“Ano?!” Nagulantang sina Ichiro at Jiro sa sandaling ito.Gusto ni Charlie ang 80% ng shares ng Kobayashi Pharma?!Sobra talaga ang hinihiling niya!Hindi lamang siya nanghihingi ng napakalaking presyo!Ninanakawan niya na sila!Sobrang hindi komportable ng hitsura ni Ichiro.Sa totoo lang, sa una ay akala niya na manghihingi lang ng pera si Charlie. Bukod dito, ayos lang sa kanya kahit na manghingi si Charlie ng bilyong-bilyong dolyar. Gagawin niya lang ito at ibibigay agad kay Charlie ang pera. Dahil, alam niya na mabilis na kikitain ulit ito ng Kobayashi Pharma.Pero, hindi niya talaga inaasahan na hihingin ni Charlie ang 80% ng shares ng Kobayashi Pharma!Sa sandaling narinig ito ni Jiro, na nakatayo sa gilid, naintindihan niya agad ang layunin ni Charlie.Bakit gustong makuha ni Charlie ang mga shares ng Kobayashi Pharma?Marahil ay dahil gusto niyang gawin ang Apothecary Stomach Pill sa buong kapasidad.Halimbawa, kung ang kasalukuyang market value ng Kobayashi Pharma
Sa totoo lang, sa puntong ito, may napagtanto na ang dalawang magkapatid.Sa sandaling ito, ang pera ay isang panlabas na bagay lang.Ang mahalaga talaga sa kanila ngayon ay ang kalayaan nila at ang pagkakakilanlan nila bilang pinuno ng pamilya Kobayashi!Kahit na 10% na lang ang shares na mayroon siya, masisiguro pa rin niya na mabubuhay siya nang mabuti sa buong buhay niya.Pero, kung makukulong siya sa isang dog farm sa ibang bansa, hinding-hindi siya magkakaroon ng pagkakataon na mabaliktad ito sa buong buhay niya.Kaya, kung papipiliin sila sa dalawang ito, para talagang pinagkumpara ang langit at impyerno.Nang marinig ni Jiro na handang ibigay ni Ichiro ang 90% ng share kay Charlie, malapit na siyang mabaliw.Sinabi niya nang desperado, “Mr. Wade, kung handa kang makipagtulungan sa akin, kaya kong ibigay sayo ang 95% ng shares!”Bahagyang ngumiti si Charlie bago sinabi, “Jiro, sa tingin ko ay medyo nahuli ka nang bumalik sa diwa mo. Sa tingin ko ay mas mabuti para sa aki
Sa daan pauwi, nakatanggap si Charlie ng isang push notification sa kanyang cellphone.Ang notification ay isang balita na may headline na ‘Ang talentadong Japanese na babaeng combat and fighting athlet, si Ito Nanako, ay wala na sa panganib. Sinabi ng mga doktor na marahil ay kailangan niyang magpaalam sa ring sa hinaharap!’Sa sandaling nakita niya ulo ng balita, namamadaling pinindot ni Charlie ang post para basahin ang laman ng ulat.Bumalik pala si Nanako sa Japan, at agad siyang nakatanggap ng emergency treatment sa pinakamagandang hospital sa Tokyo.Bukod dito, nagkaroon siya ng seryosong injury. Sa totoo lang, napinsala nang sobra ang mga internal organ niya sa oras na iyon at may banta sa buhay niya ang kondisyon niya.Pagkatapos ng ilang oras na emergency treatment, sa wakas ay nawala na siya sa panganib.Pero, kahit na wala na siya sa panganib, hindi pa rin optimistiko ang pisikal na kondisyon ng kanyang katawan. Sinabi ng media ang mga sinabi ng pinakamagaling na dokt
