Hindi si Hannah ang pinaka kinamumuhian ni Christopher na nanloko sa kanya, sa halip, si Elaine na ininsulti siya nang paulit-ulit.Gusto talagang durugin ni Christopher si Elaine sa tuwing naiisip niya ang dalawampung berdeng sombrero na wumawagayway sa balkonahe ni Elaine.Sa tuwing nakikita niya ang dalawampung berdeng sombrero na iyon na sumasabay sa hangin, para bang may lumalatigo nang walang awa sa kanya.Kaya, naramdaman niya na kung gusto niyang maghiganti, siguradong mas angkop sa kanila na magsimula kay Elaine.Ang pinakamahalaga, hindi nila mapupukaw ang galit ni Charlie kung maghihiganti sila kay Elaine.Kung hindi, kung aatakihin nila si Claire, para bang ginagalit na nila si Charlie. Kung gano’n, malaki ang posibilidad na mamamatay sila.Kahit si Donald ay hindi naglakas-loob na atakihin si claire. Kaya, natural lang na hindi maglakas-loob ang pamilya na gumawa ng problema para sa kanila.Agad sumang-ayon ang buong pamilya sa mungkahi ni Christopher.Dahil, sa mg
Ikakasal na sa susunod na araw ang kaklase ni Claire noong high school.Ginamit ng mag-asawa ang dalawang super sports car habang umalis sila nang madaling araw mula sa villa ng Thompson First papunta sa Wylland Park, isang lugar sa labas ng lungsod sa Aurous Hill.Ang Wylland Park ay nasa animnapung kilometro mula sa gitna ng siyudad. Kahit na medyo malayo ito, buti na lang, may direktang highway na galing sa gitna ng siyudad papunta sa Wylland Park.Nakatira ang kaklase ni Claire sa labas ng bayan sa Wylland Park. Nang sinundan nila ang direksyon ng navigation system papunta sa community kung saan nakatira ang babae, nadiskubre nila na isa itong lumang community na nasa dalawa o tatlumpung taon na.Ang lahat ng bahay sa community ay hindi tataas sa anim na palapag at ang mga bahay ay magkakatabi. May batik-batik na ang berdeng pintura sa labas ng bahay, ipinapakita ang kulay ng semento.Sobrang kitid din ng entrance ng community. Bukod dito, may ilang matataas na speed bumps din
Sa sandaling narinig niya ito, tinanong ni Charlie si Claire nang mausisa, “Ano? Ikakasal siya ngayong araw at sinabihan ka lang niya tungkol dito?”“Oo…” Sumagot si Claire. “Gusto niya akong pumunta at tulungan siya. Kung hindi, hindi niya talaga magagawa ang lahat nang mag-isa. Sa una ay balak kong humanap ng ilang kaklase para tulungan siyang paghandaan ang kasal niya. Maganda sana kung makakapunta rin sila para pasayahin siya pero ayaw niyang gawin ito.”Sumagot nang walang magawa si Charlie, “Sa tingin ko ay ayaw niyang mawalan ng dignidad sa harap ng mga kaklase niya. Kaya, maiintindihan naman talaga ito.”Bahagyang tumango si Claire bago sinabi, “Kailanman ay hindi ko pa siya nakikitang nakakaawa nang sobra. Ito ang pinakamahalagang araw ng kasal niya pero binibigyan siya ng problema ng sarili niyang pamilya at ng mga biyenan niya…”Habang nagsasalita siya, nagbuntong hininga na lang si Claire habang sinabi, “Charlie, sa totoo lang, sa tingin ko ay sobrang swerte ko dahil na
