Pagkatapos ibaba ang phone, pinadala ni James ang bank account number ni Scarlett. Samantala, tumingin si Jose kay James. Nainggit siya sa kayamanang mayroon si James. Kahit mula siya sa Ishkabar, narinig niya ang tungkol sa Black Dragon. Gusto ng mga negosyante na makipagnegosyo sa Southern Plains para magbayad ng malaking protection fee sa Black Dragon sa nagdaang mga taon. Habang nangyayari ito, hindi ito pinansin ng Hari ng Sol. Kahit na lieutenant si Jose, nag-aalangan siyang kumilos nang sobra-sobra. Kung iimbestigahan ng higher-ups ang bagay na ito, katapusan na ng karera niya sa militar. Nginitian ni James si Jose na pinagpapawisan na parang isang makasalanan sa simbahan. "Wag kang kabahan. Kalma ka lang. Sa pagitan lang nating dalawa to. Nag-utos na ako na ipadala sa'yo ang pera. Malapit mo nang matanggap ang pera. Maghintay ka lang." Pinunasan ni Jose ang pawis sa noo niya. "A-Anong gusto mong ipagawa sa'kin?" Sumagot si James, "Wala naman. Dalhin mo
Kinawayan lang siya ni James. "Hindi mo kailangang mag-alala. Kaya kong gumawa ng human-skin masks. Ibigay mo lang sa'kin ang materyales na kakailanganin ko." "Sige." Tumango si Jose. "Magpahinga ka rito. Maghahanda ako." Tumalikod si Jose para umalis. Habang hinahanda ang kakailanganing materyales, pumili rin si Jose ng mga taong mapagkakatiwalaan niya para sa misyon. Hindi nagtagal, nakumpleto na niya ang paghahanda niya. Nagsimulang gumawa si James ng human-skin mask. Hindi nagtagal bago nakumpleto ang maskara. Suot ang maskara, si James ay isa ngayong medyo may-edad na lalaking may kayumangging balat. Tahimik na lumipas ang gabi. Sa sumunod na umaga, nagpunta si James sa military region ng Southern Plains kasama ng isang dosenang sundalo. Sa isang bakanteng lote sa military region ng lungsod, nakatayo ang isandaan mahigit na sundalo. Sila ay mga magagaling na fighters na pinili mismo ng mga general at lieutenant. Nakatayo si Pablo sa pinakaharap at tin
Nag-wan ng maraming marka si James sa buong military region. Ang mga markang ito ay para sa mga assassin. Ang mga pangkaraniwang tao ay hindi mauunawaan ang secret code. Hindi alam ni James kung paano nagawa ng iba na makapasok sa loob. Subalit, hindi niya alam na ang lahat ay nagawang makapasok sa loob ng siyudad. Ito ay dahil sa nag-iwan sila ng mga hindi halatang palatandaan sa mga sulok ng military region. Ang lahat na ngayon ay nasa pwesto. Ang kailangan na lang nilang gawin ay maghintay na gumabi. Ang mga heneral ng dalawampu’t walong bansa ay malapit nang makita si kamatayan. Subalit kapag nabigo sila James at ang mga assassin, ito na ang magiging huli nilang hantungan. Ito ay dahil sa ang mga hukbong sandatahan na nakadestino dito ay masyadong malakas. Ang kalaban nila ay mga elite troops na may halos isang daang tao. Sa madaling salita, masyadong delikado ito para sa kanila. Hindi lang yun, may isang tatlong-milyong-malakas na hukbo ang nakadestino sa Southern
Ang kanyang layunin ay ang papuntahin dito si James at patayin ito. Sigurado siya na papasukin ni James ang Southern Plains City. Malamang ay naghahanap ito ng pagkakataon para makapuslit sa loob ng military region at patayin ang mga heneral ng dalawampu’t walong bansa. Medyo magulo ang pakiramdam ni Floyd. Pumunta siya sa gusali sa may military region at nagpatawag ng isa pang pagpupulong kasama ng mga heneral. Gusto niyang mag-isip ng paraan para mapapunta si James dito. At sa mga oras din na ito, sa isang kusina sa military region… Pagkatapos i-deliver ng driver ang mga gulay, ang iba pa ay sinimulan na ibaba ang mga ito. Ang mga lalaki mula sa kusina ay nilapitan sila para tulungan. “Magpahinga muna kayo. Kami na ang bahala dito.” Ang nagbaba ng mga gulay ay mabilis na inantala ito para pigilan ang lalaki na nasa kusina mula sa pagtulong sa kanila na magbaba ng mga ito. Dahil sa hindi naman gaano karami ang ginagawa nila, ang mga lalaki mula sa kusina ay masaya p
