“Napakatagal ko itong pinlano pero nagawa ko pa ring matalo ng ganito. Dahil ito sa pagkakamali ko sa aking timing at sa hindi pagiging patas ng mga diyos.” Sabi ni Lukas.Kumuha siya ng ilang mga pill para ilagay sa kaniyang bibig. Agad na bumagsik at nawala sa sarili ang kaniyang itsura habang sumisigaw siya ng, “Lumapit kayo sa akin kung kaya ninyo akong patayin. Hinding hindi ako susuko kahit na mamatay pa ako ngayong araw.”Dito na umangat ang malakas na aura sa katawan ni Lukas na bumalot sa buong Moon Altar.Agad namang napasimangot sina Samara at Ethan nang maramdaman nila ang lakas nito.‘Buwisit!’ Mura ni Darryl pagkatapos niyang matigilan ng bahagya. ‘Masyado siyang tuso para dalhin ang mga pill na iyon. Pero masasabi ko na lumakas nga si Lukas matapos niyang inumin ang mg aito. Mukhang mahihirapang lumaban sina Samara at Ethan kahit na magsanib puwersa pa sila para labanan si Lukas.’Dito na umalulong ang mga Wolfire na sinabayan ng paggalaw ng ilang mga Wolfire na uma
Walang duda na ginawa ito ni Darryl para madistract at maapektuhan si Lukas.Uminom si Lukas ng napakaraming mga pill na magpapalakas sa kaniya ng ilang beses na siya ring magbibigay sa kanya ng negatibong epekto. Sabagay, magiging mahirap para sa kahit na sinong uminom ng ganito karaming mga pill ng isahan. Isang pagkakamali lang ang kinakailangan bago siya makaranas ng tinatawag na reverse haunt.Ito ang inaasahang mangyari ni Darryl kaya naisip niyang ipakita ang tunay niyang pagkakakilanlan kay Lukas.Kumabog ang dibdib ni Lukas habang tinititigan nito si Darryl, unti unting tumindi ang intensyong pumatay sa kaniyang mukha habang sumisigaw siya ng, “Ikaw nga… Darryl Darby!”Kumukulo na ang dugo ni Lukas noong mga sandaling iyon. Masyado ng marami ang mga tauhan nyiang pinatay ni Darryl nang makatakas ito sa kulungan, at nagawa ring iligtas ni Darryl ang Kaiserin sa harapan ni Lukas.Inakala ni Lukas na nakipagsabwatan ng palihim ang Kaiserin at si Prinsesa Yanna pero ngayon la
“Awoo, awoo…”Nang makain nila si Lukas, itinaas ng lider ng mga lobo ang kaniyang ulo para gumawa ng isang nakabibinging alulong sa kalangitan. Sumunod namand dito ang iba pang mga lobo hanggang sa mabalot ng alulong nila ang hangin sa ibabaw ng Moon Altar.Kumabog sa sobrang takot ang dibdib ng lahat bago sila magsiluhod bilang paggalang sa mga lobo. Para sa kanila, karapat dapat ang mga lobong ito sa kanilang papuri matapos nitong patayin si Lukas para sa kanila.Hindi na napigilan maging ni Prinsesa Yanna ang kaniyang pagkagulat. Kahit na isa siyang malakas na babae, nakaramdam pa rin siya ng takot sa kaniyang dibdib nang makita niya ang pagkakapunit punit ng katawan ni Lukas sa kaniyang harapan.Bahagya namang ngumiti si Darryl nang maramdaman niya ang takot ni Prinsesa Yanna, agad siyang lumapit para icomfort ito.“Kay Lukas lang naghihiganti ang mga lobong ito kaya wala silang gagawin na kahit ano sa iyo.”Habang nagsasalita, tumingin si Darryl sa lider ng mga lobo para ma
Pinabagsak ni Darryl ang tahanan ng heneral pagkatapos ng kalahating oras na parang isang kidlat kasama ng nasa higit 50 mga sundalo ng Golden Hall. Marami pa ang mga tauhan in Lukas sa tahanan nito pero namatay na si Lukas kaya hindi na masyadong nanlaban ang mga ito bago sila tuluyang sumuko kay Darryl.Kasunod nito ang pagkadiskubre ni Darryl sa napakaraming mga mahahalagang kayamanan at pill sa tahanan ni Lukas.Nabalot ng tuwa si Darryl nang makita niya ang mga pill. Kahit na hindi nito maibabalik sa dati ang kaniyang lakas, makakatulong naman ito ng husto sa kaniya.Habang nasa gitna ng kaniyang selebrasyon, nakarinig si Darryl ng kaguluhan sa kaniyang likuran.“Ano ang nangyayari?” Nakasimangot na tanong ni Darryl.Dito na nagmamadaling sumagot ang isang bantay ng, “Natangpuan namin ang ilang mga bilanggo sa likuran. Kasalukuyan na po naming kinukwestiyon ang mga ito.”Tumango naman si Darryl bago siya magpunta sa bakuran. Habang naglalakad, nakita niya na may limang mga t
