"D*mn it!" napamura si Ashton nang makalabas si Amber sa kanyang opisina. Hindi iyon ang balak n'ya ngunit taliwas ang nangyari. Gigil na sumalapak siya ng upo sa sofa ng kanyang opisina. Naikuyom niya ang kanyang kamao at hindi maiwasang mapatingin sa mukha ni Julianna sa kanyang harapan. "I'm sorry to fail your request." bulong niya. Hindi kasi niya maintindihan kung bakit iyon ang huling hiling nito sa kanya bago ito binawian ng buhay sa kanyang mga bisig. Bakit kailangan niyang tulungan ang babaeng 'yon. At saka dumagdag pa itong l*ntik n'yang puso. Bakit nakaramdam s'ya ng selos pagkabasa sa pangalan ni Lucas? Paano nagkakilala ang dalawa? Sunod-sunod na tanong sa kanyang isipan na hindi niya alam ang kasagutan. "Boss, okay ka lang ba?" nagulat pa s'ya sa biglang pagsulpot ni Luis sa pintuan. Umiling s'ya. "Nakita mo bang mukha akong okay?" singhal n'ya rito. "Sorry, boss. Handa na nga pala ang conference room at naghihintay na rin sila sa iyo." tukoy nito sa mga
Hindi mapakali si Amber sa kanyang higaan dahil sa pag-iisip kung paano n'ya makuha ang cellphone kay Ashton. Ang mali talaga lang talaga n'ya ay wala siyang copy sa lahat ng importanteng contacts na naka-save roon. Kailangan niya talagang makuha iyon dahil yun ang number na pinakamatagal na niyang gamit mula pa noong nasa high school pa s'ya. Napabangon s'ya bigla ng maalala ang tanong nito tungkol kay Lucas Enriquez. Her childhood friend. Paano nito nalaman ang tungkol kay Lucas? Matagal na panahon na siyang walang balita roon. Hindi niya alam kung bakit bigla nalang itong nawala at ni, goodbye ay wala siyang narinig. Teka, hindi kaya ay tumawag siya sa number ko? Mga tanong sa isip n'ya. Mag-alas diyes nang gabi pero hindi parin s'ya dinadalaw ng antok. Sinulyapan n'ya ang kanyang anak na mahimbing na natutulog sa kanyang tabi. Magkatabi sila ng kanyang anak matulog si Jaypee naman ay nasa kabilang kwarto. Proud s'ya sa kanyang kapatid dahil malaki ang pinagbago nito sa loob ng
Humahangos na dumating sina Amber at Anastasia sa The Hope General Hospital. Agad silang nagtungo sa emergency room kung saan naroon ang kanyang anak. Wala na siyang pakialam kung makita man ng Ginang ang kanyang anak, basta ang importante sa kanya ay gumaling ito. "Miss, saan ba ang emerge…" "This way, iha. I know the way." singit ng Ginang. Napahinga siya ng maluwag dahil mapadali ang kanilang pagdating doon. O baka pag-aari rin ng pamilya nila ang hospital na ito. Sa isip n'ya. Ka pangalan kasi ng hospital na ito ang shelter na pag-aari rin nito. Ah basta hindi na mahalaga iyon, sa ngayon nais niyang makita ang anak. Napahikbi siya lalo dahil sa inaalalang baka maraming nawala na dugo rito. Iyan ang kanyang problema sa anak dahil sa tuwing nagkakasakit ito ay bumababa ang hemoglobin. "This way, iha."Lumiko sila sa isang pasilyo. Nang mabasa n'ya ang nakasulat na emergency room para siyang naglalakad na kaluluwa. Nangangatog ang tuhod at hilam sa luha ang mga mata. Sa laba
FLASHBACK "Girl, pwede bang makisuyo? Ikaw na muna sana ang maglinis sa Room 2202. Wala naman si Sir Ashton ngayon kasi weekdays naman. Kailangan kasing mabisita at malinisan ang kwarto niya bago mag weekend kasi natutulog s'ya rito tuwing biyernes ng gabi." pakisuyo ni Ester sa kanya, isa sa mga kasamahan niya na matagal na rito. Syempre dahil baguhan palang s'ya kailangan niyang makisama. "Okay, walang problema." sagot ni Amber. "Thank you, girl. You save my date." saad pa nito saka kumindat sa kanya. Kaya pala ay may date ito. Napailing nalang s'ya sabay tulak sa cart na may mga lamang panlinis at room supply. May lilinisan pa siya na dalawang kwarto bago niya mapuntahan ang room na sinasabi nito. Hindi niya iyon kilala kung sino mang tao iyon o baka VIP sa hotel na ito. Wala naman kasing nagsabi sa kanya kung sino ang mga VIP rito kaya wala na rin siyang balak alamin dahil hindi naman s'ya usyoserang tao basta ang importante sa kanya ay matapos ang trabaho ng maayos at makau
