Talagang magaling magsalita ang matandang ito…‘Malinaw namang ipinadala niya ako sa Australia para ikulong ako rito. Ngayon, gusto niyang bumalik ako para tulungan siya? Pero, ang lakas ng loob niyang sabihing nagpapakasaya ako rito?! Paano naman ako magiging masaya sa ganitong klase ng lugar?! T*ng i*a!’Kahit ito ang mga salitang nasa isip ni Sheldon, iba ang mga salitang lumabas sa bibig ni Sheldon, “Papa, pasensya na talaga. Talaga ngang nagsayang ako ng oras sa pagkakataong ito. Kung kailangan mo ang tulong ko, sabihan mo lang ako. Andito lang ako lagi.”Gustong bumalik ni Sheldon, pero hindi niya agad pwedeng sabihin ang kanyang mga opinyon para magawa ito.Kahit binitawan na ni Cadfan ang mga salitang kailangan niyang marinig, dapat niya ring ibalik ang pabor at magsabi ng iilang bagay na gustong marinig ng matanda kaya ng lagi lang siyang naririyan at handa siyang tumulong.Pinapakita niya sa mga salitang ito na ginagalang niya ang matanda. Sa kabilang banda, gusto niya r
Ang dahilan kung bakit mas nakahihigit si Lord Schulz kay Sheldon ay dahil lagi siyang may balangkas sa kanyang isip ng mga bagay na dapat niyang gawin. Sa parehong pagkakataon, isinaalang-alang niya rin ang presensya ni Charlie, ang misteryosong tao sa kanyang mga binabalak.Sa totoo lang, isa talagang tusong hayop si Lord Schulz, mahilig siyang magplano nang maraming bagay nang walang kamali-mali. May iilang beses lang na nagkaroon siya na maliliit na pagkakamali na siyang naging dahilan para magkaroon ng malaking gulo. Iyan ay dahil hindi niya isinaalang-alang ang presensya ni Charlie.Ngayon, kinalkula niyang hindi pa patay si Sophie at may nagligtas dito. Kaya, napagpasyahan niyang humingi muna ng tawad kay Sheldon at sa pamilya nito.Una sa lahat, si Sheldon ang haligi ng pamilya nila.Tinawagan niya si Sheldon kanina, hindi lamang para ipahayag ang kanyang paghingi ng tawad sa kanyang anak kundi para iparating rin na handa siyang humingi ng tawad kay Jaime.Kung papaniwalaa
Galit na sumagot si Jaime, “Papa! Hindi natin masiguro ang kalagayan ni mama at ni Sophie ngayon dahil sa kanya. Pero, sinasabihan mo akong huwag siyang tutulan? Hindi mo ba nakita ang video sa internet? Hindi mo ba nakita ang nangyari kay Mama at Sophie sa loob ng kotse?”“Hangal kang bata ka!” Galit na sigaw ni Sheldon, “Nangyari na ang aksidente, ano naman ang magagawa mo kung makikipaglaban ka sa lolo mo?”“Hindi lang sa wala kang mababago, pero magiging tiyak rin ang kapahamakan mo!”“Huwag mong kalimutan na ako ang pinakamatandang anak ng pamilya Schulz. Ikaw rin ang pinakamatandang apo ng pamilya natin. Sampung taon na lang siguro mabubuhay ang lolo, at kapag hindi pa rin ako ang head ng pamilya sa pagkakataong iyon, kailangan kong gawin ang lahat ng makakaya ko para lumayo sa mga Schulz!”“Kung ang second uncle, third uncle, o kaya fourth uncle mo ang uupo sa trono, hahayaan ba nilang maging maganda ang buhay natin?!”“Hayaan mo akong tanungin kita, alam mo ba ang nangyari
