Kahit natatakot ang mga miyembro ng Ten Thousand Armies sa lakas ni Charlie, sa pagkakataong ito, hindi nila kayang makita na miserable at desperado ang kanilang lider na si Porter.Matapos ang lahat, halos lahat sa kanila nakatanggap ng pabor mula sa kanya. Kaya, hindi nila kayang manood na lang nang walang ginagawa.Higit sa lahat, kung tatanggi si Charlie, hindi lang naman si Porter ang hindi makakaligtas sa kamatayan, pero mahirap rin para sa kanila na makaligtas sa sitwasyong ito.Kaya, napaluhod na lang silang lahat sa pag-asang may magagawa silang kaunti para sa kanilang lider. Kung sama-sama silang magmamakaawa kay Charlie, baka pumayag ito.Nang makita ni Jeremiah na hindi mabilang ang mga experts ng Ten Thousand Armies na nakaluhod sa sahig sa harap ni Charlie, nakaramdam siya ng hindi mapaliwanag na sabik sa loob ng kanyang puso.Mula sa eksenang ito, nakikita ni Jeremiah ang pag-asa para sa pamilya Wade. Maliban dito, hindi ibig na magiging numero uno ang pamilya nila
Napasimangot nang bahagya si Charlie. Pagkatapos, napatitig siya kay Holden saka siya napatanong, “Lord Harker, may dala ka bang maliit na kutsilyo ngayong araw?”Magalang na tumugon si Holden, “Oo, Mr. Wade. May dala akong isa!”Pagkatapos itong sabihin, inilabas ni Holden ang isang maliit at matalas na kutsilyo mula sa kanyang bulsa saka niya ito inabot kay Charlie gamit ang dalawang kamay.Tinanggap ni Charlie ang maliit na kutsilyo at inihagis niya ito sa harap ni Porter, “Papayag ako sa kondisyong sinabi dahil pinapakita mo ang pagpapahalaga mo sa mga magulang mo! Pagkatapos mong pumanaw, hindi ko sisirain ang labi ng mag magulang mo, at hindi ko rin itatapon sa kagubatan ang katawan mo. Sa halip, babayaran ko ng kabutihan ang kasalanan mo at ililibing kita kasama ang mga magulang mo para maging mapayapa ang pagpunta mo sa kabilang buhay!”Nang marinig ito ni Porter, gumaan ang kanyang loob at isang ngiti ang lumitaw sa kanyang mukha. Puno rin ng pasasalamat ang kanyang eskpre
Kahit sira na ang mga meridians ni Porter, sapat pa ang kanyang lakas para hawakan ang kutsilyo, isaksak ito sa kanyang dibdib, at tapusin ang kanyang buhay.Ginamit niya ang lahat ng natitira niyang lakas para itarak ang kutsilyo sa kanyang puso dahil gusto niyang tapusin nang mabilis ang pagdurusang ito.Ang dahilan kung bakit gusto niyang maging simple at mabilis ang kanyang kamatayan ay dahil ayaw niyang panoorin siya ng maraming tao na magdusa nang matagal at magkaroon ng miserableng kamatayan.Sa puntong ito, handa na siyang tapusin ang lahat.Para naman sa mga miyembro ng Ten Thousand Armies, nauunawaan nilang wala na silang magagawa at wala nang magbabago.Subalit, sa pagkakataong tatama na ang kutsilyo sa dibdib ni Porter at malapit na itong tumusok sa balat na nasa ilalim ng kanyang damit panlamay, sinipa ni Charlie ang kutsilyo gamit ang kanyang paa at ginamitan niya ito ng Reiki.Hindi nagtagal, nang tatami na sana ang kutsilyo sa puso ni Porter, biglang naging abo na
