Hindi mapigilang makonsensya ni Tyler nang kaunti nang makita niya ang buntong hininga ni Lord Moore.Subalit, pagkatapos obserbahan ang matanda, napagtanto ni Tyler na wala namang mali kay Lord Moore. Kaya, agad siyang napanatag.Pakiramdam niya hindi pa siya sumasalungat sa mga intensyon ng papa niya kahit kailan. Hindi niya ipinahiwatig ang matindi niya oposisyon nang mapagpasyahan ng matanda na ibigay ang pagiging head ng pamilya Moore kay Jasmine. Wala namang rason si Lord Moore para magduda sa kanya.Kaya, nagpatuloy lamang si Tyler sa pag-arte. Ngumiti siya at magalang siyang nagsalita, “Papa, ubusin mo na ang sabaw habang mainit pa. Pagkatapos, sasabihan ko ang chef na maghanda ng masustansyang chicken soup para kainin mo mamayang gabi.”Tumango si Lord Moore. Wala siyang sinabing kahit ano at inubos niya lang ang bird’s nest na nasa mangkok.Nang makita ni Tyler na inubos ng matanda ang buong mangkok ng bird’s nest, nakahinga siya nang maluwag. Sa pagkakataong ito, napang
Ilan sa mga tagapagsilbi ng mansyon ang agad na tumakbo at nagtanong, “Sir, may nangyari ba?!”Sumagot si Tyler, “Ilang beses ko nang pinindot ang doorbell ni papa pero hindi siya sumasagot. Natatakot akong may nangyaring masama sa kanya. Tulungan niya akong buksan ang pintong ito!”Nang marinig ng mga tagapagsilbi ang sinabi ni Tyler, hindi nila mapigilang kabahan. Isa sa kanila ang nagboluntaryo, “Ako na ang bahala!”Isa pang tao ang agad na nagsalita, “Tutulungan kitang buksan ang pinto!”Sa pagkakataong ito, nagmadaling lumapit si Oscar kay Tyler. Kita ang kaba sa ekspresyon ng butler, “Sir, ano ang nangyari kay Lord Moore?”Nang makita ni Tyler si Oscar, agad siyang sumagot, “Uncle Oscar, sakto ang dating mo. Nasa loob si papa pero hindi siya sumasagot kahit ilang beses ko nang pinindot ang doorbell. Natatakot akong may nangyaring masama sa kanya!”Nanigas agad si Oscar, napagtanto niyang napainom na ni Tyler ang drug kay Lord Moore. Nakaramdam ng galit, lungkot, at pag-aala
Agad na nag-utos si Tyler kung ano ang mga dapat gawin para madala si Lord Moore sa ospital saka siya bumalik sa kwarto niya para magpalit ng damit.Habang nagbibihis, tinawagan ni Tyler si Reuben para sabihan siyang bumalik agad ng Aurous Hill.Matagal nang hinihintay ni Reuben ang balitang ito. Kaya, agad siyang nagpaasikaso ng private jet para makaalis na siya agad sa Japan. Bukas ng umaga ang flight niya paalis ng Tokyo.Para hindi magkaroon ng suspetsa si Charlie, tinawagan rin ni Reuben si Charlie. Puno ng respeto ang boses ni Reuben habang kausap si Charlie sa tawag, “Master Wade, nakatanggap ako ng balita sa papa ko. Mukhang nagkaproblema si lolo. May sakit siya ngayon. Pinapabalik ako ni papa sa Aurous Hill agad-agad. Aalis ako ng Tokyo bukas ng umaga…”Nagpanggap si Charlie na para bang nasorpresa siya sa balita, “Reuben, ano ang nangyari sa lolo mo? May nangyari bang seryoso?”Agad na sumagot si Reuben, “Master Wade, huwag kang mag-alala. Sabi ni papa hindi naman masyad
