Sa sandaling iyon, biglang nagising ang lalaki at umubo ng dugo haban ang kanyang mukha ay nagiging puti na. Sa sobrang tuwa, pinuntahan ni Dax ang lalaki at sinabi, “Kaibigan, gising ka na sa wakas.” Tumitig ang lalaki kay Dax at nagtanong ng mahina, “Sino...sino ka?” nag-iingat ito. “Ako si Dax Sanders. Huwag kang matakot. Ako ang nagligtas sa’yo,” ani Dax. “Sir, saan ka po nanggaling, at anong nangyari?” “Iniligtas mo ako?” May napagtanto ang lalaki. Mahina niyang sinabi, ang kanyang mga mata ay nakatuon kay Dax, “Sa-salamat, sir. Ako si Callum Webb, ang Sect Master ng Eternal Life Palace.” ‘Ano? Sect Master ng Eternal Life Palace?!’ Natigilan si Dax, nag-iingay ang kanyang isip. Ang Eternal Life Palace at ang Grandmaster Heaven sect ay magkatumbas. Ayon sa alamat, ang Sect Masters ng Eternal Life Palace at Grandmaster Heaven ay napakalakas na tao. Sino ang nakakaalam na iniligtas niya ang Sect Master ng Eternal Life Palace? Napalunok ng matindi si Dax. Hindi na niya n
Parang sasabog na si Dax sa lakas ng internal energy na pumapasok sa kaniyang katawan.Nangitngit naman ang mga ngipin ni Callum habang ipinapasa ang pinaghirapan niyang internal energy mula sa buong buhay niyang pagpapalakas kay Dax, hindi maaaring ipasa ng kahit na sino ang kaniyang internal energy sa ibang tao pero sinanay ni Callum ang technique na tinatawag bilang Grafting Method. Tanging Eternal Life Palace lang ang nagmamayari sa technique na ito at tanging ang pinuno lamang ng sekta ang maaaring magaral at magsanay nito.Wala nang kahit na ano pang paraan maliban sa Grafting Method na magagawa ang kahit na sino para maipasa ang kaniyang internal energy sa ibang tao.Alam ni Callum na maaari nang mawala ang kaniyang hininga anumang oras. Kaya kaysa sa pagsayang ng kaniyang pinaghirapang pagpapalakas, bakit hindi na lang niya ipasa ang lahat ng ito kay Dax para mabayaran ang kaniyang utang na loob dito!“Callum, hindi. Mabubuhay ka pa! Mayroon akong kinakapatid na mahusay sa
Ang huling mga salita ni Callum na sa sandaling maganap ang isang malaking digmaan, huwag na huwag maging isang traidor, ay sinabi niya nang buong pagmamalaki at positibo. Naoverwhelm dito nang husto si Dax habang tumutulo ang luha mula sa kaniyang mga mata.Samantala, nakarating na rin si Darryl sa mansyon ng mga Sanders.Nang makababa siya sa taxi, mabilis siyang pumasok sa hall at sumigaw ng, “Dax! Dax!”Tumakbo siya pataas, binuksan ang punto at nagulat sa kaniyang nakita. Isang lalaki ang walang buhay na nakahiga sa kama habang katabi ng may namumulang mga mata na si Dax.“Buwisit, huli na ako,” isip ni Darryl. Wala nang buhay ang lalaking ito.Inisip ni Darryl sa kaniyang sarili na, “Sandali, sinabi ni Dax na hindi niya raw kilala ang taong niligtas niya. Kaya bakit siya nalungkot nang ganito?”Naglakad siya palapit at nagtanong ng, “Ano ang nangyari?”Huminga nang malalim si Dax na nagsabi ng. “Isang makasaysayang bayani ang lumisan sa mundong ito habang nananatiling buha
“Ano? May nahuli siyang babae para sa akin?” Isip ng natigilang si Darryl.“Sino ba ang nahuli mo, Chester?” Tanong ng nacucurious na si Darryl.Huminga nang malalim si Chester at sinabing, “Huwag ka nang marami pang tanong, Bro. Malalaman mo rin sa sandaling makita mo siya. Dalian mo. Hihintayin din kita rito sa Eternal Life Island.” At pagkatapos ay ibinaba na nito ang tawag.Iniling ni Darryl ang kaniyang ulo at tumingin kay Dax. Nagempake na sila at nagtungo sa Eternal Life Island.Pagsapit ng tanghali kinabukasan, naging maganda ang panahon sa paligid. Naging kalmado at mapayapa rin ang tubig sa paligid ng Donghai City.Hindi kalayuan sa dagat na pinangingisdaan ng maraming mangingisda.Isang linggo na ang nakalilipas nang tapusin ng Elysium Gate ang masamang Coastline Sect. Nagpasalamat dito nang husto ang mga mangingisda sa Donghai City, nagmamalaking itinaas sa mga bangka ng mga ito ang Nine Dragons Justice Flag ng Elysium Gate.Sa napakaraming mga nakakalat na barko at
