Share

Kabanata 2510

Auteur: Lord Leaf
“Paano gugustuhin ng isang tao na tulad niya na manatili sa bansa para lang maging isang bilanggo na nakakulong sa likod ng rehas?”

“Dapat alam mo rin may sampung taon na lang siya para mabuhay mo mas mababa pa. Paano kung makukulong siya ng mahigit sampung taon? Kung gano’n, hindi ba’t kailangan niyang manatili sa kulungan sa natitirang buhay niya?”

“Kung gano’n, hindi ba’t mas maganda kung tatakas na lang siya?”

“Basta;t makakatakas siya nang matagumpay, sa laki ng kayamanan at mga asset niya, kaya niyang mabuhay nang mayaman at payapang buhay sa kahit saan sa mundo!”

“Ang kailangan niya lang isuko ay ang posisyon niya bilang pinuno ng pamilya Schulz. Pwede siyang magretiro nang maaga at mag-enjoy sa mga natitirang taon ng buhay niya!”

“Pagkatapos niyang mamatay, pwede niyang hilingin sa pamilya niya na ipadala ang katawan niya sa bansa para doon siya ilibing sa ancestral grace ng pamilya Schulz. Sa ganitong paraan, makakabalik pa rin siya sa pinagmula niya. Kung gano’n, hindi s
Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application
Chapitre verrouillé

Related chapter

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 2511

    Galit na galit si Cadfan nang marinig ang panlalait ni Jeremiah.Sa totoo lang, inaasahan niyang magiging mas mabuti ang pakikitungo ni Jeremiah pagkatapos niyang magpakumbaba para pumunta rito at humingi ng tulong. Ganito dapat, hindi ba?Sa kasamaang palad, sinabihan pa siya ng tarantadong matandang ito na managinip na lang siya!Napakarahas naman yata ng bagay na ito!Subalit, nagngitngit na lamang ang kanyang ngipin, “Jeremiah, dahil matagal nang magkatunggali ang mga pamilya natin sa loob ng ilang taon, dapat alam mo ring napakaliit ng mundong ito. Kung magiging ganyan ang pakikitungo moa sa akin ngayong araw, huwag mo akong sisihin kapag naging walang awa at walang puso rin ako sa’yo balang araw kapag kailangan mo ang tulong ko.”Ngumisi si Jeremiah, “Cadfan, ako na ang magsasabi, masyado kang nakakabagot. Kung talagang may kakayahan ka, matagal mo na sanang naresolbahan ang problemang ito nang hindi humihingi ng tulong sa iba! Bakit mo pa ako hinahanap para lang magpanggap

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 2512

    “Sa madaling salita, kung may ganitong klase ng lakas at kapangyarihan ang pamilya Wade, madali nila akong madudukot o kaya mapapatay sa sarili kong bahay. Bakit mas mababa pa rin ang posisyon nila kumpara sa pamilya Schulz kung ganoon?““Totoo ang sinasabi niyo…” nag-alangan ang butler sa loob ng ilang sandali saka siya muling nagtanong, “Lord Schulz, hindi kaya sa tingin niyo may tinatagong master ang pamilya Wade? Baka may nakilala silang isang makapangyarihang tao?”“Imposibleng mangyari iyan…” umiling si Cadfan, “Hindi binibigyang pansin ng pamilya Wade ang paggawa ng mga martial arts masters gaya ng pamilya natin. Ang matandang iyon, walang alam si Jeremiah kundi maghabol ng pera buong buhay niya. Kaya, kung sasabihan mo siyang maglabas ng malaking pera para tustusan ang pangangailangan ng ilang martial arts masters, siguradong hindi siya magiging interesado. Kaya, paano naman siya makakahanap ng isang tunay na top master?” Ganoon din, naging madilim ang ekspresyon ni Cadfan

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 2513

    Sa pagkakataong ito, matindi ang pagkalitong nararamdaman ni Cadfan.Simula nang lumihis sa lohika ang kanyang mga iniisip, hindi niya masundan ang buong ideya.Hindi niya mapigilang magkaroon ng malakas na pakiramdam na ang salering nasa likod ng insidente ay wala ng iba kundi ang top master na nagligtas kay Jaime at Sophie dati sa Japan.Subalit, hindi mapigilan ng butler na isiping pantasya lamang ito.Ipinahayag niya ang kanyang hindi pagsang-ayon nang hindi direkta, “Lord Schulz, hindi pa natin nasisiguro ang pagkatao ng master na nakilala ng eldest young lady sa Japan. Hindi rin natin alam kung isa ba siyang Oskian na nakatira sa Oskia o isa ba siyang Oskian nakatira sa Japan.”“Bukod pa roon, ilang libong kilometro ang layo ng Kyoto at Aurous Hill. Paano namang magiging ganito kadali na magtagpo ang landas ng dalawang tao? Talaga bang magkikita sila sa dami ng mga nakapalibot sa kanila? Kahit posibleng mangyari ang ganitong bagay, masyadong mababa ang tsansa…”Umiling si C

