Ito ay sina Evelyn Featherstone at Circe Newman.Nasurpresa rito si Darryl. Hindi niya inasahan na magiging tagasunod ng Eternal Heaven Palace si Circe Newman. Nagliwanag at naging maganda ang itsura nina Evelyn at Circe sa suot nilang mahaba at plain na dress. Pero ang lahat ng mata ng mga tao sa paligid ay kasalukuyang nakatitig ina Darryl at Dax.Thud!Dahan dahang ibinaba ng mga tagasunod ang kabaong at tumayo sa tabi nito.Natahimik ang buong deck sa mga sandaling ito. Narinig ng marami sa kanila ang pagpanaw ng kanilang Sect Master.Tumayo si Chester, tumingin kay Darryl at nabubulunang sinabi na, “Kapatid, ang kabaong na ito…”Nagbuntong hininga si Darryl at sumagot ng, “ay ang kabaong na kinalalagyan ng katawan ni Callum Webb.Mabilis na nilapitan ni Chester ang kabaong. Nanginig ang kaniyang kamay habang dahan dahang binubuksan ang takip nito.Mapayapang nakahimlay sa loob nito ang katawan ni Callum. Napuno ng peklat ang buo nyiang katawan habang nakapikit ang kaniyang
Nakaramdam ng kalungkutan ang lahat matapos marinig ang mga iyak ni Chester.At pagkatapos ay naglakad ang Golden Lion na si Zion Featherstone palapit kay Chester. Lumuhod ito at sinabing, “Ako po ang tagasunod ninyong si Zion Featherstone. Mabuhay ang bagong Sect Master!”Kamamatay matay lang ng dating Sect Master pero agad itong sinundan ng bagong Master ng Eternal Life Palace. Ito ay ayon sa kanilang batas.“Mabuhay ang aming Master!”Iisang lumuhod ang maladagat na mga tagasunod ng Eternal Life Palace. Dalawa lang ang hindi lumuhod habang nakatayong tumitingin kay Dax, makikita na puno ng pagkainis ang mga ito.Ang dalawang ito ay walang iba kundi sina White Horse at Crimson Snake. Hindi natuwa ang magasawang ito sa pagkilala kay Chester bilang bagong Sect Master ng Eternal Life Palace.Humakbang ng isang beses paabante si White Horse at sinabing, “Isa ka lang Level One Master, Chester. Sa ganyan kahinang level, anong karapatan ang mayroon ka para maging Sect Master?”Napapi
Sinampal ni Dax si White Horse na nakapagpatalsik dito nang malayo hanggang sa bumagsak ito sa tabi ng kaniyang asawang si Crimson Snake.Napapigil hininga rito ang lahat.Ito ang pagkakaiba sa pagitan ng isang Level One Martial Saint at isang Level Five Martial Marquis.Ka-cha! Isang palakol ang nagpakita sa kamay ni Dax. Dahan dahan nitong nilapitan sina White Horse at Crimson Snake. “Traydor kayong dalawa. Kamamatay matay lang ni Master Webb. Hindi pa natin siya nagagawang ipaghiganti, pero nagawa niyo nang suwayin ang huli niyang mga ibinilin sa atin. Papatayin ko kayong dalawa bilang sakripisyo sa kaniya sa kabilang buhay!”Dito na nagpawis nang husto si White Horse, agad na nawala ang pagiging arogante na ipinakita nito kanina.Thud! Agad na lumuhod sina White Horse at Crimson Snake para humingi ng tawad, “Patawad. Patawarin ninyo kami. Hindi naging maganda ang takbo ng isip naming dalawa kanina. Magiging tapat na kami kay Master Chester Wilson mula sa sandaling ito…”H
Mabilis na napatayo si Darryl. Naalala niya noong sabihin nio Chester na nahuli nito ang isang babae para ibigay sa kaniya. At ngayong nandito na ang babae, agad na nacurious dito si Darryl. Agad niyang tumayo sa kaniyang kama at binuksan ang pinto.Natigilan siya sa kaniyang nakita. Isang tagasunod ang tumayo sa kaniyang harapan habang nasa likuran nito ang isang babae na may magandang katawan. Kasalukuyan itong nakatali sa likod ng tagasunod.Itinulak ng tagasunod ang babae papasok sa kuwarto at umalis.Nagulat nang husto rito si Darryl. Ang babaeng ito ay walang iba kundi si Megan Castello!Dalawang araw na ang makalilipas mula noong marinig ni Chester kay Zion na sinaksak ng Senior Sister sa Emei Sect na si Megan Castello si Darryl gamit ang kaniyang espada habang nasa Lion Slaughtering Conference, muntik nang ikamatay ni Darryl ang bagay na ito.Nagalit dito si Chester kaya agad niyang inutusan ang kaniyang mga tauhan na hulihin si Megan, at sa wakas ay nagawa na rin nila ito
