Share

Kabanata 3384

Author: Lord Leaf
Paano niya naman malalaman kung sino ang lalaking ito na nakasuot ng isang itim na sako sa ulo?!

Wala naman siyang fluoroscopic eyes!

Maliban dito, matagal nang inalisan ni Charlie ng kamalayan si Zayne. Kaya, hindi maramdaman ni Porter kahit kaunti ang cultivation base ni Zayne.

Napatitig si Porter kay Charlie saka siya nagtanong, “Sino naman ang taong ito?”

Napangisi si Charlie. “Bakit? Hindi mo magawang makilala ang kanang kamay mo dahil lang nakatakip ang kanyang mukha?”

Lalo pang nalito si Porter.

Kahit nagbigay si Charlie ng suhestiyon na ito ang kanyang kanang kamay, hindi inisip ni Porter kahit kailan na ito si Zayne.

Dahil sa puntong ito, iniisip ng lahat ng sundalo ng Ten Thousand Armies na nasa Middle East si Zayne. Imposible namang mapupunta siya sa Oskia.

Nang makita ni Charlie ang sorpresa sa ekspresyon ni Porter, napangisi siya at agad niyang inalis ang itim na sako sa ulo ni Zayne.

Nang masilayan ni Porter at ng iba pang miyembro ng Ten Thousand Armies ang mukh
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Related chapters

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 3385

    Ang pagpapakita ng Green-Eyed Wolf King na si Zayne na kinikilalang second expert ng Ten Thousand Armies habang nagmamakaawa ito at umiiyak nang miserable ay para bang isang malakas na suntok na tumama sa puso ng lahat sa Ten Thousand Armies!Kahit hindi nila alam kung ano ang pakiramdam na nahihiwalay ang kanilang kamalayan sa kanilang katawan, mula pa lamang sa itsura ni Zayne ngayon, hindi nila mapigilang makaramdam ng matinding sindak sa loob ng kanilang pagkatao dahil sa hindi maipaliwanag na bagay.Wala ni isa sa kanila ang nangahas na isipin kung ano ang mararamdaman nila sa sitwasyong iyon at kung paano mabuhay nang mas malala pa sa kamatayan.Kung sakali, siguradong mawawalan sila ng pag-asa, at kung walang tutulong sa kanila…Sa pagkakataong ito, nakaramdam sila ng hindi mapapantayang takot para kay Charlie sa loob ng kanilang mga puso.Noong una, akala nila tatlo sa Four War Kings ang pinatumba ni Charlie, samantalang nabigo naman ang isa habang nasa Middle East.Subal

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 3386

    “Mabilis magbago ang lahat sa business world! Hindi magaling ang tatay mo, limitado ang kanyang kakayahan, at hindi niya alam kung ano ang dapat gawin!”“Masyadong mataas ang tingin niya sa kanyang sarili at gusto niyang pasukin ang futures market para lang makipagkumpitensya sa tatay ko! Bilang resulta, natalo siya ni papa. Pero, tandaan mong natalo siya sa legal at makatarungan na paraan. Iyan ang dahilan kung bakit nawala ang lahat ng kanyang assets. Sino naman ang dapat niyang sisihin para rito?”“Dahil sa kakulangan at limitado niyang kakayahan kaya nabigo siya. Ano naman ang kinalaman nito sa tatay ko?”Habang nagsasalita, napahinto si Charlie sa loob ng ilang sandali saka siya nagpatuloy sa kanyang sinasabi, “Kalimutan na natin ang limitadong kakayahan ng tatay mo. Ano naman? Pwede niya namang tiisin ang pinagdadaanan niyang hirap at sumubok na bumawi ulit sa buhay. Makakabangon naman siya kung hindi siya susuko. Pero, wala siyang lakas para gawin ito, mas pinili niya na tum

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 3387

    Sa pagkakataong ito, bumuntong hininga nang malalim si Sheldon saka siya seryosong nagsalita sa harap ni Porter, “Porter… totoo ang sinabi ni Charlie ngayon lang… Wala nga talagang kinalaman si Curtis Wade sa pagkamatay ng mga magulang mo…”Lumuluha si Porter habang nagtatanong, “Uncle Schulz, ipinagtanggol ka ni Papa kay Curtis Wade dati, at ngayon nasa harapan mo na ang mga kabaong nila. Hindi ka ba natatakot na madidismaya sila sa’yo sa sinasabi mo?”Hindi alam ni Sheldon kung paano niya sasabihin ang lahat pero binuka niya pa rin ang kanyang bibig at emosyonal niyang winika, “Sasabihin ko pa rin ang bagay na ito kahit mamatay ako ngayong araw at magkita kami sa kabilang buhay.”Pagkatapos itong sabihin, napahinto si Sheldon sa loob ng ilang sandali saka siya nagpatuloy sa kanyang sinasabi, “Hindi talaga para sa moral na kadahilanan ang presensya ng Anti-Wade Alliance dati. Isang disenteng tao si Curtis Wade. Hindi mapapantayan ang kanyang kakayahan at ibang lebel ang kanyang abi