Para kay charlie, kahit na gamit niya ang pagkakakilanlan bilang Master Wade o young master ng pamilya Wade, hindi niya sineryoso ang munting kalaban tulad ni Dylan.Kahit na malaki at makapangyarihan din ang pamilya Koch sa Eastcliff, hindi talaga malaki ang kanilang komprehensibong lakas.Marahil ay hindi makatakas sa mga mata ni Charlie ang buong pamilya Koch, lalo na ang isang katulad ni Dylan.Natural ay alam ni Isaac ang lakas at galing ni Charlie.Ito ang taong pumatay sa Big Eight na ipinadala ng pamilya Webb gamit lang ang isang kilos!Talagang hindi matatapatan ng pamilya Koch si Charlie.Pero, alam ni Isaac kung anong uri ng lugar ang Eastcliff. Hindi ito isang simpleng lugar, ngunit sobrang komplikado nito. Sa totoo lang, marahil ay maraming nakatagong panganib dito kahit na mukhang payapa at kalmado ang lugar na ito. Pwedeng mangyari ang kahit ano at kahit anong uri ng panganib ang maaaring biglang lumitaw nang gano’n lang.Bukod dito, mag-isang pupunta si Charlie s
Naantig nang sobra si Claire sa mga sinabi ni Charlie.Hindi niya mapigilang lumapit kay Charlie habang sumandal siya nang marahan sa mga braso niya. Tumingin siya sa mga bituin sa langit habang sinabi niya nang masaya, “Pang-apat na taon na ng kasal natin pagkatapos ng New Year.”“Tama.” Hindi maiwasang bumuntong hininga ni Charlie habang sinabi, “Apat na taon na. Ang bilis talaga ng oras.”“Gano’n ba kabilis?” Sumagot nang tapat si Claire, “Sa tingin ko ay hindi ito mabilis. Sa mga nakaraang apat na taon, masyadong maraming bagay ang nangyari. Maraming pagbabago ang nangyari, lalo na sayo.”Hinawakan ni Charlie ang kanyang ilong at sinabi, “Ano? Nagbago ba ako?”Tumango si Claire habang sinabi, “Syempre nagbago ka! Kahit ano pa sa pakiramdam na binibigay mo sa iba, sa aura mo, o ugali, mukhang sobrang laki ng pinagbago mo simula noong una tayong kinasal.”Habang nagsasalita siya, bumulong nang malambot si Claire, “Pero, kakaiba talaga ito. Mukhang tila ba sobrang laki ng pinagb
Tumawa si Charlie pero wala siyang sinabi pagkatapos marinig ang mga sinabi ni Claire.Alam niya kung bakit tinigilan ni Lord Wilson ang pagsasabi tungkol dito pagkatapos niyang makasal kay Claire. Marahil ay dahil naramdaman ni Lord Wilson na nabayaran niya na ang mga utang niya sa pamilya Wade dahil hinayaan niyang makasal siya kay claire at binigyan niya siya ng isang pamilya.Pero, syempre ay hindi pwedeng sabihin ito ni Charlie kay Claire.Sa sandaling ito, biglang tumingin si Claire sa langit at sinabi nang masaya, “Wow! Nagkaroon talaga ng snow!”Tumingala si Charlie at isang piraso ng snow ang nahulog sa kanyang noo. Pagkatapos magdala ng isang bakas ng lamig, agad natunaw ang snow.Sa una, ilang snowflakes lang ang paminsan-minsan na pumapatay, pero makalipas ang sampung minuto, bumagsak na ang mga snowflake mula sa kalangitan ng gabi.Bihira lang talaga na magkaroon ng snow sa isang souther city tulad ng Aurous Hill.Parang isang bata si Claire habang sumasayaw siya na
Sumagot nang magaan si Charlie, “Hindi. Mas madali kung mag-isa lang ako.”Ngumiti si Elaine bago siya tumango at sinabi, “Kung gano’n, mag-ingat ka papunta doon!”Pagkatapos niyang magsalita, pinanood ni Elaine na umalis si Charlie. Pagkatapos, sinabi niya nang nagmamadali, “Mabuti kong manugang, kung may nakita kang magandang bagay sa Eastcliff, tandaan mo na ibalik ito para sa mama mo!”“Okay,” sumagot si Charlie habang umalis siya sa bahay.***Sa Aurous Airport, hindi nagdala si Charlie ng kahit anong bagahe. Kaya, nakuha niya ang kanyang boarding pass bago niya napasa ang security check sa airport.Dahil kinunan siya ni Isaac ng isang first-class ticket, dumiretso siya sa VIP lounge pagkatapos ipasa ang security check.Aalis ang eroplano ng 10 ng umaga. Kaya, ginabayan siya ng service staff sa VIP lounge papasok sa eroplano ng 9:20 sa umaga.Maagang sumakay si Charlie sa eroplano kaysa sa iba. May ilang tao nang nakaupo sa first-class cabin sa sandaling ito.Ang pamamaha
