Hindi pa nagbibihis si Samantha hanggang sa sandaling ito. Agad namang napalunok dito si Darryl. Hindi niya maiwasang tingnan nang paulit ulit si Samantha. Nagawa nitong mapanatili ang magandang hubog ng kaniyang katawan at mapanatiling bata ang kaniyang itsura. Kaya sa bawat sandaling tumatayo ito sa tabi ni Lily, agad na mapagkakamalang magkapatid imbes na magina ang dalawang ito.Nilagay ni Samantha ang isa sa kaniyang mga daliri sa kaniyang bibig para patahimikin si Darryl. “Huwag mo nang buksan ang ilaw. Tulog na si Lily, ayoko na siyang magising.”Ano? Huwag nang buksan ang mga ilaw? Bakit napakamisteryoso nito ngayon?Sa loob ng isang mansyon na makikita sa tabing dagat ng Donghai City, isang matandang lalaki ang makikitang nakaupo sa sofa. Ito ay walang iba kundi si Zion Featherstone, ang lolo ni Evelyn. Siya ang uminom ng walang bisang Godly pill noon at nawalan ng malay sa auction ng pamilya Rogers.“Tulungan mo nga akong tingnan ito, Grandpa—totoo ba ang Yang pill na ito
Marami sa mga tao ang kabilang sa itaas na bahagi ng lipunan, kagaya nina Brandon Guy, Abby Guy, Abbess Mother Serendipity at mga tumatayong pinuno ng mga kilalang pamilya sa Donghai City.“Pa…”Lumuhod ang umiiyak na si Drake Darby sa tabi ng kama. Hinawakan niya ang kamay ng nakatatandang Darby at nabubulunang nagsalita ng, “Dad, gumising ka na…”Si Drake ang pinakanaapektuhan sa pagpanaw ng kanilang ama. Agad na bumagsak ang itsura ng lahat sa kanilang paligid.Agad na tumingin si Drake kay Florian na nasa kaniyang likuran at nagtanong ng, “Ano ang nangyari? Ok pa naman ang lagay niya kanina noong umalis kami sa ospital? Bakit siya biglang nawala?”Dito na napatingin ang lahat kay Florian Darby.Agad naman itong nagpanic habang tinatamaan ng kaniyang konsensya. Nahihirapan siyang magisip ng sasabihin habang nabubulol na nagsasalita ng, “Hi…Hindi ko alam. Basta na lang siya…”Agad namang tumayo si Yumi at napatili sa sobrang galit habang sinasabi na. “Si Darryl ang may kagagaw
Wala lang ang mga papuring ito para kay Abbess Mother Serendipity. Lumaki siya sa Emei sect kung saan tumatak sa kaniyang isipan ang palaging pagpanig sa hustisya. Kaya walang kahit na anong lugar ang kasamaan sa kaniyang puso.Habang nagiisip ay mas tumitindi ang galit na kaniyang nararamdaman. Tumingin siya kay Drake at dumura, “Isang makasaysayang pamilya ang mga Darby. Pero sino nga ba ang magaakala na magagawa rin nilang magkaroon ng isang failure na miyembrong kagaya ni Darryl. Huwag kayong magalala, hindi ko hahayaang ipagpatuloy ni Darryl ang mga kasamaang ginagawa niya. Ako na mismo ang papatay sa pesteng ito.”Buong pasasalamat namang tumingin si Drake kay Abbess Mother Serendipity. At pagkatapos ay malakas itong tumango.RING! RING! Kasabay nitong nagring ang isang telepono. Nilapitan ng isa sa mga tagasunod ng Emei si Abbess Mother Serendipity at magalang na sinabing “Mula po ito kay Sister Megan, Master.”“Hello, Megan,” Mahinhing sagot ni Abbess.Sa lahat ng kaniya
Napahinga nang malalim si Abbess Mother Serendipity bago tuluyang sumabog sa galit, “Hindi ko na kailangan pang ipaliwanag sa iyoa ng lahat. Basta huwag na huwag ka ng makikipagkita sa kaniya kahit na kailan. Naiintindihan mo ba?”Ano? Pinagsamantalahan ang asawa ng kaniyang kapatid? Pinatay ang kaniyang lolo?Naconfused dito si Megan. Pagkatapos ng isang sandali ay maingat nitong sinabi na, “Nagkakamali po yata kayo Master. Hindi po ganitong klase ng tao si Darryl. Tumutulong po siya sa iba at puno rin po ng tapang—isa siyang mabuting lalaki.”Hindi magagawa ni Darryl ang mga ganoong klase ng bagay. Imposible!“Kalat na sa pamilya Darby at sa mga taong malapit sa kanilang pamilya ang mga kahihiyang nagawa niya. Kaya paano ako magkakamali?” Simangot ni Abbess. “Wala akong pakialam sa anumang sasabihin mo. Sa sandaling suwayin mo ang mga utos ko, huwag mo na akong ituring na Master. Megan, sabihin mo nga sa akin ang totoo. May nararamdaman ka ba para kay Darryl?” Bihirang makaramdam
