Halos gabi-gabi na ata si Ashton sa Infinite Club na siyang pinangasiwaan ng kanyang kaibigan na si Clyde. Mula noong nabasa n'ya sa list ng mga taong nakatira sa lupaing bibilhin nila para sa bagong project ng kompanya ang pangalan ni Amber Lie De Asis ay hindi na siya pinatahimik nito. Sa halip nag-volunteer pa nga na s'ya mismo ang haharap sa mga taong naninirahan doon upang makitang muli ang dalaga. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit masyado siyang intresado sa babaeng 'yon. Ngunit sa tuwing naiisip naman n'ya ang dating nobya ay umusbong na naman ang poot sa kanyang dibdib. Lagi n'ya kasing isinisiksik sa kanyang isipan na kaya lang ito nakalaya ay dahil magaling ang abogadong nakuha ng kanyang ina. Hindi niya kasi maamin sa sarili na nagkamali rin s'ya sa pagbintang dito at maraming masasakit na salita ang kanyang binitawan sa harap mismo ng babae. Inaamin niyang nalungkot din s'ya nang mapawalang-sala ito dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin nabigyan ng hustisya ang
Months had passed so fast. Naninibago man sa bagong pamumuhay na meron sila, ngunit patuloy pa rin si Amber sa hamon ng buhay. Masakit man isipin na iniwan nila ang lugar kung saan nakatanim ang mga magagandang alaala niya sa mga magulang ay wala siyang choice kundi talikuran iyon. Alam naman niya sa sarili na kahit kailan ay hindi nawala sa kanyang puso't isipan ang mga alaalang iyon. Hindi niya alam kung paano magpasalamat kay Ashton sa magandang bahay na handog nito sa kanilang lahat. Halos magkakapareho ang design ng mga bahay dito sa subdivision na kinaroroonan nila. Karaniwan sa kanilang mga kapit-bahay noon ay pinili ang bahay na dalawang palapag dahil sa marami silang miyembro ng pamilya. Hindi n'ya ma-imagine kung bakit ganito kagalante ang kompanya ng mga ito. Ayun pa kay Jessie, marami rin daw silang foundation. Kaya siguro pinagpala sila dahil sa kabaitan ng pamilya nito.Hindi man makapaniwala sa mga nangyayari sa kanyang buhay. Mas minabuti niyang kalimutan ang nakaraan
Ilang minuto nang nakatayo si Amber sa harapan ng matayog na VM Tower. Hindi n'ya akalain na makakabalik siyang muli sa lugar na ito. Maraming tao ang labas pasok sa building. Para tuloy siyang nagbibilang habang nakamasid lamang sa karangyaan ng building. Masyadong makintab ang bawat salamin na pader nito. Napahalukipkip s'ya sa tabi ng malaking poste at nag-iipon ng lakas para pumasok. Mayamaya ay dahan-dahan siyang humakbang papasok. Sumalubong sa kanya ang mabangong refresher at lamig na nanunuot sa kanyang kalamnan. Kung hindi lang dahil sa kanyang cellphone ayaw n'ya sanang bumalik sa lugar na ito. Para kasi siyang nanliit sa kanyang sarili dahil sa simpleng suot na jeans at yellow t-shirt na nagpatingkad sa kanyang kaputian. Maputi siya, kaya dahil sa kanyang balat binansagan siyang ampon ng karamihan sa nakakilala sa kanila dahil s'ya lang daw ang may kakaibang kulay sa kanilang pamilya. Pagpasok n'ya ay dumiretso s'ya sa receptionist. Mukha atang nakilala pa s'ya ng mga ito
"D*mn it!" napamura si Ashton nang makalabas si Amber sa kanyang opisina. Hindi iyon ang balak n'ya ngunit taliwas ang nangyari. Gigil na sumalapak siya ng upo sa sofa ng kanyang opisina. Naikuyom niya ang kanyang kamao at hindi maiwasang mapatingin sa mukha ni Julianna sa kanyang harapan. "I'm sorry to fail your request." bulong niya. Hindi kasi niya maintindihan kung bakit iyon ang huling hiling nito sa kanya bago ito binawian ng buhay sa kanyang mga bisig. Bakit kailangan niyang tulungan ang babaeng 'yon. At saka dumagdag pa itong l*ntik n'yang puso. Bakit nakaramdam s'ya ng selos pagkabasa sa pangalan ni Lucas? Paano nagkakilala ang dalawa? Sunod-sunod na tanong sa kanyang isipan na hindi niya alam ang kasagutan. "Boss, okay ka lang ba?" nagulat pa s'ya sa biglang pagsulpot ni Luis sa pintuan. Umiling s'ya. "Nakita mo bang mukha akong okay?" singhal n'ya rito. "Sorry, boss. Handa na nga pala ang conference room at naghihintay na rin sila sa iyo." tukoy nito sa mga
