Share

Kabanata 2511

Author: Lord Leaf
Galit na galit si Cadfan nang marinig ang panlalait ni Jeremiah.

Sa totoo lang, inaasahan niyang magiging mas mabuti ang pakikitungo ni Jeremiah pagkatapos niyang magpakumbaba para pumunta rito at humingi ng tulong. Ganito dapat, hindi ba?

Sa kasamaang palad, sinabihan pa siya ng tarantadong matandang ito na managinip na lang siya!

Napakarahas naman yata ng bagay na ito!

Subalit, nagngitngit na lamang ang kanyang ngipin, “Jeremiah, dahil matagal nang magkatunggali ang mga pamilya natin sa loob ng ilang taon, dapat alam mo ring napakaliit ng mundong ito. Kung magiging ganyan ang pakikitungo moa sa akin ngayong araw, huwag mo akong sisihin kapag naging walang awa at walang puso rin ako sa’yo balang araw kapag kailangan mo ang tulong ko.”

Ngumisi si Jeremiah, “Cadfan, ako na ang magsasabi, masyado kang nakakabagot. Kung talagang may kakayahan ka, matagal mo na sanang naresolbahan ang problemang ito nang hindi humihingi ng tulong sa iba! Bakit mo pa ako hinahanap para lang magpanggap
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Related chapters

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 2512

    “Sa madaling salita, kung may ganitong klase ng lakas at kapangyarihan ang pamilya Wade, madali nila akong madudukot o kaya mapapatay sa sarili kong bahay. Bakit mas mababa pa rin ang posisyon nila kumpara sa pamilya Schulz kung ganoon?““Totoo ang sinasabi niyo…” nag-alangan ang butler sa loob ng ilang sandali saka siya muling nagtanong, “Lord Schulz, hindi kaya sa tingin niyo may tinatagong master ang pamilya Wade? Baka may nakilala silang isang makapangyarihang tao?”“Imposibleng mangyari iyan…” umiling si Cadfan, “Hindi binibigyang pansin ng pamilya Wade ang paggawa ng mga martial arts masters gaya ng pamilya natin. Ang matandang iyon, walang alam si Jeremiah kundi maghabol ng pera buong buhay niya. Kaya, kung sasabihan mo siyang maglabas ng malaking pera para tustusan ang pangangailangan ng ilang martial arts masters, siguradong hindi siya magiging interesado. Kaya, paano naman siya makakahanap ng isang tunay na top master?” Ganoon din, naging madilim ang ekspresyon ni Cadfan

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 2513

    Sa pagkakataong ito, matindi ang pagkalitong nararamdaman ni Cadfan.Simula nang lumihis sa lohika ang kanyang mga iniisip, hindi niya masundan ang buong ideya.Hindi niya mapigilang magkaroon ng malakas na pakiramdam na ang salering nasa likod ng insidente ay wala ng iba kundi ang top master na nagligtas kay Jaime at Sophie dati sa Japan.Subalit, hindi mapigilan ng butler na isiping pantasya lamang ito.Ipinahayag niya ang kanyang hindi pagsang-ayon nang hindi direkta, “Lord Schulz, hindi pa natin nasisiguro ang pagkatao ng master na nakilala ng eldest young lady sa Japan. Hindi rin natin alam kung isa ba siyang Oskian na nakatira sa Oskia o isa ba siyang Oskian nakatira sa Japan.”“Bukod pa roon, ilang libong kilometro ang layo ng Kyoto at Aurous Hill. Paano namang magiging ganito kadali na magtagpo ang landas ng dalawang tao? Talaga bang magkikita sila sa dami ng mga nakapalibot sa kanila? Kahit posibleng mangyari ang ganitong bagay, masyadong mababa ang tsansa…”Umiling si C

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 2514

    Nasindak ang butler at hindi niya mapigilang mapabulalas, “Ang ibig niyo bang sabihin ang misteryosong lalaking nagligtas sa eldest young lady sa Japan ang parehong lalaking nagligtas sa eldest young lady sa Aurous Hill ngayon?”“Tama ang sinabi mo!” tumango si Cadfan at nagpatuloy siya sa kanyang sinasabi, “Iyan ang nararamdaman ko ngayon! May hinuha ako na hindi pa patay si Sophie! Kung buhay pa siya, ang taong nagligtas sa kanya ay mukhang ang misteryosong lalaki na nagligtas sa kanya sa Japan!”Hindi mapigilang magtaka ng butler, “Lord Schulz, nauunawaan ko kung ang parehong misteryosong lalaki ang nagligtas ulit sa buhay ng eldest young lady sa Aurous Hill ngayon. Pero, ano naman ang intensyon niya sa pandurukot niya sa second master?”Tumugon si Cadfan, “Mataas ang tsansang dinukot niya si Steven dahil gusto niyang ipaghiganti si Sophie at si Helen. Matapos ang lahat, pumunta lang naman si Steven sa Aurous Hill para asikasuhin ang bagay na ito sa ngalan ng pamilya Schulz. Kaya