Nang marinig ito ni Porter, patuloy siyang napayuko at nanginginig nang matindi ang kanyang katawan habang patuloy ang pagtuloy ang pagluha sa kanyang pisngi.Gusto niya talagang mabuhay.Pero, natatakot siya na hindi siya hayaan ni Charlie na mabuhay, lalo naman ang kanyang mga tauhan. Maliban dito, para mapangalagaan ang dignidad at kapayapaan ng kanyang mga magulang, wala na siyang ibang magawa kundi piliing tapusin ang kanyang buhay.Pero sa pagkakataong ito, isang ideya ang pumasok sa kanyang isip. ‘Ginawang abo ni Charlie ang maliit na kutsilyong hawak ko ngayon lang. Hindi kaya… Hindi kaya balak akong pakawalan ni Charlie?!’Pero hindi nagtagal, napabuntong hininga nang emosyonal si Porter, ‘Natatakot akong panaginip lang ito. Binastos ko ang mga magulang ni Charlie, imposible naman yatang pakawalan niya na lang ako? Kung ako ang nasa kalagayan niya, pinatay ko na agad ang sarili ko matagal na…’Sa pagkakataong ito, nagpatuloy si Charlie sa pagsasalita, “Porter Waldron, dap
Nang marinig ni Porter na handa si Charlie na pakawalan siya, naging emosyonal siya sa puntong halos maglupasay siya sa tuwa.Ganoon pa man, pinigilan ni Porter na lumuha, at sa halip, sumigaw siya nang walang pag-aalangan, “Mr. Wade, handa akong gawin ang sinasabi mo!”Nakabalik rin sa kanilang kamalayan ang mga miyembro ng Ten Thousand Armies. Agad silang napahiyaw sa sabik nang sabay-sabay, “Handa rin kaming sundin ka!”Sa isang bigla, naging malakas na alingawngaw ang tugon ng lahat!Nagulantang ang lahat ng naroroon!Wala ni isa ang nag-aakalang papakawalan ni Charlie si Porter at aangkinin nito ang kapangyarihan para mapakilos ang Ten Thousand Armies!Hindi naintindihan ng karamihan kung bakit hindi bumigay si Charlie hanggang sa huling pagkakataon nang putulin na ni Porter ang sarili niyang mga meridians at handa na itong magpakamatay.Maliban dito, hinamak rin ni Charlie ang desisyon ni Porter na pakawalan na lang ang lahat at mamatay nang marangal saka niya sinabing pap
Naintindihan din ng ibang miyembro ng pamilya Wade ang nakatagong kabuluhan. Sa sandaling iyon, nalungkot nang sobra ang lahat sa puso nilla malibang sa pinakabatang tita ni Charlie, si Charlotte.Para naman kay Clayton, mas gugustuhin niya kung papatagin ng Ten Thousand Armies ang Mount Wintry.Mas gugustuhin din ni Clayton kung direktang pinatay ni Porter si Lord Wade kapag mas gugustuhin niyang mamatay kaysa sumuko. Si Clayton agad ang magiging pinuno ng pamilya Wade bilang unang linya ng tagapagmana. Pagkatapos ay iaanunsyo niya na tatanggapin niya agad ang lahat ng kondisyon ni Porter.Sa ganitong paraan, siya ang magiging pinuno ng pamilya Wade na lumiit ng kalahati.Pero kahit na lumiit ng kalahati ang pamilya wade, nasa top three pa rin ito sa mga pamilya sa bansa.Naramdaman ni Clayton na sulit pa rin kung magiging pinuno siya ng pamilya Wade kahit na lumiit sa kalahati ang pamilya Wade.Ito ay dahil pareho ang iniisip nila ni Charlie. Napakaraming taon nang payapa ang p
Walang nag-aakala na si Lord Wade, na matanda na, ay biglang magsasabi ng isang bagay na nakakagulat na parang isang kidlat!Sa sandaling sinabi ito ni Lord Wade, alam agad ng lahat na siguradong nagreklamo si Clayton kay Lord Wade kanina lang. Siguradong may sinabi siyang mga masasamang bagay para magtanim ng alitan sa pagitan nina Lord Wade at Charlie, at hinding-hindi inaasahan ni Clayton na sa halip ay sasampalin siya nang matuwid ni Lord Wade.Ang mas nakakagulat pa ay biglang inanunsyo ni Lord Wade na opisyal niyang ipapasa kay Charlie ang posisyon bilang pinuno ng pamilya Wade!Sa sandaling ito, sabik na sabik ang mga kasama at kaibigan ni Charlie, at nasa bingit na sila ng paghiyaw nang malakas.Sa kabilang dako, karamihan sa mga miyembro ng pamilya Wade ay may mahabang mukha, at nakanguso sila nang miserable. Mas pangit pa ang ekspresyon sa kanilang mukha kumpara kay Hunter na dinala ang mga tauhan niya sa lumang mansyon ng pamilya Wade kasama ang mga kabaong na iyon.Hab
