Galit na sumagot si Jaime, “Papa! Hindi natin masiguro ang kalagayan ni mama at ni Sophie ngayon dahil sa kanya. Pero, sinasabihan mo akong huwag siyang tutulan? Hindi mo ba nakita ang video sa internet? Hindi mo ba nakita ang nangyari kay Mama at Sophie sa loob ng kotse?”“Hangal kang bata ka!” Galit na sigaw ni Sheldon, “Nangyari na ang aksidente, ano naman ang magagawa mo kung makikipaglaban ka sa lolo mo?”“Hindi lang sa wala kang mababago, pero magiging tiyak rin ang kapahamakan mo!”“Huwag mong kalimutan na ako ang pinakamatandang anak ng pamilya Schulz. Ikaw rin ang pinakamatandang apo ng pamilya natin. Sampung taon na lang siguro mabubuhay ang lolo, at kapag hindi pa rin ako ang head ng pamilya sa pagkakataong iyon, kailangan kong gawin ang lahat ng makakaya ko para lumayo sa mga Schulz!”“Kung ang second uncle, third uncle, o kaya fourth uncle mo ang uupo sa trono, hahayaan ba nilang maging maganda ang buhay natin?!”“Hayaan mo akong tanungin kita, alam mo ba ang nangyari
Nang buksan ni Sophie ang kanyang mga mata, natanaw niya ang isang luxury suite sa hotel. Nakahiga siya sa isang komportableng kama na higit sa dalawang metro ang laki.Sa loob ng ilang sandali, naisip niyang isang ligaw na kaluluwa na lamang siya.Ganoon din, agad niyang hinanap ang kanyang ina. Isang lingon lang ang kailangan at agad na nasilayan ni Sophie ang kanyang ina sa kanyang tabi!Wala na siyang paki kung panaginip ba o reyalidad ang nakikita niya sa puntong ito. Hindi siya makapaghintay na alugin ang katawan ng kanyang ina para sigawan ito. Sumunod, “Mama… Mama… gumising ka.”Habang mahimbing ang tulog, biglang napamulat ng mata si Helen. Nang makabalik siya sa kanyang huwisyo, napatitig siya kay Sophie at hindi niya mapigilang bumulalas, “Sophie… ayos ka lang ba?”Agad na sumagot si Sophie, “Mama, hindi… hindi ko alam kung ayos lang ba ako…”Napatitig si Helen sa kanyang palibot at hindi niya namalayang napatanong siya, “Wala… wala na ba tayo sa tunnel?! Paano tayo…”
Agad na pinigilan ni Helen ang kanyang anak. “Sophie! Huwag kang magsalita ng kalokohan! Paano mo naman nasabing hindi tama ang kalkulasyon ni Master Lennard?! Kung nakinig ka sa kanya at bumalik ka ng Eastcliff, hindi mo sana pagdadaanan ang aksidenteng ito.”Hindi kumbinsido si Sophie. Nagsalita siya nang walang paki, “Kung bumalik nga talaga ako ng Eastcliff, hindi ba ikaw naman ang malalagay sa peligro Mama? Kung wala ako rito, hindi magpapakita ang tagapagligtas ako, at talagang malalagay ka sa pahamak…”Bumuntong hininga si Helen, “Ito ang karma ng mundo. Bukod pa roon, ang koneksyon niyo lang ang tinatantsa ni Master Lennard noon. Hindi niya inalam ang magiging koneksyon ng tagapagligtas mo sa akin pati na rin ang katotohanang ililigtas ako ng sinasabi mong misteryosong lalaki…”Nang mabanggit ito, hindi mapigilang bitawan ni Helen ang ilang mga salita, “Masasabi kong malaki talaga ang naitulong ng taong ito sa pamilya natin… Napapaisip ako kung pwede ba natin siyang mahanap