Noon pa man ay sinusubukan nang dumistansya ni Charlie kay Loreen.Wala siyang masyadong nararamdaman para kay Loreen. Bukod dito, dahil si Loreen ang matalik na kaibigan ng kanyang asawa, mas malaki ang dahilan ni Charlie na dumistansya sa kanya.Pero, hindi niya talaga inaasahan na makikita niya siya sa eroplano.Sobrang ganda ng pakiramdam ni Loreen. Sumandal siya papalapit kay Charlie nang hindi nag-iisip at tinanong niya, “Oh, Charlie! Ilang araw ka mananatili sa Eastcliff?”Sumagot si Charlie, “Hindi ko pa sigurado. Nakadepende sa progreso ng trabaho ko. Kung mabilis ito, aabutin ako ng dalawa o tatlong araw. Pero, kung mabagal ito, marahil ay abutin ako ng apat o limang araw.”Sinabi nang sabik ni Loreen, “Oh! Nakabook na ang return flight ko paglipas ng apat na araw. Ikaw? Nag-book ka na ba ng return flight ticket? Pwede ba tayong magsabay ng flight pabalik sa Aurous Hill kung gano’n?”Sumagot nang tapat si Charlie, “Hindi pa ako nag-book ng return flight ticket. Pag-usap
Walang nag-aakala na sa kalagitnaan ng sitwasyon kung saan pinatay ang mga bodyguard ng mga Acker at nakakalat ang mga bangkay nila, may maglalakas-loob pa rin na pumasok sa pinto na iyon!”Si Mr. Chardon, na sobrang yabang, ay sumabog agad sa galit nang marinig ang mapanuyang boses. Tumalikod siya, sabik makita kung sino ang mapangahas na gago na naglakas-loob na tawagin siyang alalay!Agad nakilala ni Merlin at ng mga miyembro ng pamilya Acker ang pamilyar na boses na ito. Alam ni Merlin na si Charlie ang dumating, at alam ng mga Acker na ito ang benefactor nila.Kahit na nakilala nila ang boses ni Charlie, ibang-iba ang emosyon nila.Matagal nang inaasahan ni Merlin na darating si Charlie, at iniisip niya pa, ‘Charlie, oh Charlie, sa wakas ay nagpasya ka nang magpakita! Kung nahuli ka ng ilang segundo, nawala na ang buhay ko dito…”Para naman sa mga miyembro ng pamilya Acker, sa sandaling ito, ang iniisip lang nila ay maligtas sa isang kritikal na sandali at mabuhay sa isang kr
Kung magpapatuloy ang ganitong uri ng Reiki, walang duda na ang pananatili at ang pag-cultivate dito ay magkakaroon ng dobleng resulta gamit ang kalahating pagsisikap!Sabik na sabik siya at tinuro ang kanyang kahoy na ispada sa mga tao habang sinabi nang malamig, “Walang sasagot sa akin, tama? Dahil walang sasagot sa akin, pipili na lang ako ng isang tao at puputulan siya ng ulo bilang isang halimbawa!”Pagkatapos itong sabihin, napansin niya si Lulu, na may maayos na damit, at ngumisi, “Si Lulu Acker siguro ang binibini na ito, ang second young lady ng mga Acker, tama?”Tinanong nang maingat ni Lulu, “Anong kailangan mo?”Ngumisi si Mr. Chardon, “Gusto kong turuan ng leksyon ang mga magulang at kuya mo. Ang leksyon na ito ay tinatawag na ‘Ang epekto ng kawalan ng kooperasyon’.”Pagkatapos itong sabihin, iwinasiwas niya aga ang kanyang kahoy na ispada, at agad umatake ang isang invisible na patalim kay Lulu. Nakaramdam si Lulu ng isang bugso ng hangin na papunta sa kanya, at para
