“Tama!”Pagkatapos magsalita ni Lukas, mabilis siyang sinuportahan ng Lieutenant General. “Sa dinami rami ng taong nagdaan, isang kakaibang phenomenon ang nangyayari sa sandaling maupo sa trono ang isang mahusay na Kaiser. Pinapatunayan lang nito na magiging isang mahusay na pinuno ang Kaiser pagkatapos saksihan ng ganito karaming mga Wolfire ang pagupo niya sa trono.”Dito na siya tumitig kay Darryl. “Pero ikaw. Dapat kang maparusahan sa ginawa mong paninira at pambabastos sa Kaiser.”Walang duda na kapanipaniwala ang ginawang pagpapaikot nina Lukas at ng Lieutenant General sa mga nangyayari. Marami sa mga mamamayan at lider ang napatango sa kanilang narinig.‘Buwisit…’ Mura ni Darryl. ‘Napakagaling niya talagang gumawa ng kuwento.’ Isip niya.Dito na niya nakangiting sinabi na, “Base rito, sinasabi mo ba na si Lukas talaga ang itinakdang maging Kaiser?”Dito na suminghal ang Lieutenant General habang confident nitong sinasabi na, “Siyempre. Bulag ka ba para hindi ito makita?”
“Lukas!” Dito na naging seryoso ang magandang mukha ni Prinsesa Yanna. Nanlamig ang tono ng kaniyang boses habang sinasabi na, “Pinatay mo ang aking ama at sinubukan mong kunin ang trono. Sabihin mo sa akin, paano mo nanaising maparusahan sa katraydorang ginawa mo?”Naging malutong at malakas ang kaniyang boses na hinding hindi makukuwestiyon ng kahit na sino.“Ako—” Naguluhan ng husto ang isip ni Lukas nang dahil sa mga Wolfire. Matapos niyang masermonan ni Prinsesa Yanna, agad na nablangko ang kaniyang isipan kaya hindi na niya masasagot ang tanong na iyon.Pero kumalma pa rin siya bago siya sumagot ng, “Huwag kang gumawa ng mga hindi makatotohanang akusasyon laban sa akin. Naging tapat ako sa ating bayan kaya hinding hindi ko magagawang patayin ang Kaiser.”Nanlalamig niyang tiningnan si Prinsesa Yanna habang sinasabi na, “Nirerespeto ko ang pagiging dugong bughaw ninyo, Prinsesa kaya naging magalang ako sa inyong harapan. Pero hindi nito ibig sabihin na hahayaan ko kayong siraa
Ang Lieutenant General ang unang kumilos nang maibaba ni Lukas ang utos. Sumigaw ito ng, “Dalian ninyo!”Bumunot ang mga sundalo ng mahahaba nilang mga espada pra sumugod sa Kaiserin at kay Prinsesa Yanna.“Patay na kayong lahat!” Sigaw ni Samara. Dito na nagpakita ng galit ang maganda niyang mukha. “Naisip mo na ba ang maaaring maging kapalit ng kataksilang ginawa mo?”Pagkatapos nito ay agad siyang lumukso sa ere para labanan ang Lieutenant General at ang mga sundalo nito.Samantala, binunot naman ni Ethan ang mahaba niyang espada para labanan ang kanilang kaayaw kasama ni Samara. Sa kabilang banda, ginamit naman ni Darryl ang oportunidad na ito para dalhin sina Prinsesa Yanna at ang Kaiserin sa isang ligtas na lugar bago niya pasimpleng pakawalan ang Wolfire.Umalulong ang Wolfire nang makawala ito bago ito tumakbo palabas ng Moon Altar.Muli namang umalulong ang mga Wolfire sa burol nang makita nilang makawala ang kanilang kasama. At pagkatapos ay hindi na sila nagaksaya pa n
“Napakatagal ko itong pinlano pero nagawa ko pa ring matalo ng ganito. Dahil ito sa pagkakamali ko sa aking timing at sa hindi pagiging patas ng mga diyos.” Sabi ni Lukas.Kumuha siya ng ilang mga pill para ilagay sa kaniyang bibig. Agad na bumagsik at nawala sa sarili ang kaniyang itsura habang sumisigaw siya ng, “Lumapit kayo sa akin kung kaya ninyo akong patayin. Hinding hindi ako susuko kahit na mamatay pa ako ngayong araw.”Dito na umangat ang malakas na aura sa katawan ni Lukas na bumalot sa buong Moon Altar.Agad namang napasimangot sina Samara at Ethan nang maramdaman nila ang lakas nito.‘Buwisit!’ Mura ni Darryl pagkatapos niyang matigilan ng bahagya. ‘Masyado siyang tuso para dalhin ang mga pill na iyon. Pero masasabi ko na lumakas nga si Lukas matapos niyang inumin ang mg aito. Mukhang mahihirapang lumaban sina Samara at Ethan kahit na magsanib puwersa pa sila para labanan si Lukas.’Dito na umalulong ang mga Wolfire na sinabayan ng paggalaw ng ilang mga Wolfire na uma
