Sumagot nang magaan si Charlie, “Hindi. Mas madali kung mag-isa lang ako.”Ngumiti si Elaine bago siya tumango at sinabi, “Kung gano’n, mag-ingat ka papunta doon!”Pagkatapos niyang magsalita, pinanood ni Elaine na umalis si Charlie. Pagkatapos, sinabi niya nang nagmamadali, “Mabuti kong manugang, kung may nakita kang magandang bagay sa Eastcliff, tandaan mo na ibalik ito para sa mama mo!”“Okay,” sumagot si Charlie habang umalis siya sa bahay.***Sa Aurous Airport, hindi nagdala si Charlie ng kahit anong bagahe. Kaya, nakuha niya ang kanyang boarding pass bago niya napasa ang security check sa airport.Dahil kinunan siya ni Isaac ng isang first-class ticket, dumiretso siya sa VIP lounge pagkatapos ipasa ang security check.Aalis ang eroplano ng 10 ng umaga. Kaya, ginabayan siya ng service staff sa VIP lounge papasok sa eroplano ng 9:20 sa umaga.Maagang sumakay si Charlie sa eroplano kaysa sa iba. May ilang tao nang nakaupo sa first-class cabin sa sandaling ito.Ang pamamaha
Noon pa man ay sinusubukan nang dumistansya ni Charlie kay Loreen.Wala siyang masyadong nararamdaman para kay Loreen. Bukod dito, dahil si Loreen ang matalik na kaibigan ng kanyang asawa, mas malaki ang dahilan ni Charlie na dumistansya sa kanya.Pero, hindi niya talaga inaasahan na makikita niya siya sa eroplano.Sobrang ganda ng pakiramdam ni Loreen. Sumandal siya papalapit kay Charlie nang hindi nag-iisip at tinanong niya, “Oh, Charlie! Ilang araw ka mananatili sa Eastcliff?”Sumagot si Charlie, “Hindi ko pa sigurado. Nakadepende sa progreso ng trabaho ko. Kung mabilis ito, aabutin ako ng dalawa o tatlong araw. Pero, kung mabagal ito, marahil ay abutin ako ng apat o limang araw.”Sinabi nang sabik ni Loreen, “Oh! Nakabook na ang return flight ko paglipas ng apat na araw. Ikaw? Nag-book ka na ba ng return flight ticket? Pwede ba tayong magsabay ng flight pabalik sa Aurous Hill kung gano’n?”Sumagot nang tapat si Charlie, “Hindi pa ako nag-book ng return flight ticket. Pag-usap
Nang maisip niya ang ama ni Quinn, ang lumalalang kalusugan ni Yule, tinanong niya, “Kamusta ang kondisyon ni Tito Golding?”“Hindi maganda ang kalagayan niya…” Sumagot si Quinn sa mahinang boses, “Hindi maganda ang kalagayan niya. Nirekomenda ng doktor sa kanya na maospital ulit. Pero, ayaw ni papa na pumunta doon. Sa tingin ko ay medyo malungkot at mahina ang loob ng papa ko. Marahil ay sumuko na siya sa kapalaran niya at ayaw na niyang maghirap. Palagi niyang nararamdaman na wala siyang dignidad kapag nagpapagamot siya ng ilang beses sa hospital… Marahil ay hindi mo maintindihan ang pagkatao niya nang mabuti. Pero, sinabi ng mama ko na katulad niya ang papamo at ang mga kapatid niya. Sobrang tigas ng ulo nila at ayaw nilang sundin ang payo ng iba…”Alam ni Charlie na maraming makapangyarihan at kagalang-galang na tao ay may mas kaunting kagustuhang mabuhay kapag may malalang sakit sila at mamamatay na sila.Ito ay dahil sobrang daming taon na nilang nabubuhay bilang respetado at