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 2514

    Nasindak ang butler at hindi niya mapigilang mapabulalas, “Ang ibig niyo bang sabihin ang misteryosong lalaking nagligtas sa eldest young lady sa Japan ang parehong lalaking nagligtas sa eldest young lady sa Aurous Hill ngayon?”“Tama ang sinabi mo!” tumango si Cadfan at nagpatuloy siya sa kanyang sinasabi, “Iyan ang nararamdaman ko ngayon! May hinuha ako na hindi pa patay si Sophie! Kung buhay pa siya, ang taong nagligtas sa kanya ay mukhang ang misteryosong lalaki na nagligtas sa kanya sa Japan!”Hindi mapigilang magtaka ng butler, “Lord Schulz, nauunawaan ko kung ang parehong misteryosong lalaki ang nagligtas ulit sa buhay ng eldest young lady sa Aurous Hill ngayon. Pero, ano naman ang intensyon niya sa pandurukot niya sa second master?”Tumugon si Cadfan, “Mataas ang tsansang dinukot niya si Steven dahil gusto niyang ipaghiganti si Sophie at si Helen. Matapos ang lahat, pumunta lang naman si Steven sa Aurous Hill para asikasuhin ang bagay na ito sa ngalan ng pamilya Schulz. Kaya

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 2515

    Sa pagkakataong ito, kausap ni Sheldon sa cellphone ang kanyang anak na si Jaime.Nagmaneho si Jaime papuntang Aurous Hill galing ng Eastcliff buong gabi. Subalit, pagkarating niya ng Aurous Hill, hindi niya alam ang gagawin.Ang rason lang naman kung bakit siya pumunta ng Aurous Hill ay dahil gusto niyang malaman kung nasaan ang kanyang nanay at kapatid. Subalit, nagpadala na ng ilang libong tao ang Aurous Hill Police Department para mahanap ang dalawa. Sa kasamaang palad, wala pa ring resulta. Kaya, dahil mag-isa lang si jaime, hindi niya alam kung saan siya dapat magsisimula.Balak niya sanang pumunta sa lumang mansyon ng pamilya Dunn sa Aurous Hill para humingi ng tulong sa matandang butler ng pamilya Dunn. Sa ganitong kaso, magkakaroon sana siya ng pwedeng matuluyan.Subalit, nang maalala niyang ginalit niya si Cadfan at nagpadala ito ng mga tauhan para mahanap siya, nakaramdam ng kaunting pag-aalala si Jaime.Kaya, napagpasyahan niyang tawagan si Sheldon na kasalukuyang nasa

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 2516

    Ito rin ang mismong dahilan kung bakit hindi nangahas si Sheldon na humakbang paalis ng Australia hangga’t wala pang sinasabi ang kanyang ama kahit nag-aalala siya nang matindi sa kaligtasan ni Sophie.Wala rin siyang lakas ng loob na tawagan si Lord Schulz para kuwestiyunin ito sa nangyari. Dahil alam niyang magiging mas malala pa ang kanyang kahahantungan kapag ginalit niya ang matanda o maging dismayado ito sa kanya.Masyado pang bata si Jaime at kulang pa ang kanyang karanasan sa mundo. Ang pinakamalaki at pinakaseryosong nangyari sa buong buhay niya ay nang dukutin siya sa Japan.Sa totoo lang, matindi ang kabang naramdaman ni Jaime nang dukutin sila ng kapatid niya.Takot na takot siya sa puntong malalagutan siya ng hininga. Hindi niya magawang pakalma ang sarili niya. Hindi niya kayang maging kalmado gaya ng kanyang kapatid na si Sophie. Sa ngayon, matindi ang nararamdaman niyang tensyon at stress dahil hindi niya alam ang gagawin. Pakiramdam niya hindi niya talaga kayang hu