Hindi inaakala ni Sophie na hindi lamang hindi magpapakita ang tagapagligtas niya sa kanya, kundi ayaw rin nitong magkaroon sila ng mama niya ng komunikasyon sa panlabas na mundo. Nakaramdam talaga siya ng matinding dismaya.Napatanong ulit si Sophie, “Ipapaalam niyo ba sa pamilya ko na ligtas kami? Sigurado akong nag-alala si Lord Dunn tungkol sa amin ni mama. Gusto sana naming ipaalam sa kanya na ayos lang kami.”Umiling ulit ang babae at naging seryoso ang kanyang boses, “Pasensya na Ms. Schulz, sabi ng young master hindi niyo pwedeng kontakin ang kahit sino sa labas.”Kahit hindi nauunawaan nang buo ni Sophie ang dahilan, tumango na lamang siya ng bahagya at napaisip siya sa kanyang sarili, ‘Kahit mukhang nasa ilalim kami ng house arrest, naniniwala akong may rason ang tagapagligtas ko. Sigurado akong maganda ang kanyang intensyon at motibo.’Kaya, ito na lamang ang naging sagot ni Sophie, “Nauunawaan ko, maraming salamat.”Agad na tumugon ang babae, “Walang anuman, Ms. Schulz
Hindi mapigilang bumuntong hininga ni Sophie.Pakiramdam niya tama ang sinasabi ng kanyang ina.Misteryoso man sa publiko ang pagkatao ng mga young masters ng top families, pero para sa mga miyembro ng top families, kilalang-kilala nila ang mga young masters na ito.Ang mga young masters na ito, kahit marami silang mga natamo sa buhay at kagagaling lamang nila sa ibang bansa para magtapos ng kanilang pag-aaral, alam ni Sophie na isang kasinungalinagan lang sila.Palabas lamang ito at hindi talaga sila kagaya ng mga medalya at mga achievements nila. Sa magandang salita, para silang mga sedang unan na dayami lang ang laman, panlabas lang ang maganda.Kung didiretsuhin, mga ginintuang basura lang sila.Kahit magaling magsalita ng Ingles ang mga young masters na ito at nauunawaan nila nang mabuti ang takbo ng global economy at development, kapag pinakiusapan silang magtrabaho, haharapin nila ang mga papeles sa mesa nang hindi handa.Dati, may isang sikat na young master na kinikilal
Biglang lumitaw ang hinuhang ito sa isip ni Sophie at agad na nagkaroon ng realisasyon si Helen.Tumango siya, “Dahil gustong masiguro ng misteryosong young master na ligtas tayo at itago ang katotohanang buhay tayo, imposible namang ilagay niya lang tayo sa kahit anong hotel…”“Bukod pa roon, naglagay siya ng maraming bodyguards sa labas ng pinto. Malaki ang tsansa na property niya ang hotel na ito, gaya ng sinabi mo.”“Kahit hindi siya ang may-ari, sigurado akong malalim ang koneksyon niya sa may-ari ng hotel.”Tumango si Sophie at agad siyang tumakbo papunta sa sala ng suite. Binuksan niya ang drawer.Madalas, naglalagay ang hotels ng mga papel sa loob ng mga kwarto para sulatan ng mga bisita nila. Naka-print din doon ang pangalan ng hotel.Nang makita niya ang mga salitang ‘Shangri-La Hotel’ sa heade ng letter-sized paper, hindi niya mapigilang mapabulalas, “Mama! Shangri-La Hotel ang pangalan ng tinutuluyan natin dito sa Aurous Hill! Kung tama ang tanda ko, property ito ng p
“Hindi.” Sinabi nang seryoso ni Helen, “Kung nagkataon nga talaga ang lahat, isang beses lang dapat ito mangyayari. Halimbawa, kung nagkataon na nakakita ka ng tao na kamukhang-kamukha ko, normal lang iyon. Dahil, marami na akong nakitang kamukha ni Curtis…”“Pero…”Habang nagpatuloy si Helen, sobrang seryoso ng kanyang tono at ekspresyon. “Pero, nakita ko ang binatang ito sa Aurous Hill. Namatay si Curtis sa Aurous Hill sa taong iyon, at naglaho rin ang anak na lalaki niya sa Aurous Hill. Kaya, ito ang pangalawang beses na nagkataon ang pangyayari.”“At saka! Hindi ko lang siya nakita sa Aurous Hill, nakita ko siya sa dating bahay ni Curtis! Kung wala siyang kinalaman kay Curtis, bakit siya lilitaw doon?!”Nanahimik nang ilang sandali si Sophie, tumango, at sumagot nang seryoso, “Ma, sa tingin ko ay makatwiran ang sinasabi mo. Malaki ang posibilidad na ang binatang nakita mo sa gate ng dating bahay ni Curtis Wade ay ang anak niya…”Pagkatapos itong sabihin, binaliktad ni Sophie a