Pagkatapos dumating ng eroplano, lumabas ng magkasama sina Charlie at Loreen sa eroplano.Dahil walang dalang bagahe si Charlie, hindi na niya kailangan maghintay para kunin ang bagahe niya. Pero, dahil isang magandang babae si Loreen, madalas siyang nagdadala ng maraming damit, cosmetics, at skin care product kapag bumabyahe siya.Dahil sobrang dali para sa mga cosmetics at skin care product na lumampas sa weight capacity, walang nagawa si Loreen kundi i-check in ang kanyang bagahe.Pagkatapos bumaba sa eroplano, hindi makaalis nang direkta sa airport si Loreen tulad ni Charlie. Kailangan niyang pumunta sa baggage claim area para hintayin ang kanyang bagahe.Kaya, tinanong nang nagmamadali ni Loreen si Charlie, “Charlie, paano ka aalis mamaya?”Sumagot si Charlie, “Lalabas ako at sasakay sa taxi.”Sinabi nang nagmamadali ni Loreen, “Kung gano’n, bakit hindi mo na lang ako hintayin at sabay tayong umalis? Nagkataon lang na susunduin ako ng pamilya ko. Pwede kitang ibaba sa destin
Umiling si Charlie at sinabi, “Hindi mahalaga kung kailangan kong magtiis sa kahit anong paghihirap. Para sa akin, ang pagdaan sa ganitong mga kahirapan ay isang uri rin ng pagsasanay para sa akin.”Tumango nang tapat si Quinn bilan sagot. Habang nagmamaneho siya palaba sa parking lot, sinabi niya, “Kahapon lang ay pinag-uusapan ka ng papa ko. Hindi ba;t sinabi ko sayo na pinabalik siya ng doktor sa hospital para magpagamot? Alam niya na hindi na maganda ang kalusugan at kondisyon niya. Kaya, nagbuntong hininga siya at sinabi na ang pinakamalking pagsisisi niya sa buhay niya ay hindi ka niya nahanap.”Naantig nang sobra si Charlie at ngumiti siya habang sinabi, “Nana, huwag kang mag-alala. Siguradong magiging mababalik ni Tito Golding ang kalusugan niya basta’t nandito ako.”Hindi alam ni Quinn ang mga abilidad ni Charlie, lalo na ang titulo ni Charlie bilang Totoong Dragon sa upper-class society sa Aurous Hill. Kaya, hindi siya naniniwala na may paraan si Charlie para gamutin ang t
Isang lalaki at babae ang nakaupo sa paligid ng lamesa. Hindi alintana sa hitsura nila, aura, at kaswal na pananamit, mukhang sobrang marangya at maganda ang panlasa nilang dalawa.Mukhang medyo pagod ang lalaki at medyo maputla ang mukha at mga labi niya. Sa unang tingin, malinaw na matagal na siyang may sakit. Bukod dito, mukha siyang isang tao na may malalang sakit at malapit na mamatay.Pero, ang babae sa tabi niya ay maingat sa katawan at sobrang ganda niya. Kamukha niya si Quinn at mukhang nasa tatlumpung taon pa lang siya.Nakilala ni Charlie silang dalawa sa isang tingin. Ito si Tito Golding na kilala niya na noong bata pa siya at ang kanyang asawa, si Tita Golding.Nang makilala ni Charlie sila, nakilala rin nila agad si Charlie!Mayroong labis na nagulat na ekspresyon si Yule sa kanyang mukha. Sobrang payat na ng mukha niya at mukhang pagod. Sa sandaling ito, sobrang laki ng mga mata niya at nanginginig siya, tila ba may gusto siyang sabihin pero wala siyang masabi.Sa
Habang nagsasalita siya, hindi maiwasang mabulunan ni Yule habang sinabi, “Sa mga nagdaang taon, wala akong mahanap tungkol sa kinaroroonan mo. Kaya, akala ko na wala ka na sa mundong ito…”Sa sandaling ito, mahigpit na tinikom ni Yule ang kanyang mga labi pero hindi na niya mapigilan ang mga luha niya.Sobrang tagal niyang nagtiis bago pinalabo ng mga luha niya ang kanyang paningin. Pagkatapos, napaiyak siya at sinabi, “Kuya Wade! Kung nakatingin ka sa amin mula sa langit, tingnan mo! Bumalik na ang anak mo! Bumalik na siya! Sa wakas ay may karapatan na akong umalis at makipagkita sayo ngayon…”Medyo nabalisa si Yule at patuloy siyang umiyak bago siya umubo nang marahas nang ilang beses. Sa sandaling ito, si Rachel, na nakatayo sa gilid, ay pinunasan ang mga luha sa mukha ni Yule habang maingat niyang tinapik ang likod ng kanyang asawa bago siya nabulunan at sinabi, “Yule, isang masayang pangyayari ang pagbabalik ni Charlie. Huwag ka na umiyak. Dapat alam mo na hindi masyadong maga
