Sa pagkakataong ito, matindi ang pagkalitong nararamdaman ni Cadfan.Simula nang lumihis sa lohika ang kanyang mga iniisip, hindi niya masundan ang buong ideya.Hindi niya mapigilang magkaroon ng malakas na pakiramdam na ang salering nasa likod ng insidente ay wala ng iba kundi ang top master na nagligtas kay Jaime at Sophie dati sa Japan.Subalit, hindi mapigilan ng butler na isiping pantasya lamang ito.Ipinahayag niya ang kanyang hindi pagsang-ayon nang hindi direkta, “Lord Schulz, hindi pa natin nasisiguro ang pagkatao ng master na nakilala ng eldest young lady sa Japan. Hindi rin natin alam kung isa ba siyang Oskian na nakatira sa Oskia o isa ba siyang Oskian nakatira sa Japan.”“Bukod pa roon, ilang libong kilometro ang layo ng Kyoto at Aurous Hill. Paano namang magiging ganito kadali na magtagpo ang landas ng dalawang tao? Talaga bang magkikita sila sa dami ng mga nakapalibot sa kanila? Kahit posibleng mangyari ang ganitong bagay, masyadong mababa ang tsansa…”Umiling si C
Nasindak ang butler at hindi niya mapigilang mapabulalas, “Ang ibig niyo bang sabihin ang misteryosong lalaking nagligtas sa eldest young lady sa Japan ang parehong lalaking nagligtas sa eldest young lady sa Aurous Hill ngayon?”“Tama ang sinabi mo!” tumango si Cadfan at nagpatuloy siya sa kanyang sinasabi, “Iyan ang nararamdaman ko ngayon! May hinuha ako na hindi pa patay si Sophie! Kung buhay pa siya, ang taong nagligtas sa kanya ay mukhang ang misteryosong lalaki na nagligtas sa kanya sa Japan!”Hindi mapigilang magtaka ng butler, “Lord Schulz, nauunawaan ko kung ang parehong misteryosong lalaki ang nagligtas ulit sa buhay ng eldest young lady sa Aurous Hill ngayon. Pero, ano naman ang intensyon niya sa pandurukot niya sa second master?”Tumugon si Cadfan, “Mataas ang tsansang dinukot niya si Steven dahil gusto niyang ipaghiganti si Sophie at si Helen. Matapos ang lahat, pumunta lang naman si Steven sa Aurous Hill para asikasuhin ang bagay na ito sa ngalan ng pamilya Schulz. Kaya
Sa pagkakataong ito, kausap ni Sheldon sa cellphone ang kanyang anak na si Jaime.Nagmaneho si Jaime papuntang Aurous Hill galing ng Eastcliff buong gabi. Subalit, pagkarating niya ng Aurous Hill, hindi niya alam ang gagawin.Ang rason lang naman kung bakit siya pumunta ng Aurous Hill ay dahil gusto niyang malaman kung nasaan ang kanyang nanay at kapatid. Subalit, nagpadala na ng ilang libong tao ang Aurous Hill Police Department para mahanap ang dalawa. Sa kasamaang palad, wala pa ring resulta. Kaya, dahil mag-isa lang si jaime, hindi niya alam kung saan siya dapat magsisimula.Balak niya sanang pumunta sa lumang mansyon ng pamilya Dunn sa Aurous Hill para humingi ng tulong sa matandang butler ng pamilya Dunn. Sa ganitong kaso, magkakaroon sana siya ng pwedeng matuluyan.Subalit, nang maalala niyang ginalit niya si Cadfan at nagpadala ito ng mga tauhan para mahanap siya, nakaramdam ng kaunting pag-aalala si Jaime.Kaya, napagpasyahan niyang tawagan si Sheldon na kasalukuyang nasa