Sa sandaling ito, isang di gaano katandang lalaki ang sumigaw sa malamig na boses, “Talagang inaapi at pinagsasamantalahan ng pamilya ng lalaking ito ang iba. Buntis ka na sa apo nila at hindi man lang sila magbibigay ng kahit anong dowry. Hindi ba sila natatakot na ipapalaglag mo ang sanggol?”Sumagot ang isang binata, “Bakit matatakot ang pamilya Scotson? Gusto nilang ipalaglag ng ate ko ang sanggol. Dahil minamaliit at kinamumuhian nila ang ate ko at sa tingin nila ay hindi siya karapat-dapat na ikasal sa pamilya nila.”Pagkatapos, nagpatuloy siya, “Ate, bakit parang nahumaling ka na? Bakit kailangan mong pakasalan ang lalaking iyon na may apelyidong Scotson? Sobrang sama ng g*gong iyon at ng buong pamilya niya! Bakit hindi ka magtanong-tanong sa community natin at tingnan kung may ibang babae na hindi nakatanggap ng dowry sa mga biyenan nila noong kinasal sila? Ikinasal ang kapatid ng mabuting kaibigan na si Samuel sa isang ordinaryong lalaki sa sumunod na bayan at binigyan ng pa
Sa sandaling ito, lumala na ang mga abusadong boses sa itaas.Galit na sinumbat ng di gaano katandang babae, “Paano ko ba ipinanganak ang isang basura na tulad mo? Nagsikap akong suportahan ka at bayaran ang edukasyon mo sa university. Hindi ka man lang kumita nang malaki para sa pamilya natin sa nakaraang dalawang taon at ngayon, nagmamadali ka nang manganak para sa iba. Kung alam ko lang na magiging walang konsensyang tao ka, tinapon na sana kita pagkatapos kitang ipanganak!”Umiyak ang dalaga habang sinabi, “Ma, nakapasok ako sa university dahil umasa ako sa student loan! Hanggang ngayon ay binabayaran ko pa rin ang student loan. Sa panahong iyon, hindi mo man lang ako pinayagang pumasok sa university. Gusto mo pa akong ikasal noong labing-walong taon pa lang ako. Sinabi mo sa akin na kapag mas bata ikakasal ang isang babae, mas mahalaga siya!”“Sinubukan ko ang lahat ng makakaya ko para makapasok sa university pero pinagbawalan mo pa rin akong pumasok dito. Sinubukan mo pang pun
Pagkatapos niyang magsalita, ipinakilala niya si Charlie sa binata. “Francis, siya ang asawa ko, si Charlie.“Asawa?” Tinanong sa sorpresa ni Francis. “Claire, kasal ka na?”Bahagyang tumango si Claire bago siya ngumiti at sniabi, “Oo, mahigit tatlong taon na akong kasal ngayon. Nasaan ang ate mo? Nasa bahay ba siya?”Sa sandaling ito, isang dalaga na may limang fingerprint na bakas sa mukha niya ang pumunta at naglabas ng pekeng ngiti sa kanyang mukha habang sinabi, “Claire, nandito ka na!”Medyo maganda rin ang babae at may magandang katawan din siya. Siguradong galing siya sa upper middle class.Pero, malinaw na may suot na sobrang murang wedding dress ang babae. Makikita pa na may punit na ang ilang parte ng wedding dress.Isang lalaki at babae ang biglang lumabas sa kwarto sa sandaling ito. Mukhang nasa limampung taon ang mag-asawa at mayroon silang napakalamig na ekspresyon sa kanilang mukha sa sandaling ito. Nang makita nila si Claire, tumingin ang mag-asawa kay Magnolia a
Hindi pa nagsasalita si Charlie. Pero, nang makita niyang pinulot ng ama ni Magnolia ang rolling pin, bigla siyang nagalit nang sobra.Ayos lang kung gumagawa lang sila ng sarkastiko at mapangutyang pangungusap, pinapagalitan siya, pati na rin ang pag-atake pagkatao niya. Dahil, sinamahan niya lang naman ang asawa niya dito para tulungan siyang ikasal ang kaklase niya noong high school. Kaya, ang gusto niya lang gawin ay umalis sa lalong madaling panahon para kumpletuhin ang layunin niyang ikasal ang kaibigan niya.Gayunpaman, hindi niya talaga ito natiis nang makita niyang umaasta na parang mga hinayupak ang mga magulang at ang kapatid ng kabila.Kaya, tumayo siya sa harap nina Claire at Magnolia sa mapagtanggol na paraan. Pagkatapos, tumingin siya nang malamig sa ama ni Magnolia habang sinabi, “Alam mo ba na iligal ang lahat ng kilos mo? Ang pangingialam sa kasal ng anak mo ay isang kalayaan na labag sa moralidad. Bukod dito, ang mga personal na atake at insulto, pati na rin ang l