Karamihan sa mga miyembro ng pamilya Wade ay natakot agad at nanginig sa sandaling narinig nila ito.Ito ay dahil may dala-dala silang damit panlamay na tinago nila sa mga damit nila. Sobrang nakakagulat ang proseso ng paglaban ni Charlie sa Ten Thousand Armies kanina, at ganap na nakalimutan ng mga taong ito ang tungkol sa damit panlamay.Naalala lang nila na may hawak silang ‘bomba’ pagkatapos itong sabihin ni Charlie.Nataranta agad sila dahil hindi nila alam kung paano sila paparusahan ni Charlie.Sa sandaling ito, hindi na pinansin ni Charlie ang mga miyembro ng pamilya Wade. Sa halip, tumingin siya sa mga sundalo ng Ten Thousand Armies na nakaluhod sa harap niya.May isang matandang lalaki na nanginginig sa takot sa gitna ng mga sundalong ito. Kahit na nakaluhod din ang matandang lalaki na ito, patuloy siyang tumitingin sa kaliwa’t kanan niya, at mukhang naghahanap siya ng perpektong pagkakataon na tumakas.Ang taong ito ay walang iba kundi si Cadfan, ang pinuno ng pamilya
Hindi makapaniwala si Fleur. Pagkatapos mabuhay ng apat na raang taon, hinding-hindi niya inaakala na makikita niya ulit ang pangalan na ‘Marcius Stark’! Siya ang master niya na pumanaw na mahigit tatlong daang taon na nang nakalipas!Pinulot niya ulit nang mabilis ang kanyang cellphone at pinindot ang push notification habang nanginginig ang mga kamay. Agad siyang nilipat sa short video app at nagsimulang umandar ang video mula sa Calligraphy and Painting Association.Sa video, may suot na balabal si Marcius habang nakatayo siya sa dulo ng isang bangin habang may mahabang buhok at puting balbas na pumapagaspas sa hangin, nagbibigay ng isang pambihirang aura na kahanga-hanga.Tinakpan ni Fleur ang kanyang bibig nang hindi namamalayan, at puno ng takot ang mga mata niya. Natataranta siya habang binulong sa sarili niya, “Paano lumitaw ang portrait ni Master sa Aurous Hill? Pero mahigit tatlong daang taon nang walang si Mater, kaya sino ang nagpinta ng portrait niya?!”Para bang hinam
Kaya, nag-focus muna siya sa lahat ng private jet at cargo plane na lumilipad sa northern hemisphere, binigyang atensyon ang lahat ng ruta nila. Sa sandaling naging viral ang video na ito, kung liliko ang isang eroplano at babalik sa Argentina, halos sigurado na sa eroplanong iyon nakasakay ang tatlong elder.Samantala, sa dulo ng Antarctica, binabantayan din nang mabuti ni Fleur ang bawat galaw sa Aurous Hill.Isang cargo plane na ipinadala ng Central Military Governor Office kaninang umaga ang kalilipad lang sa Aurous Hill isang oras na ang nakalipas. Ang destinasyon ng eroplano ay ang Lisken, malapit sa Aurous Hill. Nang dumating ito sa Aurous Hill, binabaan nito ang lipad nito ayon sa pangangailangan ng air traffic control, at nagkataon na nakita nito nang malinaw ang tanawin ng Aurous Hill.Mabilis na ipinadala sa headquarters ng Qing Eliminating Society ang mga litrato na kinuha sa eroplano. Nadiskubre agad ni Fleur ang isang pabilog na blangkong lugar na may haba na daang-daa