Ito ay sina Evelyn Featherstone at Circe Newman.Nasurpresa rito si Darryl. Hindi niya inasahan na magiging tagasunod ng Eternal Heaven Palace si Circe Newman. Nagliwanag at naging maganda ang itsura nina Evelyn at Circe sa suot nilang mahaba at plain na dress. Pero ang lahat ng mata ng mga tao sa paligid ay kasalukuyang nakatitig ina Darryl at Dax.Thud!Dahan dahang ibinaba ng mga tagasunod ang kabaong at tumayo sa tabi nito.Natahimik ang buong deck sa mga sandaling ito. Narinig ng marami sa kanila ang pagpanaw ng kanilang Sect Master.Tumayo si Chester, tumingin kay Darryl at nabubulunang sinabi na, “Kapatid, ang kabaong na ito…”Nagbuntong hininga si Darryl at sumagot ng, “ay ang kabaong na kinalalagyan ng katawan ni Callum Webb.Mabilis na nilapitan ni Chester ang kabaong. Nanginig ang kaniyang kamay habang dahan dahang binubuksan ang takip nito.Mapayapang nakahimlay sa loob nito ang katawan ni Callum. Napuno ng peklat ang buo nyiang katawan habang nakapikit ang kaniyang
Nakaramdam ng kalungkutan ang lahat matapos marinig ang mga iyak ni Chester.At pagkatapos ay naglakad ang Golden Lion na si Zion Featherstone palapit kay Chester. Lumuhod ito at sinabing, “Ako po ang tagasunod ninyong si Zion Featherstone. Mabuhay ang bagong Sect Master!”Kamamatay matay lang ng dating Sect Master pero agad itong sinundan ng bagong Master ng Eternal Life Palace. Ito ay ayon sa kanilang batas.“Mabuhay ang aming Master!”Iisang lumuhod ang maladagat na mga tagasunod ng Eternal Life Palace. Dalawa lang ang hindi lumuhod habang nakatayong tumitingin kay Dax, makikita na puno ng pagkainis ang mga ito.Ang dalawang ito ay walang iba kundi sina White Horse at Crimson Snake. Hindi natuwa ang magasawang ito sa pagkilala kay Chester bilang bagong Sect Master ng Eternal Life Palace.Humakbang ng isang beses paabante si White Horse at sinabing, “Isa ka lang Level One Master, Chester. Sa ganyan kahinang level, anong karapatan ang mayroon ka para maging Sect Master?”Napapi
Sinampal ni Dax si White Horse na nakapagpatalsik dito nang malayo hanggang sa bumagsak ito sa tabi ng kaniyang asawang si Crimson Snake.Napapigil hininga rito ang lahat.Ito ang pagkakaiba sa pagitan ng isang Level One Martial Saint at isang Level Five Martial Marquis.Ka-cha! Isang palakol ang nagpakita sa kamay ni Dax. Dahan dahan nitong nilapitan sina White Horse at Crimson Snake. “Traydor kayong dalawa. Kamamatay matay lang ni Master Webb. Hindi pa natin siya nagagawang ipaghiganti, pero nagawa niyo nang suwayin ang huli niyang mga ibinilin sa atin. Papatayin ko kayong dalawa bilang sakripisyo sa kaniya sa kabilang buhay!”Dito na nagpawis nang husto si White Horse, agad na nawala ang pagiging arogante na ipinakita nito kanina.Thud! Agad na lumuhod sina White Horse at Crimson Snake para humingi ng tawad, “Patawad. Patawarin ninyo kami. Hindi naging maganda ang takbo ng isip naming dalawa kanina. Magiging tapat na kami kay Master Chester Wilson mula sa sandaling ito…”H
Mabilis na napatayo si Darryl. Naalala niya noong sabihin nio Chester na nahuli nito ang isang babae para ibigay sa kaniya. At ngayong nandito na ang babae, agad na nacurious dito si Darryl. Agad niyang tumayo sa kaniyang kama at binuksan ang pinto.Natigilan siya sa kaniyang nakita. Isang tagasunod ang tumayo sa kaniyang harapan habang nasa likuran nito ang isang babae na may magandang katawan. Kasalukuyan itong nakatali sa likod ng tagasunod.Itinulak ng tagasunod ang babae papasok sa kuwarto at umalis.Nagulat nang husto rito si Darryl. Ang babaeng ito ay walang iba kundi si Megan Castello!Dalawang araw na ang makalilipas mula noong marinig ni Chester kay Zion na sinaksak ng Senior Sister sa Emei Sect na si Megan Castello si Darryl gamit ang kaniyang espada habang nasa Lion Slaughtering Conference, muntik nang ikamatay ni Darryl ang bagay na ito.Nagalit dito si Chester kaya agad niyang inutusan ang kaniyang mga tauhan na hulihin si Megan, at sa wakas ay nagawa na rin nila ito