Sumigaw si Darryl, hindi na niya napigilan. Agad siyang sumugod at kinuha ang kuwelyo ni Jeremy, sinuntok nang sinuntok, hindi ito natapos.Thud! Blag! Thud!Kada suntok ay mas nagiging malakas kaysa sa iba.Nilabas ni Darryl ang pinakamalalim at pinakamalakas niyang Pure Internal Energy at pinalibutan nito ang buong lugar. Natahimik ang lahat dahil dito. Natigilan ang lahat nang makita si Darryl. Para siyang baliw na nawalan nang control habang si Jeremy naman ay sumisigaw na sa sakit kada suntok niya.“Anong karapatan mong suntukin ako!” Ang mukha ni Jeremy ay dumudugo na. Namilipit siya sa sakit at hindi makagalaw. “Patay ka sakin! Patay ka talaga! Narito ang master ko, sisiguraduhin niyang mamamatay ka ngayon dito!” patuloy siyang sumisigaw. Maga na ang kanyang ulo, hindi siya makalaban pabalik.Pumunta rito si Jeremy kasama ang kanyang master, si Zachary Hume. Si Zachary ang deputy head ng Tianshan school. Siya ay nahuling magpakita at bigla nalang lumabas. Inimbitahan ni Jer
Isang malakas na Internal Energy ang lumabas kay Zachary. Sa sobrang lakas nito napalibutan nito ang hangin sa paligid niya nang ito ay lumitaw.“Mamamatay si Darryl!” sabi ito nang karamihan ng tao.“Dapat lang sakanya ‘yan! Bakit niya hinamon ang deputy head ng Tianshan School?”Naramdaman nang lahat na papatayin ni Zachary si Daryl! Sino ang may kayang iwasan ang malakas na suntok na ‘yon?“Asawa ko!” sumigaw si Lily. Siya ay naluluha na. Gusto niyang tulungan si Darryl pero huli na ang lahat.Nataranta rin si Circe at sinabing, “Darryl, takbo! Ano pa bang hinihintay mo?”Kahit na nakikita niyang galit si Zachary, ang paborito niyang alagad ay nabugbog, sino ang hindi magagalit? Pero, hindi gumalaw si Darryl. Tinitigan niya lang si Zachary,Nagbigay nang malakas na suntok si Zachary. Marami ang ayaw tumingin pero alam nilang tapos na si Darryl sa suntok na ito. Ang suntok ay malakas at masakit.Ang mga ayaw tumingin ay sinarado ang kanilang mga mata. Alam nilang kapag nasunt
Gustong umayaw ni Jeremy. Pero, nakita niyang pumilantik ang pulso ni Darryl, isang pulang mahaba na espada ang lumitaw sa kamay niya, alam na niyang wala siyang ibang pagpipilian maliban kung gusto niyang mamatay.Ang espada ay mukhang delikado. Kasama ang masamang tingin ni Darryl, kapag sinabi niyang ayaw niya, natatakot siya na baka maligo siya sa dugo.Thud!Lumuhod si Jeremy. Wala na siyang pakialam sa pagmamataas niya. Kumpara sa sarili niyang buhay, ang pagmamataas niya ay walang kwenta.“Pasensya na. Pasensya ka na, Mr. Darryl.” Walang tigil na humihingi nang patawad si Jeremy, tagaktak na ang pawis niya.“Ikaw din.” Tumingin si Darryl kay Vera.Thud!Isang tingin lang ang kailangan para lumuhod si Vera. Agad siyang lumuhod at humingi ng patawad.Nang kumalma na si Darryl, sumimangot si Jeremy at Vera. Ito ay isang madugong laban, ang malakas ay inaapi ang mahina. Hangga’t sa kaya mong lumaban, ang mga tao ay magmamakaawa para sa iyong kapatawaran.Noong siya ay walan
Hindi nagpasindak si Darryl kay Evelyn. Uupo na siya pero tiningnan niya muna kung may matulis na bagay ulit sa upuan niya bago siya umupo.Nang uupo na siya, sinuri niya ang paligid. Naging emosyonal siya sa passion ng mga fans ni Angela. Ito ang kaibahan ng legendary pop star sa isang regular lamang. Ang laki ng concert na ito ay kasing laki ng concert ng mga international pop star.“Angela! Angela!” sabi ng mga tao, sumisigaw na may tuwa sakanilang mukha habang nagsisimula na ang concert.Isang eleganteng pigura na nakasuot ng maroon na evening gown na may nakaburdang crystals ang lumitaw sa stage. Mukha talagang isang legendary pop star si Angela, sobrang ganda!Hindi mapigilan ni Darryl na i-cheer ito. Namangha siya. Si Angela ay nasa edad 30s na pero napanatili niyang maganda ang katawa niya. Wala man lang sensyales nang katandaan at syempre ang kanyang pigura, para lang siyang nasa edad 20s.“Hello, Donghai City! Ako si Angela Angel! Kumusta kayong lahat?” tanong ni Angela.
