Nanginig ang buong katawan ni Pablo. Pagkatapos, gumewang gewang siya at natalisod palabas ng central command. Mabilis niyang ibinigay ang utos ng pag-atras. Ang alyadong puwersa ng dalawampu’t walong bansa ay mabilis na umatras. Kasabay nito, tinawagan ni James si Henry at inutusan ito na pamunuan ang Black Dragon army papunta sa Southern Plains City at umistasyon dun. Sa loob ng isang gabi, ang lahat ng hukbong sandatahan ng dalawampu’t walong alyadong bansa at umatras. Nabawi ng Black Dragon army ang Southern Plains City. Kinaumagahan ng sumunod na araw… Si James, na nakasuot ng Black Dragon robe, ay nasa may conference room ng Southern Plains military region. “Levi, pamunuan mo ang Black Dragon army at bantayan ang perimeter sa loob ng 400-kilometer radius. Kapag may nakita kayong hukbo ng kalaban, barilin niyo kaagad.” “Masusunod.” Kaagad na tumayo si Levi at ibinigay ang utos. Dahil binigyan ni James ang alyadong hukbo ng dalawampu’t walong bansa ng oras
Subalit, ang mga reporter na nasa harapan ng Black Dragon Palace ay namataan ang convoy. “Isang convoy.” “Malamang ang Black Dragon yan.” “Dali!” Tumakbo sila ng mabilis papunta sa convoy at pinalibutan ito bago pa man ito makaalis. “Ano na ang gagawin natin ngayon?” Tanong ng driver. Alam ni James na hindi siya pakakawalan ng mga ito ng hindi nakakakuha ng ilang salita mula sa kanya. Binuksan niya ang pintuan ng kotse at bumaba ng convoy. Suot niya ang titular niyang Black Dragon robe na may nakaburdang makatotohanan na itim na dragon dito. Isang five-star badge ang makikita sa kanyang robe. “Dragon General!” Bukod sa mga reporter, maraming ring mga mamamayan ng Sol dito. Sa sandaling bumaba si James ng kotse, binati siya ng hiyawan at papuri ng mga ito. Isang grupo ng mga reporter ang pumalibot kay James. Namumula ang kanilang mga pisngi, at bakas ang tuwa sa kanilang mga mukha. Sa wakas ay nasilayan din ng kanilang mga mata ang tagapagbantay ng Sol. “Dr
Humikab si James. Nanuot sa kanyang mga buto ang kanyang pagod. Kailangan na niyang magpahinga. Pagkatapos punan ang pagtataka ng mga walang patawad na mga reporter, umikot skiya at sumakay sa convoy. Muli niyang kinausap ang driver, “Sige, umalis na tayo. Pumasok ka na sa Black Dragon Palace.” “Masusunod." Pinaandar ng driver ang makina. Sa ilalim ng mapagmatyag na tingin ng mga tao, dahan-dahan itong pumasok sa loob ng Black Dragon Palace. Kumalat ang balita ng interview ni James. Na-translate ito sa iba’t ibang lingwahe sa buong mundo. Sa bahay ng mga Callahan sa Cansington… Kakagising lang ni Thea. ilang araw na siyang hindi nakakatulog ng maayos. Patuloy niyang sinundan ang mga kaganapan sa sitwasyon sa labanan sa bawat sandaling magagawa niya. Nagdasal siya na sana ay maiwasan ang pagdanak ng dugo. Makalipas ang ilang araw ng walang pagbabago sa lugar ng digmaan, nakahinga siya ng maluwag. “Thea, dali! Halika dito! May malaking nangyari!” Narinig niya s
Galit na galit ang Emperor. Lumuhod sa sahig ang ilang mga babae at nanginig sa takot. Pagkatapos niyang ilabas ang sama ng loob niya, pinakalma ng Emperor ang kanyang sarili. Umupo siya sa sofa at nagsindi siya ng sigarilyo. Binuo niya ang planong ito upang patayin si James. Ngayon, bukod sa hindi pa siya patay, nagawa pa niyang pahangain at protektahan ang buong Sol. Sa taglay niyang kasikatan at karangalan, mas magiging mahirap na siyang patayin ngayon. Kailangang mamatay si James. Habang naninigarilyo siya, nag-isip siya ng mga paraan upang tapusin si James. "Mukhang kailangan kong humingi ng tulong sa matandang 'yun." Pagkalipas ng mahabang oras, nagsalita ang Emperor. Nagmadali siyang tumayo. "Ihanda niyo ang kotse." Umalis sa Capital ang Emperor at nagtungo siya sa bundok sa suburbs. Tinatawag na Five Monasteries Mountain ang bundok na ito, na hango sa monasteryo na matatagpuan sa tuktok nito. Nagtungo ang Emperor sa tuktok ng bundok. Sa lo
Sa Black Dragon Palace sa Southern Plains… Kulang na kulang na sa tulog si James. Noong sandaling nakarating siya sa Black Dragon Palace, agad siyang naglakad papunta sa kanyang kama at nakatulog siya. Buong araw siyang natulog. Growl~ Tumunog ang kanyang sikmura. Bumangon si James at hinimas niya ang kanyang tiyan. Tumingin siya sa labas. Madilim na ang langit. Pagkatapos, kinuha niya ang kanyang phone at tiningnan niya ang oras. Alas otso na ng gabi. Napansin niya na may ilang mga missed call at messages sa phone niya. Ang lahat ng ito ay mula kay Quincy. Sumimangot siya at bumulong, "Anong binabalak ng babaeng 'to?" Hindi niya pinansin ang mga message. Nagbihis lang siya at umalis. Maraming ordinaryong mamamayan at mga mamamahayag ang nagtipon sa labas ng Black Dragon Palace. Ang ilan ay may hawak na mga bulaklak, habang ang iba naman ay may mga hawak na banner. Maraming mga armadong sundalo ang nakabantay sa entrance ng Black Dragon Palace.