Ito rin ang mismong dahilan kung bakit hindi nangahas si Sheldon na humakbang paalis ng Australia hangga’t wala pang sinasabi ang kanyang ama kahit nag-aalala siya nang matindi sa kaligtasan ni Sophie.Wala rin siyang lakas ng loob na tawagan si Lord Schulz para kuwestiyunin ito sa nangyari. Dahil alam niyang magiging mas malala pa ang kanyang kahahantungan kapag ginalit niya ang matanda o maging dismayado ito sa kanya.Masyado pang bata si Jaime at kulang pa ang kanyang karanasan sa mundo. Ang pinakamalaki at pinakaseryosong nangyari sa buong buhay niya ay nang dukutin siya sa Japan.Sa totoo lang, matindi ang kabang naramdaman ni Jaime nang dukutin sila ng kapatid niya.Takot na takot siya sa puntong malalagutan siya ng hininga. Hindi niya magawang pakalma ang sarili niya. Hindi niya kayang maging kalmado gaya ng kanyang kapatid na si Sophie. Sa ngayon, matindi ang nararamdaman niyang tensyon at stress dahil hindi niya alam ang gagawin. Pakiramdam niya hindi niya talaga kayang hu
Pagkatapos matanggap ang tawag ni Lord Schulz, parehong alam at hindi alam ni Sheldon kung ano ang mangyayari.Ganoon din, agad niyang siniguro ang kanyang anak bago ibaba ang tawag. Sumunod, sinagot niya ang tawag ni Lord Schulz, hindi siya makapaghintay na malaman ang intensyon nito.Nang masagot ang tawag, tila ba kinakabahang nagsalita si Sheldon, “Papa… Kayo… Bakit niyo ako tinatawagan ng ganitong oras?”Bumuntong hininga si Lord Schulz sa kabilang linya saka siya nagsalita, “Sheldon. Tinatawagan ka ni Papa para humingi ng tawad sa’yo.”Sumunod, napatanong siya, “Ang video na nasa internet, nakita mo naman siguro iyon, hindi ba?”Matapat na sumagot si Sheldon, “Opo, Papa. Nakita ko.”Agad na dinagdag ni Sheldon, “Papa, alam kong malakas ang opinyon mo kay Helen, pero naniniwala akong wala kang masamang intensyon kay Sophie at Steven. May pumilit siguro kay Matteo kaya binitawan niya ang mga salitang iyon. Iyan ang dahilan kung bakit nagsasalita siya nang walang kabuluhan sa
Talagang magaling magsalita ang matandang ito…‘Malinaw namang ipinadala niya ako sa Australia para ikulong ako rito. Ngayon, gusto niyang bumalik ako para tulungan siya? Pero, ang lakas ng loob niyang sabihing nagpapakasaya ako rito?! Paano naman ako magiging masaya sa ganitong klase ng lugar?! T*ng i*a!’Kahit ito ang mga salitang nasa isip ni Sheldon, iba ang mga salitang lumabas sa bibig ni Sheldon, “Papa, pasensya na talaga. Talaga ngang nagsayang ako ng oras sa pagkakataong ito. Kung kailangan mo ang tulong ko, sabihan mo lang ako. Andito lang ako lagi.”Gustong bumalik ni Sheldon, pero hindi niya agad pwedeng sabihin ang kanyang mga opinyon para magawa ito.Kahit binitawan na ni Cadfan ang mga salitang kailangan niyang marinig, dapat niya ring ibalik ang pabor at magsabi ng iilang bagay na gustong marinig ng matanda kaya ng lagi lang siyang naririyan at handa siyang tumulong.Pinapakita niya sa mga salitang ito na ginagalang niya ang matanda. Sa kabilang banda, gusto niya r
Ang dahilan kung bakit mas nakahihigit si Lord Schulz kay Sheldon ay dahil lagi siyang may balangkas sa kanyang isip ng mga bagay na dapat niyang gawin. Sa parehong pagkakataon, isinaalang-alang niya rin ang presensya ni Charlie, ang misteryosong tao sa kanyang mga binabalak.Sa totoo lang, isa talagang tusong hayop si Lord Schulz, mahilig siyang magplano nang maraming bagay nang walang kamali-mali. May iilang beses lang na nagkaroon siya na maliliit na pagkakamali na siyang naging dahilan para magkaroon ng malaking gulo. Iyan ay dahil hindi niya isinaalang-alang ang presensya ni Charlie.Ngayon, kinalkula niyang hindi pa patay si Sophie at may nagligtas dito. Kaya, napagpasyahan niyang humingi muna ng tawad kay Sheldon at sa pamilya nito.Una sa lahat, si Sheldon ang haligi ng pamilya nila.Tinawagan niya si Sheldon kanina, hindi lamang para ipahayag ang kanyang paghingi ng tawad sa kanyang anak kundi para iparating rin na handa siyang humingi ng tawad kay Jaime.Kung papaniwalaa
