Hinawakan ni Kendra ang braso ni Darryl at tiningnan siya nang may pag-asa. "Kumusta? Ano ang sinabi nila? Nangako ba silang papayagan ako?"Nagkaroon ng kaguluhan at pag-asa sa kanyang katangi-tanging mukha. Naisip niya pagkatapos ng talakayan, ang mga hayop ay sumasang-ayon na palayain siya. Gayunpaman, hindi ito ang inaasahan niya.Umiling iling si Darryl habang masama ang pakiramdam kay Kendra. "Hindi ka nila papayagan."'Ano?'Ang resulta ay tumama kay Kendra nang husto kaya't siya ay natigilan at walang pag-asa. "Bakit?"Ngumiti si Darryl. "Sinabi ko kaibigan mo ako, ngunit sinabi ng pinuno ng Garan na kaibigan mo lang ako. Nakapagtakda na sila ng isang nauna dahil sa akin, at ngayon, hindi nila masisira muli ang panuntunan."Naramdaman ni Kendra na ang kanyang utak ay nabigo upang maproseso ang impormasyong narinig niya.'Anong uri ng mga patakaran ang mayroon sila? Bakit nila mai-exempt si Darryl at hindi sa ibang tao? Dahil lang sa pagsasalita niya sa wikang hayop?'Na
Saktong sakto ang mahinhin at malambot na pressure na mga kamay ni Kendra. Dahil dito ay napabuntong hininga na lang ang nakukumportableng si Darryl. ‘Napakasarap talaga sa pakiramdam na imasahe ng isang magandang binibini rito.’At pagkatapos niyang imahase ng isang sandali si Darryl, napakagat na lang si Kendra sa kaniyang labi habang nagtatanong ng, “Okay na bai to, Darryl?”Natatakot siya na baka bigla siyang balikan ng mga Garan kaya mahina at maingat siyang nagsalita kay Darryl.Idiniretso naman ni Darryl ang kaniyang likuran bago nito tinatamad na ituro ang kaniyang binti. “Tama lang ang lakas na ibinigay mo. Imasahe mo naman ang mga binti ko ngayon.”Isang pambihirang pagkakataon para kay Kendra na bigyan siya ng masahe kaya ayaw pa sana itong tapusin doon ni Darryl.Natigilan at nagdalawang isip naman dito si Kendra. ‘Hindi ba’t nagkasundo na tayong magkunwari? Iniisip ba talaga nito na siya ng aking master?’Pero kahit na ganoon, lumapit pa rin siya sa mga binti ni Darr
Mas tumindi ang pagsususpetsa ni Kendra habang nakikita nito ang ginagawang pagarte ni Darryl.‘Oo nga. Mukhang matagal nang nagbabantay dito ang mga halimaw na iyan. Kaya sila lang ang nakakaalam kung mayroon bang mga nakatagong kayamanan sa paligid…’Agad na bumalik ang pagkasabik sa magandang mukha ni Kendra nang maisip niya ito. Dito na niya sinabing, “Sige na’t magtanong ka na. Hihintayin na lang kita sa labas.”Pagkatapos ay agad siyang naglakad para maghintay sa labas ng main hall.Natigilan naman si Darryl sa naging reason ni Kendra. ‘Ano? Nakakairita na ang babaeng ito. Bakit ba niya ako kailangan pang hintayin, at bakit hinid ka pa umalis ngayong nakaligtas ka na sa panganib?’Namroblema rito nang husto si Darryl dahil hindi siya makakaalis kung hindi aalis si Kendra. Kahit na nagawa nitong mangako, hindi pa rin siya nakakasiguro kung tutuparin ni Kendra ang kanilang napagusapan."Roar!"Dito na sumigaw ang lider ng mga Garan, “Mukhang masamang tao ang babaeng ito, Roy
At nang mabuo ang kaniyang desisyon, agad na bumalik si Antigonus sa kaniyang opisina para magpalit ng damit. Hindi pormal para sa kahit na sinong sumali sa tournament nang nakaoffice attire.At nang buksan niya ang pinto papasok sa kaniyang opisina, agad na kumunot ang kaniyang noon habang maingat na tinitingnan ang isang babae na nakaupo sa upuan na nasa likuran ng mesa. Nagkaroon ito ng magandang itsura ng mukha at attractive na katawan. Nagpakita ng panlalamig ang mukha nito na para bang isang orchid na tumubo sa gitna ng isang abandonadong bulubundukin.Ito ay walang iba kundi si Yvonne.Ilang araw na ang nakalilipas nang malaman nito ang tungkol sa paghigop ng isang nilalang sa spiritual energy ng kaniyang kapatid na babae. Kaya agad niyang pinagsuspetsahan si Antigonus nang maintindihan niya ang sitwasyon sa kaniyang paligid. Ito ang rason ng naging pagbisita niya rito.Mabilis namang nakapagreact dito si Antigonus. Umupo ito sa sofa habang nagtatanong ng, “Sino ka? Sigurado
