Share

Ang Halik Kong Naging Kahinaan ng Isang CEO!
Ang Halik Kong Naging Kahinaan ng Isang CEO!
Author: LiLhyz

Kabanata 1 Akong Bahala

Suot ang isang napaka eleganteng kulay sapphire na dress na hanggang tuhod, taas noong naglakad si Gabrielle Taylor papasok sa The Second Diamond Hotel.

Bukod sa kanyang nakaka akit na suot, dumagdag pa ang kanyang balingkinitan at mala-anghel na mukha kaya lalo siyang nagmukhang kaakit-akit.

Suot ang isang pares ng itim na high heels, confident siyang naglakad papasok na tila ba handang-handa na siyang guluhin ang engagement party ng kanyang ex-boyfriend at dating matalik na kaibigan—na ngayon ay kanyang ex-best friend na rin!

Habang naglalakad, nasalubong niya ang isang batang babae na tila nawawala. Kahit na puno ng emosyon ang kanyang dibdib, huminto siya at lumapit sa bata.

“Uy, anong nangyari? Ayos ka lang ba?” tanong ni Gabrielle nang makita ang luha sa mata ng bata. “Naliligaw ka ba?”

Mahilig si Gabrielle sa matatamis, kaya’t lagi siyang may dalang lollipop sa kanyang bag. Nang makita ang batang babae, kumuha siya ng isa sa kanyang purse at iniabot ito, “O, huwag ka nang malungkot. Sabihin mo sa akin, anong problema?”

Malamang ay may kung ano sa pagkatao ni Gabrielle na agad niyang nakuha ang loob ng bata, kaya't napangiti ito. Tinanggap ng bata ang lollipop at nagsabi, “Ate, gusto mo bang makilala ang tito ko?”

Hindi alam ni Gabrielle kung anong mararamdaman niya sa sinabi nito pero natawa nalang siya, “Naku, hindi muna, iha. May kailangan lang akong ayusin ngayon, pero dalhin kita sa front desk para matulungan ka nilang hanapin ang mga magulang mo—”

“Kim, nandito ka lang pala! Bakit ka biglang umalis?” Isang lalaki na nakasuot ng puting polo at itim na coat ang lumapit para sunduin ang bata.

Nakita ng lalaki ang batang may hawak na lollipop, kaya’t kinuha niya ito at sinabihan ang bata, “Huwag kang basta-basta tatanggap ng kendi mula sa hindi mo kilala!”

Sa totoo lang, nagwapuhan talaga si Gabrielle sa lalaki pero dahil sa ginawa nito, naging mayabang ang tingin niya dito. Ngumisi siya at sinabi sa lalaki, “Mister, dapat binabantayan mo nang maayos ang anak mo! Sige nga! Paano siya nawala sa paningin mo? Napaka-iresponsableng ama mo!”

Tiningnan niya ang batang babae at nang makita niyang iniabot nito ang kamay sa lalaki, naniwala siyang ito nga ang ama.

Bago pa makapagsalita ang lalaki, nagpaalam na si Gabrielle sa bata at tumalikod, iniwan ang lalaking nakatulala.

Isinantabi ni Gabrielle ang pag-iisip tungkol sa iresponsableng ama at agad niyang nakita ang conference room na may dalawang traydor. Napatingin siya sa poster na naka-display sa isang canvas stand. Nakasulat dito, ‘Engagement Party nina Warren Foster at Camilla Clark.’

Dalawang taon din silang magkasintahan ni Warren, at si Camilla Clark naman ang kanyang matalik na kaibigan. Isang linggo pa lang ang nakalipas nang bigla siyang hiniwalayan ni Warren nang walang dahilan at ang malala sa lahat ay pinatanggal pa siya nito sa kanyang part-time na trabaho!

Kanina lang niya nalaman mula sa isang kaibigan na sina Warren at Camilla ay may engagement party ngayong gabi!

Ang dalawang taong pinakapinagkakatiwalaan niya ang siyang nagtaksil sa kanya, at wala siyang kaalam-alam!

Dala ang mga iniisip na ito, nilapitan ni Gabrielle ang staff ng hotel na nagbabantay sa pinto.

“Ma’am, pakilabas po ang invitation niyo,” sabi ng lalaki.

“Okay,” nakangiting sagot ni Gabrielle. Kinuha niya ang imbitasyon at iniabot ito sa staff ng hotel.

Kumunot ang noo ng staff, pero hindi ito nagsalita ng kung ano at sinabi, “Salamat sa pagdating, ma’am… Dylan Harper. Hayaan mong ipakita ko sa iyo ang iyong mesa.”

Bumukas ang mga pinto para sa kanya, at huminga ng malalim si Gabrielle, alam niyang magiging magulo ang gabing ito. Biglang bumilis ang tibok ng kanyang puso at para bang gusto na niyang umatras, pero hindi maalis sa isip niya ang sakit na dinulot ng dalawa sakanya kaya nagpatuloy siya sa kanyang plano, pumasok na may ngiti sa kanyang mukha.

