Pagkatapos, pumasok na si Albert sa call, “Master Wade, may ipapagawa ka ba sa akin?”Tumugon si Charlie. “Ganito ang sitwasyon. May sasabihin ako sa inyo. Pinagkakatiwalaan ko kayong dalawa. Kaya, kailangan niyong panatiling sikreto ang lahat ng sasabihin ko. Huwag niyong kakalimutan ang bagay na iyan. Nauunawaan niyo ba ako?”Sabay na sumagot ang dalawa, “Huwag kayong mag-aalala! Pananatilihin naming sikreto ang bagay na ito. Gagawin namin ang lahat ng makakaya namin para magawa ang pinapautos niyo!”Tumango nang bahagya si Charlie saka siya nagpatuloy, “Handa na si Tyler at Reuben para agawin ang buong pamilya Moore mula sa pamamahala ni Jasmine. Gusto kong kontakin niyo agad si Tyler. Sabihin niyong narinig kong hindi maganda ang kalagayan ni Lord Moore kaya bibistahin niyo siya. Gusto kong pagtuunan niyo ng pansin ang pisikal na kondisyon ni Lord Moore. Siguraduhin niyong magiging ligtas siya kahit ano ang mangyari.”“May balak magrebelde ang mag-amang iyon?! Ibig sabihin ba s
Nasa senior pa ng university si Nanako. Sa kasalukuyan, 22 palang ang edad niya. Magkasing tanda lang sila ni Aurora.Samantalang, magka-edad naman si Jasmine at Charlie.Sa madaling salita, apat na taon ang tanda ni Jasmine kay Nanako.Makatuwiran lang naman na tawaging ate ni Nanako si Jasmine.Pero, hindi mapigilang makaramdam ng tuwa ni Jasmine dahil sa pakikitungo ni Nanako sa kanya.Matapos ang lahat, si Nanako ang kasalukuyang head ng pamilya Ito, ang pinakamalaking pamilya sa Japan. Ilang beses na mas malakas at mas makapangyarihan ang pamilya Ito kumpara sa pamilya Moore.Kahit ganito ang hawak na kapangyarihan at impluwensya ni Nanako, puno pa rin siya ng respeto kay Jasmine at handa siyang tawagin itong ate. Hindi mapigilang maantig ni Jasmine dahil pakiramdam niya naging malapit rin siya kay Nanako.Matapos ang lahat, maraming pwedeng pag-usapan ang mga babae. Mabilis gumaan ang loob nila sa isa’t isa kaya marami silang pinag-usapang bagay.Sa pagkakataong ito, kaba
Biglang may naalala si Charlie kaya kinausap niya si Yahiko, “Nga pala, Mr. Ito, gusto ko pa sanang humingi ulit ng pabor sa inyo.”Agad na tumugon si Yahiko, “Sabihin mo lang. Walang problema!”Sumagot si Charlie, “Ano ang pangalan ng vice-chairman ng Nippon Steel? Siya ang kausap ni Jasmine tungkol sa terms ng kontrata, hindi ba? Hashimoto Kazumi ba ang tawag sa kanya?”“Oo.” Tumango si Yahiko, “Hashimoto Kazumi nga ang pangalan niya!”Ngumisi si Charlie, “Gusto ko sanang magpadala ka ng ilang ninjas para dukutin siya pero huwag niyo siyang dadalhin dito. Pakidala na lang siya sa daungan. Ilagay niyo siya sa isang cabin ng yateng sasakyan namin. Dadalhin ko ang tarantadong iyon pabalik ng Aurous Hill!”Tumugon si Yahiko nang walang pag-aalangan, “Sige, Mr. Wade! Ipapautos ko na agad ang bagay na iyan!”Kahit isang mataas na executive sa Nippon Steel si Kazumi at masasabing mataas ang estado niya sa buhay at may kapangyarihan siya, malayo pa rin siya kumpara sa pamilya Ito.Mad