Dalawang taon ang nakararaan, isang bibigating Japanese boss ang bumili ng bluefin tuna na may bigat na 278 kilo. Nagbayad siya ng halagang 3.1 million US dollars para mabili ito. Ang average price per kilogram ng bluefin tuna na binili niya ay $11,000.Kung ihahain ang ganitong klase ng high-quality bluefin tuna sa mga restaurant, ilang beses na mas mahal ang presyo nito.Mas mahal pa sa ginto ang presyo ng pagkain ng pinakamahal na bluefin tuna sa mga mamahaling restaurants.Para naman sa fifty-year-old Yamazaki whiskey, ito ang top national whiskey ng Japan. Nagkakahalaga ang isang bote nito ng higit sa tatlong milyong dolyar.Mula pa lamang sa paghahanda ni Yahiko ng mga mamahaling sangkap at inumin sa hapunan nila mamayang gabi, masasabing katumbas nito ang pagpapahalagang binibigay niya kay Charlie.Nang pumasok si Charlie sa dining room, nakita niyang matagal nang naghihintay si Yahiko sa mesa.Sa pagkakataong ito, may isang malaking bluefin tuna na nakahain sa sentro ng m
Nang marinig ni Yahiko ang pakiusap ni Charlie, agad na sumagot si Yahiko nang walang pag-aalangan. “Mr. Wade, maliit na bagay lang ang hinihingi mo. Pwede pa kitang paghandaan ng isang mamahaling yate. Kaya ko ring siguruhin na makakaalis kayo ng Tokyo nang walang hadlang. Napapaisip lang ako kung kailan mo balak umalis?”Muling nagtanong si Charlie, “Gaano katagal bago kami makabalik ng Oskia sa ganitong paraan?”Sumagot si Yahiko, “Mas malaki ang mga yate. Para sa mga malalaking barko na gaya nito, mataas ang resistance nila sa hangin at mga alon sa dagat. Pero, mas mabagal nang kaunti ang bilis nila kumpara sa mga maliliit na bangka. Mga 50 hanggang 60 kilometro ang bilis nito bawat oras. Kung babalik kayo ng Aurous Hill galing ng Japan, kailangan niyo munang dumaan sa Yaak River estuary sa Raventon. Matatantsa kong mga dalawang libong kilometro ang layo. Ibig sabihin, 30 oras ang itatagal ng biyahe niyo kung sakali.”Nagpatuloy si Yahiko, “Pero, dahil ipupuslit namin kayo sa ba
Pagkatapos, pumasok na si Albert sa call, “Master Wade, may ipapagawa ka ba sa akin?”Tumugon si Charlie. “Ganito ang sitwasyon. May sasabihin ako sa inyo. Pinagkakatiwalaan ko kayong dalawa. Kaya, kailangan niyong panatiling sikreto ang lahat ng sasabihin ko. Huwag niyong kakalimutan ang bagay na iyan. Nauunawaan niyo ba ako?”Sabay na sumagot ang dalawa, “Huwag kayong mag-aalala! Pananatilihin naming sikreto ang bagay na ito. Gagawin namin ang lahat ng makakaya namin para magawa ang pinapautos niyo!”Tumango nang bahagya si Charlie saka siya nagpatuloy, “Handa na si Tyler at Reuben para agawin ang buong pamilya Moore mula sa pamamahala ni Jasmine. Gusto kong kontakin niyo agad si Tyler. Sabihin niyong narinig kong hindi maganda ang kalagayan ni Lord Moore kaya bibistahin niyo siya. Gusto kong pagtuunan niyo ng pansin ang pisikal na kondisyon ni Lord Moore. Siguraduhin niyong magiging ligtas siya kahit ano ang mangyari.”“May balak magrebelde ang mag-amang iyon?! Ibig sabihin ba s
Nasa senior pa ng university si Nanako. Sa kasalukuyan, 22 palang ang edad niya. Magkasing tanda lang sila ni Aurora.Samantalang, magka-edad naman si Jasmine at Charlie.Sa madaling salita, apat na taon ang tanda ni Jasmine kay Nanako.Makatuwiran lang naman na tawaging ate ni Nanako si Jasmine.Pero, hindi mapigilang makaramdam ng tuwa ni Jasmine dahil sa pakikitungo ni Nanako sa kanya.Matapos ang lahat, si Nanako ang kasalukuyang head ng pamilya Ito, ang pinakamalaking pamilya sa Japan. Ilang beses na mas malakas at mas makapangyarihan ang pamilya Ito kumpara sa pamilya Moore.Kahit ganito ang hawak na kapangyarihan at impluwensya ni Nanako, puno pa rin siya ng respeto kay Jasmine at handa siyang tawagin itong ate. Hindi mapigilang maantig ni Jasmine dahil pakiramdam niya naging malapit rin siya kay Nanako.Matapos ang lahat, maraming pwedeng pag-usapan ang mga babae. Mabilis gumaan ang loob nila sa isa’t isa kaya marami silang pinag-usapang bagay.Sa pagkakataong ito, kaba