Dumating siya sa tamang oras. Nagsimula na ang hapunan, at ang lahat ay abala sa kanilang masasarap na pagkain.

Pagkatapos maupo, kinuha ng server ng hotel ang napili niyang set menu at tinanong, “Gusto po ba ninyo ng wine, ma’am?”

Nag-pout siya, “Kasama ba ito sa package?”

“Opo, ma’am. Maraming bote ang na-book ng magkasintahan para sa event na ito,” sagot ng server.

“Sige, gusto ko ng wine,” sagot ni Gabrielle.

Naupo siya sa isang grupo mula sa mataas na ranggo ng media company kung saan siya dati nagtatrabaho, ang The BNC Media Center. Naririnig niyang nagbubulungan ang mga ito, malinaw na pinag-uusapan siya habang sunod-sunod niyang nilalagok ang baso ng wine.

Halos hindi tinikman ni Gabrielle ang pagkain dahil mas nakatuon siya sa pagkuha ng lakas ng loob para sa gagawin niya.

Matapos ang kanyang ika-limang baso ng wine. Tinignan niya ang buong venue na para bang may hinahanap hanggang sa wakas ay nakita niya na sina Warren at Camilla. Masaya silang nag-uusap kasama ang kanilang mga magulang sa isang mesa sa harap. Sa puntong iyon, hindi pa nila nakita si Gabrielle, ngunit hindi nagtagal at napansin din siya ng mga ito.

Nang karamihan sa mga bisita ay natapos na sa kanilang pagkain, kumuha ng mikropono ang isang hostess at nag-anunsyo, “Ngayon na napawi na ang ating gutom, oras na para pakinggan ang ating magkasintahan at ibahagi ang kanilang kwento ng pag-ibig sa lahat.”

Pagkatapos ng isang palakpakan, kinuha ni Warren ang mikropono at ngumiti nang may kumpiyansa sa harap ng higit sa limampung bisita.

Umakyat sa entablado ang isang matangkad na lalaki, na kinilala bilang si Warren at nagsimula na siyang magkwento, “Nagkakilala kami ni Camilla sa pamamagitan ng isang karaniwang kaibigan. Kami—” Ang kanyang mga berdeng mata ay tumingin kay Camilla nang may pagmamahal habang nakaupo ito sa pinakaharap na mesa. Nagpatuloy siya, “Nagsimula kami bilang magkaibigan pero habang lumilipas ang panahon, nagkaroon kami ng atraksyon pagkatapos ng isang taon at nag-click kami!”

Sumigaw ang crowd, gustong marinig pa ang iba. Ngunit nang mabaling ang mga mat ani Warren sa isang lames ana medyo may kalauyan sa entablado, bigla siyang napatigil at para bang may nakabara sakayang lalamunan.

Kumunot ang mga kilay ni Warren at hinawi ang kanyang dark blonde na buhok. Agad niyang nakilala ang magandang babae na may kulay caramel ang buhok—si Gabrielle, ang kanyang ex-girlfriend.

Para siyang nawalan ng mga salita at nakabukas lang ang kanyang bibig ng ilang segundo. Nag-umpisa siyang umubo at paulit-ulit na lumunok ng kanyang sariling laway.

“Anak, anong nangyayari?” tanong ni Camilla Clark.

“Sabihin mo sa amin, gaano na kayo katagal magkasama?” tanong ng isa pang bisita.

“Walong buwan na kaming exclusive!” Si Camilla ang sumagot para kay Warren, humarap sa bisitang nagtatanong.

Kitang kita ni Warren ang reaksyon ng itsura ng kanyang ex nang marinig nito kung gaano na sila katagal ni Camilla.

“Pare, Warren. Akala ng mga tao sa media company na ibang babae ang girlfriend mo. Yun pala, siya ang naging tulay sainyo ni Camilla,” tanong ng isang lalaki. “Ang hot nga niya. Baka makuha ko ang number ng kaibigan mo!”

Sinubukan ni Warren na iwasan ito sa pamamagitan ng pagtawa. Sa wakas ay nakapagsalita siya at sumagot, “Ah –”

“Ito na ang pagkakataon ko!” Isang malakas na boses ang nagmula sa likod ng mga mesa, nagpahinto sa mga salita ni Warren. Ang lahat ay tumingin kay Gabrielle na naglakad papalapit sa entablado na may namumulang mukha. Nakainom na siya ng siyam na baso ng wine, sapat na para makuha ang lakas ng loob na kailangan niya. Hindi siya sanay uminom, kaya’t sapat na ang kaunti upang mawala ang kanyang mga pag-aalinlangan.

Ngumiti si Gabrielle sa lahat ng mga bisita at lalo pang tinutok ang kanyang tingin kay Camilla at sa mga magulang nito.

Isang beses lang siya nakita ng mga magulang ni Warren dahil nasa ibang lungsod sila, pero tiyak na kilala siya ng mga magulang ni Camilla.