Nang buksan ni Sophie ang kanyang mga mata, natanaw niya ang isang luxury suite sa hotel. Nakahiga siya sa isang komportableng kama na higit sa dalawang metro ang laki.Sa loob ng ilang sandali, naisip niyang isang ligaw na kaluluwa na lamang siya.Ganoon din, agad niyang hinanap ang kanyang ina. Isang lingon lang ang kailangan at agad na nasilayan ni Sophie ang kanyang ina sa kanyang tabi!Wala na siyang paki kung panaginip ba o reyalidad ang nakikita niya sa puntong ito. Hindi siya makapaghintay na alugin ang katawan ng kanyang ina para sigawan ito. Sumunod, “Mama… Mama… gumising ka.”Habang mahimbing ang tulog, biglang napamulat ng mata si Helen. Nang makabalik siya sa kanyang huwisyo, napatitig siya kay Sophie at hindi niya mapigilang bumulalas, “Sophie… ayos ka lang ba?”Agad na sumagot si Sophie, “Mama, hindi… hindi ko alam kung ayos lang ba ako…”Napatitig si Helen sa kanyang palibot at hindi niya namalayang napatanong siya, “Wala… wala na ba tayo sa tunnel?! Paano tayo…”
Agad na pinigilan ni Helen ang kanyang anak. “Sophie! Huwag kang magsalita ng kalokohan! Paano mo naman nasabing hindi tama ang kalkulasyon ni Master Lennard?! Kung nakinig ka sa kanya at bumalik ka ng Eastcliff, hindi mo sana pagdadaanan ang aksidenteng ito.”Hindi kumbinsido si Sophie. Nagsalita siya nang walang paki, “Kung bumalik nga talaga ako ng Eastcliff, hindi ba ikaw naman ang malalagay sa peligro Mama? Kung wala ako rito, hindi magpapakita ang tagapagligtas ako, at talagang malalagay ka sa pahamak…”Bumuntong hininga si Helen, “Ito ang karma ng mundo. Bukod pa roon, ang koneksyon niyo lang ang tinatantsa ni Master Lennard noon. Hindi niya inalam ang magiging koneksyon ng tagapagligtas mo sa akin pati na rin ang katotohanang ililigtas ako ng sinasabi mong misteryosong lalaki…”Nang mabanggit ito, hindi mapigilang bitawan ni Helen ang ilang mga salita, “Masasabi kong malaki talaga ang naitulong ng taong ito sa pamilya natin… Napapaisip ako kung pwede ba natin siyang mahanap
Hindi inaakala ni Sophie na hindi lamang hindi magpapakita ang tagapagligtas niya sa kanya, kundi ayaw rin nitong magkaroon sila ng mama niya ng komunikasyon sa panlabas na mundo. Nakaramdam talaga siya ng matinding dismaya.Napatanong ulit si Sophie, “Ipapaalam niyo ba sa pamilya ko na ligtas kami? Sigurado akong nag-alala si Lord Dunn tungkol sa amin ni mama. Gusto sana naming ipaalam sa kanya na ayos lang kami.”Umiling ulit ang babae at naging seryoso ang kanyang boses, “Pasensya na Ms. Schulz, sabi ng young master hindi niyo pwedeng kontakin ang kahit sino sa labas.”Kahit hindi nauunawaan nang buo ni Sophie ang dahilan, tumango na lamang siya ng bahagya at napaisip siya sa kanyang sarili, ‘Kahit mukhang nasa ilalim kami ng house arrest, naniniwala akong may rason ang tagapagligtas ko. Sigurado akong maganda ang kanyang intensyon at motibo.’Kaya, ito na lamang ang naging sagot ni Sophie, “Nauunawaan ko, maraming salamat.”Agad na tumugon ang babae, “Walang anuman, Ms. Schulz
Hindi mapigilang bumuntong hininga ni Sophie.Pakiramdam niya tama ang sinasabi ng kanyang ina.Misteryoso man sa publiko ang pagkatao ng mga young masters ng top families, pero para sa mga miyembro ng top families, kilalang-kilala nila ang mga young masters na ito.Ang mga young masters na ito, kahit marami silang mga natamo sa buhay at kagagaling lamang nila sa ibang bansa para magtapos ng kanilang pag-aaral, alam ni Sophie na isang kasinungalinagan lang sila.Palabas lamang ito at hindi talaga sila kagaya ng mga medalya at mga achievements nila. Sa magandang salita, para silang mga sedang unan na dayami lang ang laman, panlabas lang ang maganda.Kung didiretsuhin, mga ginintuang basura lang sila.Kahit magaling magsalita ng Ingles ang mga young masters na ito at nauunawaan nila nang mabuti ang takbo ng global economy at development, kapag pinakiusapan silang magtrabaho, haharapin nila ang mga papeles sa mesa nang hindi handa.Dati, may isang sikat na young master na kinikilal