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 2515

    Sa pagkakataong ito, kausap ni Sheldon sa cellphone ang kanyang anak na si Jaime.Nagmaneho si Jaime papuntang Aurous Hill galing ng Eastcliff buong gabi. Subalit, pagkarating niya ng Aurous Hill, hindi niya alam ang gagawin.Ang rason lang naman kung bakit siya pumunta ng Aurous Hill ay dahil gusto niyang malaman kung nasaan ang kanyang nanay at kapatid. Subalit, nagpadala na ng ilang libong tao ang Aurous Hill Police Department para mahanap ang dalawa. Sa kasamaang palad, wala pa ring resulta. Kaya, dahil mag-isa lang si jaime, hindi niya alam kung saan siya dapat magsisimula.Balak niya sanang pumunta sa lumang mansyon ng pamilya Dunn sa Aurous Hill para humingi ng tulong sa matandang butler ng pamilya Dunn. Sa ganitong kaso, magkakaroon sana siya ng pwedeng matuluyan.Subalit, nang maalala niyang ginalit niya si Cadfan at nagpadala ito ng mga tauhan para mahanap siya, nakaramdam ng kaunting pag-aalala si Jaime.Kaya, napagpasyahan niyang tawagan si Sheldon na kasalukuyang nasa

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 2516

    Ito rin ang mismong dahilan kung bakit hindi nangahas si Sheldon na humakbang paalis ng Australia hangga’t wala pang sinasabi ang kanyang ama kahit nag-aalala siya nang matindi sa kaligtasan ni Sophie.Wala rin siyang lakas ng loob na tawagan si Lord Schulz para kuwestiyunin ito sa nangyari. Dahil alam niyang magiging mas malala pa ang kanyang kahahantungan kapag ginalit niya ang matanda o maging dismayado ito sa kanya.Masyado pang bata si Jaime at kulang pa ang kanyang karanasan sa mundo. Ang pinakamalaki at pinakaseryosong nangyari sa buong buhay niya ay nang dukutin siya sa Japan.Sa totoo lang, matindi ang kabang naramdaman ni Jaime nang dukutin sila ng kapatid niya.Takot na takot siya sa puntong malalagutan siya ng hininga. Hindi niya magawang pakalma ang sarili niya. Hindi niya kayang maging kalmado gaya ng kanyang kapatid na si Sophie. Sa ngayon, matindi ang nararamdaman niyang tensyon at stress dahil hindi niya alam ang gagawin. Pakiramdam niya hindi niya talaga kayang hu

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 2517

    Pagkatapos matanggap ang tawag ni Lord Schulz, parehong alam at hindi alam ni Sheldon kung ano ang mangyayari.Ganoon din, agad niyang siniguro ang kanyang anak bago ibaba ang tawag. Sumunod, sinagot niya ang tawag ni Lord Schulz, hindi siya makapaghintay na malaman ang intensyon nito.Nang masagot ang tawag, tila ba kinakabahang nagsalita si Sheldon, “Papa… Kayo… Bakit niyo ako tinatawagan ng ganitong oras?”Bumuntong hininga si Lord Schulz sa kabilang linya saka siya nagsalita, “Sheldon. Tinatawagan ka ni Papa para humingi ng tawad sa’yo.”Sumunod, napatanong siya, “Ang video na nasa internet, nakita mo naman siguro iyon, hindi ba?”Matapat na sumagot si Sheldon, “Opo, Papa. Nakita ko.”Agad na dinagdag ni Sheldon, “Papa, alam kong malakas ang opinyon mo kay Helen, pero naniniwala akong wala kang masamang intensyon kay Sophie at Steven. May pumilit siguro kay Matteo kaya binitawan niya ang mga salitang iyon. Iyan ang dahilan kung bakit nagsasalita siya nang walang kabuluhan sa