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 3388

    “Ang dahilan kung bakit hindi ako nangahas na bumalik sa lahat ng taong ito ay dahil gusto kong maghintay hanggang sa magkaroon na ako ng sapat na lakas para daigin sila at ipaghiganti ang nangyari dati. Gusto kong gawing kahihiyan ang pamilya Wade…”“Pero ngayon, ito pala ang katotohanan. Iba pala ang buong pangyayari…”Nang sabihin ito ni Porter, inangat niya ang kanyang ulo at napatitig siya kay Sheldon habang namumula ang mga mata. Puno ng desperasyon ang kanyang mukha saka siya napahiyaw nang malakas, “Hindi ko talaga maunawaan… Hindi ko talaga maunawaan, Uncle Sheldon… Hindi ko maunawaan ang dapat kong maramdaman… Para bang nabuhay lang ako sa nakalipas na dalawang dekada para sa wala…” Nakaramdam ng matinding lumbay si Sheldon nang marinig ang sinabi ni Porter, hindi niya mapigilang mapaluha rin.Nauunawaan niya ang tindi ng sakit na nararamdaman nito ngayon.Ang pagkamuhi dati, ang pagkabigo ngayong araw, at ang hindi pagkakaunawaan sa lahat ng pagkakataong ito—dito nagmu

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 3389

    Sa pagkakataong ito, nagulantang ang mukha ng lahat sa kanilang nakita. Hindi nila mapigilang masorpresa.Wala sa kanila ang nag-aakalang susuko ang isang eight-star martial artist na gaya ni Porter sa pamamagitan ng pagwasak sa kanyang mga meridians nang hindi nilababanan si Charlie!Kahit si Charlie nakaramdam ng kaunting mangha.Inakala ni Charlie noong una na gustong makipagpatayan ni Porter hanggang sa dulo, pero sa kanyang sorpresa, si Porter pa ang nangunang sirain ang sarili niyang mga meridians.Sa pagkakataong ito, yumuko nang malakas si Porter hanggang sa tumama ang kanyang noo sa sahig. Malakas siyang nagsalita, “Ako ang may kasalanan at wala silang kinalaman sa ginawa ko. Mr. Wade, nagmamakaawa akong ipalibing niyo ulit ang mga magulang ko. Gusto ko ring magmakaawa na pakawalan niyo ang buhay ng mga tauhan kong nanatili sa tabi ko at nakasama ko sa mga digmaan sa loob ng ilang taon. Para naman sa akin, kahit anong mangyari, ikaw na ang bahala! Kung sasabihin mong haban

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 3390

    Sa pagkakataong ito, mula sa kakapalan ng mga tao, nakaramdam si Helen ng bara sa kanyang lalamunan. Hindi niya na talaga kaya, kaya agad siyang naglakad papunta sa harap. Napatitig siya kay Charlie saka siya nagmakaawa, “Charlie, pakiusap, patawarin mo na si Porter at pakawalan mo na siya. Nakikita kong pinagsisisihan niya talaga ang ginawa niya. Alam niya kung ano ang ginawa niyang mali…”Nang makita ni Porter si Helen, agad niya itong nakilala. Nagulantang siya at hindi niya mapigilang magtanong, “Aunt… Aunt Dunn… Bakit naririto rin kayo?!”Napatitig si Helen kay Porter habang puno ng simpatya ang mukha. Napabuntong hininga siya, “Niligtas ni Charlie si Sophie at ako. Nang marinig namin na pupunta ka sa Mount Wintry ngayong araw, nagmadali kami dahil nag-aalala kami na malagay si Charlie sa peligro. Balak sana naming magmakaawa sa’yo. Sa hindi inaasahang paraan… Hay…”Hindi mapigilan ni Porter ang kanyang mga luha. Puno ng lungkot ang kanyang boses, “Pasensya na, Aunt Dunn… Pasen