Sa pagkakataong ito, nagpatuloy si Yahiko at Shinwa sa usapan nila saka sinabi ni Yahiko kung ano kailangan niya.“Shinwa, may dalawang dahilan kung bakit kita inimbitahan sa bahay ngayon. Una, gusto kong matikman mo ang bluefin tuna pati na rin ang fifty-year-old Yamazaki whiskey na inihanda ko.”Napangiti nang bahagya si Shinwa saka siya nagtanong, “Ano naman ang isa pang bagay?”Ngumiti si Yahiko, “Hindi ba naghahanap ka ng oportunidad na bumuo ng isang joint venture sa Oskia? Ipapakilala kita sa isang mabuting business partner. Siya si Miss Jasmine Moore ng Moore Group.”Pagkatapos, itinuro ni Yahiko si Jasmine na nakaupo sa dining room.Nagulantang si Shinwa nang makita niya si Jasmine.Hindi niya mapigilang matigilan.Nasorpresa siya, “Moore… Miss Moore?! Hindi ba nireport sa TV na nawawala si Miss Moore pagkatapos ng aksidente niya?! Bakit siya… bakit siya andito?!”Sa pagkakataong ito, nagsalita si Yahiko, “Isang panauhing pandangal ng pamilya namin si Miss Moore. Naka-
Kung iyan ang kaso, mas mabuting itulak na lang nila ang lahat ng pabor kay Charlie.Dahil babawi naman siya sa mga pabor na ito, hindi rin magtatagal ang mga utang na loob niya. Para maiwasan ang gulo, hindi na sila magtatagal ni Jasmine sa Tokyo, kaya mas mabuting bayaran niya na ang mga pabor bago sila umalis!Nang maisip ito, sinabihan ni Charlie si Jasmine at Nanako, “Jasmine, Nanako, pwede bang umalis muna kayo saglit? May mga dapat lang kaming pag-usapan bilang lalaki.”Tumayo si Nanako nang walang pag-aalangan saka siya ngumiti, “Jasmine, mahilig ka ba sa mga aso?”Tumango si Jasmine, “Mahilig ako sa mga aso!”Ngumiti si Nanako, “May ilang mga purebred Akita dogs ako sa bahay, may anim rin akong mga tuta na dalawang buwan pa lang. Ang cute nilang tignan. Nasa bakuran sila ng bahay. Gusto mo bang dalhin kita roon para makita sila?”Sabik na sumagot si Jasmine, “Gustong-gusto ko iyan! Tara na!”“Sige!”Nang makita ni Charlie na paalis na sila Nanako at Jasmine, inalis niy
Napatitig si Charlie kay Shinwa. Kita ang pananabik sa mukha ng president ng Nippon Steel. Tinapik ni Charlie ang mesa nang dalawang beses saka siya ngumiti, “Mr. Watanabe, ako, si Charlie Wade, hindi ako magsasabi ng kahit anong bagay na hindi ako sigurado. Kung hindi kita mapapagaling, hindi ko babanggitin ang ganitong bagay.”Agad na natuwa si Shinwa sa sagot ni Charlie. Hindi niya mapigilang bumulalas, “Mr. Wade, kung talagang mapapagaling mo ako, handa akong pumayag sa kahit anong kondisyon mo!”Kahit hindi kasing yaman ni Yahiko si Shinwa, masasabi pa ring isa siya sa pinakamayamang tao sa Japan.Dahil marami siyang pera, hindi na ito ang hinahanap niya. Sa pagtanda niya, iba na ang ambisyon niya.Ngayon, gusto niya na lang maging masaya sa buhay.Sa kasamaang palad, sa oras na dumating ang pagkakataong dapat siyang magsaya sa buhay, unti-unti nang nawawala ang kakayahan niyang lasapin ang pag-ibig nilang mag-asawa.Bilang isang lalaki, may pera, kapangyarihan, at impluwens
Pagkatapos, tumayo si Charlie saka siya bumalik sa kwartong tinuluyan niya sa villa ng pamilya Ito.Pagdating niya sa kwarto niya, kumuha si Charlie ng dalawang malinis na baso mula sa drawer ng mesa. Pagkatapos, binuhusan niya ng tubig ang dalawang baso.Pagkatapos itong buhusan, inilabas ni Charlie ang isang Rejuvenating Pill mula sa kanyang bulsa.Binawasan nang kaunti ni Charlie ang Rejuvenating Pill na dala niya saka niya ito inilagay sa tubig.Maliit na bahagi lamang ng Rejuvenating Pill ang ginamit niya para sa dalawang baso, 10% lang ito ng kabuuang pill.Hindi naman dahil nagdadamot si Charlie.Una sa lahat, kahit magkaiba ang kondisyon ng dalawang lalaki, hindi naman malaki ang pangangailangan nila sa Rejuvenating Pill.Mahina si Yahiko pero dahil ito sa injuries at trauma na nakuha niya sa aksidente. Pagkatapos ng amputation surgery, naapektuhan nang matindi ang vitality niya.Sa ganitong kaso, maliit na bahagi lamang ng Rejuvenating Pill ang kakailanganin niya para