Hindi mapakali si Amber sa kanyang higaan dahil sa pag-iisip kung paano n'ya makuha ang cellphone kay Ashton. Ang mali talaga lang talaga n'ya ay wala siyang copy sa lahat ng importanteng contacts na naka-save roon. Kailangan niya talagang makuha iyon dahil yun ang number na pinakamatagal na niyang gamit mula pa noong nasa high school pa s'ya. Napabangon s'ya bigla ng maalala ang tanong nito tungkol kay Lucas Enriquez. Her childhood friend. Paano nito nalaman ang tungkol kay Lucas? Matagal na panahon na siyang walang balita roon. Hindi niya alam kung bakit bigla nalang itong nawala at ni, goodbye ay wala siyang narinig. Teka, hindi kaya ay tumawag siya sa number ko? Mga tanong sa isip n'ya. Mag-alas diyes nang gabi pero hindi parin s'ya dinadalaw ng antok. Sinulyapan n'ya ang kanyang anak na mahimbing na natutulog sa kanyang tabi. Magkatabi sila ng kanyang anak matulog si Jaypee naman ay nasa kabilang kwarto. Proud s'ya sa kanyang kapatid dahil malaki ang pinagbago nito sa loob ng
Humahangos na dumating sina Amber at Anastasia sa The Hope General Hospital. Agad silang nagtungo sa emergency room kung saan naroon ang kanyang anak. Wala na siyang pakialam kung makita man ng Ginang ang kanyang anak, basta ang importante sa kanya ay gumaling ito. "Miss, saan ba ang emerge…" "This way, iha. I know the way." singit ng Ginang. Napahinga siya ng maluwag dahil mapadali ang kanilang pagdating doon. O baka pag-aari rin ng pamilya nila ang hospital na ito. Sa isip n'ya. Ka pangalan kasi ng hospital na ito ang shelter na pag-aari rin nito. Ah basta hindi na mahalaga iyon, sa ngayon nais niyang makita ang anak. Napahikbi siya lalo dahil sa inaalalang baka maraming nawala na dugo rito. Iyan ang kanyang problema sa anak dahil sa tuwing nagkakasakit ito ay bumababa ang hemoglobin. "This way, iha."Lumiko sila sa isang pasilyo. Nang mabasa n'ya ang nakasulat na emergency room para siyang naglalakad na kaluluwa. Nangangatog ang tuhod at hilam sa luha ang mga mata. Sa laba
FLASHBACK "Girl, pwede bang makisuyo? Ikaw na muna sana ang maglinis sa Room 2202. Wala naman si Sir Ashton ngayon kasi weekdays naman. Kailangan kasing mabisita at malinisan ang kwarto niya bago mag weekend kasi natutulog s'ya rito tuwing biyernes ng gabi." pakisuyo ni Ester sa kanya, isa sa mga kasamahan niya na matagal na rito. Syempre dahil baguhan palang s'ya kailangan niyang makisama. "Okay, walang problema." sagot ni Amber. "Thank you, girl. You save my date." saad pa nito saka kumindat sa kanya. Kaya pala ay may date ito. Napailing nalang s'ya sabay tulak sa cart na may mga lamang panlinis at room supply. May lilinisan pa siya na dalawang kwarto bago niya mapuntahan ang room na sinasabi nito. Hindi niya iyon kilala kung sino mang tao iyon o baka VIP sa hotel na ito. Wala naman kasing nagsabi sa kanya kung sino ang mga VIP rito kaya wala na rin siyang balak alamin dahil hindi naman s'ya usyoserang tao basta ang importante sa kanya ay matapos ang trabaho ng maayos at makau
Nagdadalawang-isip si Ashton na sumunod sa kanyang ina nang tawagan s'ya nitong dumiretso sa opisina nito sa Hope. Ilang beses niyang pabalik-balik na isinuot ang brown leather jacket na nakasabit sa kanyang likuran. Natatamad kasi s'ya dahil alam niyang babae na naman ang nais na ipakilala ng kanyang ina sa kanya. Suko na kasi siya sa mga blind dates na ipinapataw nito sa kanya. Lagi kasi siya nitong sinisermonan na marami pa raw babae riyan sa takot na hindi na s'ya mag-aasawa. Habang nakaupo at nakaharap sa kanyang computer ay hindi n'ya alam ang gagawin. Hanggang sa tumawag na nga ang mahal niyang ina. "Ma." "Saan kana anak? Papunta ka na?" Napakamot siya sa ulo dahil ayaw niyang magsinungaling dito. "Paalis palang po, Ma." pagtatapat n'ya rito. "Wala kang balak sumipot, ano? Huwag kang mag-alala hindi naman blind date ang ipapagawa ko sa iyo alam kong iyan ang dahilan kung bakit ka nagdadalawang-isip, son." paliwanag ng kanyang ina. Para siyang nabunutan ng tinik da