“Napakabait mo talaga Ray. Magkano pala ang bili mo rito?” Nasasabik na tanong ni Samantha.“Wala lang po iyan, Tita Samantha,” sagot ng kumakaway na si Ray, “Hindi nga po iyan umabot ng 100,000. Pero bagay na bagay po iyan sa iyo!”Agad na nasabik nang husto si Samantha nang marinig niya ito. Mas nagustuhan pa niya ang binatang si Ray.Humarap naman si Ray kay Lily at sinabing, “Matagal tagal na rin tayong hindi nagkita.”Tinanguan naman ito ni Lily.“Mas gumanda ka pa lalo mula noong huli kitang makita,” gentleman na sinabi ni Ray. Dito na siya tumingin kay Darryl na may halong pandidiri habang sinasabi na, “At ikaw naman ang kilalang si Darryl Darby.”Alam ng buong Donghai City ang pagpapakasal ng napakagandang si Lily Lyndon sa isang walang kuwentang talunman.Hinila ni Samantha si Ray sa isang tabi at suminghal ng, “Huwag mo nang sayangin ang panahon mo para makipagusap sa talunang ito. Halika rito, ipapaliwanag ko sa iyo ang nangyari.” Dito na ipinaliwanag ni Samantha ang
Sa loob ng isang Executive Suit ng Metrojade Private Club makikitang nagrerelax sina Felix Blakely at Cyrus Carney. Dalawang magaganda at seksing mga babae ang nagbibigay sa kanila ng masahe.Natuwa si Felix dahil nagawa ng tauhan niyang si Cyrus na kumita ng daan daang milyon mula sab ago nitong financial corporation. Sa lugar na ito siya nilibre ng kaniyang tauhan para sa isang nakarerelax na massage session.“Felix, ngayong mayaman na ako, gusto sana kitang pasalamatan nang husto!” Tawa ni Cyrus. Tiningnan nito ang isang babae na may hawak na mutton fat jade sa kaniyang mga kamay.Itinaas ni Cyrus ang kaniyang mga kilay at sinabing. “Narinig kong mahilig ka raw sa mga jade.” Paliwanag nito, “Ngayong nagawa ko nang kumita nang kaunti, binili ko ang mutton fat jade na ito bilang regalo sa lahat ng nagawa mo sa akin.”“Magaling!” Tango ni Felix. Alam talaga ng tauhan niyang ito kung paano siya pasasayahin. Hindi talaga nasayang ang ilang taon ng pagsubaybay na ginawa niya rito.
Nakaramdam si Lily ng matinding awkwardness dahil sa tigas ng ulo ni Ray sa ginagawa nitong panliligaw sa kaniya noon. Kahit matagal na niya itong hindi nakakausap, nagkaroon pa rin siya ng utang na loob sa ginawa nito ngayon.“Maraming Salamat, Ray,” Bulong ni Lily.“Oo nga, maraming Salamat, Ray!” Dagdag ni Samantha. Tumitig ito kay Darryl habang dumudurang sinabi na, “Hinding hindi mababalik sa akin ang pera ko kung aasa ako sa manugang kong ito. Libre ka ba mamayang gabi Ray? Samahan mo kaming magdinner!”“Wala pong problema Tita!” Tango ni Ray. Natuwa siya habang sumasagot ng, “Tawagan mo lang po ako kung kailangan mo ng kahit na anong tulong sa susunod, Tita Samantha!”At pagkatapos ay sinipa nito si Cyrus at sinabing. “Hayop ka, paano mo nagawang manloko ng tao nakawin ang pinaghirapan nilang pera, sinisiguro kong hindi magiging maganda ang mga susunod na yugto ng buhay mo! Umalis ka na sa harapan ko!”Hindi nagawang magsalita ng kahit na ano ni Cyrus habang nakaluhod ito s
“Pasensya ka na, Kuya D! Hindi ko alam na siya pala ang biyenan mo! Kung alam ko lang, hinding hindi ito papasok sa isipan ko!” Sigaw ni Cyrus, nagdugo ang kaniyang noo matapos nitong paulit ulit na inuntog ang kaniyang ulo sa sahig habang nagbobow.Sa loob ng isang iglap, nagulat ang lahat sa kanilang nakita!Ano ang nangyayari?Ang “Kuya D” na hinahanap ng Cyrus na ito ay ang nakikitirang manugang na iyon?Natigilan din dito si Samantha, hindi na niya nagawa pang makatayo sa mga sandaling ito habang namamanghang tinitingnan si Darryl. Ibinalik ni Cyrus ang kanilang pera sa sobrang takot nito kay Darryl!“Patawarin mo na ako, Kuya D, pakiusap, patawarin mo na ako. Kailangan mo akong mapatawad!” Umiiyak na sinabi ni Cyrus. Niyakap nito ang binti ni Darryl at nagmamakaawang sinabi na, “Kung hindi ka pa natutuwa, bibigyan ko pa sila ng 30 million bilang paghingi ko ng tawad sa kanila! Patawarin niyo lang po ako…”Nasusurpresang napapigil hininga ang lahat! Nakaramdam din sila ng so