Hinila ni Yule si Charlie para umupo sa tabi niya.Sa sandaling umupo sila, sinabi niya agad nang mabait kay Charlie, “Charlie, tara, kumain muna tayo. Sana magustuhan mo ang pagkain. Kung hindi, magpapagawa ako ng ibang pagkain sa kanila para sayo.”Mabilis na sinabi ni Charlie, “Tito Golding, ayos lang. Kakainin ko ang mga inihanda niyo.”Tumango si Yule at sinimulang tanungin si Charlie sa mga pinagdaanan niya sa mga nagdaang taon.Walang masyadong tinago si Charlie sa pamilya Golding maliban sa Apocalyptic Book—ang sikreto na nakabaon sa kailaliman ng puso niya. Sinabi niya ang lahat sa kanila nang tapat, kasama na ang buhay niya bago siya naging walong taong gulang, ang karanasan niya pagkatapos niya maging walong taong gulang, ang pagkakakilala niya kay Lord Wilson, ang kasal niya kay Claire, at ang buhay niya pagkatapos ng kasal.Kapag lalong nakikinig sina Yule at Rachel sa paglalarawan ni Charlie ng kanyang nakaraan, mas nabasag ang puso nila at naawa. Sa mga mata nila, s
Nahiya at nabalisa si Vera, “Hindi ko pa nararanasang umibig, pero marami na akong nakitang mga romance drama! Hindi ba’t normal ang mga ganitong mapaglarong asaran sa mga romance drama?”“Oo, oo…” Tumango si Charlie nang nakangiti. Sa sandaling ito, mabagal na lumabas na ang eroplano sa gate, kaya binalk ni Charlie ang usapan sa punto habang binulong, “Dadating tayo sa Londel ng mga dalawang oras. Naaalala mo pa ba ang eksaktong lokasyon ng libingan ng iyong ama?”Tinanggal ni Vera ang kanyang ngiti at sumagot, “Nasa hilagang-silangan ng Ensel Bay ang libingan ng aking ama. Nakita ko ang mga mapa at litrato ng satellite. Tinatawag ng Stoneridge ang lugar na iyon.”Tumango si Charlie, nilabas ang kanyang cellphone para suriin ang mapa, at sinabi, “Medyo mas malapit sa Londel ang Stoneridge. Halos isa’t kalahating oras na biyahe ito mula sa airport.”“Mm-hmm…” Tumango nang bahagya si Vera at sinabi, “Nasa isang bundok sa hilagang-silangang bahagi ng Stoneridge ang libingan ng aking
Isang sabay sa uso at mapormang mag-jowa na may suot na pang-mataas na klase ng fashion ang hawak-kamay na dumaan sa VIP passage para kumpletuhin ang proseso ng pagsakay nila. Pagkatapos ay hawak-kamay silang sumakay sa business car ng airport na para lang sa mga VIP.Sa mga tagalabas, ang dalawang ito ay isa sigurong mag-jowa na mga mayaman na tagapagmana. Hindi lang na may suot silang mga high-end na brand, ngunit marahil ay gumastos sila ng daang-daang libo sa private charter para sa biyahe nila.Pero, ito ang pinakamagandang balatkayo para kina Charlie at Vera.Sa kasalukuyang hitsura ni Charlie, walang magdududa na 20 years old lang siya. Kahit na may makita siyang kakilala, hindi nila siya makikilala.Habang papasakay ang dalawa sa eroplano, ginabayan sila ng crew sa isang maluwag na cabin. Hindi pinansin ni Vera ang unang dalawang first-class na upuan at hinawakan ang kamay ni Charlie habang naglakad siya sa likod at sinabi nang malambing, “Darling, gusto kong katabi ka.”M