Kahit na ginamit ng ama ni Magnolia ang lahat ng kanyang lakas, naramdaman niya na hinampas niya ang rolling pin sa isang matigas na bakal. Pagkatapos nito, mayroong malakas at marahas na panginginig sa pagitan ng kanyang hinlalaki at hintuturo. Nakaramdam siya ng sobrang sakit at agad niyang binitawan ang rolling pin at hinawakan ang kanyang pulos habang sumigaw siya sa sakit.Nang tumingin ulit siya sa rolling pin, napagtanto niya na nahati na ito sa dalawa!Nagulat talaga dito ang ama ni Magnolia.Kaya talagang baliin ng lalaking ito ang rolling pin gamit lang ang mga kamay niya. Bukod dito, mukhang hindi man lang nasaktan ang taong iyon. Malinaw na magaling makipaglaban ang lalaking ito sa isang tingin lang!Paano niya magagawang galitin ang ganitong tao? Paano kung mamuo ang dugo sa ulo niya pagkatapos siyang suntukin ng lalaki? Sino ang makakausap niya kung gano’n? Dahil, isa lang siyang matandang lalaki na walang pera at walang kapangyarihan. Pagkatapos niyang mabugbog, wala
Pagkatapos niyang magsalita, tahimik niyang tinanong si Charlie, “Charlie, bakit ka tinatawag ni Miss Lavor na ‘Young Master’?”Nag-isip sandali si Charlie, saka ngumiti at sinabi, “Mahilig siya sa ancient culture. Huwag ka nang magulat kung tawagin pa niya ang sarili niya bilang 'ang aba'.”Umiling si Jeremiah at ngumiti habang sinasabi, “Matanda na ako, hindi ko na talaga maintindihan ang hilig ng mga kabataan ngayon.”Pagkatapos ay hininaan niya ulit ang boses niya at sinabi kay Charlie, “Pero may tindig talaga si Miss Lavor na parang isang maharlikang babae. Medyo bata lang siya. Kung hindi, bagay sana siya sayo.”“Oo nga, bata pa talaga siya…” Tumango si Charlie habang nakangiti, pero sa isip niya, ‘Kung alam mo lang na mahigit tatlong daan taon na si Vera, baka magulat ka nang sobra.’Pagkatapos nito, sabay na silang pumunta ni Jeremiah sa dining room.Binubuksan ni Vera ang mga biniling almusal nang inabot ni Charlie ang photo album kay Jeremiah at tinanong siya, “Lolo, naa
Hatinggabi na nang lumayag ang isang cargo ship mula sa Blue Bay, sakay si Stephen papuntang Tahiti sa South Pacific.Nakatayo si Stephen sa hulihan ng barko at nilamon ng emosyon habang pinapanood ang lungsod na unti-unting nawawala sa dilim ng gabi. Dati siyang pinagkakatiwalaang tauhan ni Curtis, ang ama ni Charlie. Dalawampung taon na ang nakalipas nang ibigay sa kanya ni Curtis ang dalawang misyon: una, protektahan ang kaligtasan ni Charlie pagkatapos ng mangyayari sa kanya, at pangalawa, sundin ang lahat ng utos ni Ashley. Sa paglipas ng mga taon, kahit nanatili siyang butler ng pamilya Wade, ang lahat ng ginawa niya ay ayon talaga sa mga utos ni Ashley.Sa mahigit sampung taon, kahit si Jeremiah ay walang alam kung buhay pa ba o patay na si Charlie. Dahil hindi inatasan ni Curtis si Stephen na ipaalam ang sitwasyon ni Charlie kay Jeremiah. Si Ashley pa rin ang may hawak ng lahat sa likod ng mga pangyayari.Nang maramdaman lang ni Ashley na dumating na ang tamang panahon, saka
