Arianne
Paglabas ko ng main door ay lumigid ako sa likod. Baka may alam ang mga kasambahay kung saan nailagay ang mga gamit ko kaya tatanungin ko sila.
Dahil sa sama ng ugali ng pamilyang iyon ay malapit naman ako sa mga katulong. “Sabi ko na nga ba at babalikan mo ang mga gamit mo eh.”
Ngumiti ako kay Manang Lina bago nagmano sa kanya. “Teka lang at kukunin ko.” Nawala lang siya saglit at pagbalik ay may hila ng dalawang maleta.
“Pasensya ka na at ito lang ang nailigtas ko. Huli ko na kasi nakita ng ipagtatapon yan ni Ma'am Sonora at Mikaela eh.”
“Okay lang po, maraming salamat.” Maigi na ang kahit papaano ay meron kaysa wala.
“Eh kumusta ka naman sa asawa mo? Base sa naririnig kong pag-uusap nila ay sanggano at tambay daw iyong Victor na iyon. Totoo ba?”
“Wala ho kayong dapat ipag-alala dahil mukhang mas maayos kasama ang asawa ko kaysa sa pamilya ng tatay ko.”
“Mabuti naman kung ganon. Eh kumain ka na ba?” nag-aalala niyang tanong.
“Tapos na ho kaya hindi niyo na kailangan na ipagtakas pa ako sa kusina.” Natatawa kong sabi. Ganun kasi ang ginagawa niya kapag ayaw akong pakainin ni Sonora. Hindi na ako nagsasabi sa nanay ko dahil ayaw kong mag-alala pa siya.
Nagpaalam na rin ako sa matanda at sa likod na rin ako dumaan. Hila-hila ko ang dalawang maleta at nagsimula na akong maglakad palabas ng subdivision na sadyang napakalayo. Wala naman kasing pumapasok na sasakyan talaga rito. Hindi pa man ako nakakalayo ay may pulang kotse na tumigil sa tabi ko at nagulat ako ng bumaba ang sakay non.
“Sabay ka na sa akin, malayo pa ang gate.” Tinignan ko ng mabuti ang lalaki dahil ayaw ko rin naman na basta magtiwala lalo at kanina lang ay kausap siya ng evil family.
Sa pagkakaalam ko at ng marami ay mabait si Donnie. Taliwas sa kapatid nito na akin na ngayong asawa na si Victor na kilala ko naman talaga, ngunit hindi ko inasahan na ganun na nga ang itsura niya ngayon. Noong freshman ako sa college ay tinitilian siya ng mga kababaihan at alam ko rin na napakababaero niya. May itsura na ito at astig astig ang dating kaya nagulat ako na balbas sarado na ito dahilan upang hindi ko siya agad makilala kahapon.
Si Donnie ay malinis tignan. Alam mo yon, yung tipong tinitilian din ng mga kababaihan. Yung green flag na tinatawag. Pero kahit ganun ay parang ayaw ko naman na basta sumakay na lang sa sasakyan niya.
“Okay lang, sanay naman akong maglakad.” Mabuti na lang at nakakumportable na damit at sapatos ako kaya siguradong hindi magpapaltos ang mga paa ko.
“Wala akong gagawing masama sayo. And gusto rin sana kitang makausap. Well, iyon actually ang sadya ko sa inyo kaya lang ay napag-alaman ko na hindi ka pala doon umuwi kagabi.”
“Bakit mo ako gustong makausap?” tanong ko. Nagkamot siya ng ulo at alanganing ngumiti sa akin.
“Can we just talk habang nagbibiyahe at ihahatid na rin kita sa kung saan ka man patungo?” Mukha naman siyang harmless sa totoo lang kaya naman kaysa mapagod ako sa paglakad ay nagdesisyon akong sumakay na lang. Wala rin naman akong makitang dahilan para gawan niya ako ng masama.
“Okay.” Maiksi kong tugon. Ngumiti siya at tsaka ako tinulungan sa mga maleta ko at inilagay iyon sa likod ng sasakyan. Pinagbukas pa niya ako ng pintuan kaya naman nginitian ko siya bago ako sumakay. Lumigid na siya papunta sa driver's seat at nagsimula ng magmaneho.
“Pinapunta ako ni Mommy dahil akala niya ay iiwan ka ni Victor sa inyo pagkatapos ng kasal. Nag-aalala siya at gusto niyang malaman kung okay ka lang,” simula niya, dahilan upang ipaling ko ang tingin ko sa kanya.
