Hinila ni Claire si Charlie sa gilid at sinumbatan siya, “Nagloloko lang si Mama kaninang umaga! Bakit binilhan mo siya ng napakamahal na skincare product? Ang isang set ay apat na raang libong dolyar?! Sobra na ito! Hindi tayo gano’ng uri pamilya…”Tumawa si Charlie, “Umasa ako sa ilang koneksyon para makuha ang mga ito, huwag kang mag-alala.”Hininaan ni Claire ang kanyang boses, “Sa totoo lang, mas natatakot akong magdemanda nang sobra si mama sa hinaharap. Paano kung patuloy siyang humiling sayo na bilhan siya ng ganito kamahal na skincare products? Ano nang gagawin mo?”Ngumiti nang kaunti si Charlie. “Huwag kang mag-alala. Hindi mo ba nakikita na nagbago nang sobra si mama? Sabihin na lang natin na… Ito ay isang gantimpala para sa kanya? Para hikayatin siyang mas maging mabuti sa hinaharap?”Habang nagsasalita siya, kumuha na ng maikling video si Elaine sa kanyang cellphone para ipadala ito sa mga kaibigan niya, at sinabi niya, “Tingnan niyo ang dalawang set ng caviar skincar
Hindi naniwala si Claire sa sinabi ng kanyang ina. Naramdaman niya ang katapatan ni Charlie sa kanya, kaya paano niya magagawang magloko?Humarap si Claire kay Elaine at sinabi, “Ma, masyado mo itong pinag-iisipan. Imposibleng magloko si Charlie!”“Anong ibig mong sabihin na “Imposibleng magloko”?!” Tumaas ang isa sa mga kilay ni Elaine, at sumagot siya, “Kung gano’n, sabihin mo sa akin, bakit bumili ng tatlong set ng skincare product si Charlie, pero, dalawa lang ang inuwi niya? Nasaan ang huli? Saan ito napunta?!”Sumagot si Claire, “Marahil ay binili niya ito para sa isang kaibigan niya? Baka humiling ang kaibigan niya na bilhin ito para sa kanila?”“Kaibigan?!” Sumagot si Elaine na may naninigas na mukha sa galit. “Mga walang utak lang na kagaya mo ang maniniwala doon! Malinaw na binili niya ito para sa isang babae! Sinabi mo na isa siyang ulila at wala siyang ina, wala man lang siyang kamag-anak dito! Kung gano’n, sino pa ang bibilhan niya ng skincare product?! Syempre para it
Kailanman ay hindi niya pa tinitingnan sa ganitong angulo ang problemang ito, pero dahil sa pagkatao niya, natatakot siya at nahihiyang magkusang isipin ito.Pagkatapos makinig sa kanyang ina, naramdaman niyang namumuo ang pagkabalisa sa loob niya.Patuloy na nagsalita si Elaine, “Hay nako. Dati ay minamaliit ko si Charlie, iniisip ko na isang dumi at basura lang siya, mukhang walang kwenta, pero pagkatapos kong tumingin nang mabuti, mukhang sobrang galing niya ngayon! Tingnan mo kung paano niya kinontrol ang mga matataas na taong iyon! Iyon ang tinatawag kong talentado! At saka, maganda nga ang milyon-milyon na villa na ito! Presko ang hangin dito, at pinapasigla ka! Sinong nakakaalam, baka sa hinaharap, kaya niya pang gamitin ang talento niya at makakuha siya ng sarili niyang isla sa Maldives!”“Ito…” Nagsalita nang hindi mapalagay si Claire, “Ma, tigilan mo na ang pangangarap nang gising.”Sumagot nang taimtim si Elaine, “Kailangan nating mangarap! Sinong nakakaalam, marahil ay
