Habang nagpapagaling si Dax buong oras ay hindi niya sinubukang tawagan si Darryl. Kaya agad-agad na kinuha ni Darryl ang kanyang telepeno nang tumawag ito. “Dax!” sigaw ni Darryl. “Dax!” Gayunpaman, masyadong maingay ang concert. Hindi niya marinig kahit isa sa mga salitang binibigkas ni Dax. Nang ibababa na niya ang tawag upang magpadala na lamang ng mensahe para kay Dax ay hinablot ni Evelyn ang kanyang phone at itinapon ito sa sahig. “Wala na bang mas nakakainis pa riyan? Nandito tayo para manood ng concert, pero nasa tawag ka? Wala ka bang kahit na anong respeto?” ungol ni Evelyn at sinamaan ito ng tingin. “Anong ginawa mo?!” sigaw ni Darryl na napakalakas. Kinuha ni Darryl ang kanyang phone at nakita ang basag na screen nito. ‘May sakit ba ‘to sa utak?’ isip niya sa kanyang sarili. “Ano bang problema mo? Lahat sumisigaw ‘don, bawal bang kuhain ko ‘tong
Napasinghap ang lahat. Sino ang masuwerteng napili? Tumingin sila ng may pag-asa sa kanilang mga mata nang dahan-dahang binubuksan ni Angela and eroplanong papel, sinabi niya na may ngiti, “Babasahin ko ng malakas ang hiling sa papel na ito.” Dahan-dahang sinabi ni Angela, “Ito ang hiling ng masuwerteng napili: Mahal naming Angela, dinala ko ang aking anak na babae ngayon. Nakaupo siya sa aking tabi. Limang taon na ang nakalilipas, ang aking anak ay nagkaroon ng sakit at naging pipi. Mahal na mahal ka niya, kaya dinala ko siya rito. Ang hiling ko sa’yo ay ang mayakap mo ang aking anak.” Nakikinig ang lahat habang binabasa ni Angela ang nasa papel. Nang natapos niyang basahin, hindi napigilan ni Angela ang maging emosyonal, “Ipapakita sa screen ang masuwerteng napili. Tingnan natin kung sino ang taong ito.” Huminto siya saglit pagkatapos ay sinabi, “Ang masuwerteng napili ay nakaupo sa Row Three,112.” Lahat ng camera ay tumutok sa numerong nabanggit ni Angela. Lumitaw ang mu
“Gwapo rin siya!” Gayunpaman, nakilala si Darryl ng ilan sa mga tao sa madla. “Hindi ba siya ‘yong live-in-son-in-law?” “Kailan pa ‘yan nagkaroon ng anak?” sigaw ng mga tao. Kumalat ang katanungan na iyon sa madla. Mayroong sampung libong mga tao ang narito. Napakaingay na ng madla. Hindi marinig ni Angela ang sigaw ng mga tao nang niyakap niya si Evelyn. Naging blangko ang pag-iisip ni Evelyn habang niyayakap siya ng kanyang idolo. Bigla nawala ang galit niya, labis na siyang nasisiyahan. Tumingin si Angela kay Evelyn at sinabi, “Girl, nakikita kong mahal na mahal ka ng iyong ama. Ang kanyang hiling ay tungkol lahat sa iyo. Bakit hindi mo rin siya yakapin?” ‘Ano? Gusto mong yakapin ko ‘yung b*gok na ‘yan?’ sa isip ni Evelyn. Nanginginig siya sa kagustuhang sumuway. Pero, nasa harap siya ng maraming tao. Kung hindi niya yayakapin si Darryl, mabibigo ang kayang iniidolo, at sobrang awkward nito. Sa sandaling iyon, kinagat ni Evelyn ang kanyang labi hanggang sa halos
Nataranta si Darryl sa pagkabalisa ng pagkakasabi ni Dax, “Ano nangyari?!” Umiling si Dax. “May iniligtas lang ako. Mayroon ka bang elixir na makakatulong sa kaniya? Dalhin mo rito, bilisan mo!” “G*go ka! Tinakot mo’ko,” galit na sambit ni Darryl. Akala niya dumating na naman ang Abbess Mother Serendepity para maghanap ng gulo. Tinanong niya si Dax, “Sino ang niligtas mo?” Umiling si Dax. “Hindi ko siya kilala. Nakita ko siya sa labas ng kagubutan, at mayroon siyang mga sugat sa buong katawan niya. Hindi ko siya maiwanan kaya dinala ko rito sa bahay.” Nagpatuloy si Dax, “Pero mukhang hindi na siya makakaligtas ng matagal. Labis ‘tong galos niya. Pumunta ka rito! Magdala ka ng elixirs.” Tumango si Darryl, “Papunta na ako.” Binababa niya ang telepono at nagtawag ng taxi. “Sanders Mansion,” ani Darryl. Hindi mapigilan ng driver na mapalingon kay Darryl. Ang Sanders Mansion ay sikat sa Donghai City; at si Dax ay isang maimpluwensyang tao. Gayunpaman, ang kanyang kapangyarihan
