Share

Kabanata 1896

Author: Lord Leaf
“F*ck you!” Galit na sumugod si Elaine kay Carmen bago siya direktang umupo sa tiyan ni Carmen. Mabilis na sinampal nang paulit-ulit ni Elaine ang mukha ni Carmen, “

Sa sandaling ito, naisip ni Elaine noong dinala sa hospital si Jacob. Gusto niyang makuha ang cheque na natanggap ng kanyang anak bilang sa refund sa rental ng office building. Pagkatapos ibigay ni Charlie ang cheque sa kanya, mabilis niyang kinuha ang cheque para bayaran ang mga bayarin sa hospital.

Sa hindi inaasahan, ang perang nakalagay sa cheque ay isang daang milyong dolyar!

Sa oras na iyon, nilait siya ng cashier at binantaan pa na tatawagan ang pulis para arestuhin siya.

Sa huli, galit na bumalik si Elaine kay Charlie, balak niya siyang harapin. Sa huli, nalaman niya na binili ni Charlie ang cheque sa isang funeral store, at balak niya itong sunugin bilang alay sa mga yumao niyang magulang.

Balintuna, kamukhang-kamukha ng dating isang daang milyong dolyar na cheque ni Charlie ang isang daang milyong dolyar na
Locked Chapter
Patuloy ang Pagbabasa sa GoodNovel
I-scan ang code upang i-download ang App

Kaugnay na kabanata

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 1897

    Nagulat ang boss ng beauty salon nang marinig niya na nag-aaway ng dalawang babae.“Hindi ba’t nag-uusap sila bilang magkaibigan? Bakit sila nag-aaway?!”Nagmamadaling sinabi ng empleyado, “Hindi ko rin alam, pero mukhang malaki ang alitan nila. Kung hindi ka pupunta doon ngayon din, natatakot ako na baka may mamatay!”Hindi maiwasang kabahan nang kaunti ng boss.Hindi pa siya tumatakas. Kung may mangyayaring mali sa sandaling ito, siguradong mahihirapan siya kung masasangkot ang mga pulis dito.Kaya, nagmamadali siyang pumunta doon para tingnan ang sitwasyon. Bago pa siya makarating, narinig na niya ang matinding away sa loob.Sumisigaw si Elaine sa kabilang bahagi ng pinto, “P*ta ka! Marahil ay hindi ako makalaban sa matabang hayop na si Jennifer, pero sa tingin mo ba talaga ay hindi kita kakayanin?!”Malianaw na lugi si Carmen, at nagngalit siya habang sinumpa niya, “Maghintay ka lang! Siguradong sisiguraduhin ko na maghihirap ka! Sisiguraduhin ko na hindi mo na makikita ang

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 1898

    Naisip niya, ‘Sa tingin ba ng babaeng ito ay tanga ako? Gusto niyang ibigay ko si Elaine sa kanya?! Kapag ginawa ko iyon, paano ipapaliwanag ng pamilya niya ang mga bagay-bagay kay Mr. Webb? At saka, wala akong pakialam kung paano siya napunta dito ngayong araw, pero dahil nahuli siya kasama si Elaine, kailangan ko rin siyang hulihin upang wala siyang makatagpong ibang problema dahil dinampot niya si Elaine.’Kaya, hindi pinansin ni Harold si Carmen at sinabi sa ilang binata, “Itali niya ang dalawang matandang babae na ito at kunin niyo sila!”Galit na sumigaw si Carmen nang marinig ito, “Gusto mong itali ko? Kilala mo ba kung sino ako?!”Sumagot nang nandidiri si Harold, “Wala akong pakialam kung sino ka. Sabihin mo kay Elaine kung sino ka kapag nagtrabaho na kayong dalawa sa brick factory!”Pagkatapos niyang magsalita, sinabi ni Harold sa ilang lalaki, “Gusto kong takpan niyo ang mga bibig nila!”Sumigaw na parang baliw si Carmen, “Nangahas kang hawakan ako? Ako si Carmen… mmm…”