Habang nanonood ng telebisyon si Charlie, biglang lumapit si Claire sa kanya.Nang makita niyang nanonood siya ng telebisyon, umupo si Claire sa tabi niya.Pagkatapos, nag-alangan sandali si Claire. Pagkatapos, tinanong niya sa mahinang boses, “Charlie, may gusto akong itanong. Kailangan mong sumagot nang tapat, at hindi ka dapat magsinungaling sa akin.”Tumango si Charlie bago sinabi, “Itanong mo lang, mahal.”Binigay ni Claire ang resibo kay Charlie at tinanong siya, “Bakit may tatlong set ng skincare product na nakasulat sa resibo na ito? Hindi naman sa hindi kita pinagkakatiwalaan. Pero, sana ay maipaliwanag mo ang sitwasyon sa akin.”Nang makita ni Charlie ang resibo, nagulantang siya nang ilang sandali. Mabilis niyang napagtanto na marahil ay nilagay ni Isaac ang resibo sa isa sa mga gift box pagkatapos bilhin ang mga skincare product.Tumingin sa paligid si Charlie, at nang makita niyang wala si Elaine doon, binulong niya, “Magiging tapat ako, mahal. Sa totoo lang, si Papa
Habang binibisita ni Nanako ang kanyang mentor, si Kazuki, narinig niya ang balita na si Victoria, ang Australian athlete na tinalo ni Aurora ngayong araw, ay ginagamot ngayon sa Silverwing Hospital.Partikular na nagtanong si Hiroshi tungkol dito, at bumalik siya kasama ang mga resulta na talagang nagpagulat kay Nanako.Nabali pala ang dalawang braso ni Victoria dahil sa sipa ni Aurora sa laban nila. Ngayon, mayroon na siyang plaster cast, at opisyal na niyang inanunsyo ang pag-atras niya sa laban para sa third place ng kompetisyon sa susundon araw. Si Michelle, ang kalaban tinalo ni Nanako, ay nakuha agad ang titulo na third place sa kompetisyon dahil sa pagsuko ni Victoria.Bukod dito, hindi lang sumuko si Victoria sa kompetisyon na ito, ngunit malaki ang posibilidad na tuluyan na siyang magreretiro.Ito ay dahil sobrang importanten ng mga braso para sa isang combat and fighting athlete. Pagkatapos mabali ang mga braso niya, mahihirapan siya nang sobra na gumaling at bumalik sa
Hindi naghapunan si Jacob sa bahay sa gabing iyon.Ayon sa kanya, maghahapunan siya kasama ang ilang leader ng Calligraphy and Painting Association pati na rin ang ilang core member ng Senior University.Tinawagan ni Jacob si Charlie hindi matagal pagkatapos ng alas nuwebe ng gabi.Nang tumawag si Jacob, nanonood si Charlie ng telebisyon kasama ang kanyang asawa sa living room.Ang kanyang biyenan na babae, si Elaine, ay naglagay ng caviar anti-aging facial mask at nakahiga siya nang banayad sa two-seater na sofa habang nag-scroll sa kanyang online short video platform. Habang nag-scroll siya sa kanyang cellphone, sinabi niya, “Oh! Maganda ang hitsura ng Japanese na babae na pumunta sa Aurous Hill para sumali sa combat and fighting championship!”Alam ni Charlie na siguradong si Nanako ang tinutukoy niya. Sa sandaling ito, wala siyang sinabi, pero nag-vibrate na ang kanyang cellphone.Nang makita ni Charlie na tumatawag si Jacob, nagmamadali niyang sinagot ang tawag at sinabi, “H
Sabik na sabik si Elaine, at sinabi niya kay Charlie, “Mabuti kong manugang, bakit hindi mo pinaalam sa Mama dati na sobrang buti mo?”Tumawa si Charlie, pero wala siyang sinabi. Kung alam niya lang na mapapasuko niya ang isang masamang babae tulad na Elaine sa pamamagitan lang ng paggastos ng limampung libong dolyar kada buwan, matagal na niya itong ginawa para hindi na sana siya namroblema.Sa sandaling ito, iniisip lang ni Elaine na purihin si Charlie, at sadyang sinabi niya kay