Hindi inaasahan ni Charlie na maiisip ni Elaine si Lady Wilson sa ginawa ni Lord Schulz, at wala siyang nasabi sa ilang sandali dahil dito.Sa sandaling ito, hindi maiwasang bumuntong hininga ni Elaine at sabihin, “Naaawa lang ako nang sobra sa babaeng tinatawag na Helen! Sa tingin ko ay siguradong mabait at matalinong babae siya tulad ko, pero sobrang bulag ng Diyos. Palaging may masamang biyenan na lalaki at biyenan na babae ang mga mabuting babae tulad namin.”Nahiya si Charlie sa narinig niya.Siguradong malaking artista si Helen sa sirkulo ng mga marangal na kababaihan. Kahit saang aspeto sa buhay niya, sampu-sampung libo na mas malakas at mas mataas siya kaysa si Elaine, pero hindi nahiya si Elaine na ikumpara ang sarili niya kay Helen, at ipinapakita nito kung gaano kakapal ang mukha niya.Gayunpaman, hindi na nag-abala si Charlie na kausapin siya, at ngumiti siya habang sinabi, “Ma, bakit hindi mo na ipagpatuloy ang ginagawa mo. Lalabas ako sa yard para magpahangin.”Kahit
Natutulog nang mahimbing si Donald nang magising siya sa tawag ni Isaac.Sa tawag, sinabi ni Isaac kay Donald na gusto ni Charlie na dalhin niya agad si Sean sa Aurous Hill gamit ang helicopter.Hindi nangahas si Donald na patagalin ito, kaya, mabilis siyang bumangon at dinala ang kanyang anak sa Aurous Hill.Sa alas diyes ng umaga, mabagal na lumapit ang helicopter ni Donald sa hotel ni Isaac.Sa pagbaba ng helicopter, hindi maiwasang isipin ni Donald ng eksena noong nabugbog siya at ang anak niya at pinaalis sa lugar na ito ng mga tauhan ni Isaac dati.Iyon ang pinaka nakakahiyang araw sa buong buhay ni Donald Webb.Hindi lang pinahiya si Johnny Castro at ang maraming master ng pamilya Webb at inukitan ng sobrang nakakahiyang bagay sa mga noo nila, ngunit binugbog din ni Isaac si Donald at ang anak niya.Noong naalala niya ito, kinuyom ni Donald ang kanyang kamao nang hindi sinasadya.Pero, bigla niyang naisip ang Big Eight na inilibing sa paanan ng Mount Golmin.Nang maisip
Nagpatuloy si Donald, “Kung gusto talagang labanan ng pamilya Schulz si Master Wade, marahil ay patayin niya pa si Cadfan Schulz nang mag-isa. Sa abilidad niya, kaya niyang patayin nang isa-isa ang lahat ng miyembro ng pamilya Schulz. Sa tingin ko, ang dahilan kung bakit hindi niya pa pinapatay ang matandang lalaki na ito ay katulad sa dahilan kung bakit hinuhuli ng pusa ang isang daga pero hindi ito kinakain. Hindi ito para kainin ang daga, ngunit para paglaruan at pahirapan siya.”Hindi maiwasan ni Sean na mataranta.Nang makita ni Donald na namutla siya, mahigpit niyang pinaalala, “Kapag nakipagkita tayo kay Master Wade mamaya, dapat kausapin mo siya nang sobrang galang. Ibaba mo ang mapagmataas na postura mo sa pinakamababang antas. Kung hindi kita pinagsalita, dapat kang manahimik, naiintindihan mo ba?!”Tumango agad si Sean. “Naiintindihan ko, Pa…”Nang bumaba ang helicopter sa bubong ng hotel, naghihintay na doon si Isaac.Dinala ni Donald si Sean habang bumaba sila sa heli