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 3391

    Kahit natatakot ang mga miyembro ng Ten Thousand Armies sa lakas ni Charlie, sa pagkakataong ito, hindi nila kayang makita na miserable at desperado ang kanilang lider na si Porter.Matapos ang lahat, halos lahat sa kanila nakatanggap ng pabor mula sa kanya. Kaya, hindi nila kayang manood na lang nang walang ginagawa.Higit sa lahat, kung tatanggi si Charlie, hindi lang naman si Porter ang hindi makakaligtas sa kamatayan, pero mahirap rin para sa kanila na makaligtas sa sitwasyong ito.Kaya, napaluhod na lang silang lahat sa pag-asang may magagawa silang kaunti para sa kanilang lider. Kung sama-sama silang magmamakaawa kay Charlie, baka pumayag ito.Nang makita ni Jeremiah na hindi mabilang ang mga experts ng Ten Thousand Armies na nakaluhod sa sahig sa harap ni Charlie, nakaramdam siya ng hindi mapaliwanag na sabik sa loob ng kanyang puso.Mula sa eksenang ito, nakikita ni Jeremiah ang pag-asa para sa pamilya Wade. Maliban dito, hindi ibig na magiging numero uno ang pamilya nila

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 3392

    Napasimangot nang bahagya si Charlie. Pagkatapos, napatitig siya kay Holden saka siya napatanong, “Lord Harker, may dala ka bang maliit na kutsilyo ngayong araw?”Magalang na tumugon si Holden, “Oo, Mr. Wade. May dala akong isa!”Pagkatapos itong sabihin, inilabas ni Holden ang isang maliit at matalas na kutsilyo mula sa kanyang bulsa saka niya ito inabot kay Charlie gamit ang dalawang kamay.Tinanggap ni Charlie ang maliit na kutsilyo at inihagis niya ito sa harap ni Porter, “Papayag ako sa kondisyong sinabi dahil pinapakita mo ang pagpapahalaga mo sa mga magulang mo! Pagkatapos mong pumanaw, hindi ko sisirain ang labi ng mag magulang mo, at hindi ko rin itatapon sa kagubatan ang katawan mo. Sa halip, babayaran ko ng kabutihan ang kasalanan mo at ililibing kita kasama ang mga magulang mo para maging mapayapa ang pagpunta mo sa kabilang buhay!”Nang marinig ito ni Porter, gumaan ang kanyang loob at isang ngiti ang lumitaw sa kanyang mukha. Puno rin ng pasasalamat ang kanyang eskpre

Latest chapter

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5921

    Biglang namula si Jacob sa sinabi ni Elaine, at nahihirapan magsalita habanag sinusubukan niyang ipagtanggol ang sarili niya, “Sino ang nagsabing humihingi ako ng pera sa mahal kong manugang? Sinabi ko ba iyon?! May iba akong dahilan kung bakit kinausap ko siya. Huwag mo akong akusahan nang walang basehan!”Sa halip na makipagtalo kay Jacob, tumingin si Elaine kay Charlie at sinabi, “Mahal kong manugang, narinig mo ang sinabi niya. Kahit ano pa ang plano niya, huwag mo siyang bigyan ng kahit isang sentimo!”Agad nagalit si Jacob at sinabi nang galit, “Elaine, bakit ka ganyan? Bakit puro pera lang ang bukambibig mo?”Mapaglarong umiling si Elaine at ngumisi habang sinabi, “Anong problema? Hindi ka naman humihingi ng pera sa mahal kong manugang, bakit ka naabala kung sinabihan ko siyang huwag kang bigyan?”Napahinto sa pagsasalita si Jacob. Sa lakas ng depensa ni Elaine, napigilan ang plano niya. Dahil sa mga sinabi ni Elaine, hindi na siya makahingi ng pera kay Charlie. Paano siya h

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5920

    Nakaramdam si Jacob ng inggit at selos nang marinig niya na bibigyan ni Charlie si Elaine ng isang milyong dolyar. May kita siya sa Calligraphy and Painting Association, pero hindi iyon sapat para sa mga gastusin niya.Bilang Vice President ng association, madalas siyang mag-aliw ng mga bisita, at malaking gastos ang madalas niyang byahe gamit ang mamahaling kotse. Hindi siya kasing-walang hiya ni Elaine, at pakiramdam niya na may utang na loob siya kay Charlie dahil sa mga tagumpay at sa pagkakataon na magmaneho ng luxury car at manirahan sa Thompson First. Kaya hindi siya komportable na humingi ng pera kay Charlie.Pero nang makita niyang makakatanggap lang si Elaine ng isang milyong dolyar dahil lang sa paghingi, nainis siya. Naisip pa niyang humingi ng tulong kay Charlie, pero nang maalala niya kung paano niya ininsulto si Elaine kanina, nahiya siyang manghingi ng pera kay Charlie.Samantala, hindi nag-aksaya ng oras si Charlie at agad niyang ipinadala ang isang milyong dolyar s