Habang gulat na gulat silang dalawa, napatitig si Charlie kay Shinwa habang nakangiti, “Halika, Mr. Watanabe, i-abot mo ang kamay mo sa akin. Susuriin ko lang ang pulso mo.”Nasa gitna pa ng saya si Shinwa dahil sa pagbalik ng kanyang pagiging lalaki. Nang marinig niya ang sinabi ni Charlie, tumango siya, “Pasensya na talaga sa abala, Mr. Wade!”Pagkatapos magsalita, agad niyang inabot ang kamay niya.Mabilis na sinuri ni Charlie ang pulso ni Shinwa. Sumunod, nagpadala siya ng kaunting reiki sa meridians nito.Sapat na ang reiki na ibinigay niya para masigurong patuloy na magiging “lalaki” si Shinwa buong buhay niya.Sa pagkakataong ito, hindi mapigilang maalala ni Shinwa ang minamahal niyang asawa.Nang maalala niya ang mga sandaling magkasama sila sa kama, naramdaman niyang nagsisimulang uminit ang katawan niya! May nangyayaring kakaiba!Sumunod, naramdaman niyang tumataas ang kanyang libido kaya hindi niya mapigilang mapuno ng tuwa!“Mabilis… Mabilis palang umepekto ang gamo
Sa nakaraang tatlong daang taon, hindi niya mabilang kung gaano karaming beses niyang pinag-isipan na tapusin ang sarili niyang buhay. Pero, nang maisip niya ang sakripisyo ng kanyang ama kapalit ang imortalidad niya, palagi niyang natatanggal ang kaisipan na magpakamatay.Dahil, alam niya sa puso niya na ang pinakamalaking hiling ng kanyang ama bago siya mamatay ay patuloy siyang mabuhay. Umaasa siya na mabuhay nang matagal ang kanyang mahal na anak, hindi lang isang daang taon, ngunit mas maganda kung limang daang taon. Samantala, ang sarili niyang buhay ay natapos sa edad na 41.Dahil dito, si Vera, na maraming beses nang muntikan masiraan, ay nagngalit at nagpursigi. Gayunpaman, matagal nang pinahirapan at sinira ng imortalidad ang puso niya.Naawa talaga si Charlie sa dalaga sa harap niya kahit na halos 400 years old na siya.Sa sandaling ito, bumuntong hininga nang malalim si Vera, at namula ang mga mata niya habang humikbi at sinabi, “Salamat, sa pagmamalasakit mo, Young Mas
Nakinig nang namamangha si Charlie at hindi maiwasan na tanungin siya, “Sa Northern Europe, may matandang lalaki kang kasama. Tinawag mo siyang ‘lolo’ sa harap ko, pero isa ba siya sa mga ulila na pinalaki mo?”Ngumiti nang kaunti si Vera at sinabi, “Si Mr. Raven ang matandang lalaki na binanggit mo, at siya ang huling abandonadong sanggol na inampon ko sa Eastcliff pagkatapos ng nangyari noong July 7th bago ako pumunta sa United States.”Pagkatapos huminto saglit, nagpatuloy si Vera, “Sa totoo lang, karamihan ng mga ganitong bata ay magtatayo ng negosyo para sa sarili nila sa tulong ko pagkatapos nila maging 20 years old. Ang ilang asset ay ipagkakatiwala sa kanila para pamahalaan nila, pero isa talaga itong regalo mula sa akin. Sa mahigit dalawang daang taon, napakaraming kong binigay na kayamanan.”“Kaunti lang, tulad ni Mr. Raven, na may malalim na pagmamahal, ang handang manatili sa tabi ko. Pinanatili ko rin sila sa tabi ko. Dahil, bilang isang babae na kulang sa kakayahan par