Minaliit niya si Mr. Chardon sa mahabang panahon, palaging iniisip na naka-focus lang sa cultivation ang matandang lalaki na ito. Pero, ngayong araw niya lang napagtanto na may malakas na pagnanasa pala ang matandang lalaki na ito sa pagkatay ng tao!Habang naramdaman niya na sobrang lupit ni Mr. Chardon, isang helicopter na lumilipad nang mababa ang lumitaw sa ere, mabilis na lumapit sa Willow Manor!Sa sandaling ito, nakaramdam ng bukol sa lalamunan nila ang mga miyembro ng pamilya Acker nang marinig ang sigawan sa labas. Hindi nila inaasahan na pagkatapos ng krisis nila kailan lang sa New York, mabilis silang susundan ng kabila sa Oskia.Ang pangatlong tito ni Charlie, si Jaxson, ay sinabi nang kinakabahan, “Pa, Ma, natatakot ako na kritikal na sitwasyon ito ngayon. Dapat mauna muna kayong umalis sa pinto sa likod!”Napagtanto rin ni Christian ang sitwasyon at sinabi nang mabilis, “Tama, Pa. Mauna muna kayo ni Mama. Mananatili kami dito at magbabantay!”Suminghal nang malamig s
Sa sandaling ito, naging isang mala-impyernong lugar ng digmaan ang paligid ng villa!May hawak si Mr. Chardon na isang kahoy na ispada na wala pang tatlumpung sentimetro sa kanyang kamay, pero ang invisible na talim nito ay may haba na halos dalawang metro!Ito ang pansamantalang mahiwagang instrumento na ipinagkatiwala ng British Lord kay Mr. Chardon.Kahit na mukhang maikli, maliit, at karaniwan ang kahoy na ispada, sa totoo lang, parang isa itong lightsaber mula sa Star Wars, na may pambihirang saklaw ng atake.Sa lohika ng pelikula na ito, may plasma ang lightsabe mula sa hawakan hanggang sa patalim. Lampas sa konsepto na ito ang kahoy na ispada ni Mr. Chardon. Kaya nitong gawing isang patalim ang Reiki, at kaya niyang kontrolin ang patalim!Ilang bodyguard ang sinubukang palibutan at atakihin si Mr. Chardon, pero kaswal niyang iwinasiwas ang ispada sa hangin gamit lang ang isang kamay. Isang invisible na enerhiya ang mabilis na lumabas sa ispada, tumagos sa dibdib ng mga nas
Ang nag-iisang anak nina Ashley at Curtis, si Charlie, ay naglaho rin dalawampung taon na ang nakalipas.Pakiramdam ng lahat ng tila ba naghahanap sila nang bulag ng dalawampung taon sa buong mundo, at sa sandaling ito, pakiramdam nila na tila ba may sa wakas ay may nakita na sila.Sinabi nang naiinip ni Christian, “Sabihin mo sa amin nang detalyado ang oras ng pagpasok ng labing-anim na tao na ito!”Mabilis na sumagot si Azure, “Sa labing-anim na tao na ito, labing-apat na tao ang pumasok sa dulo ng taglamig sa Pebrero, dalawampung taon na ang nakalipas, at ang dating dean nila, si Killian Caito, ay pumasok sa taglagas ng Nobyembre, dalawampung taon na ang nakalipas. Bukod sa labing-limang tao an ito, ang pinakabagong pumasok ay isang babae na pumasok sa taglamig sa Disyembre, dalawampung taon na ang nakalipas. Magda-dalawampung taon at tatlong buwan na simula ito.”Biglang nagkaroon ng takot na ekspresyon si Lady Acker. Napaiyak siya at humikbi habang sinabi, “Umalis sina Ashley
“Simple lang ito!” Sinabi nang sabik ni Lulu, “Pwede nating suriin ang mga social security file ng dating team! Ang welfare institute ay isang welfare organization na pinopondohan ng gobyerno at ng mga private donation. Bilang isang unit na binabantayan ng publiko, siguradong kumpleto rin ang record ng mga tauhan nila, lalo na kung nasa isang malaking misyon talaga sila, tulad ng sinabi ni Merlin. Kailangan nilang sumunod at maging walang pintas, kung hindi, kung may makakapanasin na may kakaiba sa record ng mga tauhan nila, agad itong gagawa ng pagdududa!”Pinuri ni Merlin, “Sobrang linaw ng pag-iisip ni Lulu. Marahil ay makakuha tayo ng ilang bakas kung makakahanap tayo ng paraan para suriin ang mga personnel record ng dating staff ng Aurous Hill Welfare Institute!”Sinabi ni Kaeden, “Kukuha ako ng tao para suriin agad ito!”Pagkatapos itong sabihin, nilabas niya agad ang kanyang cellphone at tumawag.Maraming taon nang retirado si Keith, at sa mga nagdaang panahon, nabawasan ang
