Pagkatapos dumating ng eroplano, lumabas ng magkasama sina Charlie at Loreen sa eroplano.Dahil walang dalang bagahe si Charlie, hindi na niya kailangan maghintay para kunin ang bagahe niya. Pero, dahil isang magandang babae si Loreen, madalas siyang nagdadala ng maraming damit, cosmetics, at skin care product kapag bumabyahe siya.Dahil sobrang dali para sa mga cosmetics at skin care product na lumampas sa weight capacity, walang nagawa si Loreen kundi i-check in ang kanyang bagahe.Pagkatapos bumaba sa eroplano, hindi makaalis nang direkta sa airport si Loreen tulad ni Charlie. Kailangan niyang pumunta sa baggage claim area para hintayin ang kanyang bagahe.Kaya, tinanong nang nagmamadali ni Loreen si Charlie, “Charlie, paano ka aalis mamaya?”Sumagot si Charlie, “Lalabas ako at sasakay sa taxi.”Sinabi nang nagmamadali ni Loreen, “Kung gano’n, bakit hindi mo na lang ako hintayin at sabay tayong umalis? Nagkataon lang na susunduin ako ng pamilya ko. Pwede kitang ibaba sa destin
Umiling si Charlie at sinabi, “Hindi mahalaga kung kailangan kong magtiis sa kahit anong paghihirap. Para sa akin, ang pagdaan sa ganitong mga kahirapan ay isang uri rin ng pagsasanay para sa akin.”Tumango nang tapat si Quinn bilan sagot. Habang nagmamaneho siya palaba sa parking lot, sinabi niya, “Kahapon lang ay pinag-uusapan ka ng papa ko. Hindi ba;t sinabi ko sayo na pinabalik siya ng doktor sa hospital para magpagamot? Alam niya na hindi na maganda ang kalusugan at kondisyon niya. Kaya, nagbuntong hininga siya at sinabi na ang pinakamalking pagsisisi niya sa buhay niya ay hindi ka niya nahanap.”Naantig nang sobra si Charlie at ngumiti siya habang sinabi, “Nana, huwag kang mag-alala. Siguradong magiging mababalik ni Tito Golding ang kalusugan niya basta’t nandito ako.”Hindi alam ni Quinn ang mga abilidad ni Charlie, lalo na ang titulo ni Charlie bilang Totoong Dragon sa upper-class society sa Aurous Hill. Kaya, hindi siya naniniwala na may paraan si Charlie para gamutin ang t
Isang lalaki at babae ang nakaupo sa paligid ng lamesa. Hindi alintana sa hitsura nila, aura, at kaswal na pananamit, mukhang sobrang marangya at maganda ang panlasa nilang dalawa.Mukhang medyo pagod ang lalaki at medyo maputla ang mukha at mga labi niya. Sa unang tingin, malinaw na matagal na siyang may sakit. Bukod dito, mukha siyang isang tao na may malalang sakit at malapit na mamatay.Pero, ang babae sa tabi niya ay maingat sa katawan at sobrang ganda niya. Kamukha niya si Quinn at mukhang nasa tatlumpung taon pa lang siya.Nakilala ni Charlie silang dalawa sa isang tingin. Ito si Tito Golding na kilala niya na noong bata pa siya at ang kanyang asawa, si Tita Golding.Nang makilala ni Charlie sila, nakilala rin nila agad si Charlie!Mayroong labis na nagulat na ekspresyon si Yule sa kanyang mukha. Sobrang payat na ng mukha niya at mukhang pagod. Sa sandaling ito, sobrang laki ng mga mata niya at nanginginig siya, tila ba may gusto siyang sabihin pero wala siyang masabi.Sa