Hindi pa nagbibihis si Samantha hanggang sa sandaling ito. Agad namang napalunok dito si Darryl. Hindi niya maiwasang tingnan nang paulit ulit si Samantha. Nagawa nitong mapanatili ang magandang hubog ng kaniyang katawan at mapanatiling bata ang kaniyang itsura. Kaya sa bawat sandaling tumatayo ito sa tabi ni Lily, agad na mapagkakamalang magkapatid imbes na magina ang dalawang ito.Nilagay ni Samantha ang isa sa kaniyang mga daliri sa kaniyang bibig para patahimikin si Darryl. “Huwag mo nang buksan ang ilaw. Tulog na si Lily, ayoko na siyang magising.”Ano? Huwag nang buksan ang mga ilaw? Bakit napakamisteryoso nito ngayon?Sa loob ng isang mansyon na makikita sa tabing dagat ng Donghai City, isang matandang lalaki ang makikitang nakaupo sa sofa. Ito ay walang iba kundi si Zion Featherstone, ang lolo ni Evelyn. Siya ang uminom ng walang bisang Godly pill noon at nawalan ng malay sa auction ng pamilya Rogers.“Tulungan mo nga akong tingnan ito, Grandpa—totoo ba ang Yang pill na ito
Marami sa mga tao ang kabilang sa itaas na bahagi ng lipunan, kagaya nina Brandon Guy, Abby Guy, Abbess Mother Serendipity at mga tumatayong pinuno ng mga kilalang pamilya sa Donghai City.“Pa…”Lumuhod ang umiiyak na si Drake Darby sa tabi ng kama. Hinawakan niya ang kamay ng nakatatandang Darby at nabubulunang nagsalita ng, “Dad, gumising ka na…”Si Drake ang pinakanaapektuhan sa pagpanaw ng kanilang ama. Agad na bumagsak ang itsura ng lahat sa kanilang paligid.Agad na tumingin si Drake kay Florian na nasa kaniyang likuran at nagtanong ng, “Ano ang nangyari? Ok pa naman ang lagay niya kanina noong umalis kami sa ospital? Bakit siya biglang nawala?”Dito na napatingin ang lahat kay Florian Darby.Agad naman itong nagpanic habang tinatamaan ng kaniyang konsensya. Nahihirapan siyang magisip ng sasabihin habang nabubulol na nagsasalita ng, “Hi…Hindi ko alam. Basta na lang siya…”Agad namang tumayo si Yumi at napatili sa sobrang galit habang sinasabi na. “Si Darryl ang may kagagaw
Wala lang ang mga papuring ito para kay Abbess Mother Serendipity. Lumaki siya sa Emei sect kung saan tumatak sa kaniyang isipan ang palaging pagpanig sa hustisya. Kaya walang kahit na anong lugar ang kasamaan sa kaniyang puso.Habang nagiisip ay mas tumitindi ang galit na kaniyang nararamdaman. Tumingin siya kay Drake at dumura, “Isang makasaysayang pamilya ang mga Darby. Pero sino nga ba ang magaakala na magagawa rin nilang magkaroon ng isang failure na miyembrong kagaya ni Darryl. Huwag kayong magalala, hindi ko hahayaang ipagpatuloy ni Darryl ang mga kasamaang ginagawa niya. Ako na mismo ang papatay sa pesteng ito.”Buong pasasalamat namang tumingin si Drake kay Abbess Mother Serendipity. At pagkatapos ay malakas itong tumango.RING! RING! Kasabay nitong nagring ang isang telepono. Nilapitan ng isa sa mga tagasunod ng Emei si Abbess Mother Serendipity at magalang na sinabing “Mula po ito kay Sister Megan, Master.”“Hello, Megan,” Mahinhing sagot ni Abbess.Sa lahat ng kaniya
Napahinga nang malalim si Abbess Mother Serendipity bago tuluyang sumabog sa galit, “Hindi ko na kailangan pang ipaliwanag sa iyoa ng lahat. Basta huwag na huwag ka ng makikipagkita sa kaniya kahit na kailan. Naiintindihan mo ba?”Ano? Pinagsamantalahan ang asawa ng kaniyang kapatid? Pinatay ang kaniyang lolo?Naconfused dito si Megan. Pagkatapos ng isang sandali ay maingat nitong sinabi na, “Nagkakamali po yata kayo Master. Hindi po ganitong klase ng tao si Darryl. Tumutulong po siya sa iba at puno rin po ng tapang—isa siyang mabuting lalaki.”Hindi magagawa ni Darryl ang mga ganoong klase ng bagay. Imposible!“Kalat na sa pamilya Darby at sa mga taong malapit sa kanilang pamilya ang mga kahihiyang nagawa niya. Kaya paano ako magkakamali?” Simangot ni Abbess. “Wala akong pakialam sa anumang sasabihin mo. Sa sandaling suwayin mo ang mga utos ko, huwag mo na akong ituring na Master. Megan, sabihin mo nga sa akin ang totoo. May nararamdaman ka ba para kay Darryl?” Bihirang makaramdam