Biglang may naalala si Charlie kaya kinausap niya si Yahiko, “Nga pala, Mr. Ito, gusto ko pa sanang humingi ulit ng pabor sa inyo.”Agad na tumugon si Yahiko, “Sabihin mo lang. Walang problema!”Sumagot si Charlie, “Ano ang pangalan ng vice-chairman ng Nippon Steel? Siya ang kausap ni Jasmine tungkol sa terms ng kontrata, hindi ba? Hashimoto Kazumi ba ang tawag sa kanya?”“Oo.” Tumango si Yahiko, “Hashimoto Kazumi nga ang pangalan niya!”Ngumisi si Charlie, “Gusto ko sanang magpadala ka ng ilang ninjas para dukutin siya pero huwag niyo siyang dadalhin dito. Pakidala na lang siya sa daungan. Ilagay niyo siya sa isang cabin ng yateng sasakyan namin. Dadalhin ko ang tarantadong iyon pabalik ng Aurous Hill!”Tumugon si Yahiko nang walang pag-aalangan, “Sige, Mr. Wade! Ipapautos ko na agad ang bagay na iyan!”Kahit isang mataas na executive sa Nippon Steel si Kazumi at masasabing mataas ang estado niya sa buhay at may kapangyarihan siya, malayo pa rin siya kumpara sa pamilya Ito.Mad
Sa nakaraang tatlong daang taon, hindi niya mabilang kung gaano karaming beses niyang pinag-isipan na tapusin ang sarili niyang buhay. Pero, nang maisip niya ang sakripisyo ng kanyang ama kapalit ang imortalidad niya, palagi niyang natatanggal ang kaisipan na magpakamatay.Dahil, alam niya sa puso niya na ang pinakamalaking hiling ng kanyang ama bago siya mamatay ay patuloy siyang mabuhay. Umaasa siya na mabuhay nang matagal ang kanyang mahal na anak, hindi lang isang daang taon, ngunit mas maganda kung limang daang taon. Samantala, ang sarili niyang buhay ay natapos sa edad na 41.Dahil dito, si Vera, na maraming beses nang muntikan masiraan, ay nagngalit at nagpursigi. Gayunpaman, matagal nang pinahirapan at sinira ng imortalidad ang puso niya.Naawa talaga si Charlie sa dalaga sa harap niya kahit na halos 400 years old na siya.Sa sandaling ito, bumuntong hininga nang malalim si Vera, at namula ang mga mata niya habang humikbi at sinabi, “Salamat, sa pagmamalasakit mo, Young Mas
Nakinig nang namamangha si Charlie at hindi maiwasan na tanungin siya, “Sa Northern Europe, may matandang lalaki kang kasama. Tinawag mo siyang ‘lolo’ sa harap ko, pero isa ba siya sa mga ulila na pinalaki mo?”Ngumiti nang kaunti si Vera at sinabi, “Si Mr. Raven ang matandang lalaki na binanggit mo, at siya ang huling abandonadong sanggol na inampon ko sa Eastcliff pagkatapos ng nangyari noong July 7th bago ako pumunta sa United States.”Pagkatapos huminto saglit, nagpatuloy si Vera, “Sa totoo lang, karamihan ng mga ganitong bata ay magtatayo ng negosyo para sa sarili nila sa tulong ko pagkatapos nila maging 20 years old. Ang ilang asset ay ipagkakatiwala sa kanila para pamahalaan nila, pero isa talaga itong regalo mula sa akin. Sa mahigit dalawang daang taon, napakaraming kong binigay na kayamanan.”“Kaunti lang, tulad ni Mr. Raven, na may malalim na pagmamahal, ang handang manatili sa tabi ko. Pinanatili ko rin sila sa tabi ko. Dahil, bilang isang babae na kulang sa kakayahan par