Nang nilagay ni Charlie si Sophie at ang kanyang ina sa Aurous Shangri-La hotel, hindi niya inaasahan na malalantad niya nang kaunti ang pagkakakilanlan niya.Kagabi, pagkatapos niyang ipost ang video online, hindi na niya ito masyadong binigyan ng pansin.Sa huli, alam niya na siguradong kakaladkarin ng video na ito si Cadfan Schulz at ang buong pamilya niya sa kailaliman ng mundo.Inupload niya pa ang video sa platform na pagmamay-ari ng pamilya Wade, kaya hindi niya kailangang mag-alala na tatanggalin ng pamilya Schulz ang video.Dahil, para sa pamilya Wade, kahit gaano karaming pera pa ang ialok nila, hinding-hindi sila makikipag negosyo sa pamilya Schulz.Hinding-hindi palalampasin ni Jeremiah Wade ang magandang pagkakataon na ito para ipahiya at atakihin ang pamilya Schulz.Nang gumising siya sa umaga, natutulog pa rin nang mahimbing si Claire. Marahan na bumaba si Charlie sa kama at naligo bago siya bumaba sa unang palapag kung saan ang kanyang biyenan na babae, si Elaine,
Tinulungan ni Leni si Charllie na kunin ang latag sa sahig at ang sleeping bag, sinasabi, “Bubuhatin ko ito para sayo.”Hindi tinanggihan ni Charlie ang alok niya. Naglakad silang apat nang magkakasama papunta sa direksyon palabas sa mga bundok.Habang bumababa sila sa Mount Turtle Back, wala ng ibang tao sa maliit na lugar ng daan na ito ng bundok bukod sa kanilang apat.Pagkatapos ay nagsalita si Charlie at sinabi kina Leni at Shermaine, “Siya nga pala, Helron at Shermaine, binanggit niyo ang Apothecary Pharmaceutical kahapon. Medyo sensitibong bagay ito, kaya ayokong sabihin ito sa harap ng lahat.”Tinanong nang mausisa ni Leni, “Anong sensitibo tungkol dito?”Ipinaliwanag ni Charlie, “May ilang koneksyon ako sa Apothecary Pharmaceutical. Medyo pamilyar ako sa taong namamahala dito, kaya kung gusto niyong makakuha ng pagkakataon para makasali sa clinical trial ng Apothecary Restoration Pil, pwede ko kayong irekomenda.”Nasorpresa nang sobra sina Leni at Shermaine. Sinabi ni Le
Pagkatapos umalis ni Fleur nang walang napapansin na kakaiba, sa wakas ay huminga na nang maluwag sina Charlie at Vera.Napapagod na rin ang mga taong nagpuyat buong gabi, at ang ilan ay nahihirapan nang buksan pa ang mga mata nila.Isa-isang bumalik sa mga tolda ang ilang tao para magpahinga. Hindi na rin ito kinaya ni Leni at sinabi kina Charlie at Vera, “Medyo matagal na simula noong nagpuyat ako. Hindi na talaga ito kaya ng katawan ko. Siguradong pagod na rin kayong dalawa. Bakit hindi muna tayo bumalik sa tolda natin para magpahinga at maghabol ng tulog bago pumunta sa Wick Cliff, na halos labinlimang kilometro ang layo, ngayong hapon? Gusto niyo bang sumama sa amin?”Umiling si Charlie, “Hindi kami sasama. Balak pa naming magmaneho at maglibot.”Tinanong nang mausisa ni Shermaine, “Saan niyo balak pumunta?”Sumagot nang kaswal si Charlie, “Balak naming pumunta sa Londel ng ilang araw.”Sa totoo lang, ang sunod na destinasyon na balak puntahan nina Charlie at Vera ay ang tim