Di nagtagal, nakatapos nang kumain si James. Pinunasan niya ang kanyang mga labi. "Sige na, pwede ka nang umalis. Papuntahin mo dito ang mga assassin." "Sige." Agad na niligpit ni Levi ang mga pinggan. Pagkatapos nun, umalis na siya. Di nagtagal, dumating si May at ang iba pa. Habang tinitingnan niya ang mga assassin sa harap niya, sinabi ni James na, "Tigilan na natin ang mga pormalidad. Maupo kayo." Noong narinig nila ito, nagsiupo sila. Noong hinarap nila si James noong nasa Cansington sila, hindi sila gaanong natatakot sa kanya. Ngayon, habang kaharap nila siya bilang ang Black Dragon suot ang kanyang Black Dragon robe, hindi maipaliwanag ang bigat na nararamdaman nila. Nakakasakal ito. Tumingin sa kanila si James. "Malaki ang naging kontribusyon niyo sa pagpatay sa mga heneral ng kalaban. Sumulat na ako ng application sa mga nakakataas na bigyan kayo ng posisyon. Kapag pumayag sila, magiging mga deputy commander kayo ng Black Dragon Army—ang pinakamagaling sa
Pagkatapos niya silang kausapin, pinaalis na sila ni James. Muling natahimik ang Black Dragon Palace. Nagpunta si James sa rooftop sa ikatlong palapag. Nakasandal siya sa isang upuan, nanigarilyo siya habang pinagmamasdan niya ang mga bituin sa kalangitan. Naisip niya ang mga tao sa Cansington. Kahit na nasa Southern Plains siya, nasa Cansington ang puso niya. Napaisip siya kung magkakaroon pa ba siya ng pagkakataon na bumalik sa Cansington. Noong mga oras na iyon, gusto niyang uminom. Subalit, wala si Henry. Bumaba siya ng hagdan at nagpunta siya sa imbakan ng alak. Kumuha siya ng ilang bote ng wine na binigay sa kanya ng mga mangangalakal dati at bumalik siya sa rooftop. Mag-isa siyang uminom sa katahimikan ng gabi. Noong sandaling iyon, may naalala siyang isang tao. Nilabas niya ang kanyang phone at tinawagan niya si Quincy. Buong araw na nasa labas ng Black Dragon Palace si Quincy. Sa kabila nito, hindi siya binigyang pansin ni James. Dahil di
Naglakad si Quincy palapit kay James. Nakasuot siya ng pulang slip dress na hindi natatakpan ang kanyang mga balikat. Tinatangay ng hangin ang kanyang mapula at kulot na buhok. Maganda at kaakit-akit ang kanyang mukha, at bumagay sa kagandahan niya ang lipstick na gamit niya.Nginitian niya si James na nakaupo sa isang bangko na may nakakalat na mga bote ng alak sa sahig. “Mukhang ang sarap ng buhay mo ah.” Tumayo si James at pinaupo niya si Quincy sa tabi niya, “Maupo ka. Hindi mo na kailangang maging pormal.” Umupo si Quincy sa harap ni James. Bahagya niyang inayos ang kanyang dress at tinakpan niya ang kanyang mga binti upang hindi niya aksidenteng maipakita kay James ang pang-ilalim niya. Hindi napansin ni James ang maliliit niyang kilos. Dumampot siya ng bote ng alak at hinagis niya ito papunta kay Quincy. Pagkatapos, nginitian niya siya, “Nababagot na akong uminom ng mag-isa. Kailangan ko ng kausap.” Napansin ni Quincy na napakataas ng alcohol content ng bote na inabot