Sa opinyon ni Charlie, dahil kritikal na krisis ang kaharap ng pamilya Schulz, kasama na ang katotohanan na isinasantabi sila ng mga tao sa buong bansa, kailangan nilang humingi ng tulong sa panig nila.Bukod dito, nagkataon na pumunta si Cadfan sa Sudbury. Kaya, hula ni Charlie na malaki ang posibilidad na magkukusa si Cadfan na lapitan si Donald para gawin siyang utusan ng pamilya Schulz.Ang mga tao tulad ni DDonald ay walang halaga sa mga mata ng pamilya Schulz dati. Kahit na pumunta si Donald sa Eastcliff at hiniling na makipagkita sa pamilya Schulz, hinding-hindi siya hahayaan ni Cadfan na makipagkita sa kanya.Pero, iba na ang mga bagay-bagay ngayon.Nag-iisa at wala nang magawa ang pamilya Schulz. Kaya, kailangan nilang subukan na magkaroon ng maraming kakampi hangga’t maaari kahit na sa Eastcliff o Sudbury pa ito.Kaya, gusto ni Charlie na maging spy niya si Donald para malaman niya ang mga plano ni Cadfan.Nang marinig ito ni Donald, naintindihan niya agad ang ibig sabi
Sa sandaling ito, si Sean, na hindi nangahas magsalita habang nakatayo siya sa tabi ni Donald, ay hindi maiwasang masabik nang sobra.Ngumiti si Charlie habang sinabi, “Syempre, magagamot ko sila. Pero, sasabihin ko ngayon na kahit na tulungan mo ako nang mabuti ngayon, isa lang sa anak mo ang magagamot ko.”Sa sandaling sinabi ni Charlie ang mga ito, may medyo nadismayang ekspresyon si Donald sa kanyang mukha. Inisip niya agad, ‘Kaya niya lang gamutin ang isa sa mga naak ko?! Malinaw na gusto ni Charlie na gamitin ang mga anak ko bilang plano para siguraduhin na makontrol ako!’Pero, kahit ano pa, mas mabuti sa kanya na magamot ang isa sa mga anak niya kaysa sa wala.Naaawa talaga siya nang sobra sa bunsong anak na lalaki niya. Kaya, kung may pagkakataon na gamutin ang sakit ng bunsong anak niya, mapapawi niya ang isa sa pinakamalaking pagsisisi niya.Kaya, sumang-ayon agad si Donald sa hiling ni Charlie habang sinabi, “Master Wade, makasisiguro ka na gagawin ko ang lahat ng maka
Agad naantig si Donald sa mga sinabi ni Sean.Bilang isang ama, nararamdaman niya na ang kanyang bunso, si Kian, ay mas nakakaawa.Pero, bilang pinuno ng pamilya, napagtanto niya na kung may pagkakataon siyang gamutin ang isa sa kanila, mas mabuting desisyon na gamutin ang kanyang panganay, si Sean.‘Tulad ng sinabi ni Sean, may malalim na impresyon na ang nangyari kay Kian sa mga tao sa buong bansa. Masasabi na hindi ito malilimutan ng lahat.”‘Kaya, kahit na may pagkakataon akong gamutin si Kian at ibalik siya sa normal na kalagayan niya, basta’t lilitaw siya sa paningin ng publiko, siguradong maaalala nila ang nangyari sa kanya…’‘Dahil, kahit na nagamot na siya, hindi posible sa kanya na maglibot at ipaliwanag sa iba na hindi na niya kakainin ang ganitong bagay sa hinaharap…’Sa sandaling naintindihan niya ito, nagpasya si Donald na tanggapin ang alok ni Sean.Kaya, sinabi niya, “Sean, basta’t matatapos natin ito at masisiguro natin na kuntento si Charlie, ipapagamot muna na
Sumagot nang tapat ang butler, “Lord Schulz, lumalawak pa rin nang sobra ang impluwensya ng video. Unti-unti na itong kumakalat sa ibang bansa mula dito. Ang kabuuang opinyon ng publiko tungkol dito ay sobrang nakapipinsala sa pamilya Schulz.”“At saka, sinubukan ka nang tawagan nang sampung beses ni Jefferson mula sa pamilya Dunn. Hindi ako nangahas na sagutin ang tawag niya…”“Ilang pinuno na rin sa Eastcliff ang tumawag sa atin para tanungin tayo tungkol dito. Galit na galit silang lahat tungkol dito, at gusto nilang bigyan sila ng pamilya Schulz ng malinaw na paliwanag at solusyon para dito. Binigyan ko sila ng palusot na pansamantalang maaantala ito dahil may sakit ka ngayon. Pero, gusto nilang magbigay ka ng malinaw na pahayag tungkol dito sa loob ng dalawampu’t apat na oras…”Hindi maiwasang bumuntong hininga ni Cadfan habang nagngalit siya at sinabi, “Dahil pagmamay-ari ng pamilya Wade ang video platform, talagang imposible para sa atin na gamitin ang kahit anong public rela