“Kaya, kahit na kailangan kong bunutin ang ispada ko at labanan ang Qing army nang harapan, gagawin ko ito nang walang pag-aatubili. Ito ang naisip ko, at ito ang ginawa ko hanggang sa huli.”“Ako ang naging pangatlong miyembro ng Qing Eliminating Society simula noong itinatag niyo ng kuya ko ang Qing Eliminating Society. Sa oras na iyon, tinutulan niyo nang sobra ng kuya ko ang pagsali ko, pero determinado ako at nagpumilit ako na lumaban sa tabi niyong dalawa kahit ano pa ito.”“Dati, sinabi ko na para ito sa hustisya sa bansa, pero sa totoo lang, isa lang akong ordinaryong babae na walang pakialam sa kapalaran ng bansa o sa mga namumuno dito. Gusto ko lang manatili sa tabi mo para makasama ko ang lalaking mahal ko.”“Kung sasabihin mo na ito ang bansa natin at dapat nating ipagtanggol ang bansa at hari natin, bubunutin ko ang ispada ko at mananatili ako sa tabi mo para labanan ang Qing army hanggang sa huli. Kung sasabihin mo na gusto mo lang mabuhay nang payapa kahit sino pa ang
Maraming taon nang hindi nabibisita ni Fleur ang libingan ni Elijah para magbigay galang. Kahit na ilang siglo na simula noong huli siyang pumunta dito, kaya niya pa ring tukuyin kung nasaan ang libingan ni Elijah.Sa kabila ng pagsira niya sa lapida at pagkawala ng mga puntod sa paglipas ng panahon, kaya niya pa ring hanapin ang libingan ni Elijah. Kahit na alam niya na hindi nakalibing dito ang katawan ni Elijah, itinuturing pa rin ni Fleur ang lugar na ito bilang pinakamalapit na lugar na kaugnay kay Elijah.Ang kasalukuyang pakiramdam niya magkakahalong lungkot, pagsisisi, at kaunting sama ng loob pa.Habang nilalamon siya ng mga emosyon, dumaloy sa isipan niya ang mga dating alaala niya na parang isang alon.Dati, inatake ni Fleur si Elijah nang hindi nag-iisip dahil sa pagmamahal at galit. Pagkatapos maglaho ni Elijah sa harap ng mga mata niya sa isang iglap, hula niya na dinala siguro siya kay Vera ng singsing na binigay ng master niya kay Elijah. Kaya, nagmamadali siyang um
Pagkatapos buksan ang camera, tumalikod nang hindi nag-iisip ang dalawa, nakatalikod sa papasikat na araw at nakatalikod kay Fleur bago sila kumuha ng picture.Pagkatapos kunin ang litrato, mabilis itong pinalaki ni Charlie. Dahil sa high-pixel na front camera, medyo malinaw ang mukha ni Fleur sa litrato.Pagkatapos ayusin ang posisyon nila, kumuha pa ng mas maraming litrato sina Charlie at Vera, patuloy na kumuha ng mga larawan kasama si Fleur sa likod gamit ang front camera.Sa kasamaang-palad, naglaho si Fleur sa gubat, at walang zoom function ang front camera. Malabo na kunan siya ng litrato sa sitwasyon na ito.Kaya, itinabi ni Charlie ang cellphone niya at patuloy na nagpanggap na hinahangaan nilla ang pagsikat ng araw kasama si Vera.Pero, maingat niya pa ring pinapanood si Fleur mula sa sulok ng paningin niya.Pagkatapos maghanap nang ilang sandali sa gubat, pinili ni Fleur ang medyo bukas na lugar, pagkatapos ay naglabas ng isang martilyo at isang silindrikong bagay na g
Nagulat talaga nang sobra si Fleur sa paglabas ni Charlie ng portrait ni Marcius sa Aurous Hill, sa punto na ang pinakamalaking inaalala niya sa pagpunta sa Oskia ngayon ay ang mabunyag ang pagkakakilanlan niya.Sa opinyon niya, ang mga batang camper siguro sa malapit ay mga estudyante na nasa eskwelahan pa. Hindi siya nag-aalala na may banta sa kaligtasan niya ang mga taong ito. Pero, narinig niya ang usapan nina Charlie at Vera at alam niya na marahil ay kaduda-duda ang kilos niya sa iba. Sa sitwasyon na ito, nag-atubili talaga siya nang kaunti.Napunta rin sa ibang direksyon ang atensyon niya dahil kay Charlie. Ngayon, nag-aalala na lang siya na paghihinalaan siya ng iba at hindi niya pinaghinalaan ang pagkakakilanlan ng mga kabataan na ito.Habang nag-aatubili si Fleur, isang ginintuang ilaw ang kumalat, at sumikat na ang araw mula sa silangan. Agad nanabik ang mga kabataan na nagpuyat buong gabi kasama si Charlie nang makita nila ang ilaw na ito. Nagsaya sila nagn malakas haban