Dito na malademonyong tiningnan ni Samantha si Darryl—isa pa rin talaga itong talunan! Pero nagawa niyang maisip na nagawa na nitong magimprove. Pero ang totoong rason kung bakit ibinalik ni Cyrus ang kanilang pera ay dahil kay Dax.Ngumiti rito si Darryl. Hindi na niya binigyan pa ng kahit na anong paliwanag si Samantha. Sanay na siya sa giangawa nitong pangmamaliit mula noong una pa lamang.Tumalikod si Samantha at umalis sa kaniyang kuwarto matapos malaman ang sinasabi nitong katotohanan.Nang bigla siyang matapilok sa suot niyang high heels. Babagsak na siya nang mabilis na nasalo ni Darryl ang kaniyang baiwang.“Napakabango niya,” Isip niya. “Magiingat po kayo sa susunod,” Tumatawa nitong sinabi.“Huwag mo akong hawakan walang kuwenta ka!” Napahiya at naoffend dito si Samantha. Isang malaking insulto para sa kaniya ang paghawak sa kaniyang katawan ng isang talunan na kagaya ni Darryl.Pinakawalan siya ni Darryl habang iniisip na, “Sinalo kita para hindi ka matumba! Walang ma
Hindi naman siya pinansin ni Xavier. Agad niyang kinuha ang kamay ni Lily at kumindat na sinasabing. “Huwag ka nang mahiya Lily. Inaalagaan ko lang ang mga estudyante ko. Kaya kainin mo na ito.”Agad nitong idinikit kay Lily ang hawak nitong paper back. Agad namang nagpanic ang namumulang si Lily at bumulong ng, “Hayaan niyo na po ako, Mr. Xavier. Huwag po…”Agad na nagliyab ang mga mata ni Darryl. Hindi na naging maganda ang kaniyang araw matapos pagtawanan ng buong klase, at ngayon naman ay nagawa ng manyak na itong bastusin ang kaniyang asawa. Hindi na niya mapipigilan pa ang kaniyang sarili!“Alisin mo ang mga kamay mo sa kaniya!” Sigaw ni Darryl habang tinutulak si Xavier sa gilid.Nawala sa kaniyang balanse si Xavier habang sumisigaw pabalik ng, “Ikaw nanaman! Hindi pa ako nakakabawi sa iyo noong nakaraan!”Noong huli nilang PE class, nagselos si Xavier nang makipagusap sina Lily, Yvonne at Circe kay Darryl. Kaya binato niya ito ng basketball, pero nagawa pa rin siyang pahin
Namula ang mga mat ani Darryl. Mahahalatang galit ito. Kinakailangan niyang bugbugin si Xavier ngayong araw anuman ang mangyari!“Isa talagang mangmang si Darryl. Gusto niya talagang maghanap ng gulo matapos hamunin si Mr. Xavier?”“Haha! Deserve niya iyan!”Walang sinuman ang pumigil sa away habang umaasa ang ibang mga estudyante na mabugbog si Darryl.Isa nang Level Five Master General si Xavier. Hindi nga ganoon katindi ang kaniyang lakas pero sapat na ito para bugbugin ang isa sa mga estudyante ng Hexad. “Tuturuan kita ng leksyon!” Sigaw ni Xavier habang papalapit nang papalapit ang kaniyang suntok sa dibdib ni Darryl.Nagalala ang ilang mga kababaihan kay Darryl—siguradong dudurugin ng suntok na ito ang kaniyang mga ribs! Kahit na hindi siya mamatay, magiging paralisado naman ang buo niyang katawan!Pero walang naging intensyon si Darryl na tumakas o iwasan ang suntok. Namaster na niya ang Pure Energy Scripture—kaya mas puro na ang kaniyang internal energy kaysa sa kaniyang
“Argh!” Halos mawalan na ng malay si Xavier habang malakas na tumutulo ang dugo sa kaniyang ilong. Dito na siya humingi ng tulong, “Tulungan ninyo ako!”Agad namang nakabalik sa realidad ang ilang mga lalaking malapit kay Xavier.“Halika na! Dali!”“Tulungan natin si Mr. Xavier!”Sumugod sila para tulungan si Xavier.“Umalis kayo rito!” Sigaw ni Darryl habang tumatayo para sampalin ang mga ito.SMACK! SMACK! SMACK!Agad na bumagsak ang mga tutulong kay Xavier nang matanggap nila ang napakalakas na sampal mula kay Darryl. Agad namang napasigaw dito ang ilang mga kababaihan. Sino nga ba ang magaakala na magagawa ng isang estudyanteng bugbugin nang ganito ang isang PE Teacher?“Humingi ka na ng tawad ngayundin!” Utos ni Darryl habang sinisipa ang ulo ni Xavier.“Hayop ka, Darryl. Papatayin kita!” Nagsara nang husto ang mga kamao ni Xavier. Pero agad siyang nawalan ng kontrol sa kaniyang sarili. Hindi pa siya napahiya nang ganito noon. Kaya wala na siyang hiniling kundi ang pagkam