Hindi maiwasan ni Vera na tanungin siya nang galit, “Hindi ba’t dapat tawagin mo rin akong ‘darling’?”Umubo nang dalawang beses si Charlie at tinanong siya, “Walang ibang tao dito. Gusto mo ba talaga na tawagin kitang ganito?”Nadismaya si Vera at sinabi, “Pinagkasunduan natin ito kanina…”Sinabi agad nang seryoso ni Charlie, “Sige, tutuparin ko ang pangako ko.”Pagkatapos ayusin ang sarili niya, sinabi niya, “Darling, darating tayo sa airport sa loob ng kalahating oras.”Ngumiti nang matamis si Vera at sinabi, “Okay. Salamat, darling!”Si Vera, na kuntento na, ay hindi maiwasan na mapansin ang kaliwang kamay ni Charlie sa manibela, at tinanong niya nang mausisa, “Darling, hindi mo ba sinuot ang singsing na binigay ko sayo nang lumabas ka?”Sumagot nang kaswal si Charlie, “Bakit ko ito isusuot? Kinilala ng singsing ang ama mo bilang may-ari nito, hindi ako. Kung malalagay tayo sa panganib, ite-teleport pa rin ako nito sayo. Kung makikita talaga natin si Fleur, hindi ba’t parang
Sa sandaling ito, may nahihiyang ngiti si Vera sa kanyang mukha, kagaya ng isang dalaga.Malinaw na sobrang sigla niya habang naglalakad sa tabi ni Charlie. Paminsan-minsan ay nagnanakaw ng tingin ang mga mata niya kay Charlie, pero sa tuwing nangyayari ito, sulyap lang ito, hindi siya naglalakas-loob na tumingin nang matagal. Sa tuwing tumitingin siya, kumukurba ang mga mata niya na parang mga dahon ng willow na sumasayaw sa hangin, talagang kinakatawan ang isang nakakapigil-hininga na kagandahan.Pero, ang Vera na naaalala nila ay palaging walang inaalala, mapaglaro, at minsan ay dominante, pero hindi mahiyain o mailap. Kailanman ay hindi nila siya inugnay sa mga salitang ‘mahiyain’ at ‘mailap’.Ngayon, sa wakas ay napagtanto na nila na may pambabae at mahiyaing bahagi rin si Vera.Pinanood ni Logan si Vera na naglalakad papunta sa kanila mula sa malayo at hindi niya mapigilan na bumuntong hininga habang nakangiti, “Kung magsusuot si Miss ng isang wedding dress o isang tradisyona
Hindi napigilan ni Vera ang pagkibot ng mga kilay niya dahil sa mga sinabi ni Charlie. Mukhang may naintindihan siya pero hindi na siya nagtanong. Sa halip, isinantabi niya ang bagay na ito at ngumiti kay Charlie, sinasabi, “Young Master, dahil hindi ka makapagpasya, ako na ang bahala dito.”Pagkatapos itong sabihin, ibinaling niya ang kanyang ulo saglit, at sinabi, “Kung sa sinaunang panahon ito, siguradong tatawagin kitang ‘irog’. Pero ngayon, wala nang gumagamit ng salitang iyon, at dahil magpapanggap tayo na mag-jowa sa halip na mag-asawa, paano kung tawagin kitang ‘darling’, at tawagin mo rin akong ‘darling’?”Pagkatapos itong sabihin, huminga nang mabilis si Vera. Namumula siya habang pinapanood si Charlie, natatakot siya na tatanggi siya o hindi siya masisiyahan.Hindi ito masyadong pinag-isipan ni Charlie. Magpapanggap sila na mag-jowa, at magkapareho pa ang suot nila. Normal lang para na medyo malambing ang tawagan sa pagmamahalan. At saka, kung mag-jowa sila, parang hindi
Inisip ni Charlie, ‘Anong tulong ang kailangan ko para magbihis? Hindi naman ako isang tao na may kapansanan.’Pero, ngumiti pa rin siya at sinabi, “Okay, aakyat muna ako.”Sa kwarto ni Vera sa itaas.Nakakalat sa kwarto ang parehong bango ni Vera, medyo nahilo siya dahil dito.Naalala nang hindi sinasadya ni Charlie ang karanasan niya na tinulungan siyang dalhin ni Vera sa kama noong may malalang injury siya, at hindi niya mapigilan na makaramdam ng kakaibang pakiramdam sa puso niya. Pero, hindi siya nangahas na mag-isip nang sobra at mabilis na nilabas ang mga damit na inihanda ni Vera para sa kanya.Habang nilalabas niya ang mga damit, napagtanto niya na naghanda si Vera ng magkaparehong damit ng mag-asawa para sa kanila. Ang mga damit na nasa kamay ni Charlie ay isang malaking Gucci T-shirt, klasikong LV-printed shorts, at parehong Hermes na tsinelas. Mukhang gusto ni Vera na magpanggap silang mag-asawa kapag pumunta sila sa Yorkshire Hill.Hindi ito masyadong pinag-isipan ni