Para makuha ang tiwala ni Donald, sinabihan ni Cadfan ang kanyang butler na magdala ng ilang regalo kapag binisita niya ang pamilya Webb.Ang chief butler ng pamilya Schulz ay may parehong kwalipikasyon at katayuan ni Stephen, at marahil ay mas makapangyarihan pa siya kung ikukumpara. Bukod dito, hindi lang nirerepresenta ng chief butler ang sarili niya, ngunit nirerepresenta niya ang pinuno ng pamilya Schulz, si Cadfan. Kaya, ang pag-utos ni Cadfan sa chief butler na bisitahin nang personal si Donald ay nagbibigay na ng malaking respeto sa pamilya Webb.Pinahahalagahan nang sobra ni Cadfan na makuha ang tiwala ng pamilya Webb. Iyon ang dahilan kung bakit niya mismo pinadala ang chief butler para bisitahin sila sa ngalan niya.Alam din ni Cadfan na kinamumuhian na siya ng lahat ng tao ngayon. Kaya, imposible para sa kanya na bumalik sa Eastcliff sa maikling panahon.Kaya, kailangang handa siya na manatili nang matagal sa Sudbury.Naramdaman niya na ang pangyayaring ito ay katulad
Sinabi ni Janus, "Hindi pa. Nagmamadali kasi ako ngayon kaya hindi ko siya nasabihan. Baka kasi hindi rin ako makahanap ng oras para makadalaw sa kanya, kaya hindi ko na sinabi."Ngumiti si Charlie at sinabi, "Kung ganoon, huwag mo na siyang tawagan. Puntahan na lang natin siya para sorpresahin.""Okay!" Agad pumayag si Janus, kitang-kita ang pananabik sa mukha niya. Hindi niya napigilang sabihin kay Charlie, "Young Master, sa totoo lang, itinuring ko nang parang tunay na anak si Angus. Matagal na rin mula nang huli ko siyang makita, kaya miss na miss ko na talaga siya."Lubos na naunawaan iyon ni Charlie.Mahirap ang naging buhay ni Janus sa United States noon. Sa mga unang taon, kahit papaano ay medyo magaan ito dahil sa pag-alalay ni Jenna na naging kaagapay niya sa mga pagsubok. Pero matapos umalis si Jenna, naiwan siyang mag-isa, pinatatakbo ang roasted goose stall habang illegal immigrant pa ang katayuan niya. Talagang naging mabigat at walang pag-asa ang buhay na iyon para s
Gabi na sa Qi Temple.Sa isang liblib na meditation room na sarado para sa publiko, nakaupo ang isang magandang babae sa isang upuang gawa sa rattan habang nakatingala sa mabituing kalangitan ng taglagas. Lumapit ang isang matandang kalbong babae at inilagay ang kumot sa mga binti ng babae, sabay sinabi nang may paggalang, “Madam, nakalipad na po ang eroplano ni Young Master.”“Umalis na siya?” tanong ng magandang babae habang lumilingon sa direksyon ng airport nang marinig iyon.Nang makita niya ang ilang kumikislap na ilaw sa malayo sa kalangitan, napabuntong-hininga siya at sinabi, “Alin kaya sa mga kumikislap na ilaw na iyon ang eroplano na sinasakyan ng anak ko?”Tinanong niya ang matandang babae, “Kasama ba ni Charlie si Janus?”Ang magandang babaeng ito ay si Ashley, ang ina ni Charlie. Ang matandang babae sa tabi niya ay si Jade Sun, ang nagkunwaring madre. Matagal nang nagsisilbi si Jade kay Ashley bilang isang tagapamahala ng bahay.Sinabi ni Jade kay Ashley, “Madam, ma
