“Buwisit! Nahuli ako ng Heaven Cult sa kaniyang villa noong isang araw. Kaya mukhang galit pa rin siya sa akin!” Isip ni Darryl.“Ms. Newman, hihingi po sana ako ng pabor sa inyo. Puwede ko po kasi itong ikamatay,” Nagmamakaawang sinabi ni Darryl.Kahit hindi niya gaanon katagal nakilala si Circe, alam niyang mayroon pa rin itong mabuting puso sa ilalim ng nanlalamig niyang ugali. Dahil kung hindi, hinding hindi siya nito mapapatawad noong nakawin niya ang phone nito sa Oriental Pearl. “Puwede mong ikamatay?” Sagot ni Circe. Kumindat naman si Evelyn sa mga sandaling ito habang iniisip na kahinahinala ang ginagawang ito ni Darryl, “Tigilan mo na iyang arte mo Darryl! Alam ko namang gusto mo lang mapalapit kay Circe, tama? Huwag na huwag mong maiisip ang bagay na iyan, hayop ka! Umalis ka na rito at huwag mo nang sirain ang araw namin!” Gumaan ang pakiramdam ni Evelyn matapos sampalin si Darryl pero nainis pa rin ito sa ipinapakitang itsura ni Darryl sa mga sandaling ito. Hindi
Hindi naman nagpaapekto si Darryl sa ginagawang panloloko ng mga ito.“Seryoso ako rito, Ms. Newman. Pakusap, sabihin mo na sa akin kung magkano mo ito gustong ibenta? Kailangan ko ito para iligtas ang buhay ng isang tao!” Seryoso nitong sinabi. Dalawang oras na ang nakalilipas kaya hindi na alam ni Darryl ang kasalukuyang kundisyon ni Dax, o kung lumalala na ba ang mga sugat nito. “Para iligtas ang isang buhay? Kaninong buhay?” Simangot ni Circe. Pawis na pawis na nagpunta rito si Darryl at hindi na rin niya pinansin maging ang pagsampal ni Evelyn sa kaniya kanina na para bang nagpapanic sa isang bagay. “Kay Dax.” Sagot ni Darryl. “Dax Sanders?” Isip ni Circe. Mukhang seryoso si Darryl sa kaniyang mga sinabi. Ibinaba ni Circe ang kaniyang wine glass at agad na ibinigay ang kaniyang necklace kay Darryl. “Kung ganoon, kunin mo ito. Iligtas mo na muna siya, saka na natin pagusapan ang tungkol sa pera.”Buhay na ng tao ang nakataya rito! Kaya siyempre, kinakailangan niya ito
“Bakit ba napakahirap pakiusapan ng isang ito?” Isip ng galit na si Darryl.Gagawin niya ang lahat para iligtas ang buhay ni Dax. Kaya walang pagaalinlangan siyang yumuko sa harapan ni Evelyn at seryosong sinabi na, “Nagmamakaawa ako sa iyo, Ms. Evelyn. Ibigay mo na sa akin ang Heart of the Ocean.” Tiningnan siya ni Evelyn at nakangiting iniling ang kaniyang ulo. “Hindi, hindi pa ito sincere.” Hindi naman makapagsalita rito si Darryl. “Buwisit, bakit di ko na lang buksan ang puso ko at ibigay sa kaniya para lang makita ang sincerity ng mga sinabi ko!?”Nagiisip siya nang marinig niya ng magdemand si Evelyn ng, “Lumuhod ka at magmakaawa sa akin.” Nagdilim ang mukha ni Darryl habang hindi na mapigilan ng mga babae sa kaniyang paligid na tumawa nang malakas. Umupo silang lahat sa mga upuan habang hawak hawak ang kanikanilang mga kape at pinapanood ang mga susunod na mangyayari. Gusto sanang magsalita ni Circe pero wala siyang nagawa dahil sa pressure na ibinigay sa kaniya ng kaniy
“Dalian mo!” Sigaw ni Evelyn, nakahanda na ang kaniyang mga daliri para sirain ang necklace.Hindi naman na makapagpigil sa kaniyang sarili si Circe.“Tama na, Evelyn,” mahina nitong sinabi.Kahit na nadismaya siya ni Darryl nang dalawang beses at tumakas mula sa villa, mukhang totoo nga talaga ang kaniyang rason kung bakit niya nagawa ito. Pero naging mapagmatigas si Eveyln. Iniling niya ang kaniyang ulo at sinabing, “Circe, huwag ka ngang maawa sa mga lalaking katulad niya.” Ngumiti si Evelyn habang pinapanood ang nagpipigil sa kaniyang galit na si Darryl. “Ano na? Gusto mo akong labanan? Bibigyan kita ng tatlong segundo para hugasan ang paa ko, kung hindi ay tuluyan mo nang hindi makikita ang Heart of Ocean na ito.” “Three!” Nanlalamig na sinabi ni Evelyn. “Two!” Nanatili namang tahimik si Darryl, nanginig ang buo niyang katawan habang nilalabanan nang husto ang kaniyang galit. Siguradong ito na ang katapusan ni Dax kung hindi niya pagbibigyan ang gusto ni Evelyn. At sa