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 2518

    Talagang magaling magsalita ang matandang ito…‘Malinaw namang ipinadala niya ako sa Australia para ikulong ako rito. Ngayon, gusto niyang bumalik ako para tulungan siya? Pero, ang lakas ng loob niyang sabihing nagpapakasaya ako rito?! Paano naman ako magiging masaya sa ganitong klase ng lugar?! T*ng i*a!’Kahit ito ang mga salitang nasa isip ni Sheldon, iba ang mga salitang lumabas sa bibig ni Sheldon, “Papa, pasensya na talaga. Talaga ngang nagsayang ako ng oras sa pagkakataong ito. Kung kailangan mo ang tulong ko, sabihan mo lang ako. Andito lang ako lagi.”Gustong bumalik ni Sheldon, pero hindi niya agad pwedeng sabihin ang kanyang mga opinyon para magawa ito.Kahit binitawan na ni Cadfan ang mga salitang kailangan niyang marinig, dapat niya ring ibalik ang pabor at magsabi ng iilang bagay na gustong marinig ng matanda kaya ng lagi lang siyang naririyan at handa siyang tumulong.Pinapakita niya sa mga salitang ito na ginagalang niya ang matanda. Sa kabilang banda, gusto niya r

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 2519

    Ang dahilan kung bakit mas nakahihigit si Lord Schulz kay Sheldon ay dahil lagi siyang may balangkas sa kanyang isip ng mga bagay na dapat niyang gawin. Sa parehong pagkakataon, isinaalang-alang niya rin ang presensya ni Charlie, ang misteryosong tao sa kanyang mga binabalak.Sa totoo lang, isa talagang tusong hayop si Lord Schulz, mahilig siyang magplano nang maraming bagay nang walang kamali-mali. May iilang beses lang na nagkaroon siya na maliliit na pagkakamali na siyang naging dahilan para magkaroon ng malaking gulo. Iyan ay dahil hindi niya isinaalang-alang ang presensya ni Charlie.Ngayon, kinalkula niyang hindi pa patay si Sophie at may nagligtas dito. Kaya, napagpasyahan niyang humingi muna ng tawad kay Sheldon at sa pamilya nito.Una sa lahat, si Sheldon ang haligi ng pamilya nila.Tinawagan niya si Sheldon kanina, hindi lamang para ipahayag ang kanyang paghingi ng tawad sa kanyang anak kundi para iparating rin na handa siyang humingi ng tawad kay Jaime.Kung papaniwalaa

Latest chapter

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5921

    Biglang namula si Jacob sa sinabi ni Elaine, at nahihirapan magsalita habanag sinusubukan niyang ipagtanggol ang sarili niya, “Sino ang nagsabing humihingi ako ng pera sa mahal kong manugang? Sinabi ko ba iyon?! May iba akong dahilan kung bakit kinausap ko siya. Huwag mo akong akusahan nang walang basehan!”Sa halip na makipagtalo kay Jacob, tumingin si Elaine kay Charlie at sinabi, “Mahal kong manugang, narinig mo ang sinabi niya. Kahit ano pa ang plano niya, huwag mo siyang bigyan ng kahit isang sentimo!”Agad nagalit si Jacob at sinabi nang galit, “Elaine, bakit ka ganyan? Bakit puro pera lang ang bukambibig mo?”Mapaglarong umiling si Elaine at ngumisi habang sinabi, “Anong problema? Hindi ka naman humihingi ng pera sa mahal kong manugang, bakit ka naabala kung sinabihan ko siyang huwag kang bigyan?”Napahinto sa pagsasalita si Jacob. Sa lakas ng depensa ni Elaine, napigilan ang plano niya. Dahil sa mga sinabi ni Elaine, hindi na siya makahingi ng pera kay Charlie. Paano siya h

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5920

    Nakaramdam si Jacob ng inggit at selos nang marinig niya na bibigyan ni Charlie si Elaine ng isang milyong dolyar. May kita siya sa Calligraphy and Painting Association, pero hindi iyon sapat para sa mga gastusin niya.Bilang Vice President ng association, madalas siyang mag-aliw ng mga bisita, at malaking gastos ang madalas niyang byahe gamit ang mamahaling kotse. Hindi siya kasing-walang hiya ni Elaine, at pakiramdam niya na may utang na loob siya kay Charlie dahil sa mga tagumpay at sa pagkakataon na magmaneho ng luxury car at manirahan sa Thompson First. Kaya hindi siya komportable na humingi ng pera kay Charlie.Pero nang makita niyang makakatanggap lang si Elaine ng isang milyong dolyar dahil lang sa paghingi, nainis siya. Naisip pa niyang humingi ng tulong kay Charlie, pero nang maalala niya kung paano niya ininsulto si Elaine kanina, nahiya siyang manghingi ng pera kay Charlie.Samantala, hindi nag-aksaya ng oras si Charlie at agad niyang ipinadala ang isang milyong dolyar s