Habang nagsasalita siya, hindi maiwasang mabulunan ni Yule habang sinabi, “Sa mga nagdaang taon, wala akong mahanap tungkol sa kinaroroonan mo. Kaya, akala ko na wala ka na sa mundong ito…”Sa sandaling ito, mahigpit na tinikom ni Yule ang kanyang mga labi pero hindi na niya mapigilan ang mga luha niya.Sobrang tagal niyang nagtiis bago pinalabo ng mga luha niya ang kanyang paningin. Pagkatapos, napaiyak siya at sinabi, “Kuya Wade! Kung nakatingin ka sa amin mula sa langit, tingnan mo! Bumalik na ang anak mo! Bumalik na siya! Sa wakas ay may karapatan na akong umalis at makipagkita sayo ngayon…”Medyo nabalisa si Yule at patuloy siyang umiyak bago siya umubo nang marahas nang ilang beses. Sa sandaling ito, si Rachel, na nakatayo sa gilid, ay pinunasan ang mga luha sa mukha ni Yule habang maingat niyang tinapik ang likod ng kanyang asawa bago siya nabulunan at sinabi, “Yule, isang masayang pangyayari ang pagbabalik ni Charlie. Huwag ka na umiyak. Dapat alam mo na hindi masyadong maga
Hinila ni Yule si Charlie para umupo sa tabi niya.Sa sandaling umupo sila, sinabi niya agad nang mabait kay Charlie, “Charlie, tara, kumain muna tayo. Sana magustuhan mo ang pagkain. Kung hindi, magpapagawa ako ng ibang pagkain sa kanila para sayo.”Mabilis na sinabi ni Charlie, “Tito Golding, ayos lang. Kakainin ko ang mga inihanda niyo.”Tumango si Yule at sinimulang tanungin si Charlie sa mga pinagdaanan niya sa mga nagdaang taon.Walang masyadong tinago si Charlie sa pamilya Golding maliban sa Apocalyptic Book—ang sikreto na nakabaon sa kailaliman ng puso niya. Sinabi niya ang lahat sa kanila nang tapat, kasama na ang buhay niya bago siya naging walong taong gulang, ang karanasan niya pagkatapos niya maging walong taong gulang, ang pagkakakilala niya kay Lord Wilson, ang kasal niya kay Claire, at ang buhay niya pagkatapos ng kasal.Kapag lalong nakikinig sina Yule at Rachel sa paglalarawan ni Charlie ng kanyang nakaraan, mas nabasag ang puso nila at naawa. Sa mga mata nila, s
Alam ni Charlie na sinasabi ito ni Yule para kapakanan niya, pero umiling siya at sinabi sa seryosong boses, “Tito Golding, walong taon lang akong nabuhay kasama ang mga magulang ko, sobrang ikli, pero sila ang gumawa ng dugo at kaluluwa ko. Kung hindi ko sila maipaghihiganti, paano ako mabubuhay sa dugo at kaluluwa na ibinigay nila sa akin?”Tahimik lang si Rachel. Nang marinig ito, nagbuntong hininga siya at namumula ang mga mata niya. “Yule, ang pagkatao at ugali ni Charlie ay sobrang katulad ni Kuya Wade. Dati, kung kaya ni Kuya Wade na tiisin ang mga hindi makatarungan na bagay, hindi siya aalis sa Eastcliff kasama ang kanyang asawa at anak nang matatag at matuwid. Hindi mo kayang himukin si Kuya Wade at marahil ay hindi mo mahihimok si Charlie ngayon.”Tumango nang malungkot si Yule. Hang nagbuntong hininga, tumingin siya kay Carlie, pagkatapos ay kay Quinn, at sinabi, “Charlie, Charlie, pwede mo munang isantabi ang ibang bagay nang ilang panahon. Kung gusto mo talagang kalaban
Sa sandaling ito, umubo nang ilang beses si Yule dahil hindi maganda ang pakiramdam niya. Natagalan siyang kumalma at sinabi sa seryosong tono, “Charlie, gumagala ka nang walang patutunguhan sa Aurous Hill sa nakaraang sampung taon, parang isang dragon na lumalangoy sa mababaw na tubig. Oras na para sayo, ang tunay na dragon, na bumalik sa nararapat mong lugar!”Pagkatapos, nagpatulosy siya habang nagsisisi, “Marahil ay walang lakas ang pamilya Golding para tulungan kang magtagumpay agad, pero gamit ang suporta namin, magkakaroon ka ng matibay na pundasyon kung balak mong bumalik sa pamilya Wade sa hinaharap. Gamit ang suporta ng pamilya Golding, kung gusto mong makipaglaban para sa pamana ng pamilya Wade, magkakaroon ka ng mas malaking tsansa ng tagumpay!”Nahiya nang sobra si Charlie nang marinig ito.Hindi niya inaasahan na kahit na umalis na siya sa pamilya Wade at kasal na siya, ipipilit pa rin nina Yule at Rachel na tuparin ang marriage agreement na pinagkasunduan nila, deka-d