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 2517

    Pagkatapos matanggap ang tawag ni Lord Schulz, parehong alam at hindi alam ni Sheldon kung ano ang mangyayari.Ganoon din, agad niyang siniguro ang kanyang anak bago ibaba ang tawag. Sumunod, sinagot niya ang tawag ni Lord Schulz, hindi siya makapaghintay na malaman ang intensyon nito.Nang masagot ang tawag, tila ba kinakabahang nagsalita si Sheldon, “Papa… Kayo… Bakit niyo ako tinatawagan ng ganitong oras?”Bumuntong hininga si Lord Schulz sa kabilang linya saka siya nagsalita, “Sheldon. Tinatawagan ka ni Papa para humingi ng tawad sa’yo.”Sumunod, napatanong siya, “Ang video na nasa internet, nakita mo naman siguro iyon, hindi ba?”Matapat na sumagot si Sheldon, “Opo, Papa. Nakita ko.”Agad na dinagdag ni Sheldon, “Papa, alam kong malakas ang opinyon mo kay Helen, pero naniniwala akong wala kang masamang intensyon kay Sophie at Steven. May pumilit siguro kay Matteo kaya binitawan niya ang mga salitang iyon. Iyan ang dahilan kung bakit nagsasalita siya nang walang kabuluhan sa

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 2518

    Talagang magaling magsalita ang matandang ito…‘Malinaw namang ipinadala niya ako sa Australia para ikulong ako rito. Ngayon, gusto niyang bumalik ako para tulungan siya? Pero, ang lakas ng loob niyang sabihing nagpapakasaya ako rito?! Paano naman ako magiging masaya sa ganitong klase ng lugar?! T*ng i*a!’Kahit ito ang mga salitang nasa isip ni Sheldon, iba ang mga salitang lumabas sa bibig ni Sheldon, “Papa, pasensya na talaga. Talaga ngang nagsayang ako ng oras sa pagkakataong ito. Kung kailangan mo ang tulong ko, sabihan mo lang ako. Andito lang ako lagi.”Gustong bumalik ni Sheldon, pero hindi niya agad pwedeng sabihin ang kanyang mga opinyon para magawa ito.Kahit binitawan na ni Cadfan ang mga salitang kailangan niyang marinig, dapat niya ring ibalik ang pabor at magsabi ng iilang bagay na gustong marinig ng matanda kaya ng lagi lang siyang naririyan at handa siyang tumulong.Pinapakita niya sa mga salitang ito na ginagalang niya ang matanda. Sa kabilang banda, gusto niya r

Latest chapter

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5801

    Maraming taon nang hindi nabibisita ni Fleur ang libingan ni Elijah para magbigay galang. Kahit na ilang siglo na simula noong huli siyang pumunta dito, kaya niya pa ring tukuyin kung nasaan ang libingan ni Elijah.Sa kabila ng pagsira niya sa lapida at pagkawala ng mga puntod sa paglipas ng panahon, kaya niya pa ring hanapin ang libingan ni Elijah. Kahit na alam niya na hindi nakalibing dito ang katawan ni Elijah, itinuturing pa rin ni Fleur ang lugar na ito bilang pinakamalapit na lugar na kaugnay kay Elijah.Ang kasalukuyang pakiramdam niya magkakahalong lungkot, pagsisisi, at kaunting sama ng loob pa.Habang nilalamon siya ng mga emosyon, dumaloy sa isipan niya ang mga dating alaala niya na parang isang alon.Dati, inatake ni Fleur si Elijah nang hindi nag-iisip dahil sa pagmamahal at galit. Pagkatapos maglaho ni Elijah sa harap ng mga mata niya sa isang iglap, hula niya na dinala siguro siya kay Vera ng singsing na binigay ng master niya kay Elijah. Kaya, nagmamadali siyang um

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5800

    Pagkatapos buksan ang camera, tumalikod nang hindi nag-iisip ang dalawa, nakatalikod sa papasikat na araw at nakatalikod kay Fleur bago sila kumuha ng picture.Pagkatapos kunin ang litrato, mabilis itong pinalaki ni Charlie. Dahil sa high-pixel na front camera, medyo malinaw ang mukha ni Fleur sa litrato.Pagkatapos ayusin ang posisyon nila, kumuha pa ng mas maraming litrato sina Charlie at Vera, patuloy na kumuha ng mga larawan kasama si Fleur sa likod gamit ang front camera.Sa kasamaang-palad, naglaho si Fleur sa gubat, at walang zoom function ang front camera. Malabo na kunan siya ng litrato sa sitwasyon na ito.Kaya, itinabi ni Charlie ang cellphone niya at patuloy na nagpanggap na hinahangaan nilla ang pagsikat ng araw kasama si Vera.Pero, maingat niya pa ring pinapanood si Fleur mula sa sulok ng paningin niya.Pagkatapos maghanap nang ilang sandali sa gubat, pinili ni Fleur ang medyo bukas na lugar, pagkatapos ay naglabas ng isang martilyo at isang silindrikong bagay na g