Nasa daan ang mga mata niya kaya hindi ako sigurado kung totoo ba sa loob niya ang sinasabi niya or what. Pero sinagot ko pa rin siya para hindi ako magmukhang suplada.
“Isinama ako ng unggoy--I mean ni Victor sa inuupahan niyang apartment.”
Bahagya siyang tumingin sa akin at nagtanong. “Maayos naman ba? Komportable ka ba?”
“Okay lang naman. Hindi ako mapili sa tirahan basta malinis.”
“Mabuti naman kung ganon. Kung sakali at may kailangan ka ay huwag kang mahihiyang lumapit sa akin. Hindi ko man kayang swetuhin si Victor dahil alam mo naman na siguro kung bakit, pero kaya naman kitang tulungan sa ibang bagay kung kinakailangan.”
Hindi na ako umimik dahil ayaw ko namang may masabi at baka hindi niya magustuhan. Ayon sa usap-usapan ay hindi nga magkasundo ang dalawa. Well, parang normal lang naman ang ganun kapag hindi magkapatid na buo. Yung tunay nga eh nagkakaroon pa ng hidwaan, sila pa?
Kami rin naman ni Mikaela ay parang sila din. Ano ba yang mga pamilya namin, Puro dispalinghado.
“Nagulat nga ako ng makita kita. Ang alam ko kasi ay si Mikaela ang ikakasal at tsaka si Victor.”
“Huwag mo na lang intindihin ‘yon, ang mahalaga ay wala na rin akong koneksyon pa sa pamilyang ‘yon.”
Hindi na siya umimik pagkatapos at imbes na hanggang sa gate lang niya ako ihatid ay hanggang sa bahay na. Wala na akong nagawa dahil hindi naman niya itinigil ang sasakyan.
Ang lugar ni Victor ay hindi kagaya ng napapanood ko sa mga teleserye na siksikan ang mga bahay. Maluwag din ang kalsada kaya naman malayang nakadaan ang sasakyan ni Donnie.
Pero, kagaya ng sa mga palabas ay nagtinginan din ang mga tao. Mga curious kung sino ang mga dumating at pinalibutan ang sasakyan ni Donnie.
Hindi naman sila pinansin ng lalaki at inilabas na ang mga maleta ko at iniabot sa akin.
“Maraming salamat sa paghatid,” nakangiti kong sabi.
“Walang anuman, basta kung may kailangan ka ay i-text or tawagan mo lang ako,” nakangiti niyang tugon. “Nga pala, i-save mo ang number ko.”
“Sige—” sagot ko kasabay ng paglabas ng aking phone ngunit hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng biglang kinuha iyon sa kamay ko.
“Hindi na kailangan dahil wala naman siyang kakailanganin sayo. I can provide for my wife,” sabi ng biglang sulpot na unggoy— este, Victor.
“Kung sakali lang naman, Victor.”
“At sinabi ko na na ako ang bahala sa asawa ko kaya kahit sakali ay hindi mangyayari iyon.”
Pagkasabi niya non ay pinihit niya ako patalikod tsaka kinuha ang maleta sa mga kamay ko. Lumingon pa ako para sana magpasalamat sa lalaki.
“Donnie, thank you—” hindi ko na natapos dahil hinarangan na rin ako ng unggoy kong asawa kaya wala na akong nagawa kung hindi ang lumakad na papasok ng bahay.