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5919

    Pagkalabas niya sa Champs Elys hot spring villa, agad na nagmadali si Charlie pabalik sa Thompson First. Plano niyang madalian niyang ilagay sa maleta ang kanyang mga gamit at ipagbigay-alam kina Jacob, ang biyenang lalaki niya, at kay Elaine, ang biyenang babae niya, na aalis siya ngayong gabi papunta sa ibang lungsod para suriin ang Feng Shui ng isa pang kliyente.Sanay na ang mag-asawa sa palagiang paglalakbay ni Charlie, kaya hindi sila nagulat nang marinig ang balita.Ang talagang nagpaulat kay Charlie ay biglang nagpakita si Elaine ng pag-aalala sa kanya. Sinabi niya nang may nag-aalalang ekspresyon, “Mahal kong manugang, palagi kang nasa biyahe buong araw nang walang pahinga. Paano kung mapagod ka?”Nakaramdam si Charlie ng bihirang pakiramdam ng bait dahil sa hindi inaasahang pag-aalala ng kanyang biyenang babae. Ngumiti siya at sinabi, “Ma, hindi mo kailangang mag-alala. Kahit abala ako araw-araw sa labas, hindi naman talaga ako napapagod.”Tumayo sa gilid si Jacob at ngum

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5918

    Gumaan ang puso ni Charlie nang marinig ito. Sinabi niya kay Isaac, "Mr. Cameron, pansamantalang aalis si Mr. Thompson sa mga Wade. Sa panahong ito, mawawalan ng chief butler ang mga Wade. Gusto kong pansamantalang kunin mo ang posisyon ni Mr. Thompson. Umaasa akong babalik siya, at kung sakali, maibabalik mo sa kanya ang pwesto bilang kanyang deputy. Kung hindi siya babalik, ikaw na ang magpapatuloy sa posisyon."Nagulat si Isaac at agad na nagsabi, "Young Master, ang trabaho ko ay palaging limitado lang sa probinsyang ito, at kakasimula ko pa lang maintindihan ang mga gawain ko. Ngayon, pinapalit mo ako kay Mr. Thompson. Paano... Paano ako magiging karapat-dapat doon?!"Tinanong ni Charlie, "Hindi ba't unti-unting umangat si Mr. Thompson?"Hirap na sinabi ni Isaac, "Ah, inabot ng sampu hanggang dalawampung taon bago umabot sa posisyong iyon si Mr. Thompson. Mas mahina ang kakayahan ko kaysa sa kanya, at baka hindi ko makumbinsi ang iba sa aking mga kwalipikasyon."Iwinasiwas ni C

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5917

    Sa hapon, si Keith, kasama ang panganay niyang anak na si Christian, at pangalawang anak na si Kaeden, ay palihim na pumunta sa Eastcliff kasama si Emmett.Sa halip na agad na umuwi sa kanyang tahanan sa Thompson First, pumunta muna si Charlie sa katabing villa, tinawag si Caden na nagtuturo ng martial arts doon, at sinabihan siya na ipaalam kina Isaac at Albert na makipagkita sa kanya.Noong una, medyo nag-alala pa si Charlie na baka bigla na lang mawala si Isaac nang walang dahilan. Bilang tagapagsalita ng Wades sa Aurous Hill at direktang tauhan ni Stephen, posible na may naglagay talaga kay Isaac sa posisyong ito.Buti na lang nandoon pa rin si Isaac sa Champs Elys Resort.Nang makita ni Charlie si Isaac, medyo gumaan ang kanyang pakiramdam. Sa totoo lang, nakakalungkot para sa kanya na may iba palang pinaglilingkuran si Stephen. Sa isang banda, si Stephen ang pinakatapat na tauhan ng kanyang ama, at kahit hindi niya maasahan ang lubos na katapatan ni Stephen sa mga Wade, nakak