Alas kwatro na ng madaling araw nang magsimulang umambon sa labas ng mansyon na pagaari ng mga Sanders, dito na muling nakatulog nang malalim si Darryl. Pero sa pagkakataong ito ay paulit ulit siyang nanaginip hanggang sa may maramdaman siyang sumisipa sa kaniyang binti.Dito na siya biglang nagising, agad niyang nakita ang nakangiting si Dax na nakatayo sa pinto habang nakatingin pababa sa kaniya. “Darryl? Pinatatawa mo ba ako matapos mong magbantay sa akin na parang guwardiya? Haha!” Tawa ni Dax habang paliyad liyad sa kaniyang kinatatayuan. Dito na lumabas ang luha sa mga mata ni Darryl habang ginagawa ang kaniyang makakaya para huwag umiyak sa harap ni Dax. “Buhay siya. Buhay si Dax!” Isip ni Darryl. Agad siyang napatalon at napayakap nang mahigpit kay Dax. “Hayop ka. Bakit mo ako niyayakap!” Nandidiring sinabi ni Dax, pero hindi na niya mapigilan pa ang napakalaking ngiti sa kaniyang mukha. Sinuntok niya si Darryl sa dibdib at tumatawang sinabi na, “Oo nga, buhay ako! H
Oo, Si Abbess Mother Serendipity ang master ni Megan. Technically, ito ang ikalawa niyang master.Limang taon na ang nakalilipas, noong sumali si Megan sa sekta ng Emei. Bilang miyembro ng pinakabagong henerasyon ng mga Senior Sister sa Emei, itinuturing noon ni Megan bilang kaniyang master ang pinuno ng kanilang sekta.Pero nitong mga nakaraang taon ay kinailangan ng kanilang pinuno na magconcentrate sa pagpapalakas kaya wala na itong naging sapat na oras para sanayin ang kaniyang mga disipulo.Dito na sinimulan ni Abbess Mother Serendipity na sanayin si Megan, at turuan ito tungkol sa kaniyang pagpapalakas. Kaya nagkaroon si Megan dito ng napakalalim na respeto kasabay ng pagtuturing niya kay Abbess Mother Serendipity bilang sarili niyang Master.Halos matumba si Darryl nang marinig niya ito. Akala niya ay nabibingi lang siya kaya muli siyang nagtanong ng, “Sino nga ulit ang master mo?” Simangot nito.Hindi nakaramdam ng kahit na anong pagtutol si Megan sa naging boses ni Darryl
Ano ang nangyayari? Ano ang nangyari rito?“Nandito ako, Hubby.” Nababahalang lumapit si Lily kay Darryl.“Ano ang nangyari, Lily?” Nakahinga na nang maluwag si Darryl nang makita niyang hindi nasaktan ang asawa niyang si Lily.Napakaganda ni Lily sa suot niyang skinny jeans na nagpakita sa kaniyang mga hita. Nagmukha naman siyang kabighabighani sa suot niyang high heels. Ito ang dahilan kung bakit hindi maiwasang mapatingin sa kaniya ng mga kalalakihan.Niyakap ni Lily si Darryl at sinabing, “Katatawag lang sa akin ni mama, Darryl,” iyak nito, “Naaksidente raw siya kanina, kaya agad kong sumugod dito pero hindi ko pa rin siya mahanap hanggang ngayon. Natatakot na ako.”Nabangga si Samantha ng sasakyan?Tinapik naman ni Darryl ang likuran ni Lily para icomfort ito at sabihing. “Huwag ka nang magpanic, sigurado akong ok lang ang lahat.” Tumingin siya sa paligid habang yakap yakap si Lily, dito na kumabog nang husto ang kaniyang puso.Buwisit, mukhang sangkot sa isang car accident
Ngumiti si Darryl at nanatiling tahimik. Sanay na siya sa mga panenermong ito ni Samantha.Matapos makita kung paano siya nito hindi pansinin, agad na nagalit nang husto si Samantha. “Ang kapal mong tumawa nang ganiyan sa harapan ko? Hindi na dapat ako pumayag na ipakasal noon ang anak ko sa iyo! Tingnan mo ang mga manugang ng ibang mga pamilya, maituturing nang successful at mayaman ang bawat isa sa kanila. Ikaw? Kumusta ka naman? Hindi ko na sana ibebenta ang mansyon kung magagawa mo lang kumita ng 10,000 dollars kada buwan!”Napakagat na lang sa kaniyang labi si Lily at sinabing. “Tama na, Mom.” Sinubukan niyang depensahan si Darryl.Dito na lumingon si Samantha kay Lily at sinabing. “Ano ba ang problema mo Lily? Bakit ba mahal na mahal mo ang lalaking iyan? Basta, makikipagdivorce ka sa kaniya bukas.”Si Darryl ang may kasalanan kung bakit siya nasa sitwasyong ito ngayon.Tiningnan ng lahat si Darryl at iniling ang kanilang mga ulo. Narinig nilang lahat kung paano nagkaroon si