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 1899

    Natakot si Harold sa tunog ng cellphone ni Carmen.Mabilis niyang sinaliksik ang bag ni Carmen bago niya nilabas ang isang Apple iPhone.Nang makita niya na may tumatawag sa kanya, nagmamadali niyang pinatay ang cellphone nang walang sinasabi. Pagkatapos, tinapon niya ang cellphone sa binti ni Carmen.Humikbi lang si Carmen, pero wala siyang magawa. Puno na siya ng pagsisisi sa sandaling ito.Inisip niya, ‘Bakit sobrang malas ko?! Bakit ako nagsasayang ng oras sa pakikipag-usap kay Elaine? Kung hindi dahil kay Elaine, hindi ako nakidnap ng mga lalaking ito!’Pero, wala nang saysay na mapuno siya ng pagsisisi. Kahit na siya ang pinakamatandang anak na babae ni Lord Wade, wala siyang magawa sa sandaling ito.Samantala, sa entrance ng Lizzie’s Beauty Salon, napagtanto ng bodyguard ni Carmen na hindi sinasagot ni Carmen ang tawag niya.Sa una ay hindi niya ito masyadong pinag-isipan. Dahil, alam niya na pumunta si Carmen dito ngayong araw para makipag-usap kay Elaine. Akala niya na

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 1900

    Bumuntong hininga si Isaac pagkatapos lumabas sa ward. Habang iniisip niya kung kailan aalis si Carmen, biglang tumunog ang cellphone niya.Ang taong tumawag sa kanya ay walang iba kundi ang bodyguard ni Carmen.Sinagot ni Isaac ang tawag, “Hello, si Isaac Cameron ito.”Kinakabahan nang sobra ang taong nasa kabilang dulo ng linya, tila ba malapit na siyang magkaroon ng break down. Nabulunan siya habang sinasabi, “Mr. Cameron, may masamang nangyari!”Kumunot ang noo ni Isaac habang tinanong niya, “Anong nangyari? Bakit ka kinakabahan nang sobra?” Nanginig ang boses ng taong iyon habang sinabi, “Mr. Cameron… Mr. Cameron… ang eldest lady… na… na… nakidnap siya!”Nagulantang saglit si Isaac!Anong sinasabi niya?!Nakidnap talaga si Carmen sa Aurous Hill?Sino ang sobrang tapang at nagawa niyang kidnapin ang isang tao mula sa pamilya Wade?!Kaya, sinabi niya nang nagmamadali, “Huwag ka munang mataranta. Ipaliwanag mo nang malinaw ang lahat sa akin, mula simula hanggang dulo!”Si

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 1901

    Kumilos agad ang halos lahat ng tao sa underground ng Aurous Hill dahil sa utos ni Charlie.Lumabas din mismo si Albert sa mga kalye kasama ang ilang tauhan niya para maghanap ng mga bakas na may kinalaman kay Elaine.Hindi alam ni Harold ang tungkol dito sa sandaling ito.Gusto niya lang maghiganti kay Elaine bago siya ipadala sa brick factory upang magsikap at maghirap siya sa buong buhay niya. Sa ganitong paraan, hindi niya lang mapipigilan ang kayabangan nina Charlie at Claire, ngunit mapaghihiganti niya rin ang kanyang ina.Nanabik din nang sobra si Christopher.Nasa pinakamataas na ang poot niya kay Elaine.Sa apat na tao sa pamilya ni Charlie, si Elaine ang pinaka kinamumuhian niya!Kinamumuhian niya nang sobra si Elaine dahil ipinadala si Hannah sa minahan ng uling dahil kay Elaine! Bukod dito, nabuntis pa si Hannah habanag nasa coal mine siya, at hinawaan niya pa siya ng iba’t ibang venereal disease noong umuwi siya.Pwede niya itong hayaan ang bagay na ito. Pero, nags

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 1902

    Tinanong ulit ni Harold, “Anong gagawin ko sa isa pang babae sa kotse? Sa sandaling iyon, wala akong ibang magagawa kundi kidnapin siya at dalhin siya dito kasama si Elaine. Pero, hindi natin alam kung sino siya.”Pinagtampal ni Christopher ang mga labi niya at sinabi, “Huwag ka munang mag-alala tungkol dito. Si Elaine muna ang uunahin natin, pwede nating ipadala ang babaeng iyon sa brick factory kasama si Elaine!”***Sa sandaling ito, natanggap na ng pamilya Wade ang balita na nakidnap si Carmen.Sa sandaling narinig ni Lord Wade ang tungkol dito, nagalit siya agad!Tinapon niya agad ang isa sa mga pinakamamahal niyang blue and white porcelain vase sa sahig sa sala bago siya galit na sumigaw, “May mga tao pa rin na nangahas na kidnapin ang isang miyembro ng pamilya Wade sa kabila ng lakas at katayuan ng pamilya Wade sa bansa? Hindi ba’t sobrang tapang nila?”Sa sandaling ito, tumingin lang sila Clayton, Caleb, at Carlisle sa isa’t isa nang walang sinasabi.Dahil, hindi talaga