“Hayaan mong sagutin ko ang tanong na iyon!” Anunsyo niya habang walang pakialam na pumunta sa harapan.

Sa likod ng kanyang isipan, tuwang-tuwa siya nang makita ang mukha ni Camilla na pumuti. Alam niyang tinakot niya ang kanyang matalik na kaibigan sa puntong iyon.

Unang binati ni Gabrielle ang mga magulang ni Camilla, “Tita Caroline. Tito Dale. Ang saya kong makita kayo.”

“O, sabi ni Camilla na hindi ka makakapasok sa party. Natutuwa akong dumating ka rin, Gaby,” sabi ni Caroline Clark bago niya hinagkan si Gabrielle sa pisngi.

“Gaby, anong ginagawa mo dito?” tanong ni Warren, nang makitang may panganib ang pagdating ng kanyang ex-girlfriend. “Lasing ka ba? Baka kailangan mo—”

“Oo! Medyo lasing ako, pero sapat pa rin ang aking pag-iisip para makipag-usap!” itinulak ni Gabrielle si Warren habang sinubukan nitong hawakan ang kanyang braso.

Luminga siya sa mga magulang ni Warren at sinabi, “Hi, ang pangalan ko ay Gabby. Ako ang girlfriend ng inyong anak ng dalawang taon at naghiwalay kami isang linggo na ang nakalipas. Siguradong naaalala ninyo ako, di ba? Nagkita tayo mga higit sa isang taon na ang nakalipas.”

Nagtinginan ang mga magulang ni Warren sa isa't isa na may pagkaguluhan bago tumingin kay Camilla at sa parehong Caroline at Dale Clark.

“Gaby, ito ay kabaliwan. Haha!” Sa wakas, tumayo si Camilla upang hadlangan si Gabrielle sa pagsasalita pa. Ngunit kahit na sinubukan niyang itago ang katotohanan, nanginginig ang kanyang boses habang nagsasalita siya, “Lasing ka, at hindi mo alam ang sinasabi mo.”

“Gaby, binabalaan kita—” Sa kabila ng pagsisikap ni Warren na bawiin ang kanyang ex, patuloy si Gabrielle sa pagsasalita, nakakunot ang noo, at itinutulak siya palayo.

“Nais ko lang linawin ang ilang bagay sa lahat ng nandito.” Humarap si Gabrielle sa crowd at inihayag, “Ako ang karaniwang kaibigan ni Camilla at Warren.” Tumawa siya at nagpatuloy, “Dahil ako ang girlfriend ni Warren hanggang noong nakaraang linggo! At si Cami ay matalik kong kaibigan simula pa ng first year ng college ko!”

“Warren, gumawa ka ng paraan!” Nagalit si Camilla sa kanyang fiancé, at nakita ni Gabrielle ang galit sa kanyang mga mata matapos niyang ipahayag ang katotohanan sa lahat ng nasa venue!

“Pero, ayos lang,” ngumiti si Gabrielle at sinabi sa mga magulang ni Camilla, nang makita ang kanilang pagkabahala sa sitwasyon. “Mahal ko si Cami parang kapatid. Hindi ko naman ikakahiya kung ibibigay ko sa kanya ang mga bagay ko.”

Camilla, “…”

“At hindi ko rin masisisi si Warren.” Lumipat ang tingin ni Gabrielle sa kanyang ex at inihayag, “Hindi ko siya binigyan ng aking virginity. Parang alam ko na noon pa man, hindi siya karapat-dapat sa aking puri!”

Warren, “…”

Tumingin siya sa mga bisita at dagdag pa niya, “Natutuwa ako na nandiyan si Camilla para kay Warren, inaalagaan ang lahat ng kanyang mga kagustuhan.” Nag-wink siya kay Camilla at dagdag pa, “Palagi siyang magaling sa ganyan!”

“Gaby! Tama na!” Lumapit si Warren sa kanya at mahigpit na hinawakan ang kanyang braso. “Oras na para umalis!”

“Oh, huwag kang mag-alala, aalis na ako. Naghihintay na sa labas ang bago kong boyfriend, kaya kailangan kong umalis,” sabi niya, habang marahang binitiwan ang braso niya.

Naglaan siya ng ilang segundo para tingnan ang lahat at sinabi, “Sabi nga nila, natatapos ang isang relasyon at nagsisimula ang bago, na mas maganda.”

“Cami, Warren, sana'y magtagumpay kayo.” Kumuha siya ng baso, na puno pa ng wine, mula sa malapit na mesa at nag-alay ng toast. “Para sa aking matalik na kaibigan at ex-boyfriend; Nawa'y pagpalain kayo ng langit bilang mag-asawa.” Nagkaroon ng mapaghusga ang kanyang mga mata habang idinagdag niya, “Sa parehong paraan na tinrato ninyo ako.”

Itinaas niya ang kanyang baso, at sinabi, “Cheers!”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status