Biglang lumitaw ang hinuhang ito sa isip ni Sophie at agad na nagkaroon ng realisasyon si Helen.Tumango siya, “Dahil gustong masiguro ng misteryosong young master na ligtas tayo at itago ang katotohanang buhay tayo, imposible namang ilagay niya lang tayo sa kahit anong hotel…”“Bukod pa roon, naglagay siya ng maraming bodyguards sa labas ng pinto. Malaki ang tsansa na property niya ang hotel na ito, gaya ng sinabi mo.”“Kahit hindi siya ang may-ari, sigurado akong malalim ang koneksyon niya sa may-ari ng hotel.”Tumango si Sophie at agad siyang tumakbo papunta sa sala ng suite. Binuksan niya ang drawer.Madalas, naglalagay ang hotels ng mga papel sa loob ng mga kwarto para sulatan ng mga bisita nila. Naka-print din doon ang pangalan ng hotel.Nang makita niya ang mga salitang ‘Shangri-La Hotel’ sa heade ng letter-sized paper, hindi niya mapigilang mapabulalas, “Mama! Shangri-La Hotel ang pangalan ng tinutuluyan natin dito sa Aurous Hill! Kung tama ang tanda ko, property ito ng p
Sinabi ni Janus, "Hindi pa. Nagmamadali kasi ako ngayon kaya hindi ko siya nasabihan. Baka kasi hindi rin ako makahanap ng oras para makadalaw sa kanya, kaya hindi ko na sinabi."Ngumiti si Charlie at sinabi, "Kung ganoon, huwag mo na siyang tawagan. Puntahan na lang natin siya para sorpresahin.""Okay!" Agad pumayag si Janus, kitang-kita ang pananabik sa mukha niya. Hindi niya napigilang sabihin kay Charlie, "Young Master, sa totoo lang, itinuring ko nang parang tunay na anak si Angus. Matagal na rin mula nang huli ko siyang makita, kaya miss na miss ko na talaga siya."Lubos na naunawaan iyon ni Charlie.Mahirap ang naging buhay ni Janus sa United States noon. Sa mga unang taon, kahit papaano ay medyo magaan ito dahil sa pag-alalay ni Jenna na naging kaagapay niya sa mga pagsubok. Pero matapos umalis si Jenna, naiwan siyang mag-isa, pinatatakbo ang roasted goose stall habang illegal immigrant pa ang katayuan niya. Talagang naging mabigat at walang pag-asa ang buhay na iyon para s
Gabi na sa Qi Temple.Sa isang liblib na meditation room na sarado para sa publiko, nakaupo ang isang magandang babae sa isang upuang gawa sa rattan habang nakatingala sa mabituing kalangitan ng taglagas. Lumapit ang isang matandang kalbong babae at inilagay ang kumot sa mga binti ng babae, sabay sinabi nang may paggalang, “Madam, nakalipad na po ang eroplano ni Young Master.”“Umalis na siya?” tanong ng magandang babae habang lumilingon sa direksyon ng airport nang marinig iyon.Nang makita niya ang ilang kumikislap na ilaw sa malayo sa kalangitan, napabuntong-hininga siya at sinabi, “Alin kaya sa mga kumikislap na ilaw na iyon ang eroplano na sinasakyan ng anak ko?”Tinanong niya ang matandang babae, “Kasama ba ni Charlie si Janus?”Ang magandang babaeng ito ay si Ashley, ang ina ni Charlie. Ang matandang babae sa tabi niya ay si Jade Sun, ang nagkunwaring madre. Matagal nang nagsisilbi si Jade kay Ashley bilang isang tagapamahala ng bahay.Sinabi ni Jade kay Ashley, “Madam, ma
