Isang self-proclaimed na tamang sekta ang natuto sa pamamaraan ng kadiliman. Kaya paano nila nagawang magkunwaring tama sa harap ng ibang tao?Nagalit din dito ang nagngingitngit na si Dax. Tumango naman dito si Darryl na para bang naantig sa naging reaksyon ng dalawa. Napakasuwerte niya na makilala ang dalawang ito sa kaniyang buhay.“Oo nga pala, nasaan na si Adina?” Simangot ni Chester habang nagtatanong sa maid.Mabilis namang sumagot ang maid ng, “Master, sinabi po ng mistress na pupunta raw siya matapos niyang maluto ang huli niyang putahe. Kanina pa po dapat siya tapos. Dapat ko na po ba siyang tawagin?”Hindi mo na siya kailangan pang pagmadaliin. Tapos na rin naman kaming kumain.” Kumaway si Chester para balewalain ang mga sinabi ng maid. Mukhang napagod nga si Adina sa paghahanda sa kanilang tatlo.Tumango at ngumiti naman dito si Darryo. “Oo nga, hayaan niyo na siyang magpahinga. Nagabala na siya nang husto para maihanda ang lahat ng ito sa atin ngayong gabi!”Muling n
“Adina… Adina…”Sumigaw si Chester habang niyayakap nang mahigpit si Adinaa at umiiyak nang walang tigil. Masyadong naging masakit sa kaniya ang pangyayaring ito.Hirap na hirap pa rin hanggang ngayon si Chester na tanggapin ang pagkamatay ni Callum Webb. At matapos manumpa ng kapatiran kasama sina Dax at Darryl, gumaan nang kaunti ang loob ni Chester pero ngayong nakita niya ang walang buhay na katawan ng asawa niyang si Adina, para itong isang balang tumama nang direkta sa kaniyang puso.”“Huwag mo akong takutin, Adina. Nagmamakaawa ako na buksan mo ang mga mata mo…” Namaos na ang boses ni Chester sa mga sandaling ito habang nanginginig ang buo niyang katawan.Agad namang nablangko ang isip nina Darryl at Dax sa kanilang nakita. Biglang nagising ang mga lasing nilang katawan at isip sa nangyari.Sinabi ni Chester na sa Eternal Life Island na nilaan ni Adina ang malaking bahagi ng kaniyang buhay. Isa siyang vegetarian na hindi magawang tumapak ng kahit isang langgam. Isa siyang n
Hindi na niya kailangan pang isipin ang bagay na ito—may isang tagaEmei ang pumatay kay Adina at aksidenteng na hulog ang kaniyang pendant na gawa sa jade! At nagiisa lang ang babaeng miyembro ng Emey sa buong Eternal Life Island—si Megan Castello.Napahinga rito nang malalim si Darryl. Nakita niya ang pendant na ito nang unang beses niyang makapasok sa bahay ni Megan. Sinabi rin nito kay Darryl na miyembro siya ng Emei Sect.“Tingnan mo kung nandoon pa sa kuwarto niya si Megan Castello. Ngayundin!” Sigaw ni Chester.“Opo… opo, master!” Mabilis na tumakbo paalis ang ilang mga maid. Hindi nagtagal ay agad din itong bumalik sa kanila.Nagaalangang nagpaliwanag ang mga ito ng. “Master, pinakawalan po ng Emei ang kaniyang sarili at agad na tumakas sa kuwarto.”Nanginig naman sa galit. “Emei! Sisiguruhin kong mamamatay ang lahat ng tagasunod ninyo kasama ng pinatay ninyong asawa ko!” Sigaw nito.Isang napakalakas na kidlat ang narinig na sinundan ng malakas na buhos ng ulan mula sa ka
Agad siyang napangiti nang marinig niyang magalit si Megan kay Darryl. “Nagising ka na rin sa katotohanan. Natutuwa ako para s aiyo. Sinabihan na kita noon na hayop ang Darryl na iyan.”Napasimangot naman si Abbess Mother Serendipity habang sinasabi na. “Isa sa mga Darby ang miyembro ng Eternal Life Palace habang isa naman ay ang Indomitable Daby ng Elysium Gate. Dalawang mga Darby na ang kasalukuyang mga peste sa mundo natin.”Hindi naman nagsalita ng kahit na ano rito si Megan, tumango lamang ito sa kaniyang master na si Abbess.Hinawakan naman ni Abbess ang balikat ni Megan at nagsabing. “Kinakailangan nang mawasak ng Eternal Life Palace, pero siyempre, may ibang bagay na mas importante pa kaysa rito ngayon. Nagtipon tipon ang anim na mga orthodox sect sa Hexad para pagusapan ang plano sa Judgement Day. Sumama ka sa akin bukas.”Judgement Day? Naconfuse dito si Megan.Ngumiti naman si Abbess Mother Serendipity habang sinasabi na, “Ang Judgement Day ay isang plano para tuluyan n