Arianne“Siya ba ang importanteng sinabi mo na aasikasuhin mo?” tanong ni Victor ng makapasok na kami ng bahay.“Hindi.”“Bakit kayo magkasama? At talagang nagpahatid ka pa rito? Para ano? Para ipakita na mas nakalalamang siya sa akin?” sunod sunod niyang tanong. Napailing na lang ako at wala akong balak sagutin siya dahil mukhang hindi rin naman niya ako papaniwalaan. Kinuha ko ang dalawang maleta at naglakad papunta sa kwarto ngunit pinigilan niya ako.“Hindi pa tayo tapos mag-usap!” galit niyang sabi na ikinainis ko. Pumiksi ako dahil hinawakan niya ako sa braso at ang higpit non.“Nasasaktan ako!” reklamo ko. “At ano ba ang gusto mong sabihin ko? Sinabi ko na hindi siya ang importanteng pinuntahan ko. Hindi mo ba nakita ang mga dala ko?” inis kong tugon.“Exactly. Gamit mo ang dala mo, ibig sabihin galing ka sa inyo. So ano ang dahilan at magkasama kayo ngayon?” galit pa rin niyang tugon.“Nadatnan ko na siya sa bahay nila Mr. Aragon. At walang sasakyan na nagdadaan sa subdivision
ArianneHindi na sumama sa akin ang unggoy at ang babaeng iyon na ang inasikaso niya. Sumakay ako ng tricycle at nagpahatid sa malapit na supermarket.Hindi naman ganun karami ang mga binili ko dahil ayaw ko rin namang gumastos ng gumastos dahil limited edition lang din ng budget ko. Isa pa, walang trabaho si Victor kaya dalawa na kami ngayong intindihin ko.Ang kaigihan lang sa lugar na ito ay isang sakay lang ng tricycle hanggang sa bahay. Maglalakad papuntang sakayan kapag palabas ngunit madali na ang pauwi.“Sa tabi na lang ho,” sabi ko sa driver at tumigil naman sakto sa tapat ng gate namin.“D’yan ka nakatira?” tanong ng matandang driver.“Oho,” nakangiti kong tugon. Ayaw ko namang magsungit sa mga tagarito dahil hindi ko pa naman sila kilala. Kailangan maging mabuti ang pakikitungo ko para naman hindi nila ako bastusin or pag tangkaan ng masama lalo at bago pa lang ako rito.Tinulungan ako ni manong sa box na dala ko ng mapansin niyang nahihirapan akong buhatin.“Dito na lang po
Arianne“Kung ikaw nga ayaw kong katabi, ano naman ang naisip mong gusto kong katabi ang Nancy mo?”“Nakikiusap lang naman ako sa’yo na kung pwede."“Pwes, hindi pwede.” Nagsukatan kami ng tingin. Hindi ako magpapatalo sa kanya dahil alam ko naman kung ano ang karapatan ko.“Arianne,” nagtitimping tawag niya sa pangalan ko.“Sabi mo nakikiusap ka kung pwede at sinasabi ko ngayon na hindi pwede.”“Hindi ka talaga mapakiusapan?” tanong niya. “Ganyan kasama ang ugali mo?”Sinampal ko siya matapos niyang sabihin iyon at kita ko ang galit sa mukha niya. Pero bakit ko iintindihin ‘yon eh may sarili din akong galit?“Hindi mangyayari sa akin ang ginawa ni Mike Aragon sa nanay ko. Hinding hindi.” Matigas kong sabi at napansin kong medyo lumambot ang kanyang mukha ngunit saglit lang iyon. “Kung ako ang magpatira ng lalaki rito na nakita mong kayakap ko, okay lang sayo?”“Ibang usapan na—”“Ang kapal naman ng mukha mong sabihing ibang usapan iyon. Kapag ikaw pwede, kapag ako hindi?” putol ko sa
Arianne“Baba na,” sabi ng unggoy ng makarating kami sa apartment pero hindi ako kumilos at nanatiling masama ang tingin sa kanya.“Huwag mo na akong galitin, babe.” Nanlisik ang mga mata ko dahil sa endearment na naman niya.“Huwag mo akong tawagin ng kahit na anong endearment. Isa pa, sinabi ko na sayo na ayaw kong makasama ang babae mo.”“Wala na si Nancy kaya bumaba ka na riyan.” Bago pa ako makasagot ay may dumating pa na dalawang motor. “Oh,” sabi ng lalaki sabay lapag ng maleta na dala ko papunta sa apartment.“Bakit niyo kinuha yan?” galit kong tanong tsaka ako bumaba sa motor para kunin ang maleta ko. Big bike iyon kaya nahirapan ako pero kaya naman.Nang mahawakan ko ang maleta ay hinila nna ako ni Victor papasok ng bahay. Isa sa kasama niyang mga lalaki ang nagbukas ng gate at pintuan matapos niyang ibato ang susi sa lalaking may dala ng maleta ko.“Alis na kami, good luck!” Kung makangisi ang mga lalaki ay parang nakakaloko.Tinalikuran ko na ang unggoy para pumasok sa kwa