Hindi naging komportable si Jacob nang makita niyang umakyat si Charlie, at mas lalo siyang nawalan ng gana mabuhay nang makita ang ngiting panalo ni Elaine.Habang umaakyat si Charlie, hindi niya maiwasan na bumuntong hininga at isipin kung kailan matatalo ng biyenan niyang lalaki ang pag-aalinlangan at kahinaan at mabuhay talaga sa gusto niyang buhay.-Pagkatapos iimpake ang lahat, umalis si Charlie nang mag-isa sa gabi balak magmaneho papunta sa airport. Nang makababa siya sa elevator sa unang palapag, nakita niya si Jacob na may hawak na sigarilyo na tumayo sa sofa at ngumiti, sinasabi, “Mahal kong manugang, aalis ka na ba ngayon?”Tumango nang bahagya si Charlie at sinabi, “Oo, Pa. Pupunta na ako sa airport ngayon.”Pinagkuskos ni Jacob ang kanyang mga kamay at magsasalita na sana nang biglang bumaba si Elaine na pilay ang lakad at malakas na sinabi, “Oh, mahal kong manugang, hayaan mong ihatid kita!”Pareho sina Elaine, na nakatanggap ng isang milyong dolyar, at si Jacob,
Biglang namula si Jacob sa sinabi ni Elaine, at nahihirapan magsalita habanag sinusubukan niyang ipagtanggol ang sarili niya, “Sino ang nagsabing humihingi ako ng pera sa mahal kong manugang? Sinabi ko ba iyon?! May iba akong dahilan kung bakit kinausap ko siya. Huwag mo akong akusahan nang walang basehan!”Sa halip na makipagtalo kay Jacob, tumingin si Elaine kay Charlie at sinabi, “Mahal kong manugang, narinig mo ang sinabi niya. Kahit ano pa ang plano niya, huwag mo siyang bigyan ng kahit isang sentimo!”Agad nagalit si Jacob at sinabi nang galit, “Elaine, bakit ka ganyan? Bakit puro pera lang ang bukambibig mo?”Mapaglarong umiling si Elaine at ngumisi habang sinabi, “Anong problema? Hindi ka naman humihingi ng pera sa mahal kong manugang, bakit ka naabala kung sinabihan ko siyang huwag kang bigyan?”Napahinto sa pagsasalita si Jacob. Sa lakas ng depensa ni Elaine, napigilan ang plano niya. Dahil sa mga sinabi ni Elaine, hindi na siya makahingi ng pera kay Charlie. Paano siya h
Nakaramdam si Jacob ng inggit at selos nang marinig niya na bibigyan ni Charlie si Elaine ng isang milyong dolyar. May kita siya sa Calligraphy and Painting Association, pero hindi iyon sapat para sa mga gastusin niya.Bilang Vice President ng association, madalas siyang mag-aliw ng mga bisita, at malaking gastos ang madalas niyang byahe gamit ang mamahaling kotse. Hindi siya kasing-walang hiya ni Elaine, at pakiramdam niya na may utang na loob siya kay Charlie dahil sa mga tagumpay at sa pagkakataon na magmaneho ng luxury car at manirahan sa Thompson First. Kaya hindi siya komportable na humingi ng pera kay Charlie.Pero nang makita niyang makakatanggap lang si Elaine ng isang milyong dolyar dahil lang sa paghingi, nainis siya. Naisip pa niyang humingi ng tulong kay Charlie, pero nang maalala niya kung paano niya ininsulto si Elaine kanina, nahiya siyang manghingi ng pera kay Charlie.Samantala, hindi nag-aksaya ng oras si Charlie at agad niyang ipinadala ang isang milyong dolyar s
Pagkalabas niya sa Champs Elys hot spring villa, agad na nagmadali si Charlie pabalik sa Thompson First. Plano niyang madalian niyang ilagay sa maleta ang kanyang mga gamit at ipagbigay-alam kina Jacob, ang biyenang lalaki niya, at kay Elaine, ang biyenang babae niya, na aalis siya ngayong gabi papunta sa ibang lungsod para suriin ang Feng Shui ng isa pang kliyente.Sanay na ang mag-asawa sa palagiang paglalakbay ni Charlie, kaya hindi sila nagulat nang marinig ang balita.Ang talagang nagpaulat kay Charlie ay biglang nagpakita si Elaine ng pag-aalala sa kanya. Sinabi niya nang may nag-aalalang ekspresyon, “Mahal kong manugang, palagi kang nasa biyahe buong araw nang walang pahinga. Paano kung mapagod ka?”Nakaramdam si Charlie ng bihirang pakiramdam ng bait dahil sa hindi inaasahang pag-aalala ng kanyang biyenang babae. Ngumiti siya at sinabi, “Ma, hindi mo kailangang mag-alala. Kahit abala ako araw-araw sa labas, hindi naman talaga ako napapagod.”Tumayo sa gilid si Jacob at ngum
