaga at inutusan si Albert na ihatid si Ruby sa Champs Elys Resort. Samantala, kinuha nina Charlie at Vera ang portrait ni Marcius at sumakay sa helicopter pabalik sa bahay ni Vera sa Scarlet Pinnacle Manor.Samantala, isang Boeing 777-200LR ang lumipad mula sa Buenos Aires, ang kabisera ng Argentina, at papunta ito sa Australia. Kahit na ito ang eroplano na may pinakamalayong saklaw sa buong mundo, hindi pa nito naaabot ang labing-walong libong kilmetro. Kaya, ang plano ng piloto ay pumunta muna sa Melbourne, Australia, magpa-gas doon, at pagkatapos ay lumipad papunta sa Aurous Hill.Bukod sa crew, may apat na pasahero lang sa buong eroplano sa sandaling ito. Ang apat na tao na ito ay si Tarlon at ang tatlong elder na kalalabas lang sa cultivation nila sa seklusyon.Noong pumasok sa seklusyon ang tatlong elder na ito, mahigit isang daang taon na ang nakalipas, kapuputol lang ng mga tirintas ng mga tao sa Oskia, at ang alam lang nila ay gumaw
Inabot ni Charlie ang kanyang kamay at tinulungan siyang tumayo. May seryosong ekspresyon siya habang sinabi nang malakas, “Ang layunin ko ay patayin si Fleur gamit ang sarili kong mga kamay at ipaghiganti ang mga magulang ko. Kung handa kang sundan ako, magiging kalaban mo si Fleur. Kaya mo ba itong gawin?”Nagngalit si Ruby at sinabi, “Mr. Wade, makasisiguro ka. Taksil at malupit si Fleur. Hindi lang na gumamit siya ng lason para kontrolin ako sa loob ng mararaming dekada, ngunit ginawa niya pa akong taong bomba. May hindi matutumbasan akong poot sa kanya!”Tumango nang marahan si Charlie at sinabi, “Magaling! Kung matutulungan kitang tanggalin ang lason sa katawan mo sa loob ng dalawang taon at kung susuwertihin ako na mabuksan ang pineal gland ko sa hinaharap, susubukan ko ang lahat ng makakaya ko para tulungan kang tanggalin ang formation sa loob ng pineal gland mo. Pagkatapos mamatay ni Fleur, magiging malaya ka na nang tuluyan. Hindi ako mangingialam kung saan mo gustong pumun
Walang agarang solusyon si Charlie sa lason ni Ruby at sa formation sa loob ng pineal gland niya. Napagtanto niya dito ang malaking agwat nila ni Fleur.Kahit na nakaligtas siya nang bahagya sa pagsabog dahil sa singsing na binigay ni Vera sa kanya, kung nagpadala si Fleur ng tatlong eksperto na malapit nang mabuksan ang pineal gland nila sa Aurous Hill, marahil ay walang tsansa na mabuhay si Charlie. Kahit sa gamit ang singsing ni Vera, malalagay niya lang siya sa panganib pagdating ng oras.Para naman kay Fleur, nabuksan na niya ang pineal gland niya, isang daang taon na ang nakalipas, at siguradong hindi na matanto ang kasalukuyang cultivation niya. Lamang siya ng isa o kahit dalawa o tatlong daang taon kay Charlie. Kaya, kung personal na pumunta si Fleur, marahil ay mas mababa pa ang tsansa ni Charlie na mabuhay.Nang maisip ito ni Charlie, hindi niya maiwasan na makaramdam ng pasasalamat. Kung hindi niya naligtas nang nagkaton si Madam Jenson at ang anak niya sa Mexico, paano s
Tumango si Ruby at sinabi, “Tama.”Tinanong ulit ni Charlie, “Gumamit ka na ba ng Reiki para lakbayin ang mga misteryo nito?”Sumagot si Ruby, “Sinubukan namin, pero karaniwan ay nakasara ang pineal gland, at hindi makapasok ang Reiki namin.”Tumango si Charlie, pagkatapos ay bumuntong hininga at sinabi, “Mukhang malakas talaga si Fleur. Hindi ko pa nga nabubuksan ang pineal gland ko. Kung hindi ko kayang paganahin ang sa akin, sa tingin ko ay hindi ko kayang buksan ang pineal gland ng iba. Kaya, marahil ay hindi matatanggal sa maikling panahon ang self-destructive formation sa loob mo.”Bumuntong hininga si Ruby nang magaan at sinabi, “Kahit kailan ay hindi ko naisip na tanggalin ang formation. Umaasa lang ako na hindi nito masasaktan ang ibang inosenteng tao. At saka, kaunti na lang ang natitirang oras ko para mabuhay. Mga dalawang taon na lang ang natitira sa akin.”Tinanong nang mausisa ni Charlie, “Miss Chain, bakit mo sinabi iyan?”Ipinaliwanag ni Ruby, “May kakaibang lason