Nagulat sina Rachel at Yule.Sinabi ba ni Charlie na kaya niyang gamutin nang buo ang sakit ni Yule?Paano… paano iyon posible?Napakatagal naglibot sa buong mundo ang pamilya para hanapin ang mga pinakamagaling na eksperto at gamitin ang mga pinakamagandang gamot, kagamitan, at paraan para sa sakit niya, pero wala sa kanila ang kayang pigilan ang mabilis na paglala ng kondisyon ni Yule.Si Steve Jobs, ang founder ng Apple, ay isa ring bilyonaryo na nagkaroon ng pancreatic cancer. Natanggap niya ang pinakamagandang paggamot sa United States pero sa huli, tinalo siya ng sakit niya.Wala sa mga eksperto sa buong mundo ang naniniwala na may pag-asang gumaling ang cancer ni Yule. Sa totoo lang, marami sa kanila ang naniniwala na marahil ay nasa isang taon o anim na buwan na lang ang natitirang buhay niya.Nang biglang sinabi ni Charlei na kaya niyang gamutin si Yule, tunog pantasya lang ito sa kanila.Bumuntong hininga si Rachel at sinabi sa seryosong tono, “Charlie, alam ko na sigu
Walang nag-aakala na sa kalagitnaan ng sitwasyon kung saan pinatay ang mga bodyguard ng mga Acker at nakakalat ang mga bangkay nila, may maglalakas-loob pa rin na pumasok sa pinto na iyon!”Si Mr. Chardon, na sobrang yabang, ay sumabog agad sa galit nang marinig ang mapanuyang boses. Tumalikod siya, sabik makita kung sino ang mapangahas na gago na naglakas-loob na tawagin siyang alalay!Agad nakilala ni Merlin at ng mga miyembro ng pamilya Acker ang pamilyar na boses na ito. Alam ni Merlin na si Charlie ang dumating, at alam ng mga Acker na ito ang benefactor nila.Kahit na nakilala nila ang boses ni Charlie, ibang-iba ang emosyon nila.Matagal nang inaasahan ni Merlin na darating si Charlie, at iniisip niya pa, ‘Charlie, oh Charlie, sa wakas ay nagpasya ka nang magpakita! Kung nahuli ka ng ilang segundo, nawala na ang buhay ko dito…”Para naman sa mga miyembro ng pamilya Acker, sa sandaling ito, ang iniisip lang nila ay maligtas sa isang kritikal na sandali at mabuhay sa isang kr
Kung magpapatuloy ang ganitong uri ng Reiki, walang duda na ang pananatili at ang pag-cultivate dito ay magkakaroon ng dobleng resulta gamit ang kalahating pagsisikap!Sabik na sabik siya at tinuro ang kanyang kahoy na ispada sa mga tao habang sinabi nang malamig, “Walang sasagot sa akin, tama? Dahil walang sasagot sa akin, pipili na lang ako ng isang tao at puputulan siya ng ulo bilang isang halimbawa!”Pagkatapos itong sabihin, napansin niya si Lulu, na may maayos na damit, at ngumisi, “Si Lulu Acker siguro ang binibini na ito, ang second young lady ng mga Acker, tama?”Tinanong nang maingat ni Lulu, “Anong kailangan mo?”Ngumisi si Mr. Chardon, “Gusto kong turuan ng leksyon ang mga magulang at kuya mo. Ang leksyon na ito ay tinatawag na ‘Ang epekto ng kawalan ng kooperasyon’.”Pagkatapos itong sabihin, iwinasiwas niya aga ang kanyang kahoy na ispada, at agad umatake ang isang invisible na patalim kay Lulu. Nakaramdam si Lulu ng isang bugso ng hangin na papunta sa kanya, at para
