Share

Kabanata 6567

“Tama!”

Pagkatapos magsalita ni Lukas, mabilis siyang sinuportahan ng Lieutenant General. “Sa dinami rami ng taong nagdaan, isang kakaibang phenomenon ang nangyayari sa sandaling maupo sa trono ang isang mahusay na Kaiser. Pinapatunayan lang nito na magiging isang mahusay na pinuno ang Kaiser pagkatapos saksihan ng ganito karaming mga Wolfire ang pagupo niya sa trono.”

Dito na siya tumitig kay Darryl. “Pero ikaw. Dapat kang maparusahan sa ginawa mong paninira at pambabastos sa Kaiser.”

Walang duda na kapanipaniwala ang ginawang pagpapaikot nina Lukas at ng Lieutenant General sa mga nangyayari. Marami sa mga mamamayan at lider ang napatango sa kanilang narinig.

‘Buwisit…’ Mura ni Darryl. ‘Napakagaling niya talagang gumawa ng kuwento.’ Isip niya.

Dito na niya nakangiting sinabi na, “Base rito, sinasabi mo ba na si Lukas talaga ang itinakdang maging Kaiser?”

Dito na suminghal ang Lieutenant General habang confident nitong sinasabi na, “Siyempre. Bulag ka ba para hindi ito makita?”

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status