Claire, “Oh, Claire! Tumatanda ka na, at halos apat na taon ka nang kasal kay Charlie ngayon. Para sa akin, oras na para magkaroon kayo ng anak. Nakatira ang pamilya ng apat natin sa isang napakalaking villa, medyo mapanglaw at malamig nga dito. Hindi ba’t mas magiging masigla dito kung may batang tumatakbo sa paligid ng villa?”Sa sandaling narinig ni Charlie ang mga salitang ito, nasorpresa siya talaga!Perpekto ito!Wala talagang iniisip ang biyenan na babae niya bukod sa sarili niyang benepisyo.Mu
Hinding-hindi inaakala ni Claire na gagamit ng pera si Charlie para mapunta sa panig niya ang kanyang ina.Ang mas hindi niya inaasahan, mukhang sobrang epektibo ng paggamit ng pera para kontrolin ang ina niya!Biglang nahiya nang sobra si Claire, at gusto niya na talagang maghukay ng butas at ilibing ang sarili niya doon.Sa sandaling ito, nang makita ni Elaine na hindi nagsasalita si Claire, patuloy niya siyang hinimok sa gilid, “Mahal kong anak, bakit hindi kita dalhin sa matandang Oskian doctor na iyon bukas para mabigyan ka niya ng ilang medisina?”Walang magawa si Claire sa sandaling ito, at sinabi niya nang nahihiya, “Ma, tigilan mo na ang kalokohan mo!”Sumagot nang taimtim si Elaine, “Paano mo nasabi na kalokohan ang mga sinasabi ko?! Gusto ko ring mabuhay ang apo ko sa lalong madaling panahon!”Alam ni Claire na kung hindi siya aalis ngayon, siguradong magsasalita nang walang tigil ang kanyang ina. Kaya, tinulak niya si Charlie nang nagmamadali at sinabi, “Tara na at su
Gumaan ang puso ni Charlie nang marinig ito. Sinabi niya kay Isaac, "Mr. Cameron, pansamantalang aalis si Mr. Thompson sa mga Wade. Sa panahong ito, mawawalan ng chief butler ang mga Wade. Gusto kong pansamantalang kunin mo ang posisyon ni Mr. Thompson. Umaasa akong babalik siya, at kung sakali, maibabalik mo sa kanya ang pwesto bilang kanyang deputy. Kung hindi siya babalik, ikaw na ang magpapatuloy sa posisyon."Nagulat si Isaac at agad na nagsabi, "Young Master, ang trabaho ko ay palaging limitado lang sa probinsyang ito, at kakasimula ko pa lang maintindihan ang mga gawain ko. Ngayon, pinapalit mo ako kay Mr. Thompson. Paano... Paano ako magiging karapat-dapat doon?!"Tinanong ni Charlie, "Hindi ba't unti-unting umangat si Mr. Thompson?"Hirap na sinabi ni Isaac, "Ah, inabot ng sampu hanggang dalawampung taon bago umabot sa posisyong iyon si Mr. Thompson. Mas mahina ang kakayahan ko kaysa sa kanya, at baka hindi ko makumbinsi ang iba sa aking mga kwalipikasyon."Iwinasiwas ni C
Sa hapon, si Keith, kasama ang panganay niyang anak na si Christian, at pangalawang anak na si Kaeden, ay palihim na pumunta sa Eastcliff kasama si Emmett.Sa halip na agad na umuwi sa kanyang tahanan sa Thompson First, pumunta muna si Charlie sa katabing villa, tinawag si Caden na nagtuturo ng martial arts doon, at sinabihan siya na ipaalam kina Isaac at Albert na makipagkita sa kanya.Noong una, medyo nag-alala pa si Charlie na baka bigla na lang mawala si Isaac nang walang dahilan. Bilang tagapagsalita ng Wades sa Aurous Hill at direktang tauhan ni Stephen, posible na may naglagay talaga kay Isaac sa posisyong ito.Buti na lang nandoon pa rin si Isaac sa Champs Elys Resort.Nang makita ni Charlie si Isaac, medyo gumaan ang kanyang pakiramdam. Sa totoo lang, nakakalungkot para sa kanya na may iba palang pinaglilingkuran si Stephen. Sa isang banda, si Stephen ang pinakatapat na tauhan ng kanyang ama, at kahit hindi niya maasahan ang lubos na katapatan ni Stephen sa mga Wade, nakak