Galit na sumagot si Jaime, “Papa! Hindi natin masiguro ang kalagayan ni mama at ni Sophie ngayon dahil sa kanya. Pero, sinasabihan mo akong huwag siyang tutulan? Hindi mo ba nakita ang video sa internet? Hindi mo ba nakita ang nangyari kay Mama at Sophie sa loob ng kotse?”“Hangal kang bata ka!” Galit na sigaw ni Sheldon, “Nangyari na ang aksidente, ano naman ang magagawa mo kung makikipaglaban ka sa lolo mo?”“Hindi lang sa wala kang mababago, pero magiging tiyak rin ang kapahamakan mo!”“Huwag mong kalimutan na ako ang pinakamatandang anak ng pamilya Schulz. Ikaw rin ang pinakamatandang apo ng pamilya natin. Sampung taon na lang siguro mabubuhay ang lolo, at kapag hindi pa rin ako ang head ng pamilya sa pagkakataong iyon, kailangan kong gawin ang lahat ng makakaya ko para lumayo sa mga Schulz!”“Kung ang second uncle, third uncle, o kaya fourth uncle mo ang uupo sa trono, hahayaan ba nilang maging maganda ang buhay natin?!”“Hayaan mo akong tanungin kita, alam mo ba ang nangyari
Medyo nag-alala rin si Fleur sa sandaling ito habang binulong niya sa sarili niya, “Kahanga-hanga na ang lakas ni Mr. Chardon, at mas malakas pa siya gamit ang mahiwagang instrumento na binigay ko sa kanya. Kung sinakripisyo niya talaga ang sarili niya sa pagsabog, siguradong mas malakas ang taong pumuwersa sa kanya na gawin ito.”Habang nagsasalita siya, hindi mapigilang sabihin ni Fleur, “Hinding-hindi ko inaasahan na may napakagaling na master sa Aurous Hill. Ayon sa pagkakaintindi ko sa mga Acker, imposible na magkaroon sila ng ugnayan sa ganito kalakas na tao. Kaya, sino kaya ang taong ito?”Hindi mapigilang sabihin ni Tarlon, “British Lord, naniniwala ako na kakilala ng tao ang mga Acker. Kung hindi, bakit niya sila ililigtas sa kritikal na sandali?”Umiling si Fleur habang may madilim na ekspresyon at sinabi, “Hindi ko rin alam. Kung namatay talaga si Mr. Chardon sa pagsabog, ang kalaban niya siguro ay isang cultivator na mas malakas. Pero, nagpadala ako ng mga tao para palih
Habang pinaandar ulit ni Vera ang light helicopter sa ere, sinamantala ni Charlie ang pagkakataon na inumin ang Regeneration Pill. Samantala, libo-libong milya ang layo sa headquarters ng Qing Eliminating Society, naglalakad nang nababalisa si Fleur sa kanyang kwarto.400 years old na siya ngayong taon, pero mukhang nasa 30s pa rin siya. Kahit na kaakit-akit at masigla siya, nakaukit sa kanyang mukha ang kanyang kalupitan dahil sa kanyang pangamba at pagkabalisa, matatakot ang kahit sinong makakakita sa kanya.Ang huling beses na nabalisa nang ganito si Fleur ay noong unang beses na hinabol siya sa bulubundukin ng Qing army kasama si Elijah.. Sa mga nagdaang taon, kahit na hindi niya nahanap si Vera, kahit papaano, isa itong laro ng pusa at daga na tumagal ng tatlong daang taon. Noon pa man ay ginampanan niya ang papel na pusa, kaya hindi siya nabalisa nang sobra kahit na hindi niya mahanap si Vera.Pero, ang pinagmulan ng pagkabalisa at pangamba niya sa sandaling ito ay dahil ang d