Napabuntong-hininga si Charlie at sinabi, “Posible nga. Sa biglaan niyang pag-alis, parang pakiramdam ko na mahihirapan na akong makita siya ulit. Matalinong tao siya, at alam niyang hindi siya pwedeng magtago habambuhay. Kaya hindi niya gagawin na patayin lang ang cellphone niya ngayong gabi tapos babalik lang bukas sa Wade Mansion na parang walang nangyari, maliban na lang kung disidido na siyang hindi na muling magpakita pagkatapos niyang umalis.”Nagulat si Vera at nagtanong, “Sa puntong ito, ano pa bang itinatago ni Mr. Thompson sa iyo? Hindi ba’t matagal na niyang tinutupad ang mga utos ng iyong ama? Bakit bigla na lang siyang aalis ngayon? Alam ba niyang tatanungin mo siya tungkol sa mga larawan na ito?”Umiling si Charlie at sinabi, “Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya, pero base sa pagkakakilala ko sa kanya, tapat siya sa pamilya Wade. Baka may sarili siyang dahilan kung bakit siya umalis nang hindi nagpapaalam, o baka ito rin ay bahagi ng mga plano ng aking ama.”Sinabi
Alam ni Charlie na si Stephen ang dating pinaka-pinagkakatiwalaang tauhan ng kanyang ama, at sigurado siyang maraming masusing plano ang iniwan ng ama niya noon. Kahit matagal nang nagsisilbi si Stephen sa pamilya Wade, ang totoo, halos lahat ng oras at lakas niya ay nakatuon sa pagtupad ng mga misyon na binigay sa kanya ng kanyang ama.Nang maalala ni Charlie na bahagi rin si Raymond ng plano ng kanyang ama, naisip niyang malamang ay may alam din si Stephen tungkol sa kanya. Kaya sinabi niya kay Vera, “Hindi ko pa masyadong natanong si Mr. Thompson ng mga detalye dati, pero mukhang kailangan ko na talagang kausapin siya ngayon at hingan siya ng malinaw na sagot.”Sa sandaling iyon, nakatuon ang isip ni Charlie sa pagbubunyag ng lahat ng nangyari noon at ng mga planong iniwan ng kanyang ama. Kahit pa kailangan niyang gumamit ng psychological hints kay Stephen, determinado siyang makuha ang lahat ng impormasyon na alam ni Stephen.Dahil doon, sinabi niya kay Vera, “Hahanapin ko na si
Sinabi ni Charlie, “Makakauwi rin ako agad, siguro mga isa o dalawang araw pa.”Sagot ni Jacob, “Ayos! Pagbalik mo, maghanap tayo ng lugar na pwedeng mag-barbecue at mag-beer!”“Sige.”Pagkatapos pumayag sa hiling ni Jacob, nagpaalam si Charlie sa kanya sa tawag. Pagkababa niya ng tawag, tinanong niya si Vera na nasa harapan niya, “Miss Lavor, ano sa tingin mo?”Sagot ni Vera, “Sa tingin ko, hindi nagsinungaling ang biyenan na lalaki mo, at tugma ang kwento niya sa hinala ko.”Nagpatuloy si Vera, “Naniniwala ako na posibleng matagal nang pinaghandaan ng ama mo, halos dalawampung taon na, ang pagkuha mo sa Apocalyptic Book. Base sa kwento ng biyenan na lalaki mo, kusa talagang nabasag ang vase, at yung vibration na binanggit niya, baka galing talaga iyon sa mismong Apocalyptic Book.”“Kaya ang hinala ko, hindi lang kung sino-sino ang pwedeng makakuha ng Apocalyptic Book sa pamamagitan ng vase. Dapat ang tao ay pasok sa mga requirements ng libro at karapat-dapat para mabuksan ito. S
Sinabi ni Jacob nang hindi nasisiyahan, “Syempre hindi ako malamya. Alam mo naman ang kalagayan ko sa pera. Si Elaine ang humahawak ng lahat ng pera sa bahay, at halos wala akong naitatabi, baka ilang libo lang. Kaya kahit anong antique ang tinitingnan ko, doble-ingat ako palagi. Baka mabitawan ko, mahawakan nang mali, o mapagbintangan pa akong may ginagawang kalokohan…”Sa puntong ito, nagpatuloy si Jacob nang naiinis, “Sa araw na iyon, parang may sumpa rin yung jade vase na iyon. Pagkahawak ko, parang may langis, at dumulas agad ito mula sa kamay ko. Nahulog ito sa sahig at nabasag. Baka sinadya talaga ni Mr. Cole na pagbintangan ako.”Napaisip si Charlie, “Pa, noong nabasag yung jade vase, ako ang nag-ayos noon gamit ang egg whites. Hindi ko naman maalalang parang may langis iyon. Ang pagkakaalala ko, medyo magaspang ang vase dahil galing pa iyon sa Tang Dynasty. Hindi makinis ang glaze, parang may buhangin pa nga ang pakiramdam kapag hinawakan. Paano ito dumulas sa kamay mo?”“Eh