Sa pag-apruba ng ginagalang na tao, agad gumawa ng kaguluhan ang portrait ni Marcius sa Calligraphy and Painting Association.Sa wakas ay nakakuha na ng ilang pagkilala si Jacob at nakatayo na siya nang medyo tuwid.Nagmamadaling pumunta si Mr. Bay nang marinig niya ang balita at nakita niya na kahanga-hanga nga ang painting. Kaya, mabilis niyang inutusan ang sekretarya niya na gumawa ng isang video, kunin ang mga detalye ng painting at i-post ito sa official account ng Calligraphy and Painting Association sa short video platform para pataasin ang impluwensya ng calligraphy ang painting exhibition.Hindi katagalan, nakita ni Charlie ang pakilala sa painting na ito sa official short video account ng Calligraphy and Painting Association. Sa video, gumamit ang kumuha ng video ng isang cellphone para kunin ang maraming detalye ng painting, lalo na ang mukhang buhay na portrait ni Marcius at ang isinulat ni Charlie.Gumawa ng malaking ingay ang video sa sirkulo ng mga tagahanga ng accou
Dahil, nabuhay ng 113 years old ang ninuno ni Madam Jenson, na halos hindi pa nangyayari sa mga sinaunang tao. Bukod dito, hindi naiintindihan ng ninuno ni Madam Jenson ang cultivation. Sa halip, nilaan niya ang karamihan ng oras niya sa pagpipinta. Nalampasan na niya ang karamihan ng mga pintor pagdating pa lang sa kasanayan niya.Bukod dito, para sa sumunod na kalahati ng buhay niya, hinihintay ng ninuno ni Madam Jenson ang pagbabalik ni Marcius. Ipininta niya ang maraming portrait ni Marcius nang ilang dekada, naabot niya ang antas ng kagalingan na hindi mapapantayan ng kahit sino.Ang partikular na painting na ito ang paborito niya. Libo-libong beses niyang sinanay ang galing niya sa brotsa nang hindi nagkakamali ng isang beses, at naperpekto niya ito nang ganap.Lumapit ang isa pang tao at maingat na sinuri ang mga detalye ng painting gamit ang isang magnifying glass, bago niya sinabi nang sabik, “Ang painting na ito… Isa ngang sinaunang silk painting ang painting na ito! Makik
Isang malaking grupo ng tao ang nag-udyok at nagsimulang kutyain si Jacob.Sinabi nang malamig ni Jacob, “Hindi niyo talaga alam ang mga pinagsasabi niyo. Paanong wala akong kahit anong maayos na obra? Masyado lang maganda ang ibang obra at hindi madali para sa akin na ilabas ito!”Sa sandaling ito, inisip na ni Jacob ang sarili niya bilang ang kliyente na binanggit ni Charlie.Nang marinig ng iba ang pagyayabang ni Jacob, ngumisi sila nang mapanghamak at hindi siya sineryoso.Hindi na masyadong nagsalita si Jacob at nilagay ang silindrong lalagyan ng painting sa lamesa na ginagamit para sa display at pagsusuri sa Calligraphy and Painting Association, at sinabi niya, “Heto, ipapakita ko sa inyo ang isang piraso ng sinaunang painting na napulot ko ngayong araw!”“Pfft…” Mas lalong naging malinaw ang panghahamak sa mukha ng lahat.Hindi madaling mapreserba ang kaligrapiya at painting, at ang papel na ginagamit para sa tradisyonal na Oskian painting, kahit na iba-iba, ay halos hindi
Habang dala-dala ng Boeing 777 ang tatlong elder na lumilipad pa rin sa itaas ng dagat, si Jacob, na sabik na sabik, ay dinala ang portrait na binigay sa kanya ni Charlie at ginamit ang Rolls-Royce Cullinan na niregalo ni Kathleen papunta sa pasukan ng Calligraphy and Painting Association.Sa sandaling ito, puno ng kumpiyansa ang mukha ni Jacob, halos para bang nanalo na siya sa isang mahalagang laban at naghihintay na lang siya na mayabang sa harap ng ibang hukbo.Medyo hindi sikat si Jacob sa Calligraphy and Painting Association. Karamihan ng mga tao dito ay mga intelektwal at iskolar. Kahit na kulang ng totoong talento ang ilan sa kanila at nandito lang para sa kariktan, kahit papaano ay alam nila kung ano ang ibig sabihin ng pagiging masunurin.Dahil wala silang propesyonal na kakayahan, pumunta sila dito para magbigay ng mas maraming lugar para makapagpasikat ang mga propesyonal. Ito ang tinatawag na pagiging masunurin.Kung wala kang propesyonal na kakayahan at pumunta dito p