Sa sandaling iyon, biglang nagising ang lalaki at umubo ng dugo haban ang kanyang mukha ay nagiging puti na. Sa sobrang tuwa, pinuntahan ni Dax ang lalaki at sinabi, “Kaibigan, gising ka na sa wakas.” Tumitig ang lalaki kay Dax at nagtanong ng mahina, “Sino...sino ka?” nag-iingat ito. “Ako si Dax Sanders. Huwag kang matakot. Ako ang nagligtas sa’yo,” ani Dax. “Sir, saan ka po nanggaling, at anong nangyari?” “Iniligtas mo ako?” May napagtanto ang lalaki. Mahina niyang sinabi, ang kanyang mga mata ay nakatuon kay Dax, “Sa-salamat, sir. Ako si Callum Webb, ang Sect Master ng Eternal Life Palace.” ‘Ano? Sect Master ng Eternal Life Palace?!’ Natigilan si Dax, nag-iingay ang kanyang isip. Ang Eternal Life Palace at ang Grandmaster Heaven sect ay magkatumbas. Ayon sa alamat, ang Sect Masters ng Eternal Life Palace at Grandmaster Heaven ay napakalakas na tao. Sino ang nakakaalam na iniligtas niya ang Sect Master ng Eternal Life Palace? Napalunok ng matindi si Dax. Hindi na niya n
Parang sasabog na si Dax sa lakas ng internal energy na pumapasok sa kaniyang katawan.Nangitngit naman ang mga ngipin ni Callum habang ipinapasa ang pinaghirapan niyang internal energy mula sa buong buhay niyang pagpapalakas kay Dax, hindi maaaring ipasa ng kahit na sino ang kaniyang internal energy sa ibang tao pero sinanay ni Callum ang technique na tinatawag bilang Grafting Method. Tanging Eternal Life Palace lang ang nagmamayari sa technique na ito at tanging ang pinuno lamang ng sekta ang maaaring magaral at magsanay nito.Wala nang kahit na ano pang paraan maliban sa Grafting Method na magagawa ang kahit na sino para maipasa ang kaniyang internal energy sa ibang tao.Alam ni Callum na maaari nang mawala ang kaniyang hininga anumang oras. Kaya kaysa sa pagsayang ng kaniyang pinaghirapang pagpapalakas, bakit hindi na lang niya ipasa ang lahat ng ito kay Dax para mabayaran ang kaniyang utang na loob dito!“Callum, hindi. Mabubuhay ka pa! Mayroon akong kinakapatid na mahusay sa
Ang huling mga salita ni Callum na sa sandaling maganap ang isang malaking digmaan, huwag na huwag maging isang traidor, ay sinabi niya nang buong pagmamalaki at positibo. Naoverwhelm dito nang husto si Dax habang tumutulo ang luha mula sa kaniyang mga mata.Samantala, nakarating na rin si Darryl sa mansyon ng mga Sanders.Nang makababa siya sa taxi, mabilis siyang pumasok sa hall at sumigaw ng, “Dax! Dax!”Tumakbo siya pataas, binuksan ang punto at nagulat sa kaniyang nakita. Isang lalaki ang walang buhay na nakahiga sa kama habang katabi ng may namumulang mga mata na si Dax.“Buwisit, huli na ako,” isip ni Darryl. Wala nang buhay ang lalaking ito.Inisip ni Darryl sa kaniyang sarili na, “Sandali, sinabi ni Dax na hindi niya raw kilala ang taong niligtas niya. Kaya bakit siya nalungkot nang ganito?”Naglakad siya palapit at nagtanong ng, “Ano ang nangyari?”Huminga nang malalim si Dax na nagsabi ng. “Isang makasaysayang bayani ang lumisan sa mundong ito habang nananatiling buha
“Ano? May nahuli siyang babae para sa akin?” Isip ng natigilang si Darryl.“Sino ba ang nahuli mo, Chester?” Tanong ng nacucurious na si Darryl.Huminga nang malalim si Chester at sinabing, “Huwag ka nang marami pang tanong, Bro. Malalaman mo rin sa sandaling makita mo siya. Dalian mo. Hihintayin din kita rito sa Eternal Life Island.” At pagkatapos ay ibinaba na nito ang tawag.Iniling ni Darryl ang kaniyang ulo at tumingin kay Dax. Nagempake na sila at nagtungo sa Eternal Life Island.Pagsapit ng tanghali kinabukasan, naging maganda ang panahon sa paligid. Naging kalmado at mapayapa rin ang tubig sa paligid ng Donghai City.Hindi kalayuan sa dagat na pinangingisdaan ng maraming mangingisda.Isang linggo na ang nakalilipas nang tapusin ng Elysium Gate ang masamang Coastline Sect. Nagpasalamat dito nang husto ang mga mangingisda sa Donghai City, nagmamalaking itinaas sa mga bangka ng mga ito ang Nine Dragons Justice Flag ng Elysium Gate.Sa napakaraming mga nakakalat na barko at