“Ikaw…”Pagkatapos niyang itayo nang diretso ang kaniynag sarili, tiningnan niya si Antigonus gamit ang galit at gulat niyang mga mata. Hindi makapaniwala ang maganda nitong mukha noong mga sandaling iyon!‘Ma… maaaring mukha itong ordinaryong tao pero hindi siya ordinaryong tao. Maaari kayang…’Dito na sumigaw si Yvonne ng, “Ikaw ba ang humigop sa spiritual energy ni Brie?”Tumawa naman si Antigonus habang sumasagot ng, “Ano pang silbi ng paghahanap mo sa katotohanan? Nandito ka na pero hindi mo pa rin ako matalo para maipaghiganti ang iyong kapatid.”Dahan dahan siyang naglakad palapit habang tinitingnan niya si Yvonne mula ulo hanggang paa. ‘Hindi na masama. Maganda ang isang ito. Nagawa na akong mapamangha ni Brie pero kakaiba ang babaeng ito. Naglabas ito ng isang malambot at mahinhing aura sa kaniyang katawan.’Hindi naging kumportable at hindi natuwa sa ginagawang pagtingin ni Antigonus si Yvonne. Nabahala siya nang husto kaya agad siyang nagtanong ng, “Ikaw… ano ang sinus
Nagfocus ang atensyon ng lahat kay Antigonus bago magsimulang magusap usap ang mga ito.“Mukhang pamilyar ang isang ito…”“Hindi ba siya si Young Master Lambert? Siya ang nasa gitna ngayon ng stage.”“Oo, pero hindi ba’t para na rin siyang gumawa ng sarili niyang hukay nang gawin niya iyan? Hindi pa niya nagagawang magpalakas noon.”Habang nasa gitna ng kanilang usapan, marami nang mga tao ang suminghal matapos nilang maisip na para bang gumagawa lang si Antigonus ng sarili niyang hukay. Dito na nagkaroon ng lakas ng loob ang mga tao sa paligid na magpunta sa gitna.“Isa lang itong young master ng isang mayamang pamilya. Walang kahirap hirap.”“Haha! Hayaan mong ako na ang maunang humamon sa iyo!”Isang maskuladong lalaki ang tumakbo papunta sa stage. Tumitig siya kay Antigonus gamit ang naghihinanakit niyang mga mata.“Ano naman ang problema sa pagiging mayaman, Bata? Bakit mo ba kailangan pang sumali sa tournament na ito? Napakahirap talagang intindihin ang isip ng mayayamang
“Sinuwerte siya nang manalo siya sa sagupaan nilang iyon kaya paano niya ito nagawang ipagmayabang? Hayaan mong ako…”“Haharapin ko na rin ang isang ito…”Nang dahil sa tindi ng kanilang galit, marami sa mga elite ang dumagsa sa stage. Pero wala pang isang round ay nagawa nang patalsikin ang mga ito sa ere ni Antigonus. Nagcollapse ang mga ito sa lupa bago sumigaw sa tindi ng sakit na kanilang tinamo.Hiss!Agad na nabalot ng katahimikan ang ere sa loob ng isang iglap habang gulat na nakatitig ang lahat kay Antigonus na kasalukuyang nakatayo sa gitna ng stage.Ga… ganyan ba talaga katindi ang young master ng pamilya Lambert?Dito na tumingin sa kaniyang paligid si Antigonus para sabihing, “Mayroon pa ba sa inyo na nagnanais humarap sa akin?"Nabalot nang katahimikan ang paligid nang marinig nila ang mga salitang ito sa ere dahil wala nang kahit na sinong manonood ang sumagot sa tawag ni Archfiend. Hindi sasapat maging ang puwersa ng 10 tao para tapatan siya.Siguradong kamataya
Buwisit!Nagliyab sa galit ang dibdib ni Forsythe habang tumatayo ito para walang takot na harapin ang tingin ni Antigonus. At pagkatapos ay bigla itong sumigaw ng, “Ang lakas naman ng loob mong pagsalitaan ako nang ganiyan ah? Kilala mo ba kung sino ako?”“Mukhang marami ka nang nalalaman sa mga bagay bagay para makilala ang Blood Fiend Bead. Ha ano naman ang tungkol dito kung ganoon? Makinig ka—nasa mga kamay ko na ang buhay mo ngayon kaya susundin mo ang mga ipinaguutos ko. Naiintindihan mo?”Sa totoo lang ay nasurpresa nang husto si Forsythe nang makilala ni Antigonus ang bead.At nang isipin niya pa ito nang maigi, nagawa nang sagupain ni Skylar ang napakaraming mga elite mula sa iba’t ibang mga sekta sa buong daigdig nang maghasik ito ng lagim sa mga tao nitong nakaraang taon bilang pinuno ng mga fiend.Maaaring isa si Sir Lambert sa mga elite noong labang iyon kaya nakilala nito ang bead na inilabas niya.Hindi na ito importante pa dahil nainom na ni Antigonus ang tsaang m