Pagkatapos itong sabihin, tinanong niya nang mabilis si Charlie, “Mahal kong manugang, kung gano’n, pwede ko bang kunin ang painting na ito?”Tumango si Charlie at sinabi nang nakangiti, “Pa, kung may magtatanong sayo tungkol sa painting na ito, sabihin mo lang na binili mo ito mula sa isang tao pero hindi mo maalala ang hitsura ng tao na iyon. Para naman sa proseso ng pagbili nito, pwede mong gamitin ang imahinasyon mo para magmalabis at ipagyabang ang tungkol dito hangga’t gusto mo. Ayos lang bastat hindi ka lalayos sa pangunahing ideya.”Tinanong ni Jacob sa sorpresa, “Mahal kong manugang, hindi ba’t mas maganda kung sasabihin ko lang na isa itong regalo mula sa isang kaibigan o galing ito sa sarili kong koleksyon?”Sumagot nang tapat si Charlie, “Pa, marahil ay hindi makilala ng iba ang painting na ito, pero makikilala ito ng kliyente ko. Kung malalaman niya na pinagyayabang mo ang painting ng iba, marahil ay sisihin niya ako. Kung gagawin mo ang sinabi ko, malalaman niya na pin
May malungkot at nag-aalalang ekspresyon si Jacob habang sinabi niya kay Charlie, “Mahal kong manugang, medyo mahirap nga ang kasalukuyang sitwasyon ko. Maraming tsismis na umiikot sa association. Maraming tao ang nagsasabi na wala akong totoong talento at ang dahilan lang kung bakit ako naging vice president ay dahil sa suporta ni Mr. Bay. Nasa mahirap na posisyon din si Mr. Bay.”Hininaan ni Jacob ang boses niya at nagpatuloy, “Naghapunan kami ni Mr. Bay kahapon at binigyan niya ako ng kaunting maliit na pahiwatig. Ang punto ay maraming tao ang lumalapit sa kanya kailan lang, at marami sa kanila ay gusto akong patalsikin. Kung wala akong magagawa ngayon, mahihirapan ako na kumbinsihin ang lahat…”Tumango si Charlie at sinabi nang nakangiti, “Madali lang ito malulutas, Pa. Nagkataon na may sinuri akong Feng Shui ng isang kliyente ngayong araw, at napansin ko na may ilang painting siya sa bahay. Dahil nagbabalak ng exhibition ang calligraphy and painting association mo, hiniling ko n
Nang bumalik si Charlie sa Thompson First, nakikipagtalo si Jacob kay Elaine.Kapapasok lang ni Charlie hawak-hawak ang scroll ng painting ni Marcius nang marinig niyang nagreklamo si Jacob, “Wala kang ginagawa buong araw, at hindi ka man lang naghanda ng almusal. Ayos lang kung ayaw mong magluto, pero kahit papaano ay umorder ka man lang ng ilang pagkain para sa akin nang umorder ka para sayo. Hindi ka nagtira para sa akin pagkatapos mong kumain. Nagmamadali akong pumunta sa association. Hindi mo ako pwedeng hayaan na magutom, tama?”Sumagot nang kampante si Elaine, “Hindi mo pa ba naririnig ang kasabihan na ‘Hindi kakain ang mga hindi nagtatrabaho’? Bakit hindi ka gumising nang maaga at maghanda ng almusal para sa akin, kung gano’n? Nangangarap ka siguro kung gusto mo na magluto ako para sayo. At saka, sa tingin mo ba ay hindi ko kailangan ng pera para umorder ng pagkain? Kung bibigyan mo ako ng 80 o 100 thousand dollars kada buwan bilang baon, siguradong mag-aayos ako ng tatlong p