Hindi nagtagal ay napuno ng saya ang mukha ni Dax matapos bumaba sa cabin ng barko.Agad namang naramdaman ni Darryl ang muling paglakas ng kapatid niyang si Dax.“Dax, isa ka na ngayong Level Two Martial Saint?” Nasasabik nitong itinanong.Tumango naman dito si Dax. Tama ang bagay na iyon—mula noong umalis sila ng Eternal Life Island ay naramdaman na niya ang nalalapit niyang paglakas. At pagkatapos ng kaunting pagpapalakas ay muling nagimprove ang kaniyang internal energy at mabilis na umakyat sa Level Two ng Martial Saint Domain!Nang itransfer ni Callum ang natitira niyang internal energy kay Dax, sinabi ni Callum na makakaranas si Dax ng napakabilis na improvement sa kaniyang sarili ng isang taon, mas magiging mabilis ito kaysa sa pagpapalakas na ginagawa ng ordinaryong mga cultivators. Hindi inasahan ni Dax na magagawa niyang maging isang Level Two Martial Saint nang ganito kabilis!“Darryl, nahanap mo na ba kung nasaan nagtatago ang Sect Master ng Kunlun na si Leroy Henders
“Wow!” Dito na nagsimulang magusap usap ang lahat ng tao sa paligid.Sumali si Darryl sa Eternal Life Palace Sect? Paano niya ito magagawa kung isa lang siyang walang kuwentang lalaki?Dito na tumingin ang lahat kina Abbess Mother Serendipity at Megan.Tumango si Megan. Napakagat siya sa kaniyang ngipin at humakbang paabante. “Tama ang aking master. Sumali nga si Darryl sa Eternal Life Palace Sect. Dalawang araw na ang nakalilipas mula noong dukutin ako ng mga taga Eternal Life Palace. Nakita ko roon si Darryl pero hindi bilang isang ordinaryong miyembro nito kundi bilang isang Hall Master.”“Kalokohan!”Agad na hinampas ng tumatayong principal ng Hexad na si Graham Potter ang lamesa. Tumayo siya para ituro si Darryl at sumigaw ng, “Napakawalang kuwenta mo talaga! Paano nagkaroon ang Hexad ng isang estudyanteng kagaya mo?”“Huwag na kayong magsalita na parang isang mangmang, tapusin niyo na lang siya ngayong nandito na rin naman siya!”“Oo nga, dapat lang na mamatay siya dahil h
“Sect Master Henderson, huwag ka nang magsayang ng oras sa kaniya. Hulihin mo na siya!” Sigaw ni Abbess Mother Serendipity. Lumiyad siya paharap at agad na lumundag papunta kay Darryl habang hawak hawak ang isang espada. “Kung hindi natin siya magagawang mahuli nang buhay, papatayin natin siya!”Nang matapos siyang magsalita, nakarating na ang espada ni Abbess Mother Serendipity sa dibdib ni Darryl!Nagsara nang husto ang mga kamao ni Darryl at agad na nilabas ang kaniyang galit. Nagpakita ang Blood Drinking Sword sa kaniyang harapan mula sa kaniyang dibdib na sumalag sa pagatake ni Abbess Mother Serendipity!Cling!Nang magtama ang dalawang mga espada, agad na gumawa ang dalawang ito ng isang malakas na tunog. Tumalsik si Darryl ng ilang hakbang mula sa blade habang lumalabas ang sariwang dugo sa kaniyang bibig!Kahit nagawa nang makarating ng lakas ni Darryl sa Level One Martial Saint, hindi pa rin niya magagawang tapatan si Abbess Mother Serendipity. Ilang taon na kasi itong Le
“Megan!” Sigaw ng may namumulang mata na si Darryl. “Ikaw pala ang nangnakaw sa akin ng Supreme Mystery Scripture at Celestial Silkworm Armor!”Inisip niya noon na si Evelyn ang nagnakaw ng mga ito dahil siya at ang kaniyang mga kaibigan ang nagpainom sa kaniya ng buong gabi. Hindi niya inakala na si Megan pala ang tunay na maygawa nito!“Tama ka, kinuha ko nga ang mga ito,” sagot ni Megan. “Nakakatawa lang dahil nakaramdam ako ng matinding konsensya at awa sa iyo noong nakawin ko ang mga ito noong isang araw. Nagmukha akong t*nga.”“Megan!”Nagsara nang husto ang mga kamay ni Darryl. Dito na makikita ang matinding galit na kaniyang nararamdaman!“Huwag ka nang magsayang ng oras, mamatay ka na!” Itinaas ni Leroy ang kaniyang kamao at hinawakan ang Cresent Moon Blade. At pagkatapos ay agad na siyang sumugod papunta kay Dax.Nasa 20 mga miyembro ng anim na mga orthodox sect ang sumugod sa dalawa. Agad na napaligiran ng mga ito sina Dax at Darryl!”Dang!Walang tigil na nagsway an