Minaliit niya si Mr. Chardon sa mahabang panahon, palaging iniisip na naka-focus lang sa cultivation ang matandang lalaki na ito. Pero, ngayong araw niya lang napagtanto na may malakas na pagnanasa pala ang matandang lalaki na ito sa pagkatay ng tao!Habang naramdaman niya na sobrang lupit ni Mr. Chardon, isang helicopter na lumilipad nang mababa ang lumitaw sa ere, mabilis na lumapit sa Willow Manor!Sa sandaling ito, nakaramdam ng bukol sa lalamunan nila ang mga miyembro ng pamilya Acker nang marinig ang sigawan sa labas. Hindi nila inaasahan na pagkatapos ng krisis nila kailan lang sa New York, mabilis silang susundan ng kabila sa Oskia.Ang pangatlong tito ni Charlie, si Jaxson, ay sinabi nang kinakabahan, “Pa, Ma, natatakot ako na kritikal na sitwasyon ito ngayon. Dapat mauna muna kayong umalis sa pinto sa likod!”Napagtanto rin ni Christian ang sitwasyon at sinabi nang mabilis, “Tama, Pa. Mauna muna kayo ni Mama. Mananatili kami dito at magbabantay!”Suminghal nang malamig s
Sa sandaling ito, naging isang mala-impyernong lugar ng digmaan ang paligid ng villa!May hawak si Mr. Chardon na isang kahoy na ispada na wala pang tatlumpung sentimetro sa kanyang kamay, pero ang invisible na talim nito ay may haba na halos dalawang metro!Ito ang pansamantalang mahiwagang instrumento na ipinagkatiwala ng British Lord kay Mr. Chardon.Kahit na mukhang maikli, maliit, at karaniwan ang kahoy na ispada, sa totoo lang, parang isa itong lightsaber mula sa Star Wars, na may pambihirang saklaw ng atake.Sa lohika ng pelikula na ito, may plasma ang lightsabe mula sa hawakan hanggang sa patalim. Lampas sa konsepto na ito ang kahoy na ispada ni Mr. Chardon. Kaya nitong gawing isang patalim ang Reiki, at kaya niyang kontrolin ang patalim!Ilang bodyguard ang sinubukang palibutan at atakihin si Mr. Chardon, pero kaswal niyang iwinasiwas ang ispada sa hangin gamit lang ang isang kamay. Isang invisible na enerhiya ang mabilis na lumabas sa ispada, tumagos sa dibdib ng mga nas
Ang nag-iisang anak nina Ashley at Curtis, si Charlie, ay naglaho rin dalawampung taon na ang nakalipas.Pakiramdam ng lahat ng tila ba naghahanap sila nang bulag ng dalawampung taon sa buong mundo, at sa sandaling ito, pakiramdam nila na tila ba may sa wakas ay may nakita na sila.Sinabi nang naiinip ni Christian, “Sabihin mo sa amin nang detalyado ang oras ng pagpasok ng labing-anim na tao na ito!”Mabilis na sumagot si Azure, “Sa labing-anim na tao na ito, labing-apat na tao ang pumasok sa dulo ng taglamig sa Pebrero, dalawampung taon na ang nakalipas, at ang dating dean nila, si Killian Caito, ay pumasok sa taglagas ng Nobyembre, dalawampung taon na ang nakalipas. Bukod sa labing-limang tao an ito, ang pinakabagong pumasok ay isang babae na pumasok sa taglamig sa Disyembre, dalawampung taon na ang nakalipas. Magda-dalawampung taon at tatlong buwan na simula ito.”Biglang nagkaroon ng takot na ekspresyon si Lady Acker. Napaiyak siya at humikbi habang sinabi, “Umalis sina Ashley
“Simple lang ito!” Sinabi nang sabik ni Lulu, “Pwede nating suriin ang mga social security file ng dating team! Ang welfare institute ay isang welfare organization na pinopondohan ng gobyerno at ng mga private donation. Bilang isang unit na binabantayan ng publiko, siguradong kumpleto rin ang record ng mga tauhan nila, lalo na kung nasa isang malaking misyon talaga sila, tulad ng sinabi ni Merlin. Kailangan nilang sumunod at maging walang pintas, kung hindi, kung may makakapanasin na may kakaiba sa record ng mga tauhan nila, agad itong gagawa ng pagdududa!”Pinuri ni Merlin, “Sobrang linaw ng pag-iisip ni Lulu. Marahil ay makakuha tayo ng ilang bakas kung makakahanap tayo ng paraan para suriin ang mga personnel record ng dating staff ng Aurous Hill Welfare Institute!”Sinabi ni Kaeden, “Kukuha ako ng tao para suriin agad ito!”Pagkatapos itong sabihin, nilabas niya agad ang kanyang cellphone at tumawag.Maraming taon nang retirado si Keith, at sa mga nagdaang panahon, nabawasan ang