Sa una, akala niya ay bakan tumira lang si Vera sa mga tagong lugar para hindi siya mahuli pagkatapos tumakbo ng napakaraming taon. Pero, hinding-hindi niya inaasahan na palagi siyang nasa unahan ng mundo.Nakakasorpresa na kahit sa patagong paglalakbay niya, naisip niya na mag-ambag sa Oskia, tugma sa mga layunin ni Elijah. Katulad talaga siya ng kanyang ama.Itinuloy ni Vera ang kanyang kuwento at sinabi, “Noong una akong dumating sa Hong Kong, nakipag-ugnayan ako sa Oskia Revival Association gamit ang ilang dating koneksyon. Pero, nang maghahanda na akong makipagkita sa kanila, na-ambush siya ng mga assassin mula sa Qing Eliminating Society. Nakatakas lang ako nang bahagya sa oras na iyon.”Tinanong ni Charlie, “May lumabas ba na impormasyon sa oras na iyon?”Tumango si Vera at ipinahayag ang damdamin niya, “Oo. Hindi ko alam na sa oras na iyon, napasok na nang palihim ng mga tao ni Fleur ang Oskia Revival Association.”Pagkatapos itong sabihin, idinagdag ni Vera, “Pagkatapos m
Kahit na palihim na hinahangad ni Charlie ang Thunderstrike wood ni Vera, nag-atubili siyang hingin ito nang lantaran. Dahil, pinahahalagahan ni Vera ang bagay na ito na mahigit tatlong daang taon, at siguradong napakahalaga nito sa kanya. Pero, alam ni Charlie na hindi niya kailangan mabalisa nang sobra.Sa kasalukuyang sitwasyon, kahit na ibigay sa kanya ni Vera ang Thunderstrike wood, hindi niya ito malilinang.Kaya, tumingin si Charlie kay Vera at tinanong ang isang tanong na nagpausisa sa kanya, “Miss Lavor, sobrang interesado akong malaman kung paano mo pinalampasa ang tatlong daang taon na ito?”Nagkibit balikat si Vera at tumawa na parang sinisisi ang sarili niya, “Hindi ako magaling sa Reiki tulad ni Fleurr, kaya hindi ko kayang makipaglaban sa kanya. Sa nagdaang tatlong daang taon, palagi akong tumatakbo.”Pagkatapos itong sabihin, nagpatuloy si Vera, “Medyo ayos lang ang unang dalawang daang taon. Sa oras na iyon, hindi madali ang transportasyon, at hindi pa maunlad ang
Tumawa si Charlie na parang sinisisi ang sarili niya at tumango habang sinabi, “Wala man lang pala para sa Diyos ang mabuhay ng isang libong taon. Hindi ito karapat-dapat para magpadala siya ng mga kidlat.”Tumango nang bahagya si Vera, “Mukhang gano’n na nga.”Pagkatapos itong sabihin, hindi niya mapigilan na bumuntong hininga, “Pero, may koneksyon nga kayo ni Master Marcius Stark. Kahit na pumanaw na si Master Marcius Stark ng mahigit tatlong daang taon noong ipinanganak ka, may ugnayan ka pa rin sa kanya sa unang limang daang taon na buhay niya at ang pangalawang limang daang taon na buhay niya…”Sa puntong ito, biglang tinanong nang mausisa ni Vera, “Maaari ko bang itanong, paano ka nagsimulang mag-cultivate, Young Master? Sino ang marangal na nakatatanda na gumabay sayo at nagpasok sayo sa cultivation?”Nang makita ni Charlie na sinabi na ni Vera ang lahat ng nakaraan at sikreto niya, hindi na niya itinago ang kahit ano at sinabi, “Nagkataon na may nakuha akong isang sinaunang
Nabigla si Vera sa pangalan na sinabi ni Charlie.Si Charlie ang tuloy-tuloy na nagulat ngayong gabi, habang nanatili siyang kalmado mula sa umpisa kahit na medyo malungkot siya habang pinag-uusapan ang kanyang ama. Pero, nang binanggit ni Charlie ang mga salitang ‘Marcius Stark’, biglang nagulat nang sobra si Vera!Sinabi niya nang hindi nag-iisip, “Paano mo nalaman ang totoong pangalan ng master?! Mahigit tatlong daang taon na simula noong pumanaw siya, at nag-cultivate siya sa seklusyon sa Mount Tason ng sa loob ng isang libong taon noong buhay pa siya. Sobrang kaunting tao lang ang may alam tungkol sa kanya kahit noong buhay pa siya…”Hindi mapigilan ni Charlie na bumuntong hininga at sabihin, “Marcius Stark, na ang orihinal na pangalan ay Martin, ay ipinanganak sa Coleham. Pagkatapos mag-cultivate, tinawag siyang Longevity Master at binago ang pangalan niya na Marcius Stark.”Mas lalong nagulat si Vera, “Young Master, paano mo nalaman ang napakaraming impormasyon tungkol sa ma