Sinabi ni Lady Acker, “Sige at sabihin mo, Lulu.”Sinabi ni Luu, “Inimbestigahan ko ang sitwasyon sa Aurous Hill Welfare Institute ngayong araw. Gusto kong makita kung may kahit anong impormasyon kaugnay kay Charlie sa mga ulila na niligtas nila sa mga nagdaang taon. Sa ngayon, walang bakas na ipinapakita ang mga tala ng institute na kaugnay kay Charlie, pero ang kakaiba ay dumaan sa malaking pagbabago sa mga tauhan ang Aurous Hill Welfare Institute noong nakaraang taon. Mula sa director ng institute hanggang sa staff at kahit ang mga chef na nagluluto para sa mga ulila, lahat sila ay nagbago. Wala sa mga dating empleyado ang natira. Nakita ko na kakaiba ito. Hindi bihira na magpalit ng mga tao sa mga welfare organization, pero parang kakaiba ang lahat at biglaan na pagbabago. Ano sa tingin niyo?”Kumunot ang noo ni Keith at sinabi, “May sampu o dalawampung tao siguro sa panig ng pamamahala at pagpapatupad ng isang bahay ampunan. Kahit na magbago ang mga namamahala, hindi dapat map
Bandang 9:00 p.m. ng gabi sa Willow Manor.Katatapos lang kumain ng mga Acker at hinihiling kay Merlin na analisahin ang mga bakas na nakuha nila sa nakaraang ilang araw sa sala.Si Keith, ang head ng mga Acker, ay nananatili sa villa sa mga nagdaang araw at may malaking pag-unlad sa kalusugan niya. Hindi lang na hindi na lumala ang memorya niya, ngunit unti-unti niya ring naalala ang mga memorya na nakalimutan niya.Ang mas mahalaga, pagkatapos gumaling, umunlad nang sobra ang kabuuang lohikal na pag-iisip niya, bumalik ang istilo ng pag-uutos at lakasa niya dati.Sa pagpupulong ng pamilya, binigyan muna ng buod ni Christian ang lahat tungkol sa progreso ng kolaborasyon nila ng Moore Group.Sinabi ni Christian, “Opisyal na pumasok na sa proseso ng negosasyon ang kolaborasyon natin sa Moore Group. Simula ngayong araw, pinag-uusapan na ng mga legal team ng dalawa ang mga detalye ng kooperasyon, inaayos ang mga tiyak na termino. Dahil sa tapat na kilos ng mga Acker, maayos ang negos
Pagkatapos ay nilabas ni Charlie ang kanyang cellphone at tinawagan si Merlin. Samantala, kumakain si Merlin kasama ang mga Acker, ilang kilometro ang layo sa Willow Manor.Nag-iimbestiga ang mga Acker sa Aurous Hill sa nakaraang ilang araw pero wala pa silang nahahanap na bakas na kaugnay kay Charlie. Ang tito ni Charlie, si Christian, ay tatanungin na sana si Merlin para manghingi ng payo habang kumakain nang tumunog ang cellphone ni Merlin.Tumayo nang mabilis si Merlin at sinabi sa mga Acker, “Pakituloy muna ang pag-uusap niyo. Lalabas ako at sasagutin ang tawag.”Pagkatapos ay pumunta siya sa courtyard at sinigurado na walang mga nakatingin bago sinagot ang tawag. “Hello, Mr. Wade,” sinabi niya sa magalang na tono.Dumiretso sa punto si Charlie, “Chief Lammy, nasa Willow Manor ba ngayon ang lolo ko at ang pamilya niya?”“Oo, nandito sila.” Tinanong nang mausisa ni Merlin, “Anong problema, Mr. Wade? May mali ba?”Kinumpirma ni Charlie sa seryosong tono, “Marahil ay may maglag