Walang duda na ginawa ito ni Darryl para madistract at maapektuhan si Lukas.Uminom si Lukas ng napakaraming mga pill na magpapalakas sa kaniya ng ilang beses na siya ring magbibigay sa kanya ng negatibong epekto. Sabagay, magiging mahirap para sa kahit na sinong uminom ng ganito karaming mga pill ng isahan. Isang pagkakamali lang ang kinakailangan bago siya makaranas ng tinatawag na reverse haunt.Ito ang inaasahang mangyari ni Darryl kaya naisip niyang ipakita ang tunay niyang pagkakakilanlan kay Lukas.Kumabog ang dibdib ni Lukas habang tinititigan nito si Darryl, unti unting tumindi ang intensyong pumatay sa kaniyang mukha habang sumisigaw siya ng, “Ikaw nga… Darryl Darby!”Kumukulo na ang dugo ni Lukas noong mga sandaling iyon. Masyado ng marami ang mga tauhan nyiang pinatay ni Darryl nang makatakas ito sa kulungan, at nagawa ring iligtas ni Darryl ang Kaiserin sa harapan ni Lukas.Inakala ni Lukas na nakipagsabwatan ng palihim ang Kaiserin at si Prinsesa Yanna pero ngayon la
“Awoo, awoo…”Nang makain nila si Lukas, itinaas ng lider ng mga lobo ang kaniyang ulo para gumawa ng isang nakabibinging alulong sa kalangitan. Sumunod namand dito ang iba pang mga lobo hanggang sa mabalot ng alulong nila ang hangin sa ibabaw ng Moon Altar.Kumabog sa sobrang takot ang dibdib ng lahat bago sila magsiluhod bilang paggalang sa mga lobo. Para sa kanila, karapat dapat ang mga lobong ito sa kanilang papuri matapos nitong patayin si Lukas para sa kanila.Hindi na napigilan maging ni Prinsesa Yanna ang kaniyang pagkagulat. Kahit na isa siyang malakas na babae, nakaramdam pa rin siya ng takot sa kaniyang dibdib nang makita niya ang pagkakapunit punit ng katawan ni Lukas sa kaniyang harapan.Bahagya namang ngumiti si Darryl nang maramdaman niya ang takot ni Prinsesa Yanna, agad siyang lumapit para icomfort ito.“Kay Lukas lang naghihiganti ang mga lobong ito kaya wala silang gagawin na kahit ano sa iyo.”Habang nagsasalita, tumingin si Darryl sa lider ng mga lobo para ma
Pinabagsak ni Darryl ang tahanan ng heneral pagkatapos ng kalahating oras na parang isang kidlat kasama ng nasa higit 50 mga sundalo ng Golden Hall. Marami pa ang mga tauhan in Lukas sa tahanan nito pero namatay na si Lukas kaya hindi na masyadong nanlaban ang mga ito bago sila tuluyang sumuko kay Darryl.Kasunod nito ang pagkadiskubre ni Darryl sa napakaraming mga mahahalagang kayamanan at pill sa tahanan ni Lukas.Nabalot ng tuwa si Darryl nang makita niya ang mga pill. Kahit na hindi nito maibabalik sa dati ang kaniyang lakas, makakatulong naman ito ng husto sa kaniya.Habang nasa gitna ng kaniyang selebrasyon, nakarinig si Darryl ng kaguluhan sa kaniyang likuran.“Ano ang nangyayari?” Nakasimangot na tanong ni Darryl.Dito na nagmamadaling sumagot ang isang bantay ng, “Natangpuan namin ang ilang mga bilanggo sa likuran. Kasalukuyan na po naming kinukwestiyon ang mga ito.”Tumango naman si Darryl bago siya magpunta sa bakuran. Habang naglalakad, nakita niya na may limang mga t
Napaatras naman sa sobrang gulat at tuwa si Robin.‘Ano? Patay na si Lukas?’Napakaganda ng balitang ito. Sayang lang dahil hindi niyo ito napatay gamit ang kaniyang mga kamay.Pagkatapos ng ilang segundo, nahimasmasan na rin si Robin habang tinitingnan niya mula ulo hanggang paa si Darryl.“Kung ganoon, isa ka na sa mga tauhan ng Prinsesa…”“Hindi, hindi ako tauhan ng Prinsesa!”Iling ni Darryl, naging seryoso ang kaniyang mukha habang nagpapatuloy sa kaniyang pagsasalita. “Tinutulungan ko lang ang Prinsesa. Hindi ko matiis na makita ang pagkahulog ng mga barbaro sa mga kamay ni Lukas. Trahedya lamang ang maidudulot ng bagay na iyon.”Napaisip ng husto si Robin nang marinig niya ang sagot ni Darryl.Mukhang isa talagang karangal rangal na lalaki si Darryl… pero agad na umangat ang galit sa dibdib ni Robin nang maisip niya ang nangyari sa kaniya at sa kaniyang mga tauhan sa kanilang Main Altar nang dahil dito.Hindi naman nagpanic ng kahit na kaunti si Darryl nang makita niya