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 1903

    Alam ni Isaac na siguradong siya ang mananagot kung may mangyayari kay Carmen sa teritoryo niya.Kung maiiwasan ni Carmen ang sakunang ito sa huli, ayos lang ang lahat. Pero, kung may mangyayaring masama kay Carmen, tapos na rin si Isaac.Bukod dito, naglaho rin ang biyenan na babae ni Charlie kasama si Carmen.Kaya, mas pinalakas niya ang paghahanap niya, at ipinadala niya rin ang lahat ng security guards na nagtatrabaho sa Shangri-La upang magkasama sa paghahanap para makakuha sila ng impormasyon tungkol sa kinaroroonan nina Carmen at Elaine sa lalong madaling panahon.Gayunpaman, kailangan nilang simulan ang mahirap na imbestigasyon nila sa beauty salon, kaya imposibleng mahanap nila agad sila.Umalis na si Charlie sa bahay sa sandaling ito, at dumiretso siya sa beauty salon para makipagkita kay Isaac.Nag-aalala siya nang sobra sa dalawang bagay. Una, nag-aalala siya na nilantad na ni Carmen ang totoong pagkakakilanlan niya kay Elaine. Pangalawa, nag-aalala siya na pinatay na

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 1904

    Nang marinig niya na uunahin muna ni Christopher ang biyenan na babae ni Charlie, sumaya at nanabik si Donald. Natatakot siya na hindi niya makikita ang isang magandang palabas, kaya, nagmamadali niyang inutusan ang tauhan niya na ihatid siya sa abandonadong bodega upang mapanood niya ito mismo.Sa sandaling dumating siya, si Harold mismo ang nagbukas ng pinto ng abandonadong bodega upang direktang makapasok ang Rolls-Royce ni Donald sa bodega.Sabik na naglakad si Christopher papunta sa kotse, at nagkusa siyang buksan ang pinto sa likod ng kotse para kay Donald.Sa sandaling bumukas ang pinto, yumuko nang magalang si Christopher habang sinabi, “Mr. Webb, nandito ka na!”Tumango si Donald. Nang makita niya si Elaine, na nakaupo sa lupa habang nakatali siya at magkatalikod sila ni Carmen, ngumisi siya habang sinabi, “Ito pala ang biyenan na babae ni Charlie, tama?” “Tama!” Sumagot si Christopher habang may bakas ng pait sa kanyang boses, “Ang babaeng ito ang numero unong basaguler

Pinakabagong kabanata

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5660

    “Ano… Anong sinabi mo?!” Pakiramdam ni Charlie na namanhid ang buong katawan niya dahil sa mga sinabi ni Vera. Hindi ito pagmamalabis. Nakaramdam talaga siya ng mahinang kuryente mula sa kanyang ulo hanggang paa!Sinabi ni Vera na napanood niya ang Mother of Pu’er Tea na nabigong lampasan ang kalamidad nito sa Heavenly Lake tatlong daang taon na ang nakalipas. Ang ibig sabihin ba nito ay mahigit 300 years old na siya?!Sa una ay hindi kayang maniwala ni Charlie sa sinabi ni Vera. Dahil, kahit na nahanap talaga ng isang tao ang daan sa mahabang buhay, karaniwan ay unti-unting proseso ito.Marahil ay mag-cultivate ang isang tao sa 20s o 30s, pero madalas posible na magsimula ang cultivation sa edad na 50 o 60, o mas matanda pa.Habang lumalalim ang cultivation ng isang tao, humahaba ang buhay niya, pero kahit ang isang cultivator na mahigit 100 years old, tulad ng great earl ng Qing Eliminating Society, ay napanatili lang ang hitsura niya na isang lalaki na nasa 60 years old.Kung m

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5659

    Humagikgik si Vera at sinabi, “Nagkataon, may natira pa na huling piraso ng Pu’er tea. Nag-aatubili akong inumin ito, at hinihintay ko ang araw na maitimpla ko ito para sayo para matikman mo ito. Charlie, mangyaring maghintay ka saglit!”Sinabi nang nagmamadali ni Charlie, “Miss Lavor, hindi mo na kailangan abalahin ang sarili mo. Bigyan mo na lang ako ng isang baso ng tubig.”Tumayo si Vera at hindi na lumingon habang sinabi, “Ang Pu’er tea na mayroon ako ay ang pinakamasarap ng Pu’er tea sa buong mundo. Charlie, siguradong pagsisisihan mo sa hinaharap kung hindi mo ito titikman.”Pagkatapos itong sabihin, idinagdag ni Vera, “At saka, ipapaliwanag ko ang lahat ng mga bagay kung saan ka nalilito, simula sa piraso ng Pu’er tea na iyon.”Pagkatapos ay mabilis na kinuha ni Vera ang kumpletong tea set niya at ang Pu’er tea na palagi niyang pinapahalagahan nang hindi na hinihintay ang sagot ni Charlie.Pagkatapos bumalik sa tabi ng kama, maingat na sinindihan ni Vera ang uling ng olibo