Sinabi ni Lady Acker, “Sige at sabihin mo, Lulu.”Sinabi ni Luu, “Inimbestigahan ko ang sitwasyon sa Aurous Hill Welfare Institute ngayong araw. Gusto kong makita kung may kahit anong impormasyon kaugnay kay Charlie sa mga ulila na niligtas nila sa mga nagdaang taon. Sa ngayon, walang bakas na ipinapakita ang mga tala ng institute na kaugnay kay Charlie, pero ang kakaiba ay dumaan sa malaking pagbabago sa mga tauhan ang Aurous Hill Welfare Institute noong nakaraang taon. Mula sa director ng institute hanggang sa staff at kahit ang mga chef na nagluluto para sa mga ulila, lahat sila ay nagbago. Wala sa mga dating empleyado ang natira. Nakita ko na kakaiba ito. Hindi bihira na magpalit ng mga tao sa mga welfare organization, pero parang kakaiba ang lahat at biglaan na pagbabago. Ano sa tingin niyo?”Kumunot ang noo ni Keith at sinabi, “May sampu o dalawampung tao siguro sa panig ng pamamahala at pagpapatupad ng isang bahay ampunan. Kahit na magbago ang mga namamahala, hindi dapat map
Bandang 9:00 p.m. ng gabi sa Willow Manor.Katatapos lang kumain ng mga Acker at hinihiling kay Merlin na analisahin ang mga bakas na nakuha nila sa nakaraang ilang araw sa sala.Si Keith, ang head ng mga Acker, ay nananatili sa villa sa mga nagdaang araw at may malaking pag-unlad sa kalusugan niya. Hindi lang na hindi na lumala ang memorya niya, ngunit unti-unti niya ring naalala ang mga memorya na nakalimutan niya.Ang mas mahalaga, pagkatapos gumaling, umunlad nang sobra ang kabuuang lohikal na pag-iisip niya, bumalik ang istilo ng pag-uutos at lakasa niya dati.Sa pagpupulong ng pamilya, binigyan muna ng buod ni Christian ang lahat tungkol sa progreso ng kolaborasyon nila ng Moore Group.Sinabi ni Christian, “Opisyal na pumasok na sa proseso ng negosasyon ang kolaborasyon natin sa Moore Group. Simula ngayong araw, pinag-uusapan na ng mga legal team ng dalawa ang mga detalye ng kooperasyon, inaayos ang mga tiyak na termino. Dahil sa tapat na kilos ng mga Acker, maayos ang negos
Pagkatapos ay nilabas ni Charlie ang kanyang cellphone at tinawagan si Merlin. Samantala, kumakain si Merlin kasama ang mga Acker, ilang kilometro ang layo sa Willow Manor.Nag-iimbestiga ang mga Acker sa Aurous Hill sa nakaraang ilang araw pero wala pa silang nahahanap na bakas na kaugnay kay Charlie. Ang tito ni Charlie, si Christian, ay tatanungin na sana si Merlin para manghingi ng payo habang kumakain nang tumunog ang cellphone ni Merlin.Tumayo nang mabilis si Merlin at sinabi sa mga Acker, “Pakituloy muna ang pag-uusap niyo. Lalabas ako at sasagutin ang tawag.”Pagkatapos ay pumunta siya sa courtyard at sinigurado na walang mga nakatingin bago sinagot ang tawag. “Hello, Mr. Wade,” sinabi niya sa magalang na tono.Dumiretso sa punto si Charlie, “Chief Lammy, nasa Willow Manor ba ngayon ang lolo ko at ang pamilya niya?”“Oo, nandito sila.” Tinanong nang mausisa ni Merlin, “Anong problema, Mr. Wade? May mali ba?”Kinumpirma ni Charlie sa seryosong tono, “Marahil ay may maglag