Nagdadalawang-isip si Ashton na sumunod sa kanyang ina nang tawagan s'ya nitong dumiretso sa opisina nito sa Hope. Ilang beses niyang pabalik-balik na isinuot ang brown leather jacket na nakasabit sa kanyang likuran. Natatamad kasi s'ya dahil alam niyang babae na naman ang nais na ipakilala ng kanyang ina sa kanya. Suko na kasi siya sa mga blind dates na ipinapataw nito sa kanya. Lagi kasi siya nitong sinisermonan na marami pa raw babae riyan sa takot na hindi na s'ya mag-aasawa. Habang nakaupo at nakaharap sa kanyang computer ay hindi n'ya alam ang gagawin. Hanggang sa tumawag na nga ang mahal niyang ina. "Ma." "Saan kana anak? Papunta ka na?" Napakamot siya sa ulo dahil ayaw niyang magsinungaling dito. "Paalis palang po, Ma." pagtatapat n'ya rito. "Wala kang balak sumipot, ano? Huwag kang mag-alala hindi naman blind date ang ipapagawa ko sa iyo alam kong iyan ang dahilan kung bakit ka nagdadalawang-isip, son." paliwanag ng kanyang ina. Para siyang nabunutan ng tinik da
Mabilis na pinahiran ni Amber ang mga luha at napatakbo s'ya sa higaan ng kanyang anak. Umiiyak habang nakangiti na hinaplos n'ya ang pisngi nito. "Salamat sa Diyos at gising ka na mahal ko." sambit n'ya saka hinalikan ang noo nito na may benda. "Siya ba si papa ko mama? Hindi ba ako nananaginip?" paniniguradong tanong nito. Tumutulo ang luha na tumango siya. Magkaharap sila ni Ashton habang nakatunghay sa kanilang anak. "Ang pogi po pala ng papa ko mama. Pareho po kami ng mukha kaya pala love na love ko s'ya." patuloy pa nito na lalo niyang ikinaiyak. Napatingin s'ya sa gawi ni Ashton saktong nakatingin pala ito sa kanya kaya nagkatitigan sila. "Love na love ka rin ni daddy anak. I'm sorry, I'm really sorry." napaiyak na si Ashton habang hawak ang kamay ng kanilang anak. Ngumiti naman si Avegail. "Okay lang po 'yon, daddy at least nandito kana, magkakasama na tayo nina mama. Thank you Papa God complete na po ang family ko dumating na si daddy mula sa malayo." masayang sam
"Are you ins*Ne? Huh! Umpisa palang sumusuko ka na? Akala ko ba matapang ka! Mahina ka palang kalaban eh!" galit na hamon ni Ashton sa babaeng walang lakas at mugto ang mga mata habang nakaupo sa gilid ng hagdan. "Hindi ko iyon sinasadya, natapilok lang ako. Pasensya na." walang buhay na sagot nito at nakatingin lang sa pader. Napasuklay si Ashton sa kanyang buhok. Halos muntikan na rin siyang madali dahil sa pagsagip n'ya rito, iyon lang ang sasabihin nito? "Iyon lang? Akala mo hindi ko narinig ang mga binabalak mo? Gusto mong iwan ang anak natin ng ganun lang? Pinatunayan mo lang na selfish ka, Amber. Para matakasan ang lahat ng problema nanaisin mo nalang na iwan ang mga taong umaasa sa'yo!" bulalas ni Ashton. Hindi na s'ya nakapagpigil. Paano kung hindi sya dumating on time? Paano kung hindi n'ya binalikan ang babaeng ito dahil sa makulit na tumatawag sa cellphone nito? Mawawalan ng ina ang kanyang anak? Tinitigan s'ya nito. Magkaharap sila ngayon. Nakatayo s'ya sa mas
Limang araw ang lumipas. Sa mga araw na 'yan pakiramdam ni Amber para siyang nasa impy*rno. Minsan sinisisi n'ya ang sarili dahil madali lang sa kanya na magdesisyon na ibigay ang anak sa ama nito. Mali ba ang ginawa n'ya? Laging bumabalik na tanong sa kanyang isipan. Balita n'ya masaya naman ang kanyang anak sa piling ng pamilya ni Ashton. Hindi kasi katulad sa ibang bata si Avegail. Oo alam niyang mahal s'ya nito, pero dahil siguro sa hindi s'ya ang nag-alaga rito mula noong isilang n'ya kundi ang mga magulang ni Jessie ang kanyang kaibigan kaya masyadong malapit sa kanya ang anak. Sa katunayan mas malapit pa ito sa pamilya ni Jessie. Kakabalik lang n'ya mula sa center na pinapasukan ni Jaypee. Sa ngayon nakalutang pa ang kanyang mga plano sa kung ano ang gagawin n'ya sa buhay. Lahat ng pangarap n'ya noon ay parang nawawalan na s'ya ng ganang tuparin. Para saan pa? Para sa anak n'ya? Para sa sarili n'ya? Nawawalan na s'ya ng kompyansa sa sarili. Puno s'ya ng mga pangarap noon dahi