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5916

    Napabuntong-hininga si Charlie at sinabi, “Wala akong nakitang kongkretong bakas, at napilitan akong bumalik nang nasa kalahati na ako ng daan.”Nagulat na nagtanong si Keith, “Napilitan? Sino ang pumilit sayo na bumalik?”Sumagot si Charlie, “Lolo, mahaba ang kwento. Pumasok muna tayo at dahan-dahan natin itong pag-usapan.”Agad na pumayag si Keith. “Sige, pumasok na tayo at mag-usap.”Pumasok sina Charlie at ang mga miyembro ng pamilya Acker sa villa at nagkumpulan sa dining room. Dahil walang ibang tao, tapat na isinalaysay ni Charlie ang kanyang paglalakbay sa Mount Tason at ibinunyag ang kalagayan ni Stephen.Nang marinig na pinabalik si Charlie ng isang pekeng madre mula sa Quiant Monastery, lubos na nagulat ang lahat. Hindi sila makpaniwala na may taong may alam ng kanyang mga hakbang at naghintay sa kanya habang paakyat siya sa Mount Tason. Lalo silang nabigla nang malamang si Stephen, ang tahimik na nagbantay kay Charlie sa halos dalawampung taon, ay may iba palang pinagl

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5915

    Alam ni Charlie na may pambihirang impluwensya si Emmett sa Eastcliff. Kaya sa tulong niya, siguradong magiging matagumpay ang mungkahi ni Vera. Bukod pa roon, mataas din ang posibilidad na maisakatuparan ang plano ni Vera. Basta’t suportado ito ng mga nasa kapangyarihan at ipakita lang nila na seryoso sila sa mga Acker, magiging ligtas na ang mga Acker sa Oskia.Kahit gaano pa katapang at kapusok si Fleur, hindi niya kakayaning labanan nang lantaran ang isang bansa, maliban na lang kung sawa na talaga siyang mabuhay, dahil apat na raang taon na siyang nabubuhay.Ngunit ayon sa pagkakaintindi ni Charlie, habang tumatagal ang buhay ng isang tao, lalo niyang pinapahalagahan ang buhay niya at mas natatakot sa kamatayan. At si Fleur, na apat na raang taon nang nabubuhay, ay siguradong takot na takot mamatay. Kung hindi, hindi sana siya tumakas mula sa bundok sa ganoong kahabag-habag na kalagayan.Nang makita ni Vera na wala namang tutol si Charlie sa mungkahi niya, agad niyang tinawagan

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5914

    Inutusan ni Charlie si Shawn sa tawag na ayusin ang isang private plane para sunduin si Janus papuntang Aurous Hill ngayong alas-nuwebe ng gabi at humiling ng convoy mula sa bahay ni Janus papuntang airport. Kahit na hindi natuwa si Shawn dito, hindi siya naglakas-loob na kumontra at napilitan na lang siyang sumang-ayon habang pilit na nakangiti.Pagkatapos, nagpaalam sina Charlie at Vera sa lolo ni Charlie na si Jeremiah.Sa eroplano, tinanong ni Vera si Charlie, “Young Master, hindi ba masyadong minamadali kung pupunta ka ng New York ngayong gabi? Magkakaroon ka lang ng nasa mahigit sa sampung oras sa Aurous Hill.”Umiling si Charlie at sinabi, “Bukod sa pagpunta ko sa lolo at lola ko at pagbibigay ng balita sa mga nangyari kailan lang, gusto ko ring alamin kung may maiisip silang anumang mahalagang impormasyon. At saka gusto ko ring bumisita sa mga biyenan ko bago umalis.”Tumango si Vera at sinabi nang malambot, “Muntik ko nang makalimutan na nasa United States din ang asawa mo.

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5913

    Ipinadala ni Charlie ang litrato kay Janus sa WhatsApp at nagpadala ng isang voice message: ‘Uncle Janus, pwedeng mo ba akong tulungan at tingnan kung kilala mo ang taong ito sa tabi ng aking ama?’Mabilis na sumagot si Janus gamit ang voice message: ‘Young Master, nakita ko na ang taong ito sa litrato. Ang pangalan niya ay Biden Cole, pero hindi ako masyadong pamilyar sa kanya. Ang alam ko lang ay isa siyang Oskian na antique dealer na may malapit na ugnayan sa iyong tatay.’Nang marinig ni Charlie na kilala ni Janus ang taong ito, agad niyang tinawagan si Janus. Pagkakonekta ng tawag, sabik niyang tinanong, “Uncle Janus, pwedeng mo bang sabihin sa akin ang tungkol kay Biden Cole nang detalyado?”Sinabi ni Janus, “Ang pamilya ni Biden ay matagal nang nakikibahagi sa negosyo ng mga antiques sa ibang bansa, karamihan ay nakatutok sa Europe at America. Bukod sa United States, may negosyo rin sila sa England at France. May reputasyon ang pamilya niya sa industriya ng mga antique sa Euro

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status