ArianneMaaga akong gumising ng kasunod na araw. Ay, hindi pala maaga, hindi talaga ako halos nakatulog dahil sa kakaisip sa unggoy na ‘yon! Argh!! Nakakinis!! Ano ba naman kasi talaga ang dapat kong asahan sa lasing?Ang akala kong honeymoon na namin ay hindi natuloy. Bakit? Dahil biglang nakatulog ang unggoy! Kung kailan sarap na sarap na ako at kulang na lang talaga ay maghubad na kami ay bigla itong bumagsak sa tabi ko at naghilik.Hindi ko naman siya magagawang awayin ng dahil doon dahil baka isipin niya ang manyak ko. Kaya kailangan kong manahimik at magpanggap na walang kahit na anong nangyari sa pagitan namin kagabi.Nagluto ako ng almusal at idinamay ko na rin siya. Ayaw kong masabihan na wala akong kwentang asawa at sa akin pa niya isisi kung sakaling magka letse-letse ang pagsasama namin. At least ginawa ko ang part ko, nasa sa kanya na kung gagawin niya ang sa kanya.Kakatapos ko lang magluto at kakain na sana ako ng bumukas ang pintuan ng aming kwarto at lumabas ang unggoy
ArianneLumipas pa ang tatlong araw at naging maayos naman ang pagsasama namin ni Victor. ‘Yun nga lang ay talagang hindi siya tumigil sa pagtawag sa akin ng babe at paghalik halik na hinayaan ko na rin dahil asawa ko naman.“Good morning, babe.” Kagaya na lang ngayong umaga. Kakagising ko lang at alam kong maaga pa kaya nagulat ako ng wala na siya sa tabi ko pag mulat ko ng aking mga mata.“Good morning,” bati kong pupungas pungas pa. Nakatayo siya malapit sa dining table at may hawak na pinggan na mukhang ilalagay na niya sa lamesa.Magpapatuloy na ako sa CR ng bigla akong matigilan at bumalik ng tingin sa kanya. Parang may kung anong nabago sa kanya na hindi ko mawari.“What?” tanong niya. Nagsalubong ang kilay ko at tinitigan ko pa siyang mabuti. Naka sando at boxers siya na napapatungan ng apron. Mukhang hindi bagay sa kanya dahil nga sa lalaki siya ngunit ang sexy niyang tingnan. Napalunok ako dahil ang aga-aga ay kung ano-ano ang naiisip ko.“Bakit ganyan kang makatingin? Don’t
Arianne“Anong ginagawa mo rito?” tanong ko sa lalaki. Prente itong nakaupo sa sofa at nagkibit balikat lang. Bumaling ako kay Mike na prente din sa pagkakaupo katabi ang bruhang si Sonora.“Mabuti naman at dumating ka na, maupo ka,” wika ng matanda ngunit wala akong balak gawin ang sinabi niya. Mas maigi pa na sabihin na niya kung ano man ang gusto niyang sabihin.“Anong kailangan mo sa akin?” tanong ko.“Nagmamadali ka na rin lang eh di sasabihin ko na,” tugon ng matanda at base na rin sa pagkakangisi ni Sonora na nakaupo sa tabi niya pati na rin ng kakaupo lang din na si Mikaela sa tabi ni Victor! Sigurado ako na hindi maganda ang sasabihin ng mga ito.“Binabawi ko na ang usapan natin.” Kumunot ang aking noo dahil hindi ko naiintindihan ang sinabi niya.“Anong usapan?” tanong ko na hindi inaalis ang tingin kay Mike.“Si Mikaela na ang asawa ni Victor simula ngayon at dito na rin sila titira.” Hindi ko maiwasan ang mapangisi.“Sigurado ako na dahil mas magkakapera kayo kapag nagsama
ArianneNanggigigil na ako sa inis dahil 30 minutes na akong naghihintay ay wala pa rin ang lintik na Victor Monteclaro na 'yon. Nagbubulungan na ang mga bisita at kitang-kita ko ang pagkakangisi ni Mikaela, ang half sister ko na siyang dapat nasa kalagayan ko ngayon. Talagang nililingon pa niya ako. Nakaupo siya sa hilera ng upuan ng aking ama at ng kanyang kabit na ina ng hitad. Hindi ko na lang siya pinaglaanan ng aking panahon at nag-concentrate na lang ako sa pag-ipon ng pasensya para sa aking groom na may palagay akong nanadya dahil ayaw din niyang magpakasal. Pakiramdam ko ay inuugat na ako sa pagtayo sa likod lang ng arkong dadaanan ko kapag nagsimula ng tumugtog ang wedding march.Ang aga-aga at araw ng kasal ko. Siguro, dahil malas ako sa pagkakaroon ng amang meron ako ngayon ay mukhang minalas din ako sa mapapangasawa. Konting konti na lang at talagang aalis na ako't bahala na sila sa buhay nila.Nang sa tingin ko ay sobra na ang paghihintay ko ay nagdesisyon na akong iwan