Share

Kabanata 555

‘Ano? Asawa niya ‘to?’ sa isip ng mga lalaki nang tiningnan nila si Darryl na may halong inggit at inis. Gusto nilang suntukin ito sa isip nila.

Hindi pinansin ni Lily ang tingin ng mga lalaki habang nakahawak siya sa kamay ni Darryl at nakangiti. “Asawa ko, kilala mo si Circe diba, hindi ko na siya kailangang ipakilala sa’yo. Ito si Evelyn Featherstone, kaibigan ni Circe. Kasali siya sa Lion Slaughtering Conference. Kung tama ang pagkaalala ko, naglaban kayong dalawa noon.”

Pinakilala ni Lily si Evelyn na hindi napagtantong magkakilala na si Evelyn at Darryl noon pa! Galit na nakatingin si Evelyn kay Lily na gulat at sinabing, “Lily, asawa mo siya?”

Noong unang makilala ni Evelyn si Lily, akala niya maganda at mabait ito. Sinong mag aakala na ang isang mabait na babae ay papakasalan ang isang hayop na ‘to! Hindi tama ‘to!

Natigilan si Lily habang siya rin ay natawa, “Kilala niyo ang isa’t isa?”

“Walang gustong kumilala sakanya! Isa siyang tae ng kalabaw!” pinagdikit ni Evelyn ang
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Nan
Mas Lalo Nang nakakalito tong kwento
goodnovel comment avatar
Arnel Santos
bakit hindi alam ni Evelyn na asawa ni Darryl si lilly eh pinuntahan nya sa bahay ng mga lyndon nuon
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status