Habang umaakyat siya sa Mount Turtle Back at nakita ang ilang tolda at isang dosenang kabataan sa malapit, kumunot nang kaunti ang mga kilay niya.Nakatingin ang mga taong ito sa direksyon kung saan sisikat ang araw, malinaw na gusto itong hangaan. Hindi nagduda si Fleur sa kanila, pero nainis at nadismaya siya nang kaunti dahil masyadong malapit ang mga taong ito sa libingan ng kanyang senior, si Elijah.Ang layunin ng pagbisita niya sa lugar na ito ay para alalahanin ang nakaraan sa libingan ni Elijah, at magsalita nang kaunti mula sa kailaliman ng puso niya sa kanyang senior.Pero, ang posisyon ng mga taong ito ay nasa dalawa o tatlong daang metro lang mula sa libingan ni Elijah, at siguradong makukuha niya ang atensyon nila kung didiretso siya doon. Mahihirapan siyang kausapin ang senior niya dahil dito.Sa sandaling ito, nasulyapan ni Charlie ang isang bata at mature na babae na kalilitaw lang sa malayo. Kayang makita ni Charlie ang hitsura niya gamit ang kanyang pambihirang p
Sa sandaling ito, nang sampung minuto na lang bago sumikat ang araw, nagdagdag ang lahat ng ilang sangay sa bonfire at nagsimulang hintayin ang sandali na sisikat ang araw mula sa likod ng bundok.Makalipas ang halos sampung minuto, ang dating maputlang langit ay nagsimulang lumiwanag ng ginintuang tingkad. Ito ang bakas na malapit nang sumikat ang araw sa abot-tanaw.Habang sabik ang lahat na makita ito, biglang naramdaman ni Charlie na may tao sa malayo na mabilis na papalapit sa lokasyon nila. Dahil nag-aalala siya na madidiskubre siya ni Fleur, sinanay ni Charlie ang mental cultivation method na tinuro sa kanya ni Ruby simula kagabi, mahigpit na kinulong ang sarili niyang Reiki sa loob ng katawan niya.Para sa mga cultivator, ang bawat tao ay parang isang submarine na naglalakbay sa malalim na karagatan, umaasa sa sonar detection para mahanap ang isa’t isa. Gamit ang analohiya na ito, ang isang tao na may mas mataas na cultivation ay parang isang mas advanced na submarine na may
Hindi katagalan, tuluyan nang lumubog ang araw, sinindihan na ng lahat ang bonfire at ang barbecue pit. Dahil naghanda ng sangkap ang lahat at nagdagdag pa si Charlie, medyo marami ang hapunan nila.Bukod dito, bumili rin si Charlie ng maraming wine, kaya mas sumigla ang paligid at atmospera. Sa madaling salita, nagpasya ang lahat na uminom at magsaya sa gabing iyon.Kaya, naglagay si Charlie ng ilang Reiki sa wine. Hindi kaya ng Reiki na palakasin ang katawan nila o gamutin ang mga sakit nila, pero sinisigurado nito na kahit gaano pa karami ang inumin nila sa gabing iyon, hindi man lang sila hihikab.Bukod dito, sa sandaling pumasok ang Reiki sa katawan nila, hindi ito mag-iiwan ng bakas. Kahit na pumunta si Fleur, wala siyang mapapansin.Ang Yorkshire Hill ay matatagpuan sa isang talampas, at medyo malaki ang pagkakaiba ng temperature sa umaga at gabi. Kasam na ang taas ng Mount Turtle Back, bumaba nang sobra ang temperature pagkatapos maggabi. Kaya, umupo ang lahat sa paligid ng