Gumaan ang puso ni Charlie nang marinig ito. Sinabi niya kay Isaac, "Mr. Cameron, pansamantalang aalis si Mr. Thompson sa mga Wade. Sa panahong ito, mawawalan ng chief butler ang mga Wade. Gusto kong pansamantalang kunin mo ang posisyon ni Mr. Thompson. Umaasa akong babalik siya, at kung sakali, maibabalik mo sa kanya ang pwesto bilang kanyang deputy. Kung hindi siya babalik, ikaw na ang magpapatuloy sa posisyon."Nagulat si Isaac at agad na nagsabi, "Young Master, ang trabaho ko ay palaging limitado lang sa probinsyang ito, at kakasimula ko pa lang maintindihan ang mga gawain ko. Ngayon, pinapalit mo ako kay Mr. Thompson. Paano... Paano ako magiging karapat-dapat doon?!"Tinanong ni Charlie, "Hindi ba't unti-unting umangat si Mr. Thompson?"Hirap na sinabi ni Isaac, "Ah, inabot ng sampu hanggang dalawampung taon bago umabot sa posisyong iyon si Mr. Thompson. Mas mahina ang kakayahan ko kaysa sa kanya, at baka hindi ko makumbinsi ang iba sa aking mga kwalipikasyon."Iwinasiwas ni C
Sa hapon, si Keith, kasama ang panganay niyang anak na si Christian, at pangalawang anak na si Kaeden, ay palihim na pumunta sa Eastcliff kasama si Emmett.Sa halip na agad na umuwi sa kanyang tahanan sa Thompson First, pumunta muna si Charlie sa katabing villa, tinawag si Caden na nagtuturo ng martial arts doon, at sinabihan siya na ipaalam kina Isaac at Albert na makipagkita sa kanya.Noong una, medyo nag-alala pa si Charlie na baka bigla na lang mawala si Isaac nang walang dahilan. Bilang tagapagsalita ng Wades sa Aurous Hill at direktang tauhan ni Stephen, posible na may naglagay talaga kay Isaac sa posisyong ito.Buti na lang nandoon pa rin si Isaac sa Champs Elys Resort.Nang makita ni Charlie si Isaac, medyo gumaan ang kanyang pakiramdam. Sa totoo lang, nakakalungkot para sa kanya na may iba palang pinaglilingkuran si Stephen. Sa isang banda, si Stephen ang pinakatapat na tauhan ng kanyang ama, at kahit hindi niya maasahan ang lubos na katapatan ni Stephen sa mga Wade, nakak
Napabuntong-hininga si Charlie at sinabi, “Wala akong nakitang kongkretong bakas, at napilitan akong bumalik nang nasa kalahati na ako ng daan.”Nagulat na nagtanong si Keith, “Napilitan? Sino ang pumilit sayo na bumalik?”Sumagot si Charlie, “Lolo, mahaba ang kwento. Pumasok muna tayo at dahan-dahan natin itong pag-usapan.”Agad na pumayag si Keith. “Sige, pumasok na tayo at mag-usap.”Pumasok sina Charlie at ang mga miyembro ng pamilya Acker sa villa at nagkumpulan sa dining room. Dahil walang ibang tao, tapat na isinalaysay ni Charlie ang kanyang paglalakbay sa Mount Tason at ibinunyag ang kalagayan ni Stephen.Nang marinig na pinabalik si Charlie ng isang pekeng madre mula sa Quiant Monastery, lubos na nagulat ang lahat. Hindi sila makpaniwala na may taong may alam ng kanyang mga hakbang at naghintay sa kanya habang paakyat siya sa Mount Tason. Lalo silang nabigla nang malamang si Stephen, ang tahimik na nagbantay kay Charlie sa halos dalawampung taon, ay may iba palang pinagl