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5919

    Pagkalabas niya sa Champs Elys hot spring villa, agad na nagmadali si Charlie pabalik sa Thompson First. Plano niyang madalian niyang ilagay sa maleta ang kanyang mga gamit at ipagbigay-alam kina Jacob, ang biyenang lalaki niya, at kay Elaine, ang biyenang babae niya, na aalis siya ngayong gabi papunta sa ibang lungsod para suriin ang Feng Shui ng isa pang kliyente.Sanay na ang mag-asawa sa palagiang paglalakbay ni Charlie, kaya hindi sila nagulat nang marinig ang balita.Ang talagang nagpaulat kay Charlie ay biglang nagpakita si Elaine ng pag-aalala sa kanya. Sinabi niya nang may nag-aalalang ekspresyon, “Mahal kong manugang, palagi kang nasa biyahe buong araw nang walang pahinga. Paano kung mapagod ka?”Nakaramdam si Charlie ng bihirang pakiramdam ng bait dahil sa hindi inaasahang pag-aalala ng kanyang biyenang babae. Ngumiti siya at sinabi, “Ma, hindi mo kailangang mag-alala. Kahit abala ako araw-araw sa labas, hindi naman talaga ako napapagod.”Tumayo sa gilid si Jacob at ngum

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5918

    Gumaan ang puso ni Charlie nang marinig ito. Sinabi niya kay Isaac, "Mr. Cameron, pansamantalang aalis si Mr. Thompson sa mga Wade. Sa panahong ito, mawawalan ng chief butler ang mga Wade. Gusto kong pansamantalang kunin mo ang posisyon ni Mr. Thompson. Umaasa akong babalik siya, at kung sakali, maibabalik mo sa kanya ang pwesto bilang kanyang deputy. Kung hindi siya babalik, ikaw na ang magpapatuloy sa posisyon."Nagulat si Isaac at agad na nagsabi, "Young Master, ang trabaho ko ay palaging limitado lang sa probinsyang ito, at kakasimula ko pa lang maintindihan ang mga gawain ko. Ngayon, pinapalit mo ako kay Mr. Thompson. Paano... Paano ako magiging karapat-dapat doon?!"Tinanong ni Charlie, "Hindi ba't unti-unting umangat si Mr. Thompson?"Hirap na sinabi ni Isaac, "Ah, inabot ng sampu hanggang dalawampung taon bago umabot sa posisyong iyon si Mr. Thompson. Mas mahina ang kakayahan ko kaysa sa kanya, at baka hindi ko makumbinsi ang iba sa aking mga kwalipikasyon."Iwinasiwas ni C

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5917

    Sa hapon, si Keith, kasama ang panganay niyang anak na si Christian, at pangalawang anak na si Kaeden, ay palihim na pumunta sa Eastcliff kasama si Emmett.Sa halip na agad na umuwi sa kanyang tahanan sa Thompson First, pumunta muna si Charlie sa katabing villa, tinawag si Caden na nagtuturo ng martial arts doon, at sinabihan siya na ipaalam kina Isaac at Albert na makipagkita sa kanya.Noong una, medyo nag-alala pa si Charlie na baka bigla na lang mawala si Isaac nang walang dahilan. Bilang tagapagsalita ng Wades sa Aurous Hill at direktang tauhan ni Stephen, posible na may naglagay talaga kay Isaac sa posisyong ito.Buti na lang nandoon pa rin si Isaac sa Champs Elys Resort.Nang makita ni Charlie si Isaac, medyo gumaan ang kanyang pakiramdam. Sa totoo lang, nakakalungkot para sa kanya na may iba palang pinaglilingkuran si Stephen. Sa isang banda, si Stephen ang pinakatapat na tauhan ng kanyang ama, at kahit hindi niya maasahan ang lubos na katapatan ni Stephen sa mga Wade, nakak