Ito ang military region ng Southern Plains City. Dito ang lugaw kung saan naka-istasyon ang Black Dragon army noon. Si James ang commander-in-chief ng Black Dragon army. Kung kaya't alam niya ang heograpiya at kondisyon ng equipment dito sa loob at labas. Alam niya na aabutin ng isang minuto ang generator bago gumana tuwing blackout. Dahil dito, mayroon lang siyang isang minuto para patayin ang mga heneral ng twenty-eight nations. Gayunpaman, halos imposibleng makapasok sa conference room at tapusin sila sa loob lang ng isang minuto. Sa loob ng conference room, kausap ni Floyd ang mga heneral. Bigla na lang, dumilim ang kwarto. Umingay ang alarm. Kahit na gumana kaagad ang backup lights, nataranta pa rin ang mga heneral nang narinig nila ang alarm. Kinuha nila ang mga sandata nila at tinitigang maigi ang pintuan. Ang ilan ay nakahanap ng lugar na mapagtataguan. "Wag kayong mataranta!" Sumigaw si Floyd, "Mahigpit ang security dito. Imposibleng nandito an
Binahagi na ni James ang lahat ng impormasyon tungkol sa military region sa kanila bago pumunta dito. Dahil dito kaya nalaman ni May ang pasikot-sikot sa loob ng lugar. Kaagad niyang inutos, “Putulin niyon ang lahat ng koneksyon ng conference room sa labas at paganahin ang defense system.” Habang may baril na nakatutok sa likod ng kanyang ulo, ang taong nakatoka ay sinunod ang kanyang utos. Nakatayo si James sa may pinto ng conference room. Makalipas ang ilang sandali, nilapitan niya si Floyd at nagtanong, “Dahil sa ayos naman na ang lahat, kailangan ko pa bang bantayan ang labas o mananatili na lang dito?” Nakaupo si Floyd sa upuan habang pinupunasan ang pawis sa kanyang noo. Hindi niya pinansin kung paano siya kausapin ng sundalo. “Magbantay ka lang sa Labas! Maging alisto!” “Masusunod.” Tumango si James at umikot. Sa sandaling lumingon siya, nagpaputok siya. Ang mga sundalong nagbabantay sa may pinto ay kaagad na bumulagta habang naliligo sa sarili nilang dugo. A
Hindi kumbinsido si James na talagang tinawagan ni Floyd ang Emperor. Subalit, alam niya na kahit hindi ang Emperor ang nakatanggap ng tawag, at tunay na tao ay marahil nakikinig mula sa ibang lugar. Walang boses ang lumabas sa phone. Nagpatuloy si James sa pagsasalita kahit na walang sumasagot. “Walang akong pakialam kung ano ang habol mo. Tinitiyak ko sayo na pipigilan kita.” “Beep!” Binaba na ng kabilang partido ang phone. “Hindi ka na makakalabas dito ng buhay, Black Dragon.” Tiningnan ni Floyd si James at pinagbantaan ito. “Maraming sundalo ang nakabantay sa labas, lalo na ang tatlong-milyong-malakas na mga sundalo na naka-istasyon sa Southern Plains City. Nagawa mo ngang makarating dito, pero huwag mong isipin na makakalabas ka pa dito ng buhay.” “Ganun ba”? Nginitian lang siya ni James. “Kung nagawa kong makarating dito, kung ganun ay ibig sabihin lang nito ay may paraan din para makalabas ako dito. Ah, siya nga pala, ito nga pala ang conference room ng Black Dra
Nagpatuloy si James, “Kapag nagsimula na ang tunay na laban, hindi ito matatapos ng ganun kadali. Ang Black Dragon army ay tatawid ng Mt. Thunder Pass at lilipulin ang dalawampu’t walong bansa.” Ang bawat salita na sinambit ni James ay nagdala ng takot sa puso ni Pablo. Nang marinig niya na ang dalawampu’t walong bansa ay mabubura sa isang kisapmata, hindi niya mapigilan na manginig. “U-Uutusan ko na sila na umatras.” Alam ni Pablo na ang kanilang misyon na patayin ang Black Dragon ay nabigo. Alam din niya na ang Black Dragon ay hindi magdadalawang-isip na patayin siya kapag hindi niya ito sinunod. Bukod dun, kapag nagsimula ang isang malaking laban sa pagitan ng tatlong-milyong-malakas na hukobo at ng Black Dragon army, magiging madugo at marahas ang laban. Sa may surveillance room… Nang makita niya ito, isang ngiti ang namutawi sa mukha ni May at ng iba pang mga assassin. “Nagawa natin!” “Oo. makakaalis na tayo sa lugar na ito ng buhay.” “Huh… Ang pagpasok ng pali