Hindi sinasadyang sabihin ni Vera, “Iba iyon…”Tinanong siya ni Charlie, “Paano iyon naiiba? Kaya mo itong tanggapin noong Charlie ang tawag mo sa akin, pero hindi mo ito matanggap ngayong tinatawag mo akong ‘Young Master’?”Sumagot nang nahihiya si Vera, “Hindi… Hindi iyon ang ibig kong sabihin… Pakiramdam ko lang na masyadong mahalaga ang mga pill na ito. Ang dahilan kung bakit ko tinanggap ang natitirang pill bago ito ay dahil natatakot ako na malalagay ka sa panganib sa hinaharap. Kung gano’n, kaya kong itago ang natitirang pill para sa emergency. Ngayong ligtas ka na, hindi na angkop para sa akin na tanggapin ang kahit anong pill mula sayo, Young Master.”Sinabi nang walang pag-aalinlangan ni Carlie, “Kung gano’n, ayusin mo ang pananaw mo sa lalong madaling panahon at sabihin mo sa sarili mo na walang hindi angkop tungkol dito.”Pagkasabi nito, direktang nilagay ni Charlie ang pill sa kanyang kamay. Pagkatapos nito, hindi na niya hinintay ang sagot niya at naglabas siya ng isa
Humagikgik si Lord Acker at sinabi, “Nararapat lang na palabasin ka. Sinabi na ni Charlie na dapat inumin doon ang pill, pero hinamon mo ang mga patakaran niya, kaya hindi ba’t natural lang na paalisin ka niya?”Nalungkot si Christian at sinabi, “Pa, para kanino ko hinamon ang mga patakaran ni Charlie?”Si Kaeden, na nasa gilid, ay tinapik ang balikat ni Christian at sinabi nang nakangiti, “Sige na, Christian. Kahit na pinaalis ka sa auction ni Charlie, dapat magpasalamat tayo para sa pangyayaring iyon. Kung hindi dahil sayo, marahil ay hindi agad nakuha ng mga Acker ang atensyon ni Charlie. Magandang bagay ito, at nakinabang ang buong pamilya natin dito!”Bumuntong hininga si Christian at sinabi nang tapat, “Ah, hindi malaking bagay para sa akin na paalisin ako ng pamangkin ko. Hindi ko lang inaasahan na magiging sobrang galing ng pamangkin ko at magiging benefactor pa natin. Nahihiya lang ako nang kaunti kapag naiisip ko ang mga sinabi ko at ang mga ginawa ko sa auction.”Sa sand
Habang lumilipad si Charlie papunta sa Champs Elys hot spring villa kasama si Vera, isla Merlin, Isaac, Albert, at ang iba, ay huminga nang maluwag, itinigil ang paghahanap nila, at bumalik nang maaga sa Champs Elys hot spring villa.Alam ni Merlin na nag-aalala ang mga Acker sa kaligtasan ni Charlie, kaya nagmamadali siyang bumalik sa villa sa sandaling bumaba siya sa eroplano.Balisang naghihintay ang mga miyembro ng pamilya Acker sa sala, umaasa na babalik si Merlin na may magandang balita. Dahil, sobrang halaga ni Charlie para sa mga Acker at dalawampung taon na silang nag-aalala sa kanya. Bukod dito, ang isa pang pagkakakilanlan ni Charlie ay ang benefactor na nagligtas dati sa mga Acker, kaya tumaas ang katayuan ni Charlie sa mga mata ng mga miyembro ng pamilya Acker.Nang makita nila na mabilis na naglalakad papasok si Merlin, agad tumayo ang mga miyembro ng pamilya Acker at tumingin sa kanya nang sabik. Lumapit si Lady Acker sa kanya nang hindi niya namamalayan at binulong,
Habang nagsasalita siya, namula nang bahagya si Vera at sinabi, “At saka, wala ka pang damit. Kung lalabas ang balita tungkol dito, hindi ako maaabala dito, pero paano mo ito maipapaliwanag sa asawa mo? Bukod dito, nakatira si Mr. Raven at ang iba sa ibaba. Kung lilipad ang isang helicopter sa gabi at ilang lalaki ang pumunta sa kwarto ko, at isang lalaki na walang damit ang kinuha, anong iisipin nila sa akin?”Tumango si Charlie at sinabi nang walang magawa, “Tama ka sa lahat ng iyon, pero paano tayo makakapunta doon ngayon?”Sinabi ni Vera, “Saglit lang, Young Master. Aayusin ko na ang lahat ng kailangan.”Pagkatapos itong sabihin, tumayo agad si Vera, bumaba, at nagsuot ng isang simpleng T-shirt at isang pares ng pantalon.Tumawag siya sa kanyang cellphone, at makalipas ang dalawampung minutor, isang two-seater light helicopter ang mabilis na lumipad sa itaas ng courtyard, pagkatapos ay mabagal itong bumaba sa bakuran.Sa sandaling lumabas ang piloto sa helicopter, lumabas siya