Sa una, akala niya ay bakan tumira lang si Vera sa mga tagong lugar para hindi siya mahuli pagkatapos tumakbo ng napakaraming taon. Pero, hinding-hindi niya inaasahan na palagi siyang nasa unahan ng mundo.Nakakasorpresa na kahit sa patagong paglalakbay niya, naisip niya na mag-ambag sa Oskia, tugma sa mga layunin ni Elijah. Katulad talaga siya ng kanyang ama.Itinuloy ni Vera ang kanyang kuwento at sinabi, “Noong una akong dumating sa Hong Kong, nakipag-ugnayan ako sa Oskia Revival Association gamit ang ilang dating koneksyon. Pero, nang maghahanda na akong makipagkita sa kanila, na-ambush siya ng mga assassin mula sa Qing Eliminating Society. Nakatakas lang ako nang bahagya sa oras na iyon.”Tinanong ni Charlie, “May lumabas ba na impormasyon sa oras na iyon?”Tumango si Vera at ipinahayag ang damdamin niya, “Oo. Hindi ko alam na sa oras na iyon, napasok na nang palihim ng mga tao ni Fleur ang Oskia Revival Association.”Pagkatapos itong sabihin, idinagdag ni Vera, “Pagkatapos m
Kahit na palihim na hinahangad ni Charlie ang Thunderstrike wood ni Vera, nag-atubili siyang hingin ito nang lantaran. Dahil, pinahahalagahan ni Vera ang bagay na ito na mahigit tatlong daang taon, at siguradong napakahalaga nito sa kanya. Pero, alam ni Charlie na hindi niya kailangan mabalisa nang sobra.Sa kasalukuyang sitwasyon, kahit na ibigay sa kanya ni Vera ang Thunderstrike wood, hindi niya ito malilinang.Kaya, tumingin si Charlie kay Vera at tinanong ang isang tanong na nagpausisa sa kanya, “Miss Lavor, sobrang interesado akong malaman kung paano mo pinalampasa ang tatlong daang taon na ito?”Nagkibit balikat si Vera at tumawa na parang sinisisi ang sarili niya, “Hindi ako magaling sa Reiki tulad ni Fleurr, kaya hindi ko kayang makipaglaban sa kanya. Sa nagdaang tatlong daang taon, palagi akong tumatakbo.”Pagkatapos itong sabihin, nagpatuloy si Vera, “Medyo ayos lang ang unang dalawang daang taon. Sa oras na iyon, hindi madali ang transportasyon, at hindi pa maunlad ang
Tumawa si Charlie na parang sinisisi ang sarili niya at tumango habang sinabi, “Wala man lang pala para sa Diyos ang mabuhay ng isang libong taon. Hindi ito karapat-dapat para magpadala siya ng mga kidlat.”Tumango nang bahagya si Vera, “Mukhang gano’n na nga.”Pagkatapos itong sabihin, hindi niya mapigilan na bumuntong hininga, “Pero, may koneksyon nga kayo ni Master Marcius Stark. Kahit na pumanaw na si Master Marcius Stark ng mahigit tatlong daang taon noong ipinanganak ka, may ugnayan ka pa rin sa kanya sa unang limang daang taon na buhay niya at ang pangalawang limang daang taon na buhay niya…”Sa puntong ito, biglang tinanong nang mausisa ni Vera, “Maaari ko bang itanong, paano ka nagsimulang mag-cultivate, Young Master? Sino ang marangal na nakatatanda na gumabay sayo at nagpasok sayo sa cultivation?”Nang makita ni Charlie na sinabi na ni Vera ang lahat ng nakaraan at sikreto niya, hindi na niya itinago ang kahit ano at sinabi, “Nagkataon na may nakuha akong isang sinaunang
Nabigla si Vera sa pangalan na sinabi ni Charlie.Si Charlie ang tuloy-tuloy na nagulat ngayong gabi, habang nanatili siyang kalmado mula sa umpisa kahit na medyo malungkot siya habang pinag-uusapan ang kanyang ama. Pero, nang binanggit ni Charlie ang mga salitang ‘Marcius Stark’, biglang nagulat nang sobra si Vera!Sinabi niya nang hindi nag-iisip, “Paano mo nalaman ang totoong pangalan ng master?! Mahigit tatlong daang taon na simula noong pumanaw siya, at nag-cultivate siya sa seklusyon sa Mount Tason ng sa loob ng isang libong taon noong buhay pa siya. Sobrang kaunting tao lang ang may alam tungkol sa kanya kahit noong buhay pa siya…”Hindi mapigilan ni Charlie na bumuntong hininga at sabihin, “Marcius Stark, na ang orihinal na pangalan ay Martin, ay ipinanganak sa Coleham. Pagkatapos mag-cultivate, tinawag siyang Longevity Master at binago ang pangalan niya na Marcius Stark.”Mas lalong nagulat si Vera, “Young Master, paano mo nalaman ang napakaraming impormasyon tungkol sa ma