Nagalit dito nang husto si Darryl. Nang magsasalita n asana ito, isang boses ang maririnig mula sa pintuan.“Master Darby, iniimbitahan po kayo ni Dax ng Master na samahan siyang maghapunan sa main hall.”“Papunta na ako,” sagot ni Darryl.Huminga nang malalim dito si Darryl. Tumingin siya kay Megan at nagpaliwanag, “Inaamin ko, malapit kami ni Chester sa isa’t isa. Inaamin ko rin na isa akong Hall Master ng Eternal Life Palace, pero hindi ako gumawa ng kahit isang kasamaan at nanakit ng kahit na sinong inosente. Namuhay ako ng tapat kasama ang mga ito. Dito ka na matulog ngayong gabi. Diyan ka na humiga sa kama, dito naman ako sa sahig matutulog mamaya. Tatanggalin ko ang tali mo pagbalik ko mamaya. Aalis na rin kami ni Dax pabalik ng Donghai City bukas kaya maaari ka na naming maisabay pabalik.Dito na naglakad si Darryl palabas ng kuwarto.“Hayop ka, Darryl…”Narinig ni Darryl ang mga iyak ni Megan. Kinamumuhian ni Darryl si Abbes Mother Serendipity. Mukhang hinuli ito ni Ches
Agad na nakaramdam ng galit si Darryl nang maisip niya si Megan. Pero gusto niyang enjoyin ang gabing ito kasama ng kaniyang mga kinakapatid kaya isinantabi niya muna ang lahat ng tungkol kay Megan.“Inom pa, inom pa!” Itinaas ni Dax ang kaniyang wine glass at sumigaw ng, “Kinakailangan ninyong ipangako sa akin na hindi niyo aalisin ang alcohol sa alak na iniinom natin gamit ang inyong mga internal energy! Tingnan natin kung sino ang mauunang babagsak sa ating tatlo!”“Sino namang natatakot sa iyo? Uminom ka na lang!” Uminom at inubos ng tatlo ang laman ng kanilang mga wine glass. Hindi naging sapat ang kanilang wine kaya agad nilang pinalitan ng mangkok ang kanilang mga baso. Sunod sunod silang uminom ng alak sa kanikanilang mga mangkok.Sinasabi ng marami na nagkakasundo ang mga lalaki sa pamamagitan ng alcohol. Isa itong hindi maitatangging katotohanan.Hindi na nila alam kung gaano na karami ang kanilang nainom nang biglang itaas ng tumatayong si Chester ang kaniyang hawak na m
Sa loob ng kusina, nagsuot si Adina ng isang apron habang abala sa paghihiwa ng carrots. Makikita ang dalawang butil ng pawis sa napakaganda niyang mukha. Alam niya na gustong pakainin ni Chester ang kaniyang mga kinakapatid kaya kinakailangan niyang pagsilbihan ang mga ito nang maigi.Isang maid ang lumapit sa kaniya at nagsabi ng, “Mistress, samahan niyo raw po ang Master sa kanilang hapunan.”Ngumiti naman si Adina at tumango. “Ok, mauuna ka na. Susunod ako pagkatapos kong lutuin ang isang ito.Tumango naman dito ang maid. Nilabas niya ang kaniyang panyo at pinunasan ang pawis sa kaniyang mukha bago umalis.Makalipas ang 10 minuto, natapos na rin niyang lutuin ang putaheng iyon. Dahan dahan niyang hinawakan ang plato gamit ang kaniyang mga kamay habang papunta sa hall na kinaroroonan ni Chester.Nangangalahati na siya nang marinig niya ang iyak ng isang babae mula sa kuwarto ni Darryl. Tuluyan siyang napatigil sa kaniyang mga narinig.“Hindi ba’t kasamang uminom ni Darryl sina
“Sabihin mo sa akin, ano ang binabalak mo? Bakit mo ako pinakawalan?” Nanggigil ang mga panga ni Megan habang sinisipa nang malakas si Adina.Humandusay naman sa sahig si Adina na may mahinang mga paghinga. Nagkalat na ang kaniyang dugo sa paligid. Agad na mas dumami ang dugong lumalabas sa kaniyang katawan nang sipain pa siya ni Megan.“Demonyo ang Eternal Life Palace! Maghanap ka na lang ng mas mabuting lalaki sa susunod mong buhay. Huwag na huwag kang magpapakasal sa isang nakakadiri at bastos na lalaki sa susunod,” nanlalamig na dura ni Megan sa katawan ni Adina.Nang makita niya ang hindi makasagot na si Adina, itinago na niya ang kaniyang espada at agad na tumakbo pababa.Hindi niya pinagsisihan ang pagpatay na ginawa niya kay Adina. Nagalit siya nang husto matapos siyang mahuli ng mga ito, at wala rin siyang mapagbuntunan ng kaniyang galit maliban kay Adina. Ito rin ang asawa ng Sect Master. Kaya ang pagpatay dito ay katumbas na rin ng pagtapos sa kasamaan. Deserve ni Adina