Naguluhan saglit si Albert nang marinig ang boses ni Charlie. Hindi agad nakabalik sa realidad ang isipan niya. Nakatulala lang siya sa langit, habang binubulong, “Ay naku… Nananaginip ba ako? Ganito ba talaga kalakas ang kapangyarihan ng Diyos?”Si Charlie, na nasa kabilang linya, ay tinanong, “Albert, anong binubulong mo sa sarili mo?”Doon lang natauhan si Albert, tinanong sa pagkagulat, “Master… Master Wade?! Ikaw ba talaga ito, o mali lang ang naririnig ko?!”Sa sandaling nagsalita si Albert, nagkaroon ng maraming tanong sa isipan nila ang lahat ng tao sa paligid niya. Tinanong nila siya, gustong malaman kung galing ba talaga ang tawag kay Charlie.Tinanong ulit ni Charlie si Albert, “Hindi mo na ba naaalala ang boses ko?”Doon lang nakumpirma ni Albert na si Charlie talaga ang taong kausap niya sa kabilang linya.Agad napaiyak si Albert sa saya, tinatanong, “Master Wade, nasaan ka?! Halos isang oras na kaming naghahanap sa lambak at hindi ka pa rin namin nahahanap. Nag-aala
Malapit nang masira ang emosyon ni Rosalie. Bigla siyang umupo sa lupa at napaiyak, nakuha agad ang atensyon ng lahat. Bigla siyang umupo sa lupa at napaiyak, agad nakuha ang atensyon ng iba.Mabilis na lumapit ang mga tao para pagaanin ang kalooban ni Rosalie. Kahit na nahihirapan din si Albert, nanguna pa rin siya at nagsalita, “Miss Rosalie, huwag kang masyadong mag-alala sa ngayon. Marahil ay may biyaya ng Diyos si Master Wade!”“Tama, Miss Rosalie,” Si Isaac, na kahit na namumula at may mga luha na ang mata, ay sinubukan siyang pakalmahin, “Basta’t walang kongkretong ebidensya na nasa panganib si Young Master, may pag-asa pa rin sa lahat.”Alam ni Rosalie na pinapagaan lang nila ang kalooban niya. Sa realidad, nag-aalala ang lahat at malungkot dahil hindi nila mahanap si Charlie. Kaso nga lang ay siya ang unang nawalan ng kontrol sa emosyon niya.Sa sandaling iyon, lumapit si Merlin habang may kampanteng tingin sa kanyang mukha at sinabi sa lahat, “Huwag kayong mawalan ng pag-
Nang marinig ni Vera ang mga sinabi ni Charlie, sinabi niya, “Babae? Young Master, naaalala mo ba kung ano ang hitsura niya?”Kumunot ang noo ni Charlie, inalala ang nakita niya, at sinabi, “Pakiramdam ko na nasa 30s ang babae, at may medyo maayos na hitsura niya.”Tumango nang marahan si Vera, “Si Miss Dijo siguro iyon, isa sa apat na great earl ng Qing Eliminating Society!”Tinanong ni Charlie sa sorpresa, “Alam mo ang tungkol sa apat na great earl?”“Kaunti lang ang alam ko.” Sumagot si Vera, “Kahit na si Fleur lang ang nabubuhay hanggang ngayon sa Qing Eliminating Society, may mga supling pa rin ng mga dating kasamahan ng aking ama sa organisasyon. Dahil sa espesyal na lason na ginawa ni Fleur, nakatadhana na pagsilbihan nila siya sa mga dumaang henerasyon. Pero, alam nila na buhay pa rin ako at sinusubukan nila itong ipaalam sa akin sa lahat ng posibleng paraan. Kaya, may ilang kaalaman ako sa panloob na sitwasyon ng Qing Eliminating Society.”“Kahit na ang apat na great earo