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5916

    Napabuntong-hininga si Charlie at sinabi, “Wala akong nakitang kongkretong bakas, at napilitan akong bumalik nang nasa kalahati na ako ng daan.”Nagulat na nagtanong si Keith, “Napilitan? Sino ang pumilit sayo na bumalik?”Sumagot si Charlie, “Lolo, mahaba ang kwento. Pumasok muna tayo at dahan-dahan natin itong pag-usapan.”Agad na pumayag si Keith. “Sige, pumasok na tayo at mag-usap.”Pumasok sina Charlie at ang mga miyembro ng pamilya Acker sa villa at nagkumpulan sa dining room. Dahil walang ibang tao, tapat na isinalaysay ni Charlie ang kanyang paglalakbay sa Mount Tason at ibinunyag ang kalagayan ni Stephen.Nang marinig na pinabalik si Charlie ng isang pekeng madre mula sa Quiant Monastery, lubos na nagulat ang lahat. Hindi sila makpaniwala na may taong may alam ng kanyang mga hakbang at naghintay sa kanya habang paakyat siya sa Mount Tason. Lalo silang nabigla nang malamang si Stephen, ang tahimik na nagbantay kay Charlie sa halos dalawampung taon, ay may iba palang pinagl

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5915

    Alam ni Charlie na may pambihirang impluwensya si Emmett sa Eastcliff. Kaya sa tulong niya, siguradong magiging matagumpay ang mungkahi ni Vera. Bukod pa roon, mataas din ang posibilidad na maisakatuparan ang plano ni Vera. Basta’t suportado ito ng mga nasa kapangyarihan at ipakita lang nila na seryoso sila sa mga Acker, magiging ligtas na ang mga Acker sa Oskia.Kahit gaano pa katapang at kapusok si Fleur, hindi niya kakayaning labanan nang lantaran ang isang bansa, maliban na lang kung sawa na talaga siyang mabuhay, dahil apat na raang taon na siyang nabubuhay.Ngunit ayon sa pagkakaintindi ni Charlie, habang tumatagal ang buhay ng isang tao, lalo niyang pinapahalagahan ang buhay niya at mas natatakot sa kamatayan. At si Fleur, na apat na raang taon nang nabubuhay, ay siguradong takot na takot mamatay. Kung hindi, hindi sana siya tumakas mula sa bundok sa ganoong kahabag-habag na kalagayan.Nang makita ni Vera na wala namang tutol si Charlie sa mungkahi niya, agad niyang tinawagan

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5914

    Inutusan ni Charlie si Shawn sa tawag na ayusin ang isang private plane para sunduin si Janus papuntang Aurous Hill ngayong alas-nuwebe ng gabi at humiling ng convoy mula sa bahay ni Janus papuntang airport. Kahit na hindi natuwa si Shawn dito, hindi siya naglakas-loob na kumontra at napilitan na lang siyang sumang-ayon habang pilit na nakangiti.Pagkatapos, nagpaalam sina Charlie at Vera sa lolo ni Charlie na si Jeremiah.Sa eroplano, tinanong ni Vera si Charlie, “Young Master, hindi ba masyadong minamadali kung pupunta ka ng New York ngayong gabi? Magkakaroon ka lang ng nasa mahigit sa sampung oras sa Aurous Hill.”Umiling si Charlie at sinabi, “Bukod sa pagpunta ko sa lolo at lola ko at pagbibigay ng balita sa mga nangyari kailan lang, gusto ko ring alamin kung may maiisip silang anumang mahalagang impormasyon. At saka gusto ko ring bumisita sa mga biyenan ko bago umalis.”Tumango si Vera at sinabi nang malambot, “Muntik ko nang makalimutan na nasa United States din ang asawa mo.

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5913

    Ipinadala ni Charlie ang litrato kay Janus sa WhatsApp at nagpadala ng isang voice message: ‘Uncle Janus, pwedeng mo ba akong tulungan at tingnan kung kilala mo ang taong ito sa tabi ng aking ama?’Mabilis na sumagot si Janus gamit ang voice message: ‘Young Master, nakita ko na ang taong ito sa litrato. Ang pangalan niya ay Biden Cole, pero hindi ako masyadong pamilyar sa kanya. Ang alam ko lang ay isa siyang Oskian na antique dealer na may malapit na ugnayan sa iyong tatay.’Nang marinig ni Charlie na kilala ni Janus ang taong ito, agad niyang tinawagan si Janus. Pagkakonekta ng tawag, sabik niyang tinanong, “Uncle Janus, pwedeng mo bang sabihin sa akin ang tungkol kay Biden Cole nang detalyado?”Sinabi ni Janus, “Ang pamilya ni Biden ay matagal nang nakikibahagi sa negosyo ng mga antiques sa ibang bansa, karamihan ay nakatutok sa Europe at America. Bukod sa United States, may negosyo rin sila sa England at France. May reputasyon ang pamilya niya sa industriya ng mga antique sa Euro

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status