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5658

    Nang marinig ang paliwanag ni Vera, kumunot ang noo ni Charlie at tinanong, “Paano iyon posible? Nagsisinungaling ka siguro sa akin.”“Bakit ako magsisinungaling sayo?” Sinabi nang sigurado ni Vera, “Totoo talaga ito! Kaya kong mangako sa buhay ko!”Umiling si Charlie at sinabi nang sobrang seryoso at tapat, “Paniniwalaan kita kahit na may pagdududa ako. Naniniwala ako na kaya nga ng singsing na ito na ipadala ang tao sa iba, pero nang mangyari ang pagsabog kanina, hindi ikaw ang iniisip ko… Ang iniisip ko ay ang mga pumanaw na magulang ko…”Pagkasabi nito, patuloy na binulong ni Charlie, “Mukhang lumitaw sa isipan ko ang imahe ng asawa ko sa dulo. Kung totoo ang sinabi mo, dapat ay ipinadala ako ng singsing na ito sa asawa ko…”Tinikom ni Vera ang mga labi niya at sinabi nang may kaunting lungkot, “Charlie, hindi ako nagsisinungaling sayo. Natural na alam ko na hindi mo ako iisipin sa sandali ng buhay at kamatayan. Kaso nga lang ay ang ama ko ang nag-iwan ng singsing na ito sa aki

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5657

    Tumango si Vera at sinabi, “May kaunting alam ako sa lahat, pero mga pangunahing kaalaman lang.”Hindi mapigilan ni Charlie na bumuntong hininga at sabihin, “Nagdala ako ng maraming pill bago ako umalis, pero wala nang natira ngayon…”Pagkatapos itong sabihin, may naalala siya at mabilis niyang tinanong si Vera, “Siya nga pala, ano na ang petsa at oras ngayon?”Hindi alam ni Charlie kung gaano katagal ang lumipas bago siya napunta dito. Kung kaunting panahon lang ito, may oras pa siya para magmadaling umuwi at sirain ang sulat na iniwan niya para kay Claire. Kung matagal na panahon na ang lumipas, marahil ay nalaman na ni Claire ang tungkol sa sikreto niya.Nang makita ni Vera na nababalisa nang sobra si Charlie, sinabi niya nang nagmamadali, “Huwag kang mag-alala, Charlie. Karirinig ko lang ng ilang segundo ang pagsabog sa timog bago ka lumitaw sa hot spring pool. Nasa kalahating oras pa lang ang lumipas simula noon.”Sa wakas ay huminga na nang maluwag si Charlie nang marinig ni

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5656

    Pakiramdam ni Charlie na pagod na pagod na ang utak niya, at hindi niya maunawaan ang lohika. Sa sandaling ito, bigla niyang naalala na ginamit ni Vera ang pangalan na ‘Veron’ nang bumisita siya sa Aurous Hill, pero pagkatapos siyang makita, tinawag niyang ‘Vera’ ang sarili niya.Kahit na may kaunting pagkakaiba lang sa pangalan na ‘Vera’ at ‘Veron’, bukod-tangi ang kahulugan nito para kay Charlie.Agad siyang nakaramdam ng lamig sa kanyang gulugod at tinanong nang mahina sa gulat, “Hindi… Naa… Naaalala mo ako?”Tumango si Vera at nahihirapan na alalayan ang nanghihinang si Charlie habang papunta siya sa kanyang kwarto. Sinabi niya nang malambot, “Charlie, niligtas mo ang buhay ko sa Northern Europe. Hinding-hindi ko ito makakalimutan!”Nagulat nang sobra si Charlie. Binulong niya, “Bakit… Bakit naaalala mo pa rin? Maaari ba… Maaari ba na isa ka ring cultivator?”Ngumiti nang nahihiya si Vera at sinabi, “Charlie, hindi ako isang cultivator, pero medyo espesyal ang katawan ko, kaya