“Sa sumunod na dalawang taon, kumuha ang aking ama at si Fleur ng mga determinadong makabayan na gustong ibalik ang bansa natin. Patuloy silang nakipaglaban sa Qing army, pero dahil sa limitadong lakas nila, hindi nila nabago ang unti-unting pagsasama-sama ng Qing army.”“Sa taong 1662, ang tanyag na traydor, si Sanguine, ay pinatay ang hari ng Yorkshire Hill. Napuno ng lungkot ang aking ama at nagdalamhati siya nang sobra. Nakipagtulungan siya kay Fleur at pinangunahan ang mga makatarungan na tao mula sa Qing Eliminating Society para patayin si Sanguine. Sa kasamaang palad, nabigo ang misyon nila.”“Ang aking ama at si Fleur ay hinabol ng sampu-sampung libong sundao mula sa Qing army, at dahil nasa ilalim na ng kontrol ng Qing army ang mga rehiyon sa loob ng bansa, nagpasya silang tumakas sa Taiwan at magtago doon para patuloy na labanan ang Qing army. Sa hindi-inaasahan, hindi matagal pagkatapos nilang umalis, dumating ang balita na biglang pumanaw ang leader ng Taiwan. Dahil wala
Nang marinig niya ang pangalan na ‘Fleur Wiley’, lumaki ang mga mata ni Charlie sa gulat at tinanong, “Babae ang leader ng Qing Eliminating Society?”Tumango si Vera, nagngalit, at sinabi, “Hindi lang siya isang babae, ngunit siya ang pinakamalupit na babae sa buong mundo!”Tinanong ni Charlie sa sorpresa, “Kung siya ang kapatid ng sinumpaang kapatid ng iyong ama, hindi ba’t nabubuhay na rin siya ng tatlo o apat na raang taon?”Nag-isip saglit si Vera at sinabi, “Isang taon na mas bata si Felur sa ama ko, at dalawampu’t tatlong taon na mas matanda siya kaysa sa akin. Apat na raang taon na siya ngayon.”Sinabi ni Charlie, “Uminom din siguro siya ng Eternal Pill, tama?”“Syempre,” sinabi nang emosyonal ni Vera, “Ang Eternal Pill ay binigay sa ama ko at kay Fleur ng kanilang master. Sa una ay nag-iwan siya ng tig-isang pill sa kanila, umaasa na maipagpapatuloy nila ang layunin na pabagsakin ang Qing Dynasty. Bukod sa tig-isang Eternal Pill, ipinagkatiwala rin ng master nila sa ama ko
“Mabilis kong pinahiga nang pansamantala ang aking ama, at binigyan niya ako ng isang hindi kilalang pill, inutusan ako na inumin ito nang masunurin nang hindi nagtatanong.”“Hindi ko alam ang mga epekto ng pill na ito, pero hindi ko kayang suwayin ang utos ng aking ama. Kaya, ininom ko ang pill. Pagkatapos ko itong inumin, sinabi sa akin ng ama ko kung anong pill ito at ang mga epekto nito.”Habang nagsasalita siya, namula ang mga mata niya, at sinabi niya sa malambot na boses, “Para naman sa kung bakit hindi ito ininom ng aking ama at binigay ang Eternal Pill sa akin, sinabi niya na ito ay dahil ayaw niyang makita ang araw nang siya, bilang ama, ay kailangan akong panoorin na tumanda at mamatay nang unti-unti sa harap niya. Sinabi rin ng ama ko na kung may pill na kayang hayaan ang isang ama na mabuhay para panoorin ang kanyang anak na babae na unti-unting tumanda at mamatay, hindi isang elixir ang pill na iyon ngunit isang lason.”‘Sinabi ng ama ko na kailangan niyang mamatay bag