Habang nagpapagaling si Dax buong oras ay hindi niya sinubukang tawagan si Darryl. Kaya agad-agad na kinuha ni Darryl ang kanyang telepeno nang tumawag ito. “Dax!” sigaw ni Darryl. “Dax!” Gayunpaman, masyadong maingay ang concert. Hindi niya marinig kahit isa sa mga salitang binibigkas ni Dax. Nang ibababa na niya ang tawag upang magpadala na lamang ng mensahe para kay Dax ay hinablot ni Evelyn ang kanyang phone at itinapon ito sa sahig. “Wala na bang mas nakakainis pa riyan? Nandito tayo para manood ng concert, pero nasa tawag ka? Wala ka bang kahit na anong respeto?” ungol ni Evelyn at sinamaan ito ng tingin. “Anong ginawa mo?!” sigaw ni Darryl na napakalakas. Kinuha ni Darryl ang kanyang phone at nakita ang basag na screen nito. ‘May sakit ba ‘to sa utak?’ isip niya sa kanyang sarili. “Ano bang problema mo? Lahat sumisigaw ‘don, bawal bang kuhain ko ‘tong
Napasinghap ang lahat. Sino ang masuwerteng napili? Tumingin sila ng may pag-asa sa kanilang mga mata nang dahan-dahang binubuksan ni Angela and eroplanong papel, sinabi niya na may ngiti, “Babasahin ko ng malakas ang hiling sa papel na ito.” Dahan-dahang sinabi ni Angela, “Ito ang hiling ng masuwerteng napili: Mahal naming Angela, dinala ko ang aking anak na babae ngayon. Nakaupo siya sa aking tabi. Limang taon na ang nakalilipas, ang aking anak ay nagkaroon ng sakit at naging pipi. Mahal na mahal ka niya, kaya dinala ko siya rito. Ang hiling ko sa’yo ay ang mayakap mo ang aking anak.” Nakikinig ang lahat habang binabasa ni Angela ang nasa papel. Nang natapos niyang basahin, hindi napigilan ni Angela ang maging emosyonal, “Ipapakita sa screen ang masuwerteng napili. Tingnan natin kung sino ang taong ito.” Huminto siya saglit pagkatapos ay sinabi, “Ang masuwerteng napili ay nakaupo sa Row Three,112.” Lahat ng camera ay tumutok sa numerong nabanggit ni Angela. Lumitaw ang mu
“Gwapo rin siya!” Gayunpaman, nakilala si Darryl ng ilan sa mga tao sa madla. “Hindi ba siya ‘yong live-in-son-in-law?” “Kailan pa ‘yan nagkaroon ng anak?” sigaw ng mga tao. Kumalat ang katanungan na iyon sa madla. Mayroong sampung libong mga tao ang narito. Napakaingay na ng madla. Hindi marinig ni Angela ang sigaw ng mga tao nang niyakap niya si Evelyn. Naging blangko ang pag-iisip ni Evelyn habang niyayakap siya ng kanyang idolo. Bigla nawala ang galit niya, labis na siyang nasisiyahan. Tumingin si Angela kay Evelyn at sinabi, “Girl, nakikita kong mahal na mahal ka ng iyong ama. Ang kanyang hiling ay tungkol lahat sa iyo. Bakit hindi mo rin siya yakapin?” ‘Ano? Gusto mong yakapin ko ‘yung b*gok na ‘yan?’ sa isip ni Evelyn. Nanginginig siya sa kagustuhang sumuway. Pero, nasa harap siya ng maraming tao. Kung hindi niya yayakapin si Darryl, mabibigo ang kayang iniidolo, at sobrang awkward nito. Sa sandaling iyon, kinagat ni Evelyn ang kanyang labi hanggang sa halos
Nataranta si Darryl sa pagkabalisa ng pagkakasabi ni Dax, “Ano nangyari?!” Umiling si Dax. “May iniligtas lang ako. Mayroon ka bang elixir na makakatulong sa kaniya? Dalhin mo rito, bilisan mo!” “G*go ka! Tinakot mo’ko,” galit na sambit ni Darryl. Akala niya dumating na naman ang Abbess Mother Serendepity para maghanap ng gulo. Tinanong niya si Dax, “Sino ang niligtas mo?” Umiling si Dax. “Hindi ko siya kilala. Nakita ko siya sa labas ng kagubutan, at mayroon siyang mga sugat sa buong katawan niya. Hindi ko siya maiwanan kaya dinala ko rito sa bahay.” Nagpatuloy si Dax, “Pero mukhang hindi na siya makakaligtas ng matagal. Labis ‘tong galos niya. Pumunta ka rito! Magdala ka ng elixirs.” Tumango si Darryl, “Papunta na ako.” Binababa niya ang telepono at nagtawag ng taxi. “Sanders Mansion,” ani Darryl. Hindi mapigilan ng driver na mapalingon kay Darryl. Ang Sanders Mansion ay sikat sa Donghai City; at si Dax ay isang maimpluwensyang tao. Gayunpaman, ang kanyang kapangyarihan