Share

Kabanata 371

Oo, Si Abbess Mother Serendipity ang master ni Megan. Technically, ito ang ikalawa niyang master.

Limang taon na ang nakalilipas, noong sumali si Megan sa sekta ng Emei. Bilang miyembro ng pinakabagong henerasyon ng mga Senior Sister sa Emei, itinuturing noon ni Megan bilang kaniyang master ang pinuno ng kanilang sekta.

Pero nitong mga nakaraang taon ay kinailangan ng kanilang pinuno na magconcentrate sa pagpapalakas kaya wala na itong naging sapat na oras para sanayin ang kaniyang mga disipulo.

Dito na sinimulan ni Abbess Mother Serendipity na sanayin si Megan, at turuan ito tungkol sa kaniyang pagpapalakas. Kaya nagkaroon si Megan dito ng napakalalim na respeto kasabay ng pagtuturing niya kay Abbess Mother Serendipity bilang sarili niyang Master.

Halos matumba si Darryl nang marinig niya ito. Akala niya ay nabibingi lang siya kaya muli siyang nagtanong ng, “Sino nga ulit ang master mo?” Simangot nito.

Hindi nakaramdam ng kahit na anong pagtutol si Megan sa naging boses ni Darryl
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status