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5655

    Simula noong nawalan siya ng malay, walang ideya si Charlie kung gaano katagal na siyang lumulutang sa kawalan, hanggang sa huli, isang kaunting ilaw ang biglang lumitaw sa harap ng mga mata niya.Sa sandaling ito, kasama ng kaunting ilaw ay ang matinding sakit at malakas na pakiramdam ng kahinaan. Sa sobrang lakas ng pakiramdam ng kahinaan na ito, hindi niya man lang kayang buksan ang mga mata niya.Hindi katagalan, naramdaman niya na para bang binalot ng mainit na pakiramdam ang katawan niya, at parang nagbigay ng ilang kaginhawaan ang init na ito sa matinding sakit sa paligid niya. Pagkatapos ay nadiskubre niya na inaangat siya ng mainit na pakiramdam na ito.Pagkatapos nito, narinig niya ang isang pamilyar na boses na sinabi sa tainga niya, “Charlie!” Dahil sa tawag na ito, unti-unting bumalik ang paningin ni Charlie.Nang binuksan ng nanghihingang Charlie ang mga mata niya at nakita niya ang tao na nakatayo sa harap niya, natulala siya dahil bigla niyang nadiskubre na ang maga

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5654

    Walang sinabi si Isaac, sa halip, ipinakita niya lang ang screen ng kanyang cellphone sa harap niya.Nang makita ni Rosalie ang mga salita sa screen, agad natipon ang mga luha sa mga mata niya. Ang mga salita sa screen ay: ‘May nangyari sa Young Master. Panatilihin mo sana ang katahimikan mo at tulungan mo akong tipunin ang mga Harker para maghanap ng mga bakas!’Hindi nagsalita si Rosalie at tumango lang siya nang mabigat. Hind katagalan, mahigit sampung miyembro ng pamilya Harker ang nagmamadaling nagtipon, sumakay sa helicopter, at lumipad pabalik sa eksena ng pangyayari.Nang makita ni Rosalie ang nakakatakot na eksena, pakiramdam niya na tila ba pinunit ang puso niya, at hindi niya nakontrol ang mga luha niya. Pero, pinunasan niya ang mga luha niya at naghanap ng mga bakas sa paligid ng bilog na lugar ng pagsabog kasama ang mga miyembro ng pamilya Harker.Patuloy na pinalawak ng mahigit isang dosenang tao ang paghahanap nila, umabot pa ng radyus na isang kilometro mula sa gitn

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5653

    Biglang huminto saglit ang puso ni Merlin nang marinig niya na ang mga shell fragment sa kamay ni Albert ay pagmamay-ari ni Charlie.Binulong niya sa sarili niya, “Mga gamit ni Charlie? Hindi ba’t ang ibig sabihin ay napahamak siya?”Pagkasabi nito, mabilis siyang yumuko para maingat na suriin ang mga bakas na iniwan ng pagsabog. Sa pag-obserba ng direksyon ng pagsabog, nakahanap siya ng mas maraming piraso ng Tridacna sa lupa.Namutla ang kanyang mukha, at binulong niya, “Sobrang lapit ng mga gamit ni Charlie sa gitna ng pagsabog. Hindi ba’t ang ibig sabihin ay malapit siya sa gitna nang mangyari ang pagsabog?!”Nang marinig ito, namaga ang mga mata ni Albert sa luha, at napaiyak siya. Hindi siya makapaniwala habang sinabi niya kay Merlin, “Chief Lammy, sobrang lakas ni Master Wade. Hindi siguro siya masasaktan sa ganitong uri ng pagsabog, tama?”Nag-squat si Merlin sa sahig, pinulot ang piraso ng tumigas na itim na lupa, puwersahan itong kinuskos, at pagkatapos ay inamoy ito. Ma

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5652

    Pagkasabi nito, si Albert, na natataranta, ay tumakbo agad palabas at sumakay sa helicopter na naghihintay sa courtyard. Pagkatapos ay sinabi niya nang balisa sa piloto na naka-standby, “Bilis! Paliparin mo!”Sa sandaling ito, isang tao ang mabilis na tumakbo palabas, at tumalon si Merlin sa helicopter gamit lang ang ilang hakbang, sinasabi, “Mr. Albert, sasama ako sayo!”Sinabi nang nagmamadali ni Albert, “Chief Lammy, kumikilos ako ayon sa mga utos ni Master Wade para siguraduhin ang kaligtasan mo at ang mga miyembro ng pamilya Acker. Mas mabuti na manatili ka dito!”Umiling si Merlin at sinabi, “Mr. Albert, huwag mong kalimutan na isa akong pulis. Kung may hindi inaasahang sitwasyon, lalo na ang pag-iimbestiga sa eksena, walang mas propesyonal kaysa sa akin!”Pagkatapos itong pag-isipan, pumayag si Albert at sinabi, “Kung gano’n, kailangan kitang abalahin, Chief Lammy!”Pagkatapos itong sabihin, humarap siya sa piloto at sinabi, “Umalis na tayo!”Binilisan ng helicopter ang ma

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status