Napabuntong-hininga si Charlie at sinabi, “Wala akong nakitang kongkretong bakas, at napilitan akong bumalik nang nasa kalahati na ako ng daan.”Nagulat na nagtanong si Keith, “Napilitan? Sino ang pumilit sayo na bumalik?”Sumagot si Charlie, “Lolo, mahaba ang kwento. Pumasok muna tayo at dahan-dahan natin itong pag-usapan.”Agad na pumayag si Keith. “Sige, pumasok na tayo at mag-usap.”Pumasok sina Charlie at ang mga miyembro ng pamilya Acker sa villa at nagkumpulan sa dining room. Dahil walang ibang tao, tapat na isinalaysay ni Charlie ang kanyang paglalakbay sa Mount Tason at ibinunyag ang kalagayan ni Stephen.Nang marinig na pinabalik si Charlie ng isang pekeng madre mula sa Quiant Monastery, lubos na nagulat ang lahat. Hindi sila makpaniwala na may taong may alam ng kanyang mga hakbang at naghintay sa kanya habang paakyat siya sa Mount Tason. Lalo silang nabigla nang malamang si Stephen, ang tahimik na nagbantay kay Charlie sa halos dalawampung taon, ay may iba palang pinagl
Alam ni Charlie na may pambihirang impluwensya si Emmett sa Eastcliff. Kaya sa tulong niya, siguradong magiging matagumpay ang mungkahi ni Vera. Bukod pa roon, mataas din ang posibilidad na maisakatuparan ang plano ni Vera. Basta’t suportado ito ng mga nasa kapangyarihan at ipakita lang nila na seryoso sila sa mga Acker, magiging ligtas na ang mga Acker sa Oskia.Kahit gaano pa katapang at kapusok si Fleur, hindi niya kakayaning labanan nang lantaran ang isang bansa, maliban na lang kung sawa na talaga siyang mabuhay, dahil apat na raang taon na siyang nabubuhay.Ngunit ayon sa pagkakaintindi ni Charlie, habang tumatagal ang buhay ng isang tao, lalo niyang pinapahalagahan ang buhay niya at mas natatakot sa kamatayan. At si Fleur, na apat na raang taon nang nabubuhay, ay siguradong takot na takot mamatay. Kung hindi, hindi sana siya tumakas mula sa bundok sa ganoong kahabag-habag na kalagayan.Nang makita ni Vera na wala namang tutol si Charlie sa mungkahi niya, agad niyang tinawagan
Inutusan ni Charlie si Shawn sa tawag na ayusin ang isang private plane para sunduin si Janus papuntang Aurous Hill ngayong alas-nuwebe ng gabi at humiling ng convoy mula sa bahay ni Janus papuntang airport. Kahit na hindi natuwa si Shawn dito, hindi siya naglakas-loob na kumontra at napilitan na lang siyang sumang-ayon habang pilit na nakangiti.Pagkatapos, nagpaalam sina Charlie at Vera sa lolo ni Charlie na si Jeremiah.Sa eroplano, tinanong ni Vera si Charlie, “Young Master, hindi ba masyadong minamadali kung pupunta ka ng New York ngayong gabi? Magkakaroon ka lang ng nasa mahigit sa sampung oras sa Aurous Hill.”Umiling si Charlie at sinabi, “Bukod sa pagpunta ko sa lolo at lola ko at pagbibigay ng balita sa mga nangyari kailan lang, gusto ko ring alamin kung may maiisip silang anumang mahalagang impormasyon. At saka gusto ko ring bumisita sa mga biyenan ko bago umalis.”Tumango si Vera at sinabi nang malambot, “Muntik ko nang makalimutan na nasa United States din ang asawa mo.