Napaatras naman sa sobrang gulat at tuwa si Robin.‘Ano? Patay na si Lukas?’Napakaganda ng balitang ito. Sayang lang dahil hindi niyo ito napatay gamit ang kaniyang mga kamay.Pagkatapos ng ilang segundo, nahimasmasan na rin si Robin habang tinitingnan niya mula ulo hanggang paa si Darryl.“Kung ganoon, isa ka na sa mga tauhan ng Prinsesa…”“Hindi, hindi ako tauhan ng Prinsesa!”Iling ni Darryl, naging seryoso ang kaniyang mukha habang nagpapatuloy sa kaniyang pagsasalita. “Tinutulungan ko lang ang Prinsesa. Hindi ko matiis na makita ang pagkahulog ng mga barbaro sa mga kamay ni Lukas. Trahedya lamang ang maidudulot ng bagay na iyon.”Napaisip ng husto si Robin nang marinig niya ang sagot ni Darryl.Mukhang isa talagang karangal rangal na lalaki si Darryl… pero agad na umangat ang galit sa dibdib ni Robin nang maisip niya ang nangyari sa kaniya at sa kaniyang mga tauhan sa kanilang Main Altar nang dahil dito.Hindi naman nagpanic ng kahit na kaunti si Darryl nang makita niya
Napabuntong-hininga si Robin, iniisip kung ano ang ginagawa ni Darryl.Nakangiti nang napakamot sa ulo si Darryl. "Wala naman gaano. Sasabihin ko lang na hindi tayo nakakasigurado kung siya ba ay taga Foggy Sect. Medyo malupit kung papatayin lang siya ng ganoon, hindi ba?"Habang nagsasalita siya, nag-iisip ng dahilan si Darryl. "Bakit hindi natin siya ikulong sa ngayon, at tatanungin ko siya bago tayo magdesisyon sa kaniyang kapalaran? Mas madali rin magsumbong sa Prinsesa sa ganitong paraan.Alanganin ang sitwasyon, at iyon ang pinakamaayos na puwede niyang idahilan.Ngunit, umiiling si Neo habang umaalingawngaw ang mga salita nito sa hangin. "Hinding-hindi puwede! Nabasa sa utos ng yumaong Kaiser na ang lahat ng miyembro ng Foggy Sect ay papatayin nang walang pinipili.'Buwisit…'Napasimangot si Darryl sa mga sinabi ni Neo, hindi niya matanggap kung gaano kalupit ang utos. Malinaw na may malaking epekto ang Foggy Sect, at matagal nang nakatutok sa kanila ang palasyo sa mahaban
'Whoa!'Hindi na makapaghintay ang mga bantay na nakapaligid sa mangyayaring duwelo, at nagsisiksikan sa kanilang mga pwesto.Mahalagang tandan na sa pagitan ng dalawang lalaking iyon, na isa sa kanila ang pinakamahalagang kanang-kamay ng Prinsesa na may malaking parte sa pagtulong sa kaniya sa trono, at head guard naman ng Golden Hall ang isa.Ang duwelo sa pagitan nilang dalawa ay isang bagay na tiyak na dapat asahang makita.Ngunit, kumulot ang kilay ni Robin habang nakatitig siya kay Darryl ng hindi mabasa ang ekspresyon.'Itong si Darryl Darby… Bakit niya ko gustong iligtas? Kahit na ganoon nga, siguradong may lihim siyang motibo…'Habang napapa-isip siya, hindi napigilan ni Robin na pasigaw na tawagin si Darryl, "Tumigil ka na sa mga kalokohan mo, Darryl Darby! Mamamatay muna ako bago makaalis kasama ka."Walang iba kundi masama at manloloko si Darryl para sa kaniya, at hindi niya hahayaan ang kaniyang sarili sa awa ni Darryl.Hindi alam ni Darryl ang kaniyang isasagot,
Napatigil ang lahat sa mga salita na narinig, kumikislap ang kanilang mga mata at hindi makapaniwala.Paano makikipag-usap ang walang pakiramdam na bato sa isang tao?Kasabay nito, ang pagkunot ng noo ni Robin habang nakatingin.Nakikipag-usap sa bato… Nakakatawa talaga ang lalaking iyon.Gayunpaman, kung may alam siya tungkol sa kaniya, malamang na may iba pang rason kung bakit niya iyon ginagawa."What…"Bumalik sa katinuan si Neo habang nalilitong nakatitig kay Darryl. "Ikaw ba ay… nakikipag-usap sa bato, Master Darryl? Walang pakiramdam ang bato, kaya paanong—"Bago pa siya matapos, pinutol na kaagad ni Darryl ang kaniyang sasabihin ng nakangiti."Haha! May isang bagay na hindi mo alam, Head Guard. Maaring walang pakiramdam ang batong ito para sa iyo, pero sa akin hindi. Maraming kultura ang nagsasagawa ng mga paniniwala na may pakiramdam sa mga ilog at bundok. Sasabihin mo ba sa kanila na walang mga diyos na naninirahan sa kanilang mga burol at lambak?"Sabay-sabay na tum