Samantala, nasa Champs Elys hot spring villa pa rin si Charlie, nakikipag-usap nang matagal kina Vera at Ruby.Kahit na nagpasya siya na magpakita ng malakas na harap at itago ang kahinaan niya sa harap ni Fleur, marami pa ring detalye na kailangan linawin sa bawat hakbang.Sinabi ni Vera kay Charlie, “Young Master, napakatalino talaga ng ideya mo na magpakita ng malakas na harap at itago ang kahinaan mo, pero ang panganib na lang ay kung paano natin lulutasin ang sitwasyon kung pumunta ang tatlong elder sa Aurous Hill at hindi nakita ni Fleur ang painting ni Master Marcius Stark? Ano ang gagawin natin dito?”Tumawa si Charlie at sinabi, “Huwag kang mag-alala. Ang pinakasikat na short video platform ngayon ay pagmamay-ari ng mga Wade. May paraan ako para ipadala ang painting na ito sa Calligraphy and Painting Association mamayang umaga. Sa loob ng ilang oras, pwede namin ilagay ang painting sa trending topic. Basta’t nagbibigay atensyon pa rin si Fleur sa Aurous Hill, siguradong mak
Nalugod nang sora si Flaue sa kilos ng tatlo sa sandaling ito. Ang gusto niya ay ang walang pag-aalinlangan na pagsunod nila. Kung hindi, hindi niya ituturo sa kanila ang teknik para buksan ang pineal gland nila sa una pa lang.Bukod dito, medyo hindi kumpleto ang teknik na itinuro sa kanila ni Fleur. Kahit na isang daang taon na silang nag-cultivate, kung wala ang panlabas na tulong ni Fleur sa nakaraang ilang taon, hinding-hindi nila mabubuksan ang mga pineal gland nila kahit ano pa ito.Kahit na nasa harap na nila ang mga pineal gland nila at may isang papel na lang na nakaharang para mabuksan nila ito, kung wala si Fleur, hindi nila malalampasan ang huling harang na ito. Pero, sa sandaling ito, hindi nila alam ang tungkol dito.Kaya, sa opinyon ni Fleur, kung mas pinapahalagahan nilang tatlo ang cultivation nila kaysa sa mga utos niya ngayon, lilimitahan niya ang huling pag-angat nila para maiwasan ang kawalan ng kontrol sa kanila pagkatapos mabuksan ang mga pineal gland nila.
Sa sandaling ito, sa isang liblib na isla na walang tao at nababalot ng yelo at nyebe sa South America, pinapangunahan ni Fleur si Tarlon sa isang malawak na mga istraktura sa ilalim ng lupa ng isla. Pumunta silang dalawa sa pinakamalalim na bahagi ng underground building kung saan nakasara ang isang lugar sa loob ng mga bato na may isang ventilation shaft lang na nakakonekta sa panlabas na mundo.Ang tatlong elder ng Qing Eliminating Society ay kasalukuyang nagcu-cultivate sa seklusyon dito.Kahanga-hanga isipin, sa isang daang taon ng cultivation nila sa seklusyon, hindi nila alam na nalibot na nila ang mahigit kalahati ng globo kasama ang Qing Eliminating Society, mula sa Oskia, papuntang Oceana, at sa huli ay sa South America.Ganap na pinutol ng tatlong tao na ito ang lahat ng ugnayan sa panlabas na mundo at mahigpit na binalot ng Reiki ang katawan nila, halos tinigil na ang metabolisma ng kanilang katawan. Wala silang ideya kung gaano katagal na panahon na ang lumipas sa labas
“Binabantayan nang mabuti ni Fleur ang Aurous Hill, tama? Sa sandaling lumitaw ang painting na ito, siguradong bibigyan niya ito ng atensyon. Sa oras na iyon, siguradong magkakaroon siya ng maraming tanong sa kanyang isipan!”“Gusto niya sigurong alamin kung sino ang naglabas ng portrait ng kanyang master, at siguradong mas gusto niyang alamin ang tungkol sa relasyon ng taong naglabas ng painting at ng master niya. Maaari ba na may kinuhang disipulo ang master niya bago siya? Kung gano’n, marahil ay mahigit 500 years old na ang taong iyon ngayon at may pambihirang lakas na mula sa napakaraming cultivation!”“Gusto niya rin sigurong alamin kung bakit biglang lumitaw ang portrait ng master niya sa Aurous Hill kinabukasan pagkatapos mamatay at maglaho ng dalawang great earl niya. Siguradong gusto niya ring alamin kung ang taong naglabas ba ng painting na ito at ang taong pumuwersa kay Mr. Chardon na pasabugin ang sarili niya ay ang parehong tao. Kung gano’n, bakit hindi namatay ang taon