“Sa sumunod na dalawang taon, kumuha ang aking ama at si Fleur ng mga determinadong makabayan na gustong ibalik ang bansa natin. Patuloy silang nakipaglaban sa Qing army, pero dahil sa limitadong lakas nila, hindi nila nabago ang unti-unting pagsasama-sama ng Qing army.”“Sa taong 1662, ang tanyag na traydor, si Sanguine, ay pinatay ang hari ng Yorkshire Hill. Napuno ng lungkot ang aking ama at nagdalamhati siya nang sobra. Nakipagtulungan siya kay Fleur at pinangunahan ang mga makatarungan na tao mula sa Qing Eliminating Society para patayin si Sanguine. Sa kasamaang palad, nabigo ang misyon nila.”“Ang aking ama at si Fleur ay hinabol ng sampu-sampung libong sundao mula sa Qing army, at dahil nasa ilalim na ng kontrol ng Qing army ang mga rehiyon sa loob ng bansa, nagpasya silang tumakas sa Taiwan at magtago doon para patuloy na labanan ang Qing army. Sa hindi-inaasahan, hindi matagal pagkatapos nilang umalis, dumating ang balita na biglang pumanaw ang leader ng Taiwan. Dahil wala
Nang marinig niya ang pangalan na ‘Fleur Wiley’, lumaki ang mga mata ni Charlie sa gulat at tinanong, “Babae ang leader ng Qing Eliminating Society?”Tumango si Vera, nagngalit, at sinabi, “Hindi lang siya isang babae, ngunit siya ang pinakamalupit na babae sa buong mundo!”Tinanong ni Charlie sa sorpresa, “Kung siya ang kapatid ng sinumpaang kapatid ng iyong ama, hindi ba’t nabubuhay na rin siya ng tatlo o apat na raang taon?”Nag-isip saglit si Vera at sinabi, “Isang taon na mas bata si Felur sa ama ko, at dalawampu’t tatlong taon na mas matanda siya kaysa sa akin. Apat na raang taon na siya ngayon.”Sinabi ni Charlie, “Uminom din siguro siya ng Eternal Pill, tama?”“Syempre,” sinabi nang emosyonal ni Vera, “Ang Eternal Pill ay binigay sa ama ko at kay Fleur ng kanilang master. Sa una ay nag-iwan siya ng tig-isang pill sa kanila, umaasa na maipagpapatuloy nila ang layunin na pabagsakin ang Qing Dynasty. Bukod sa tig-isang Eternal Pill, ipinagkatiwala rin ng master nila sa ama ko
“Mabilis kong pinahiga nang pansamantala ang aking ama, at binigyan niya ako ng isang hindi kilalang pill, inutusan ako na inumin ito nang masunurin nang hindi nagtatanong.”“Hindi ko alam ang mga epekto ng pill na ito, pero hindi ko kayang suwayin ang utos ng aking ama. Kaya, ininom ko ang pill. Pagkatapos ko itong inumin, sinabi sa akin ng ama ko kung anong pill ito at ang mga epekto nito.”Habang nagsasalita siya, namula ang mga mata niya, at sinabi niya sa malambot na boses, “Para naman sa kung bakit hindi ito ininom ng aking ama at binigay ang Eternal Pill sa akin, sinabi niya na ito ay dahil ayaw niyang makita ang araw nang siya, bilang ama, ay kailangan akong panoorin na tumanda at mamatay nang unti-unti sa harap niya. Sinabi rin ng ama ko na kung may pill na kayang hayaan ang isang ama na mabuhay para panoorin ang kanyang anak na babae na unti-unting tumanda at mamatay, hindi isang elixir ang pill na iyon ngunit isang lason.”‘Sinabi ng ama ko na kailangan niyang mamatay bag