Tinikom ni Charlie ang mga labi niya, may gusto siyang sabihin, pero nagpigil pa rin siya.Kahit na halos apat na raang taon na ang pinagsama-samang edad ng apat na nakakatandang tao na ito, palagi nilang itinuturing na gabay na prinsipyo ang mga salita ni Vera. Hindi pagmamalabis na sabihin na si Vera ang gabay nila sa buhay. Naniniwala sila at ginagawa nila ang kahit anong sabihin ni Vera at pinapagawa ni Vera sa kanila.Kaya, kung taliwas ang sinabi niya sa mga sinabi ni Vera, siguradong pipiliin nila na makinig kay Vera.Walang nagawa si Charlie at hinayaan na lang ang matandang babae na lumuhod at pasalamatan siya. Pagkatapos niyang tumayo, nagsalita si Charlie at sinabi, “Siya nga pala, bumaba na ba si Miss Lavor?”Sinabi ni Logan, “Mr. Wade, inutusan kami ni Miss na pangunahan ka muna sa courtyard niya pagdating mo.”Akala ni Charlie na nagmamadali sila at bababa si Vera at pagkatapos ay magkasama silang pupunta sa airport. Hindi niya inaasahan na gusto ni Vera na paakyatin
“Anong sinabi mo?!” Sumabog sa galit si Fleur sa sandaling iyon.Dahil apat na raang taon na siyang nabubuhay, hindi niya pinansin ang halos lahat sa nakaraang tatlong daang taon. Sa tatlong daang taon na ito, siya ang unang tao na nagsabi sa kanya na pupugutan niya siya ng ulo.Nang marinig ni Zekeiah, na nasa kabilang linya, ang galit na sigaw ni Fleur, agad siyang natakot nang sobra, at mabilis siyang yumuko sa kabilang dulo habang humingi ng tawad, sinasabi, “British Lord, patawarin mo ako. Inuulat ko lang ang mga sinabi niya at wala akong balak na maging bastos…”Kahit na alam ni Fleur na inuulit lang ni Zekeiah ang mga sinabi sa kanya, nakaramdam pa rin siya ng galit sa puso niya.Natatakot si Zekeiah na hindi mawawala ang galit ni Fleur, kaya idinagdag niya nang mabilis, “British Lord, handa akong ibahagi ang pag-aalala mo at pumunta sa Aurous Hill sa personal para sayo. Sa sandaling iyon, susubukan ko ang lahat ng makakaya ko para alamin kung sino ang misteryosong tao na iy
Kahit na sobrang bilis na ng paglalakbay sa bilis ng halos isang libong kilometro kada oras, nababalisa pa rin si Fleur dito.Simula noong lumabas ang portrait ng master niya sa Aurous Hill, nabasag ang mentalidad niya. Nawalan siya ng kalma na dapat mayroon sa isang 400 years old na babae.Tumingin siya sa flight navigation chart sa harap niya nang mag-isa, tinitigan ang altitude at speed data, at hindi mapigilan na sabihin nang galit, “Kapag mas mabilis umunlad ang modernong teknolohiya, mas nagiging sakim ang mga hayop na ito. Dati, kayang lumipad ng Concorde ng mahigit dalawang libong kilometro sa isang oras. Ngayon, hindi man lang kayang umabot ng isang libo ang mga eroplano, at ang mga hindi ito kayang gawin ay walang sapat na layo! Nakakainis ito!”Nang makita ng isang crew member ang inis niya, mabilis siyang lumapit at sinabi nang magalang, “British Lord, kumalma ka po. Masyadong malayo ang distansya. Kahit na may Concorde tayo, mahihirapan ito. Ang pinakamalayong abot nito