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5799

    Nagulat talaga nang sobra si Fleur sa paglabas ni Charlie ng portrait ni Marcius sa Aurous Hill, sa punto na ang pinakamalaking inaalala niya sa pagpunta sa Oskia ngayon ay ang mabunyag ang pagkakakilanlan niya.Sa opinyon niya, ang mga batang camper siguro sa malapit ay mga estudyante na nasa eskwelahan pa. Hindi siya nag-aalala na may banta sa kaligtasan niya ang mga taong ito. Pero, narinig niya ang usapan nina Charlie at Vera at alam niya na marahil ay kaduda-duda ang kilos niya sa iba. Sa sitwasyon na ito, nag-atubili talaga siya nang kaunti.Napunta rin sa ibang direksyon ang atensyon niya dahil kay Charlie. Ngayon, nag-aalala na lang siya na paghihinalaan siya ng iba at hindi niya pinaghinalaan ang pagkakakilanlan ng mga kabataan na ito.Habang nag-aatubili si Fleur, isang ginintuang ilaw ang kumalat, at sumikat na ang araw mula sa silangan. Agad nanabik ang mga kabataan na nagpuyat buong gabi kasama si Charlie nang makita nila ang ilaw na ito. Nagsaya sila nagn malakas haban

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5798

    Habang umaakyat siya sa Mount Turtle Back at nakita ang ilang tolda at isang dosenang kabataan sa malapit, kumunot nang kaunti ang mga kilay niya.Nakatingin ang mga taong ito sa direksyon kung saan sisikat ang araw, malinaw na gusto itong hangaan. Hindi nagduda si Fleur sa kanila, pero nainis at nadismaya siya nang kaunti dahil masyadong malapit ang mga taong ito sa libingan ng kanyang senior, si Elijah.Ang layunin ng pagbisita niya sa lugar na ito ay para alalahanin ang nakaraan sa libingan ni Elijah, at magsalita nang kaunti mula sa kailaliman ng puso niya sa kanyang senior.Pero, ang posisyon ng mga taong ito ay nasa dalawa o tatlong daang metro lang mula sa libingan ni Elijah, at siguradong makukuha niya ang atensyon nila kung didiretso siya doon. Mahihirapan siyang kausapin ang senior niya dahil dito.Sa sandaling ito, nasulyapan ni Charlie ang isang bata at mature na babae na kalilitaw lang sa malayo. Kayang makita ni Charlie ang hitsura niya gamit ang kanyang pambihirang p

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5797

    Sa sandaling ito, nang sampung minuto na lang bago sumikat ang araw, nagdagdag ang lahat ng ilang sangay sa bonfire at nagsimulang hintayin ang sandali na sisikat ang araw mula sa likod ng bundok.Makalipas ang halos sampung minuto, ang dating maputlang langit ay nagsimulang lumiwanag ng ginintuang tingkad. Ito ang bakas na malapit nang sumikat ang araw sa abot-tanaw.Habang sabik ang lahat na makita ito, biglang naramdaman ni Charlie na may tao sa malayo na mabilis na papalapit sa lokasyon nila. Dahil nag-aalala siya na madidiskubre siya ni Fleur, sinanay ni Charlie ang mental cultivation method na tinuro sa kanya ni Ruby simula kagabi, mahigpit na kinulong ang sarili niyang Reiki sa loob ng katawan niya.Para sa mga cultivator, ang bawat tao ay parang isang submarine na naglalakbay sa malalim na karagatan, umaasa sa sonar detection para mahanap ang isa’t isa. Gamit ang analohiya na ito, ang isang tao na may mas mataas na cultivation ay parang isang mas advanced na submarine na may