Hindi naging komportable si Jacob nang makita niyang umakyat si Charlie, at mas lalo siyang nawalan ng gana mabuhay nang makita ang ngiting panalo ni Elaine.Habang umaakyat si Charlie, hindi niya maiwasan na bumuntong hininga at isipin kung kailan matatalo ng biyenan niyang lalaki ang pag-aalinlangan at kahinaan at mabuhay talaga sa gusto niyang buhay.-Pagkatapos iimpake ang lahat, umalis si Charlie nang mag-isa sa gabi balak magmaneho papunta sa airport. Nang makababa siya sa elevator sa unang palapag, nakita niya si Jacob na may hawak na sigarilyo na tumayo sa sofa at ngumiti, sinasabi, “Mahal kong manugang, aalis ka na ba ngayon?”Tumango nang bahagya si Charlie at sinabi, “Oo, Pa. Pupunta na ako sa airport ngayon.”Pinagkuskos ni Jacob ang kanyang mga kamay at magsasalita na sana nang biglang bumaba si Elaine na pilay ang lakad at malakas na sinabi, “Oh, mahal kong manugang, hayaan mong ihatid kita!”Pareho sina Elaine, na nakatanggap ng isang milyong dolyar, at si Jacob,
Biglang namula si Jacob sa sinabi ni Elaine, at nahihirapan magsalita habanag sinusubukan niyang ipagtanggol ang sarili niya, “Sino ang nagsabing humihingi ako ng pera sa mahal kong manugang? Sinabi ko ba iyon?! May iba akong dahilan kung bakit kinausap ko siya. Huwag mo akong akusahan nang walang basehan!”Sa halip na makipagtalo kay Jacob, tumingin si Elaine kay Charlie at sinabi, “Mahal kong manugang, narinig mo ang sinabi niya. Kahit ano pa ang plano niya, huwag mo siyang bigyan ng kahit isang sentimo!”Agad nagalit si Jacob at sinabi nang galit, “Elaine, bakit ka ganyan? Bakit puro pera lang ang bukambibig mo?”Mapaglarong umiling si Elaine at ngumisi habang sinabi, “Anong problema? Hindi ka naman humihingi ng pera sa mahal kong manugang, bakit ka naabala kung sinabihan ko siyang huwag kang bigyan?”Napahinto sa pagsasalita si Jacob. Sa lakas ng depensa ni Elaine, napigilan ang plano niya. Dahil sa mga sinabi ni Elaine, hindi na siya makahingi ng pera kay Charlie. Paano siya h
Nakaramdam si Jacob ng inggit at selos nang marinig niya na bibigyan ni Charlie si Elaine ng isang milyong dolyar. May kita siya sa Calligraphy and Painting Association, pero hindi iyon sapat para sa mga gastusin niya.Bilang Vice President ng association, madalas siyang mag-aliw ng mga bisita, at malaking gastos ang madalas niyang byahe gamit ang mamahaling kotse. Hindi siya kasing-walang hiya ni Elaine, at pakiramdam niya na may utang na loob siya kay Charlie dahil sa mga tagumpay at sa pagkakataon na magmaneho ng luxury car at manirahan sa Thompson First. Kaya hindi siya komportable na humingi ng pera kay Charlie.Pero nang makita niyang makakatanggap lang si Elaine ng isang milyong dolyar dahil lang sa paghingi, nainis siya. Naisip pa niyang humingi ng tulong kay Charlie, pero nang maalala niya kung paano niya ininsulto si Elaine kanina, nahiya siyang manghingi ng pera kay Charlie.Samantala, hindi nag-aksaya ng oras si Charlie at agad niyang ipinadala ang isang milyong dolyar s
Pagkalabas niya sa Champs Elys hot spring villa, agad na nagmadali si Charlie pabalik sa Thompson First. Plano niyang madalian niyang ilagay sa maleta ang kanyang mga gamit at ipagbigay-alam kina Jacob, ang biyenang lalaki niya, at kay Elaine, ang biyenang babae niya, na aalis siya ngayong gabi papunta sa ibang lungsod para suriin ang Feng Shui ng isa pang kliyente.Sanay na ang mag-asawa sa palagiang paglalakbay ni Charlie, kaya hindi sila nagulat nang marinig ang balita.Ang talagang nagpaulat kay Charlie ay biglang nagpakita si Elaine ng pag-aalala sa kanya. Sinabi niya nang may nag-aalalang ekspresyon, “Mahal kong manugang, palagi kang nasa biyahe buong araw nang walang pahinga. Paano kung mapagod ka?”Nakaramdam si Charlie ng bihirang pakiramdam ng bait dahil sa hindi inaasahang pag-aalala ng kanyang biyenang babae. Ngumiti siya at sinabi, “Ma, hindi mo kailangang mag-alala. Kahit abala ako araw-araw sa labas, hindi naman talaga ako napapagod.”Tumayo sa gilid si Jacob at ngum