Ipinadala ni Charlie ang litrato kay Janus sa WhatsApp at nagpadala ng isang voice message: ‘Uncle Janus, pwedeng mo ba akong tulungan at tingnan kung kilala mo ang taong ito sa tabi ng aking ama?’Mabilis na sumagot si Janus gamit ang voice message: ‘Young Master, nakita ko na ang taong ito sa litrato. Ang pangalan niya ay Biden Cole, pero hindi ako masyadong pamilyar sa kanya. Ang alam ko lang ay isa siyang Oskian na antique dealer na may malapit na ugnayan sa iyong tatay.’Nang marinig ni Charlie na kilala ni Janus ang taong ito, agad niyang tinawagan si Janus. Pagkakonekta ng tawag, sabik niyang tinanong, “Uncle Janus, pwedeng mo bang sabihin sa akin ang tungkol kay Biden Cole nang detalyado?”Sinabi ni Janus, “Ang pamilya ni Biden ay matagal nang nakikibahagi sa negosyo ng mga antiques sa ibang bansa, karamihan ay nakatutok sa Europe at America. Bukod sa United States, may negosyo rin sila sa England at France. May reputasyon ang pamilya niya sa industriya ng mga antique sa Euro
Pagkatapos niyang magsalita, tahimik niyang tinanong si Charlie, “Charlie, bakit ka tinatawag ni Miss Lavor na ‘Young Master’?”Nag-isip sandali si Charlie, saka ngumiti at sinabi, “Mahilig siya sa ancient culture. Huwag ka nang magulat kung tawagin pa niya ang sarili niya bilang 'ang aba'.”Umiling si Jeremiah at ngumiti habang sinasabi, “Matanda na ako, hindi ko na talaga maintindihan ang hilig ng mga kabataan ngayon.”Pagkatapos ay hininaan niya ulit ang boses niya at sinabi kay Charlie, “Pero may tindig talaga si Miss Lavor na parang isang maharlikang babae. Medyo bata lang siya. Kung hindi, bagay sana siya sayo.”“Oo nga, bata pa talaga siya…” Tumango si Charlie habang nakangiti, pero sa isip niya, ‘Kung alam mo lang na mahigit tatlong daan taon na si Vera, baka magulat ka nang sobra.’Pagkatapos nito, sabay na silang pumunta ni Jeremiah sa dining room.Binubuksan ni Vera ang mga biniling almusal nang inabot ni Charlie ang photo album kay Jeremiah at tinanong siya, “Lolo, naa
Hatinggabi na nang lumayag ang isang cargo ship mula sa Blue Bay, sakay si Stephen papuntang Tahiti sa South Pacific.Nakatayo si Stephen sa hulihan ng barko at nilamon ng emosyon habang pinapanood ang lungsod na unti-unting nawawala sa dilim ng gabi. Dati siyang pinagkakatiwalaang tauhan ni Curtis, ang ama ni Charlie. Dalawampung taon na ang nakalipas nang ibigay sa kanya ni Curtis ang dalawang misyon: una, protektahan ang kaligtasan ni Charlie pagkatapos ng mangyayari sa kanya, at pangalawa, sundin ang lahat ng utos ni Ashley. Sa paglipas ng mga taon, kahit nanatili siyang butler ng pamilya Wade, ang lahat ng ginawa niya ay ayon talaga sa mga utos ni Ashley.Sa mahigit sampung taon, kahit si Jeremiah ay walang alam kung buhay pa ba o patay na si Charlie. Dahil hindi inatasan ni Curtis si Stephen na ipaalam ang sitwasyon ni Charlie kay Jeremiah. Si Ashley pa rin ang may hawak ng lahat sa likod ng mga pangyayari.Nang maramdaman lang ni Ashley na dumating na ang tamang panahon, saka
Napabuntong-hininga si Charlie at sinabi, “Posible nga. Sa biglaan niyang pag-alis, parang pakiramdam ko na mahihirapan na akong makita siya ulit. Matalinong tao siya, at alam niyang hindi siya pwedeng magtago habambuhay. Kaya hindi niya gagawin na patayin lang ang cellphone niya ngayong gabi tapos babalik lang bukas sa Wade Mansion na parang walang nangyari, maliban na lang kung disidido na siyang hindi na muling magpakita pagkatapos niyang umalis.”Nagulat si Vera at nagtanong, “Sa puntong ito, ano pa bang itinatago ni Mr. Thompson sa iyo? Hindi ba’t matagal na niyang tinutupad ang mga utos ng iyong ama? Bakit bigla na lang siyang aalis ngayon? Alam ba niyang tatanungin mo siya tungkol sa mga larawan na ito?”Umiling si Charlie at sinabi, “Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya, pero base sa pagkakakilala ko sa kanya, tapat siya sa pamilya Wade. Baka may sarili siyang dahilan kung bakit siya umalis nang hindi nagpapaalam, o baka ito rin ay bahagi ng mga plano ng aking ama.”Sinabi