Lubhang ikinagulat ni Charlie ang tanong ni Vera. Pero sa masusing pag-iisip, mukhang may punto nga ito. Kung isa talaga itong malaking plano na inihanda sa loob ng mahigit dalawampung taon, imposibleng iaasa ito sa isang taong hindi maasahan para sa isang napakahalagang bahagi ng plano.Alam ng lahat kung gaano ka-hindi maasahan si Jacob, at si Charlie na mismo ang pinaka nakakaalam nito. Kahit biyenan na lalaki niya si Jacob, masasabi ni Charlie nang buong tiwala na kung sa kanya nakasalalay ang tagumpay o kabiguan ng isang mahalagang plano, malamang sa malamang ay mabibigo ito.Kaya agad niyang kinuha ang cellphone niya at tinawagan si Jacob.Sa sandaling iyon, nakahiga si Jacob sa kwarto niya sa Thompson First habang abala sa pagkalikot ng cellphone niya. Mula nang magsama sina Matilda at Yolden, tila nawala na ang lahat ng kasiyahan sa buhay niya. Dagdag pa roon, nasa bahay din si Elaine na kinaiinisan at kinasusuklaman niya, kaya’t ang tanging libangan na lang niya ay ang magku
“Pero namatay na ang ama ko dalawampung taon na ang nakalipas. Hindi naman siya isang Feng Shui master na katulad mo, kaya paano niya malalaman noon pa lang na kailangan kong malagpasan ang pagsubok na iyon sa edad na dalawampu’t pito?”Napakunot ang noo ni Vera.Matapos ang matagal na pag-iisip, sinabi niya, “May punto ka. Ayokong bastusin ang sinuman, pero parang imposibleng mahulaan ng iyong ama nang ganoon ka-eksakto ang mga mangyayari dalawampung taon na ang nakalipas.”Dagdag ni Charlie, “Nang makilala ko si Master Lennard sa Mount Wintry, sinabi niyang pumunta siya sa Eastcliff para piliin ang Mount Wintry bilang isang geomantic treasure land para sa pamilya Wade, alinsunod sa kahilingan ng lolo ko. Kinumpirma ko na ito sa lolo ko at sa iba pa. Sa panahong iyon, masama ang sitwasyon ng pamilya Wade, at totoo ngang naghanap ng tulong ang lolo ko kung kani-kanino bago niya nahanap si Master Lennard. Kaya hindi posibleng naplano ng ama ko ang paglabas ko sa dragong stranding pred
Nararamdaman ni Jasmine na may gustong siguraduhin si Charlie, pero nang mapansin niyang ayaw ni Charlie na ipaliwanag nang malinaw ang mga bagay, naging maunawain siya at hindi na siya tinanong. Sa halip, magalang niyang sinabi, “Master Wade, kung may kailangan ka o may gusto kang itanong, huwag kayong mag-atubiling tumawag sa akin kahit kailan.”“Sige, salamat.”Nagpasalamat si Charlie kay Jasmine at ibinaba ang tawag. Napansin ni Vera ang tila naguguluhang ekspresyon niya kaya hindi niya napigilang magtanong, “Young Master, ano naman ang bumabagabag sayo ngayon?”Kalmadong sagot ni Charlie, “Bigla ko lang naalala ang isang bagay. Noong nakuha ko ang Apocalyptic Book, para siyang libro pero parang hindi rin. Pagkapulot ko, kusa itong naging pulbos, pero sa hindi maipaliwanag na dahilan, ang laman nito ay agad na naitala sa isipan ko…”Sandali siyang tumigil bago nagpatuloy, “Ibig bang sabihin nito, ang Apocalyptic Book ay para lang talaga sa isang gamitan, at nakatakda na isang ta