Gumaan ang puso ni Charlie nang marinig ito. Sinabi niya kay Isaac, "Mr. Cameron, pansamantalang aalis si Mr. Thompson sa mga Wade. Sa panahong ito, mawawalan ng chief butler ang mga Wade. Gusto kong pansamantalang kunin mo ang posisyon ni Mr. Thompson. Umaasa akong babalik siya, at kung sakali, maibabalik mo sa kanya ang pwesto bilang kanyang deputy. Kung hindi siya babalik, ikaw na ang magpapatuloy sa posisyon."Nagulat si Isaac at agad na nagsabi, "Young Master, ang trabaho ko ay palaging limitado lang sa probinsyang ito, at kakasimula ko pa lang maintindihan ang mga gawain ko. Ngayon, pinapalit mo ako kay Mr. Thompson. Paano... Paano ako magiging karapat-dapat doon?!"Tinanong ni Charlie, "Hindi ba't unti-unting umangat si Mr. Thompson?"Hirap na sinabi ni Isaac, "Ah, inabot ng sampu hanggang dalawampung taon bago umabot sa posisyong iyon si Mr. Thompson. Mas mahina ang kakayahan ko kaysa sa kanya, at baka hindi ko makumbinsi ang iba sa aking mga kwalipikasyon."Iwinasiwas ni C
Sa hapon, si Keith, kasama ang panganay niyang anak na si Christian, at pangalawang anak na si Kaeden, ay palihim na pumunta sa Eastcliff kasama si Emmett.Sa halip na agad na umuwi sa kanyang tahanan sa Thompson First, pumunta muna si Charlie sa katabing villa, tinawag si Caden na nagtuturo ng martial arts doon, at sinabihan siya na ipaalam kina Isaac at Albert na makipagkita sa kanya.Noong una, medyo nag-alala pa si Charlie na baka bigla na lang mawala si Isaac nang walang dahilan. Bilang tagapagsalita ng Wades sa Aurous Hill at direktang tauhan ni Stephen, posible na may naglagay talaga kay Isaac sa posisyong ito.Buti na lang nandoon pa rin si Isaac sa Champs Elys Resort.Nang makita ni Charlie si Isaac, medyo gumaan ang kanyang pakiramdam. Sa totoo lang, nakakalungkot para sa kanya na may iba palang pinaglilingkuran si Stephen. Sa isang banda, si Stephen ang pinakatapat na tauhan ng kanyang ama, at kahit hindi niya maasahan ang lubos na katapatan ni Stephen sa mga Wade, nakak
Napabuntong-hininga si Charlie at sinabi, “Wala akong nakitang kongkretong bakas, at napilitan akong bumalik nang nasa kalahati na ako ng daan.”Nagulat na nagtanong si Keith, “Napilitan? Sino ang pumilit sayo na bumalik?”Sumagot si Charlie, “Lolo, mahaba ang kwento. Pumasok muna tayo at dahan-dahan natin itong pag-usapan.”Agad na pumayag si Keith. “Sige, pumasok na tayo at mag-usap.”Pumasok sina Charlie at ang mga miyembro ng pamilya Acker sa villa at nagkumpulan sa dining room. Dahil walang ibang tao, tapat na isinalaysay ni Charlie ang kanyang paglalakbay sa Mount Tason at ibinunyag ang kalagayan ni Stephen.Nang marinig na pinabalik si Charlie ng isang pekeng madre mula sa Quiant Monastery, lubos na nagulat ang lahat. Hindi sila makpaniwala na may taong may alam ng kanyang mga hakbang at naghintay sa kanya habang paakyat siya sa Mount Tason. Lalo silang nabigla nang malamang si Stephen, ang tahimik na nagbantay kay Charlie sa halos dalawampung taon, ay may iba palang pinagl