Share

Kabanata 373

Ngumiti si Darryl at nanatiling tahimik. Sanay na siya sa mga panenermong ito ni Samantha.

Matapos makita kung paano siya nito hindi pansinin, agad na nagalit nang husto si Samantha. “Ang kapal mong tumawa nang ganiyan sa harapan ko? Hindi na dapat ako pumayag na ipakasal noon ang anak ko sa iyo! Tingnan mo ang mga manugang ng ibang mga pamilya, maituturing nang successful at mayaman ang bawat isa sa kanila. Ikaw? Kumusta ka naman? Hindi ko na sana ibebenta ang mansyon kung magagawa mo lang kumita ng 10,000 dollars kada buwan!”

Napakagat na lang sa kaniyang labi si Lily at sinabing. “Tama na, Mom.” Sinubukan niyang depensahan si Darryl.

Dito na lumingon si Samantha kay Lily at sinabing. “Ano ba ang problema mo Lily? Bakit ba mahal na mahal mo ang lalaking iyan? Basta, makikipagdivorce ka sa kaniya bukas.”

Si Darryl ang may kasalanan kung bakit siya nasa sitwasyong ito ngayon.

Tiningnan ng lahat si Darryl at iniling ang kanilang mga ulo. Narinig nilang lahat kung paano nagkaroon si
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status