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5796

    Hindi katagalan, tuluyan nang lumubog ang araw, sinindihan na ng lahat ang bonfire at ang barbecue pit. Dahil naghanda ng sangkap ang lahat at nagdagdag pa si Charlie, medyo marami ang hapunan nila.Bukod dito, bumili rin si Charlie ng maraming wine, kaya mas sumigla ang paligid at atmospera. Sa madaling salita, nagpasya ang lahat na uminom at magsaya sa gabing iyon.Kaya, naglagay si Charlie ng ilang Reiki sa wine. Hindi kaya ng Reiki na palakasin ang katawan nila o gamutin ang mga sakit nila, pero sinisigurado nito na kahit gaano pa karami ang inumin nila sa gabing iyon, hindi man lang sila hihikab.Bukod dito, sa sandaling pumasok ang Reiki sa katawan nila, hindi ito mag-iiwan ng bakas. Kahit na pumunta si Fleur, wala siyang mapapansin.Ang Yorkshire Hill ay matatagpuan sa isang talampas, at medyo malaki ang pagkakaiba ng temperature sa umaga at gabi. Kasam na ang taas ng Mount Turtle Back, bumaba nang sobra ang temperature pagkatapos maggabi. Kaya, umupo ang lahat sa paligid ng

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5795

    Habang nagsasalita siya, unti-unting naging seryoso ang ekspresyon niya. Sinabi niya, “Leni, mangako tayo sa isa’t isa. Subukan muna nating mabuhay ngayong taon. Kung sa susunod na taon, may mangyaring himala at walang namatay sa atin, pwede kang pumunta sa Oskia at makilala ang mga magulang ko para makuha ang basbas nila. Pagkatapos, pupunta ako sa United States kasama ka.”Si Leni, na kanina pa masaya, ay biglang naging mukhang pagod. Binulong niya, “May apat na buwan pa hanggang sa susunod na taon. Natatakot ako na kahit na hindi ako mamatay sa sandaling iyon, hindi ako makakapunta sa Oskia para makita ka.”Namula ang mga mata ni Shermaine, pero ngumiti siya at sinabi, “Ayos lang. Araw-araw na lang tayo mag-video call. Online na ang lahat ngayon. Kahit ang mga korte ay may hearing sa online. Kung kailangan, pwede na lang tayo kumuha ng isang pari, at pakakasalan kita sa online.”Pinigilan ni Leni ang mga luha niya, tumango nang marahan, at ngumiti habang sinabi, “Okay, deal. Kapa

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5794

    Hindi inaasahan ni Charlie na habang nagca-camping siya sa mga bundok ng Yorkshire Hill, matatagpuan niya ang dalawang batang pasyente na may cancer. Ang nagpasorpresa sa kanya ay gustong sumali ng dalawang ito sa mga clinical trial ng Apothecary Pharmaceutical sa Aurous Hill, pero tinanggihan silang dalawa.Ang mas nagpahanga pa sa kanya ay ang taong ito, si Leni, ay kilala pa si Jameson.Habang iniisip ang iba ang tungkol kay Jameson, na dating pinapangunahan ang buong FDA, na kusang umalis at nagsimula ng charity sa Aurous Hill, tinanong nang mausisa ni Charlie si Leni, “Helron, sobrang pamilyar ka ba kay Jameson Smith?”Sumagot nang kalmado si Leni, “Hindi naman. Dahil, bago siya umalis, isa siyang mataas na opisyal sa United States, at ang mga taong nakakausap niya sa FDA ay mga matataas na biopharmaceutical company at mga negosyante sa buong mundo. Ang isang tao tulad ni Jameson ay kahanga-hanga kahit sa mataas na lipunan. Paano magkakaroon ng pagkakataon ang isang ordinaryong

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5793

    Sinabi ni Shermaine, na nasa gilid, “Hindi naman gano’n. Ang pamamahagi ng mga pwesto para sa clinical trial ng Apothecary Pharmaceutical ay hindi base sa kung sino ang may pera at kapangyarihan, ngunit kung sino ang pinaka nangangailangan ng gamot. Ang lahat ng sumali para sa clinical trial ay mga pasyente na may cancer. Halos tatlumpung porsyento sa kanila ang idineklara ng mga doktor na may anim na buwan na lang para mabuhay. May daang-daang pasyente na may advanced pancreatic cancer, at marami sa kanila ay mga bata. Ang mga taong katulad namin na nasa 20s na ay mahihirapan na makakuha ng pwesto.”Tinanong nang mausisa ni Charlie, “Shermaine, sumali ka rin ba sa clinical trial ng Apothecary Pharmaceutical?”Tumango si Shermaine at sinabi, “Oo, pero hindi ako napili. Ang pamamaraan ng pagpili ng Apothecary Pharmaceutical ay parang pagkukumpara ng mga paghihirap. Una, ikukumpara nila kung sino ang may pinakamalalang sakit, pagkatapos ay kung sino ang pinakabata, kung sinong pamilya

Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status